CHAPTER ONE: A Letter from the Past

1895 Words
CHAPTER ONE: A Letter from the Past Jess’ POV                 May 7.                 Sarah’s birthday. Sampung taon na rin ang nakakalipas nang mamatay siya. Sa araw mismo ng kaarawan niya. Nanatiling sikreto ang nangyari noong araw na ‘yon. Nangako kami sa isa’t-isa na walang makakaalam nito.                 Kahit isa. Hanggang kamatayan. Tanging Diyos lang ang makakaalam.                 Pero kahit sabihin kong napakatagal na nito, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang trahedyang pilit na gumigising sa aking katauhan. Araw-araw kong pinagsisisihan na naging saksi ako nito.                 Tingin ng marami, masaya na ako sa buhay ko. Isang anak at asawa. Magandang trabaho. Masaganang pamumuhay. Lahat ng hinihiling ng isang babae para sa kanyang buhay, mayroon ako. Wala na kong mahihiling pa. Maliban ang kalimutan ang nangyari, sampung taon ng nakararaan.                 “Mommy?” Si Stef, nag-iisa kong anak. Gradeschooler palang siya, and I must say na masaya ako kahit nag-iisa lang siya.                 “What, baby?” tanong ko sa kanya.                 “Kanina mo pa po kasi hawak ‘yang envelope. Saka nandito na po ‘yong bus,” aniya at sabay nguso sa bus. Muntik ko nang makalimutan. May ‘Happy Birthday’ kasing nakalagay sa envelope na hawak ko. Naalala ko tuloy ang araw na ‘yon. Nawala tuloy sa isipan ko na kailangan ng pumasok ni Stef. Napasok siya para sa summer class.                 “Sige baby. Mag-iingat ka. Remember ang mga bilin ko, ha. H’wag uuwi mag-isa. Wait for us. Saka don’t talk to strangers, baby. Okay?” Bumaba mula sa school bus ang driver. Lumapit siya para sunduin si Stef.                 “Magandang umaga, Mrs. Stone,” bati sa akin ni Archie, ang school bus driver.                 “Mommy, I’ll go na po.” Iniwanan niya ako ng halik sa pisngi bago umalis. Dumiretso na siya sa school bus saka kumaway sa akin pagsakay.                 “Hindi niyo na ba susundan si Stef? Nakakalungkot na isa lang ang anak,” saad ni Archie.                 Oo. Karaniwan sa ina na gusto ng anak na marami lalo na kung may babae. Isa lang ang anak ko at lalaki pa. Sinasabi ko na lang na okay na ang isa kaysa wala. Pero… Gusto ko pa ng isa. Kahit isa na lang.                 “Okay na sa akin si Stef. Masaya na ako sa kanya. Makita ko lang na ligtas siya, okay na okay na sa akin,” pagsisinungaling ko.                 “Kaligtasan. Tama. ‘Yon ang kailangan nila sa panahon ngayon.” Natahimik siya. “… kung bakit namatay ang kapatid ko noon.”                 Natahimik kami pareho. Kamatayan. Lagi na lang.                 “Okay. Baka ma-late pa ang mga bata sa school. Sige mauna na kami, Mrs. Stone,” pagpapaalam niya sa akin.                 “Kayo rin. Mag-iingat kayo.” Kumaway ako bilang pagpapaalam. Pumasok na ako sa bahay nang makaalis ang school bus. Naalala ko ang hawak-hawak kong envelope.                 Para saan naman kaya ito? Marahil ay isang imbitasyon sa isang kaarawan. Matagal-tagal na rin akong walang natatanggap na ganito. Naging masyado akong busy sa buhay pag-aasawa kaya halos lahat ng oras ko ay binibigay ko na sa asawa’t anak ko.                 Tiningnan ko na ang envelope kung ano ang laman. Isang pulang laso at isang card. Nanlamig ang katawan ko. Mabilis ang t***k ng puso ko. Hinihiling ko na sana ay isang simpleng invitation card lang ito. Sana… dahil natatakot ako para sa asawa at anak ko. Para sa sarili ko.                 Binuklat ko ang laman ng card.                 It can’t be. Ayoko. ~~~ Cassie’s POV                 “Dra. David, tumawag po si Mrs. Sanchez. Pinapasabi niya po na hindi siya makakarating sa Miyerkules. Out of town po kasi siya ngayon at hindi niya alam kung anong araw siya makakauwi,” sabi ng sekretarya kong si Lexie saka ibinigay sa akin ang isang tasang kape.                 “Okay lang.” Humigop ako ng kape. Tiningnan ko ang kalendaryo.                 May 7. Sampung taon na rin palang nakakalipas. Sampung taon na rin akong nakikipaglaban sa bangungot na iyon. Hindi ko na rin pala nakakausap ang mga kaibigan ko. Taon na siguro. Pero si Jess, kamakailan lang. Magkalapit lang kasi kami ng bahay.                 May nag-alok sa akin noon na mangibang-bansa. Pero umayaw ako. Kahit na sabihin kong nasa ibang bansa ako, makakaramdam lang ako ng pangungulila.                 “Doktora, ito nga po pala ‘yong mga nakuha ko sa mailbox.” Inabot niya sa akin ang mga papel. Karaniwang galing ang mga ito sa pasyente ko. Halos business-related ang ilan. Bihira lang maiba.                 Bills… bills… letter… letter… envelope? Binuksan ko ang laman n’on. Pangkaraniwan kung titingnan. Walang nakasulat kung kanino galing ang sulat.                 Pulang laso.                 Napangiwi ako. Bakit ngayon pa? Kung kailan tahimik na ako. Lalo pa akong nanlumo ng makita ko ang laman nitong card. May nakasulat na, ‘Happy Birthday.’ Hindi ko kaarawan. Pero kaarawan ng ibang tao.                 Si Sarah.                 Sinabi ko na sa kanila. May ibang tao nang araw na iyon. Hindi sila nakinig sa akin. Hindi lang kami ang naroroon. Sigurado ako.                 “Doktora, may problema ba? Nanginginig ka,” kinakabahang tanong ni Lexie. Napatingin ako sa kanya. Naguguluhan siya sa inaasal ko. Tama. Wala kasi siyang alam. Wala siyang alam sa nangyari nang gabing iyon. Kami lang ang makakalutas ng problemang ito.                 “May tanong ako sa’yo. Nakakita ka na ba ng patay?” Natanong ko out of nowhere.                 “Po? Bakit niyo po naitanong? Mga baliw lang po ang lagi kong nakikita rito sa clinic,” natatawa niyang sabi.                 “Pasensya na. Naitanong ko lang naman.” Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Natatakot na ako para sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ako kasama nang araw na iyon, matatahimik na sana ako.                 “Okay lang. Pero nakakita na ako ng patay.” Tumahimik siya saka napangiti. “Umiiyak ako ng mga oras na iyon. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng taong ‘yon. Ang paghihirap niya. Gusto kong maghiganti sa mga taong gumawa sa kanya no’n pero wala akong kakayahan.”                 Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang galit niya. Galit na galing sa isang paghihiganti.                 Tumunog bigla ang telepono sa gitna ng pag-uusap namin. Inabot ko iyon. Pamilyar ang boses sa kabilang linya.                 Si Jess? Hindi. Si Sam ‘to. Hindi ako pwedeng magkamali.                 “Sam?” umpisa ko.                 “Cassie… Natatakot ako. Nakatanggap ako ng invitation mula kay Sarah. I know ang babaw ko para matakot pero I can’t help it.” Halatang nanginginig ang boses ni Sam sa kabilang linya. Ramdam ko ang takot niya.                 Tumingin ako kay Lexie, pagpapahiwatig na iwanan niya muna ako. Naintindihan naman niya ang senyas kong iyon. Lumabas siya ng kwarto at saka isinara ang pinto.                 “Nakatanggap din ako. Relax lang, Sam. Hindi naman tayo sure kung totoo ba ‘to o isang prank,” pagpapaliwanag ko.                 “Pero kung prank lang ‘to, sino naman sa atin? Tayong apat lang ang nakakaalam ng tungkol dito.”                 “H’wag ka nga mag-panic. Hindi pa naman natin nakakausap sina Jess at Celine. Malay mo joke lang’to.” Kahit malabong maging biro ‘to, kailangan ko pa ring magpakatatag.                 “Kung biro lang ‘to, hindi nakakatuwa.”                 Hinahabol na kami ng binuo naming bangungot. Kailangan naming magising nang sama-sama sa bangungot na ito.   ~~~   Sam’s POV                 Binaba ko na ang telepono.                 Maging si Cassie ay nakatanggap rin. Si Jess kaya? Si Celine? Nakatanggap rin kaya sila ng tulad sa amin? Sana biro lang ito. Hindi ako magagalit kung biro lang ‘to.                 Kanina pa ako naglalakad pabalik-balik sa condo unit ko. Hinihintay ko kasi si Rick, boyfriend ko. Isa kasi siyang pulis dito sa San Antonio, Bulacan  kaya laging gabi ang uwi niya.                 Hindi ko kakayanin ang pag-iisa rito sa bahay. Pakiramdam ko, may mga matang nakatingin sa akin – pinagmamasdan ang bawat ikilos ko.                 Paranoid. ‘Yon ang salitang nababagay para i-larawan ang nararamdaman ko ngayon. Walang paglagyan ang takot na sumasakop sa katawan ko.                 Narinig ko ang tunog ng doorbell. Nabuhayan ako bigla ng loob. Hindi na ako mag-iisa. Nagtungo ako kaagad sa pinto para pagbuksan si Rick. Nakatayo lang siya, dala-dala ang isang supot ng pagkain. Agad ko siyang niyakap. Panandalian akong nakaramdam ng kapanatagan sa sandaling iyon. Hindi na ako muling matatakot dahil alam kong ligtas na ako.                 “Sammy, ano’ng nangyari sa’yo?” Napansin niya ‘atang iba ang kinikilos ko.                 “Dito ka muna. Natatakot ako.”                 “Sige. Pero pwede bang pumasok muna tayo?” pag-aalok niya. Pumasok muna kami sa loob tulad ng sabi niya. Umupo kami sa couch para magpahinga.                 “May problema ba?” tanong niya sa akin. Nagsimula na naman akong manginig sa takot.                 “Natatakot ako para sa buhay ko.” Humikbi ako. Natulo na pala ang mga luha ko. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa takot. Takot na takot ako. Hindi ko kasalanan ang nangyari nang gabing iyon. Hindi namin intensyon. Bakit ba kasi ako nakasama ng gabing iyon? Kung pinigilan ko lang ang mga nangyari.                 Sana… Edi sana…                 Niyakap ako ni Rick. Nakaramdam na naman ako ng kaligtasan sa mga bisig niya. Sana dito na lang siya, kasama ko parati para hindi na ako natatakot.                 “Ayaw ko na maalala ang gabing ‘yon,” saad ko.                 “Anong gabi?”                 “Gabi nang mamatay si Sarah. Hindi ko kasalanan ang pagkamatay niya. Silang tatlo ang pumatay sa kanya. Nando’n lang ako.” Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Alam kong sikreto lang ‘to pero wala na akong mapagsabihan. Kailangan kong may mapagsabihan para gumaan-gaan ang pakiramdam ko.                 “Naniniwala ako sa’yo Sammy.” Nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Galit ito. Kanino?                 Humiga lang ako sa katawan niya. Sana matapos na ang araw na ‘to. Gagawa ako ng paraan para mabuhay.                 Mabubuhay ako.   ~~~   Celine’s POV                 Ang araw na ito. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko pa rin makalimutan. Nanatiling sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ang malagim na sinapit ni Sarah.                 Nangako kami sa isa’t-isa na walang makakaalam tungkol sa nangyari nang gabing iyon. Tanging kami lamang. Babaunin namin ang bangungot na iyon hanggang sa kamatayan. Mananatiling sikreto ‘yon tulad ng aming isinumpa.                 Kinuha ko ang isang kahon sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ‘yon. Laman n’on ang mga larawan naming lima. Hindi. Apat lang pala. Nilagyan ko ng itim na marka ang mukha ni Sarah sa lahat ng larawan na magkakasama kami. Hindi naman talaga siya kasama sa grupo namin. Kumbaga, saling pusa lang siya.                 Nang mamatay si Sarah, masaya ako hindi tulad ng iba na sobrang natakot. Inosente kami sa pagkamatay niya. Siya rin ang nagdala sa sarili niyang kamatayan.                 Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumambad sa akin si Manang Leslie bitbit ang isang envelope.                 Si Manang Leslie na ang nag-alaga sa akin hanggang paglaki. Busy kasi ang mga magulang ko sa pagpapayaman. Hindi na nila namalayan ang paglaki ko. Minsan lang din nila ako dalawin kaya malayo ang loob ko sa kanila. Kaya sa mga kaibigan at kay Manang Leslie lang ako nakakahanap ng pagmamahal at pag-aaruga.                 “Ano po ‘yan Manang Leslie?” tanong ko tungkol sa hawak-hawak niya.                 “Para sa’yo ‘ata ito, Celine. Wala namang nakalagay kung saan galing. Mabuti pa ay basahin mo na lang.” Iniabot niya sa akin ang envelope. “Maiwan muna kita. Nakulo na kasi ‘yong niluluto ko.” Naglakad na si Manang Leslie palabas ng kwarto.                                             Happy Birthday. My 10th Year Death Anniversary                                                                                                         Lovelots,                                                                                                         Sarah                 Hindi na ako nabahala pa sa nabasa ko. Alam kong darating ang araw na ‘to. Na muling babalik ang bangungot na binuo namin. Magkikita-kita ulit kami ng mga kaibigan ko. Magiging masaya ulit ako dahil makakasama ko na muli sila.                 Sinuot ko sa kamay ang pulang laso na kasama sa envelope. Tanda iyon ng aming pagkakaibigan. Pagkakaibigang hindi mabubuwag kahit ano pa man ang mangyari. Kahit pa kamatayan ang humadlang sa amin.                 Maging kamatayan man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD