CHAPTER EIGHTEEN: Blood is Thicker Than Water Pabalik na mula sa burol sina Jess at Luke para sunduin si Stef sa kanyang lola. Mabilis lang ang magiging biyahe nila dahil maluwag ang daloy ng trapiko. Anong oras na rin kasi at nakauwi na marahil ang mga tao. “Parang ang daming nangyari kanina. Sa dami rin kasi ng tao, may makikita at makikita ka talagang pamilyar sa ‘yo. Sa tingin mo?” tanong ni Jess sa asawa na kasalukuyang nagmamaneho. “Normal lang naman. Baka pakiramdam mo lang ‘yon dahil kaibigan mo siya. Halos iisa lang ang mundong ginagalawan niyo kaya may pagkakataon talaga na may makikita kang pamilyar para sa inyong dalawa,” sagot nito na hindi inililihis ang mata sa gawi ni Jess. “Siguro nga,” nawika na lang niya.