Eden POV 4:30 PM. Ngumiwi ako habang hinuhubad ang suot kong pang-itaas. Balot ng bendahe ang tagiliran ko dahil sa daplis ng bala at medyo malalim ito. Pati rin ang kanang braso ko, may benda rin. Paano ko kaya ito itatago kay Bryce? I sighed. Pagkatapos kong madala si Rain sa police station ay agad akong dumeretso sa HQ at nagpagamot sa sugat ko. The doctor wanted me to stay in the infirmary so that I can rest but I insisted to go home. At hinatid naman ako ni Agent Hacker. Dahan-dahan ang bawat galaw ko habang nagpapalit ako ng damit. Panay rin ang ngiwi ko dahil kumikirot ang sugat ko tuwing gagalaw ako. Nagsuot ako ng sweatpants at humiram ako ng t-shirt ni Bryce at iyon na ang isinuot ko. Lumabas ako ng walk-in closet at dahan-dahan akong humiga sa tabi ni Bryce. I let out 'um