CHAPTER 1
Eden POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sinabi nila mom at dad kanina sa lunch namin. Umuwi pa naman ako para makasama ko sila pero iba naman ang isinalubong nila sa akin. They wanted me to marry the son of their business partner. I tsked. As if naman papayag ako. Bata pa kaya ako para mag-asawa. I'm still enjoying my single life. At isa pa, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend tapos asawa na agad. Tsaka paano ko pa magagawa ng maayos ang trabaho ko kung may makikialam na business partner nila para tumigil na ako sa pagiging secret agent ko. Yes, i'm a secret agent pero dito lang ako masaya. Masaya ako sa trabaho ko. Mahirap man at delikado pero masaya ako.
SPECIAL SECURITY AND INVESTIGATIVE AGENCY o SSIA. Ang pangalan ng organisasyon na kinabibilangan ko. Tumutulong kami sa mga kasong hindi kayang solusyunan ng gobyerno. Walang nakakaalam sa ahensiya na ito kundi ang mga miyembro o agent ng ahensiya at ang gobyerno lamang. Bawat agent ay may sariling code name para na rin sa aming kaligtasan.
"Anak, lumabas ka dito kwarto mo. Nasa baba si Amigo at Amiga, gusto ka nilang makilala." Sabi ni mommy na kapapasok lang dito sa kwarto ko.
I rolled my eyes.
"Ayoko, mommy."
"Anak-"
Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko marinig ang sasabihin ni mommy.
Tinignan ako ng masama ni mommy kaya tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa tenga ko.
"Eden." My mom used her warning tone.
I sighed in defeat. "fine."
Walang imik na lumabas ng kwarto ko si mommy.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumitig sa kisame. When my phone buzzed.
911, Light. Katana needs help.
-Boss
I quickly get up from bed and went inside my walk-in closet. Nagpalit ako ng damit. I wore my black jeans, black shirt and black jacket. Inistrap ko ang baril sa magkabilang hita ko. kinuha ko ang susi ng ducati at helmet ko.
When someone knocked at the door. "Young Lady, hinihintay po nila kayo." Wika ni Nanay Helen. Ang mayordoma ng mansion.
"Pakisabi po, pababa na po ako."
"Sige po, Young Lady."
I sighed and stepped out of my room. Pagkababa ko ng living room ay nakita ko agad ang bisita ng mga magulang ko.
"Oh 'yan na pala ang aming magandang anak ..." nawala ang ngiti ni mommy nang makita niya ang suot ko. Pinandilatan naman ako ni Daddy pero ngumisi lang ako.
"Your Daughter is very beautiful." Wika ng ginang.
Pilit akong ngumiti. "kumusta po?"
"Maayos naman kami, hija." Hindi nakaligtas sa akin ang pagsuyod niya sa akin ng tingin mula ulo hanggang paa pero wala naman akong makitang panghuhusga sa mata niya.
"She is our eldest daughter, Amiga. Si Eden. Ang bunso namin ay nasa dorm niya." Siniko ako ni mommy. "Bakit ganiyan ang suot mo?" pasimple nitong bulong.
"Kinagagalak ko po kayong makilala, sir, maam." Sabi ko at bahagyang yumuko. Hindi ko pinansin ang tanong ni mommy.
Malugod na ngumiti ang ginang at ang asawa nito.
Umangkla si mommy sa braso ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. I need to go kailangan kong tulungan ang mga kaibigan ko.
"Sila ang business partner namin, anak. Si Mr and Mrs.De Fazzio." Sabi ni Dad.
Hinawakan ng ginang ang kamay ko. "Pasensiya ka na, hija, dahil hindi nakasama ang anak namin. May importante kasi siyang ginawa."
I chuckled. "Okay lang po at kung sakaling kasama niyo po siya ay baka hindi rin lang po kami magkakausap ng maayos dahil may importante rin po akong pupuntahan." I smiled.
Pasimple akong kinurot ni mommy. "Anong pupuntahan?"
"Mahal, hayaan mo na si Eden." Wika ni Dad.
"Umuwi kang walang sugat. Understand?" wika ni mom habang nakangiti sa bisita nila.
Tumango ako. "Yes, mom. Love you." Hinalikan ko sila pareho sa pisngi. Magalang naman akong nagpaalam sa mag-asawa. Pagkalabas ko ng mansion ay agad akong tumakbo papunta sa motor ko.
Sinuot ko ang earpiece ko para makausap ko si boss at baka masermunan na naman niya ako kapag hindi ako nagpaliwanag sa kanya ng maaga.
Sinenyasan ko ang guard na buksan niya ang gate.
"Boss?"
"Where the hell are you?!"
Ngumiwi ako at mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko.
"I'm on my way, Boss. Im sorry, may bisita kasi ang mga magulang ko."
"Okay ... okay. Bilisan mo lang, kailangan nila Katana ng tulong, na-trap sila sa loob ng container. Trinap sila ng kalaban. Sa Velasco's port."
"Copy, boss."
"And Light"
"yes, boss?"
"May Bomba sa container. Kapag nabuksan ang container, sasabog 'yon."
"Fudge! Boss, nandoon na ba si Bomber?" tanong ko.
"Nasa loob rin ng container si Bomber."
Napabuga ako ng hangin. "Ang ibang agent, Boss?"
"Papunta na sila sa location."
"Okay."
Natanaw ko na ang Velasco's Port pero may mga kalaban sa labas na nagbabantay. Sandali nga lang ... parang may mali, eh.
"Boss, tama ba ako ng iniisip?"
"Oo, Light. Hawak nila ang Velasco's Port."
Napailing ako at hinugot ang baril ko sa thigh holster. Agad kong binaril ang mga kalaban. Pinagewang-gewang ko ang takbo ng motor ko para hindi ako tamaan ng bala na nanggagaling sa mga kalaban. Bawat kalabit ng gatilyo ay sinisiguro kong natatamaan ko ang kalaban dahil sayang ang bala kung magmintis ako.
"Ang cool, ah." Narinig kong sabi ni Hacker. Ang computer expert ng ahensiya.
Napailing ako. "I bet. May drone kang sumusunod sa akin 'no?"
Tumawa lang ang mga ito kaya napailing ako.
"Boss, may kalaban pa ba?"
"According dito sa monitor ay wala na. Ligtas ka ng lalapit sa container pero hindi ligtas kung bubuksan mo agad."
"Saan ang container 'yon, boss?"
"Sa blue na container, sa kaliwa mo."
Agad kong hininto ang motor ko at tumingin sa kaliwa. Nakita ko agad ang blue na container. Bumaba ako mula sa motor ko at nilapitan ang container.
"You're right, Boss. May bomba nga." Napabuntong-hininga ako at napailing.
"They wanted to kill us. Hindi biro ang pagtrap nila sa mga kasama natin dito sa loob ng container."
I heard Hacker sighed. "Si Bomber lang ang nandito na nakakaalam kung paano mag-disconnect ng bomba."
Kumunot ang nuo ko. "Nasaan ang asawa niya?" tanong ko.
"Nasa New York, kaalis niya kaninang umaga."
"Oh, okay." I shrugged. "What can I do right now-"
"Disconnect the bomb."
Tinanggal ko ang helmet ko ang at sinalo ang drone ni Hacker at inilapit sa bomba.
"Boss, sigurado ka? Ako? Idi-disconnect ko ang bomba? Boss, wala akong alam sa pag-disconnect ng bomba?" Napailing ako.
"Light, wala tayong choice, malayo pa ang mga kasama mo. And look ... tatlong minuto na lang sasabog na ang bomba."
Huminga ako ng malalim. "Fine."
I can do this.