Eden POV 9:30 PM. "Where's the fuse?" Tanong ko kay Agent Hacker. "Actually, nasa likuran mo lang." Agad akong humarap sa likuran ko at ini-off ang fuse. Hinintay kong nag-adjust ang paningin ko sa dilim bago ko sinugod ng sipa ang dalawang lalaking papalapit sa akin. Agad silang nawalan ng malay. "Masyado yatang malakas ang pagkasipa mo." "Not really." Sabi ko at i-on ko ulit ang fuse. Nagliwanag ulit ang buong paligid. Hinila ko ang walang malay na dalawang lalaki at ipinunta sa may madilim na parte. Bumalik ako sa may pinto at dahan-dahang pinihit ang doorknob. I silently stepped inside. "They are in the living room, right?" Tanong ko. "Yes and you need to find the kid." I sighed. Kumuha ako ng apple sa may basket before I switch off the lights here in the kitchen. "Safe an