CHAPTER NINETEEN: The Biggest Escape Hindi mapakali si Cassie sa kinauupuan niya. Inaalala pa rin niya ang nakita niya kagabi. Kating-kati na siya na sabihin kay Jess ang nakita pero kailangan niya munang malaman ang totoo mula kay Detective Lance. Hindi magandang maging padalos-dalos sa mga desisyon. Naalala niya na binigyan siya ng calling card ng detective. Kinuha niya ‘yon mula sa kanyang wallet. Mabilis niyang idinial ang numerong naka-print roon. Ilang sagit lang ay may sumagot na. “Hello?” panimula niya. “This is Lance, speaking. How can I help you?” “Detective Lance, si Cassandra David ito. Gusto sana kita makausap,” aniya ngunit may kaunting kaba sa boses. “Ganoon rin sana ang gusto kong