PARANg sasabog ang aking ulo sa aking narinig. Ang kapal ng mukha ng babaeng ito para utos-utusan lang ang aking Ina. Ngunit pasaway rin si Inay dahil walang salita na sumunod ito sa babaeng kabet ng aking ama.
Hindi ko alam kung makakapagtimpi ako sa mga inaasta ng babaeng ito. Hanggang sa magdesisyon akong bumakbang para sundan ang aking Ina.
“Hey! Ikaw, ikuha mo ako ng tubig!” mabilis akong lumingon sa babaeng tumawag sa akin para lang utusan ako. Salubong ang kilay ko na tumingin dito.
“Hindi ka naman baldado ‘di ba? Buntis ka lang, kaya kumuha ka ng tubig mo!” Malakas na sigaw ko sa babae. Kitang-kita ko naman ang galit nito sa akin.
“Makakarating ito kay Kulas!” sigaw ng babae. Ngunit nagkibit balikat lamang ako habang naglalakad para puntahan ang aking Ina. Nakita kong naglalaba sa poso ang aking Ina. Kahit hindi nito sabihin ay ramadam ko ang sakit ng puso nito. Ang tagal nilang naging mag-asawa. Ngunit sa isang iglap lang ay nasira na ang pamilya namin dahil sa babaeng mahilig kumabet sa lalaking hindi naman niya asawa.
“Inay!” pagtawag ko sa aking Ina. Agad naman itong lumingon sa akin. Napansin ko agad ang namamaga nitong mga mata, mukang umiyak na naman si Inay ng palihim. Talagang nakaramdam na ako nang awa para rito.. Ngunit ano’ng magagawa ko sa edad ko pa lang na ito na labing apat na taong gulang? Wala akong magawa upang maibsan ang sakit ng puso ng aking Ina. Ngunit sinubukan ko pa rin na kausapin ang Inay ko at baka matauhan ito.
“Inay, hanggang kailan ka magtitiis? Hahayaan mo na lang ba ang sarili mo na apak-apakan ng babaeng ‘yon? Nasaan na ang aking Inay na hindi basta nagpapaapin?”
“Black, ginagawa ko nito upang hindi masira ang ating pamilya? Ayaw kong lumaki kayo na walang ama ang gusto ko ay buo pa rin ang pamilya natin. Please anak! Hayaan na lang muna natin ang itay mo. Naniniwala akong babalik din siya sa atin. Kasalanan ko rin siguro dahil kulang ang pag-aasikaso ko sa kanya kaya humanap siya ng babae na mas may silbi sa kanya!” malungkot na sabi ng aking Ina.
“Mas gugustuhin ko pang walang makagisnang ama, kaysa naman magtiis tayo rito, Ina!”
“Huwag kang magalit sa ‘yong ama, Black. Kahit baliktarin mo pa ang mundo ay tatay po pa rin siya!” mariing sabi ng aking Ina. Iiling-iling na tumalikod na lamang ako. Sarado pa ang isip ng aking Ina. Naniniwala pa rin ito na magbabago si Itay at babalik sa amin. Paano mangyayari ‘yon? Eh, magkakaroon na ito ng anak sa babaeng kalaguyo nito.
Tuloy-tuloy na lang akong pumasok sa aking kwarto. Nawalan ako nang ganang kumain kaya matutulog na lamang ako na masama ang loob sa aking ama.
Kinabukasan ay amaaga akong nagising dahil may pasok ako. 3rd year high school na ako ngayon. Ngunit walang katiyakan kong nakakatapos ba ako dahil sa problema ng pamilya ko. Bahala na nga! Ngunit kahit anong mangyari ay magtatapos ako at ibibigay ko ang magandang buhay para sa aking Ina at dalawang kapatid.
“Black anak, lumabas ka na riyan para kumain ng umagahan. Saka, hindi ka kumain kagabi. Sige na, bumangon ka na riyan!” narinig kong pagtawag sa amin ng Inay ko.
“Sige po Inay, susunod na ako.” Bago lumabas ng silid ay humarap muna ako sa malaking salamin sa kwarto ko upang tingnan ang suot kong uniform. Inilugay ko lang ang aking buhok dahil basa pa ito. Hanggang sa magdesisyon na akong lumabas ng kwarto ko. Tuloy-tuloy akong pumunta sa hapagkainan. Nakita kong may nakahain na sa ibabaw ng lamesa. Ngunit biglang kumunot ang aking noo dahil may niluluto pa si Itay na tocino at may nakita rin akong palabok sa ibabaw ng lamesa ito. Alam kong si Inay ang nagluto nito dahil mahilig ito magluto ng mga pagkain kahit walang okasyon.
“Black, huwag mong kakainin ang palabok. Hindi ‘yan sa atin. Pinaluluto ng Itay mo para kay Jaya dahil gusto raw ng palabok lalo at naglilihi siya---” Bigla kong nahilot ang aking noo dahil sa nalaman. Hanggang kailan kaya magtitiis si Inay rito?
Walang salita na kumain na lamang ako. Pagkatapos ay mabilis din akong nagtoothbrush. Ngunit narinig ko ang boses ng aking ama na pumasok dito sa kusina upang alamin kung luto na ang pinaluluto nito kay Inay. Walang salita na nilampasan ko lamang ang aking Ama. Ngunit nagulat ako nang hawak nito ang aking braso.
“Umayos ka nang pasagot-sagot kay Jaya. Nakarating sa akin ang ginawa mong pasagot sa kanya. Alalahin mo anak lamang kita at ako pa rin ang masusunod sa bahay na ito!”
“Kulas, teka lang nasasaktan ang anak mo!” Mabilis akong hinila ni Inay mula sa pagkakahawak ni Itay sa aking braso. Galit na galit itong tumingin sa akin.
“Alalahin ninyo! Bahay ko ito! Kaya ako lang ang puwedeng masunod dito!” galit ulit na sigaw ng aking Ama.
“Alalahanin mo rin puwede akong pumunta sa pulis upang sabihin ang panloloko mo sa aking Ina. Wala kang kwentang Ama!” sigaw ko at talagang hindi na ako makatiis dahil sa ginawa nitong pagyurak sa pagkatao ng Inay ko. Ngunit bumaling papunta sa kanan ang aking mukha dahil malakas akong sinampal ng aking Ama. Peste! Dahil unang beses niya akong sinaktan. Kitang-kita ko rin ang gulat nito dahil sa ginawa sa akin ngunit saglit lang naman at muli na namang bumalik ang galit.
Iiling-iling na nagtatakbo ako papalalabas ng bahay namin. Narinig ko pa nga na tinawag ako ng Inay ko. Ngunit hindi ako lumingon at tuloy-tuloy lamang akong lumabas ng gate. Panay rin ang pahid ko ng aking luha habang naglalakad sasakyan ng tricycle.
Agad naman akong sumakay at nagpahatid sa school na kung saan ako nag-aaral. Mabuti na lang may natira pa akong pera kaya may pamasahe pa ako. Ngunit bukas ay wala na akong pera. Ang sabi pa naman ng magaling kong Ama, ang kabet na nito ang may hawak ng budget namin pati baon sa school. Mukang kailangan ko nang gumawa ng paraan upang magkaroon ng sariling pera.
Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Sabay pahid ulit ng luha ko. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong lumabas ng tricycle nang makapagbayad ako sa driver. Habang papasok sa gate ng school namin at agad kong tinakpan ang aking mukha gamit ang buhok ko. Alam kong mapula ang mukha ko dahil sa pagkakasampal sa akin ng Itay.
“Lipstick! Alam mo ba ang balita! Dito raw mag-aaral sa school natin ang anak ng may-ari ng Canete National High School. Usap-usap ang gwapo raw nito!” kilig na kilig na sabi ni Fatimary na kaibigan at classmate ko rin.
“Ganoon ba?” maikling tanong ko. Wala akong pakialam kung sino ang mag-aaral dito lalo at may sarili akong problema sa buhay. Mabuti sana kong magkakapera ako oras na usisain ko pa kung sino ang anak ng may-ari ng school na ito. Ngunit ang aking kaibigan ay tuloy-tuloy pa rin sa pagkwento habang naglalakad kami, hinayaan ko na lamang ito.
“Alam mo ba ang sabi nila, barumbado raw ito at siya raw ang pinakang pasaway na anak ni Mr. Canete. Halos hindi raw ito pumasok sa school. Kaya siguro inilipat dito dahil medyo mahigpit dito kahit na sabihin na sila pa ang may-ari ng school na 'to---”
“Ahh! Okay!” walang ganang sagot ko sa aking kaibigan.