May Pag-asa Nga Ba?

1417 Words
Nakita kong Kakamot-kamot sa kanyang ulo ang kaibigan ko. Mukang nakakahalata na ito na wala akong ganang makipag-usap. Hanggang sa huminto ito sa paglalakad at tumingin sa akin ng seryoso. Ako naman ah iwas na iwas na tumingin sa babae. “Ano bang nangyayari sa ‘yo, Black Lipstick?” Sabay angat nito ng aking mukha. Wala na akong nagawa pa nang tuluyan nitong nakita ang aking mukha. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagkagulat at awang na awang ang bibig nito. “Ano’ng nangyari sa mukha mo bakit namumula, Black?” “Wala ito, tumama ako sa pader kanina, akala ko kasi late na ako kaya nagtatakbo ako. Tapos ayon, pader pala ang aking nabangga. Ang sakit nga!” Sabay takip ko ulit ng buhok upang hindi ito makita ng ibang mga studyante. Wala naman akong narinig na salita sa babae. Hanggang sa makarating kami sa loob ng room. Mabilis akong naupo sa nakalaan kong upuan. Nang dumating ang adviser naman ay agad na ring nagsimula ang klase. Kahit mayroon dinadamdam sa aking dibdib ay pinilit kong mag-focus sa mga lesson na tinuturo ng adviser namin. Mabilis lang dumaan ang mahabang oras. At ngayon nga ay hapon na para umuwi. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate at walang pakialam sa paligid ko. Nang may dumang tricycle at agad akong sumakay. Saktong pasok ko sa loob ng sasakyan ay nagulat din ako sa lalaking pumasok dito sa loob at tumabi sa akin. Hindi naman ito lumingon sa akin. Napansin kong may headphone. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gate ng bahay namin. Agad naman akong nag-excuse sa lalaki upang makadaan ako. Walang salita na lumabas muna ito ng tricycle. Dali-dali naman akong lumabas at walang lingon-lingon na humakbang para pumasok sa loob ng bahay namin. Napansin kong tahimik ang buong kabahayan. Kaya naman dali-dali akong pumasok sa loob. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang mapansin ko na nag-iba ang ayos ng sala. Nawala na rin ang mga family picture namin na nandito sa sala. Ang nandito ay ang picture ng babaeng kabet ng aking Ama. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nakita ko si Inay. Umiiyak habang nakatingin sa mga picture frame na inalis sa sala. Agad akong pumasok sa loob upang aloin ito. Awang-awa na ako sa lagay nito. “Inay, hanggang kailan ba tayo magtitiis dito? Sana naman po ay isipin mo rin ang iyong sarili. Lalo ka lang masasaktan kung magtatagal pa tayo rito…” Sabay hawak ko sa kamay ng aking Ina. “Hindi ko kayang iwan ang iyong Ama. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na ayaw kong lumaki kayo na walang Ama. Black anak, hayaan mo na lang ang iyong Ama upang hindi ka masaktan. Malakas pa rin ang kutob ko na magbabago siya at babalik atin. Naniniwala ako na kahit ano’ng mangyari ay sa atin pa rin lalapit ang Itay mo---” Mariin ko na lamang ikinuyom ang aking mga kamao. Gosh! Kailan ba matatauhan ang aking Ina? Ako kasi ang sobrang nahihirapan para sa lagay nito. Malungkot na lamang akong napahinga. Hanggang sa nagpalit na ako ng damit. Muli akong lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Ngunit tinawag ako ng aking Ina. “Black anak, huwag mong kakainin ang tinolang manok. Hindi ‘yon sa atin. May niluto ako roon, ginisang sardinas. Pasensiya ka na anak kung ‘yon lang ang ulam natin---” “Ayos lang Inay,” maikling sagot ko sa aking Ina. Lumapit ako sa harap ng refrigerator. Nang buksan ko ito ay nakita kong maraming stock na mga pagkain. May mga prutas at chocolate pa. Halos mapuno ang refrigerator. Ngunit sa aking palagay ay hindi ito sa amin, doon ito sa kalaguyo ng aking Ama. Nakita ko rin ang tinolang manok na sinasabi ng aming Ina. Sa amoy pa lang nito ay alam ko kung sino ang nagluto walang iba kundi ang Nanay ko. Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yon na utos-utusan ang aking Ina! Kahit galit na galit ay kumain pa rin ako lalo at nagugutom na ako. Mukang wala pa ang mga kapatid ko. Hindi ko pa naririnig ang boses nila. Kasalukuyan akong kumakain nang marinig ko ang mga yabag ng paa na ngayon ay papalapit dito sa kusina. Sa ingay ng heels na suot nito ay alam ko na kung sino ang hayop na ‘to. Patawarin ako ng Diyos kung nakakapagmura ako. Ngunit sobra na ang ginagawa nila sa aking Ina. “Aba! Nandito na pala ang sutil na anak ni Kulas. Mabuti na naman at hindi mo inulam ang ulam namin ng aking asawa na si Kulas. Siya nga pala. Huwag na huwag ninyong kakainin ang mga pagkain ko sa refrigerator. Sa akin lang ‘yon binili ni Kulas at hindi kayo kasama roon!” mayabang na sabi ng babae. Hindi na lamang ako nagsalita at pinagpatuloy ko ang paglamon ko. Mabuti na lang at umalis ka agad ito rito sa kusina. At nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ka agad ang aking mga kinainan upang walang hugasin sa lababo. Hindi muna ako pumasok sa loob ng aking kwarto. Ayaw kong makita si Inay na umiiyak dahil lang sa aking Ama na walang kwenta. Sa likod bahay ako pumunta at nag-isip ng malalim. Nauunawaan ko rin si Itay kung bakit ayaw rin niyang umalis kamo rito. Wala pala kaming ibang mapupuntahan. Alam kong nag-aalala rin ito sa aming magkakapatid at baka sa kalye kami pulutin. Kaya kahit masakit ay nagtitiis si Inay rito. Pasimple ko tuloy pinahid ang aking luha. “Daddy, saan ang ‘yong pinabibili ko sa ‘yo?” Mabilis akong napaalis sa akinh pwesto. Maingat akong sumilip. Nakita ko agad si Itay at ang kalaguyo nitong si Jaya. “Love, hindi ko naman makakalimutan ‘yon!” Sabay abot nito ng dunkin donut sa babae. Napansin ko rin ang isang plastik na galing sa isang restaurant. Tuwang-tuwa naman ang demonyonh kabit dahil nabibigay ng aking Ama ang gusto nito, na dapat sana ay sa aming mga anak. Peste! Nasundan ko na lang sila ng tingin papasok sa loob ng bahay. Talagang sobrang laki ng pinagbago ng aking Ama. Hindi na ito katulad ng dati na mas mahalaga ang pamilya. May ibang pamilya na ito. At ‘yon ang masakit na katotohan na kailangan tanggapin ng aking Ina. Nagdesisyon na akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ako tumitingin sa aking Ama na ngayon ay nasa sala nakaupo kasama ang babae nito. “Black, heto pala ang baon ninyong magkapatid sa loob ng isang buwan. Ikaw na ang bahalang magbigay sa dalawang kapatid mo. Kasama na riyan ang mga project ninyo sa school---” narinig kong anas ng aking Ama. “Daddy, ako na lang maghahawak ng allowance nila sa loob ng isang buwan. Dapat hindi mo binibigay sa kanila ng buo. Baka magastos ka agad nila---” biglang singit ni Jaya. “Marunong ang mga bata na ‘yan na magtabi ng mga allowance nila. Kaya wala kang dapat ipag-alala, Love," anas ng aking Ama sa babaeng epal. Agad itong lumapit sa akin para ibig ang pera. Walang salita na kinuha ko ito sa aking Itay. Ngunit hindi ako nag-thank you. Agad akong tumalikod para iwan sila. Pagkatapos sa loob ay agad kong binilang ang pera na binigay ni Itay. Napansin kong sobra ng limang libo. Kaya pala nakatupi nang inabot sa akin. Agad kong sinabi kay Inay ang perang binigay ng aking Ama. Inabot ko rin dito ang limang libo. "Mahal pa rin tayo ng Itay mo. Buntis lang si Jaya kaya kailangan niyang alagaan at sundin ang gusto nito. Balang araw ay babalik sa atin ang tatay ninyo." Ngumiti pa sa akin si Inay. At nakikita ko sa mukha nito ang pag-asa nito para sa kanila ni Itay. Hindi ko na lang ito sinalungat. Mariin kong hinawakan ang kamay ng aking Ina. Agad ko ring itinago ang pera ko. Ngunit muli akong lumabas ng silid para uminom ng tubig lalo at kanina pa ako nauuhaw. Dali-dali akong pumunta sa harap ng refrigerator para kumuha nang maiinom. Balak ko na sanang humakbang para bumalik sa aking kwarto nang masalubong ko ang kabet ng aking Ama. "Alam kong sobra-sobra ang perang binigay sa inyo ni Kulas. Ibigay mo sa akin ang Iba. Hindi naman puwedeng kayo ang makinabang sa pera niya, eh, ako ang nag-aasikaso sa kanya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD