BEAUTIFUL LADY

1341 Words
Salubong ang kilay ko na tumingin sa babae. Saka ang lakas nang loob nito na sabihin na wala akong karapatan sa pera ni Itay. Kung tutuusin ay may karapatan ang anak kaysa sa kabet. Ngunit hindi ko na lang isinatinig. “Wala akong panahong nakipag-usap sa ‘yo. Tabi nga!” Sabay bangga ko sa balikat ng babaei. Dinig na dinig ko na halos murahina ko ng babae. Ngunit wala akong pakialam dito. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Inay. Nakita ko si Inay na hawak-hawak pa rin ang picture nila Itay. Alam kong mahal na mahal nito ang aking Ama. Ngunit sa aking nakikita ay wala nang pag-asa na magkaayos ang pamilya namin lalo at magkakaroon na ng Anak ng aking Ama sa kabet nito. Walang salita na nahiga na lamang ako sa kama. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong nakatulog. Kinabukasan na nga ako nagising. Nagmamadali ang mga kilos ko dahil late na akong nagising. Agad kong kinuha ang aking bag para sana lumabas na. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng marinig ko ang boses ng babaeng kabet ng aking Ama. “Daddy, gusto ko nang kare-kare. Marunong bang magluto nang kare-kare ang babaeng ‘yon,” narinig kong anas ng Yaya. Alam ko na agad kung sinong babe ang tinutukoy nito walang iba kundi ang aking Ina. “Yes, ngunit mgpa-deliver ka na lamang. Huwag ka nang magpaluto.” “Pero bakit? Saka mas gusto ko ang ipagluluto ako ng kare-kare. Hindi ako sana’y kumain na kung saan-saan lang binibili---!” narinig kong reklamo ng babae. "Jaya, hindi mo puwedeng basta-basta na lang utusan ang asawa ko. Kahit saan angulo tingnan asawa ko pa rin siya. Hindi siya katulong sa bahay na ito. Saka, ang paglilinis ng kwarto natin huwag mo nang ipagawa sa kanya pati ang paglalaba ng mga damit mo. Matalino ni Black Lipstick, puwede siyang humingi ng tulong sa ibang tao. Ayaw ko ring magalit ng husto sa akin ang mga anak ko---!” narinig kong anas ng aking Ama. Parang bigla akong natuwa dahil sa akinh narinig. Kahit papaano pala ay mahal pa rin kami ng Itay ko. “Oh! My gosh! Kulas. Sa tingin mo sinong gagawa ng paglilinis ng kwarto natin at paglalaba? Ako ba? Hindi mo na nakikitang buntis ako?! Akala ko ba magiging reyna ako sa buhay mo? Ngunit bakit ganito?!” malakas na sigaw ng babae. “Kung sawa ka na at ayaw mo nang tumira rito sa bahay ko. Puwede ka nang umalis sa aking bahay!” mariin sabi ng aking Ama. Bigla tuloy akong natuwa dahil sa narinig ko mula sa bibig ang aking Ama. Mukang hindi pa kilala ng lubusan ni Jaya si Itay. Ang pinakang ayaw pa naman ng tatay ko ay ang pinangungunahan ito sa mga desisyon nito. Ayaw rin ng aking Ama na salungatin ang gusto nito. Nagkibit balikat na lamang ako. Hanggang sa wala na akong narinig na usapan. Kaya naman nagdesisyon na akong lumabas ng silid ko. Agad akong pumunta sa kusina. Nakita kong naghahain na ang aking Ina. Agad niya ang niyaya na kumain. Nauna na raw kumain ang mga kapatid ko at pumasok na rin. Habang papaupo ako sa bakanteng silya ay napansin ko ang ga-bundok na labahin na nasa basket. Nagsalubong ang kilay ko. Dahil alam kong naglaba si Inay kahapon. Bakit sobrang dami na ka agad ng labahin namin ngayon. Ngunit hindi ko muna pinansin. Kakain muna ako lalo at nagugutom na ako. Mabilis akong tumayo nang matapos akong kumain. Agad akong lumapit sa basket na punong-puno ng maruming mga damit. Ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko nang makita kong hindi sa amin ang mga damit na ito. Ang nakakainis pa'y nandito rin ng mga bedsheets na makapal, may kumot na makapal din ang mg punda. Mabilis akong lumingon kay Inay. “Anak hayaan mo na. Saka buntis si Jaya---” “Inay, hindi ka na katulad ng dati na kahit ano’ng gawaing bahay ay kayang-kaya mong gawin lalo sa paglalaba. May edad ka na Inay, lalo na ngayon at palaging masakit ang likod mo. Hayaan mo siyang maglaba ng mga damit niya. Saka hindi ka katulong sa bahay na ito. Mas malaki ang karapatan natin dito dahil tayo ang tunay na pamilya!” galit na sabi ko. Pagkatapos ay dali-dali kong binuhata ng basket. Mabigas ito dahil sa mga sapin na makakapal. “Pagdating sa tapat ng pinto ng silid na kung saan naroon si Itay ay malakas ko itong kinatok. Mayamaya pa’y iniluwa ang babaeng kabet. Asar na binagsak ko sa harapan nito ang basket na naglalaman ng maruming damit. “Kung hindi mo kayang maglaba ng mga damit mo, itapon mo na lang sa ilog. Hindi ‘yong iuutos mo pa sa aking Ina. Hindi mo alila ang Nanay ko para utusan nang kung ano-ano. Kaya umayos ka!” halos pasigaw nga sabi ko sa harapan nito. “Black Lipstick! HINDI mo kailangan sigawan si Jaya!” Napalingon ako sa taong sumigaw sa akin walang iba kundi ang aking Ama. Ngunit mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Balak ko na sanang magsalita nang maunahan ako ni Jaya. Dali-dali itong lumapit sa aking Ama, habang umiiyak ang bruha. “Daddy! Puwede naman niyang sabihin ng maayos sa akin. Ganiyan ba talaga ang anak mo? Walang paggalang sa mas nakakatanda sa kanila. Parang pinakikita lang niya na ganiyan ang pagpapalaki sa kanya ng Ina sa kaniya!” umiiyak na sumbong ni Kabet sa aking Ama. “Ikaw ang tatanungin ko, ganiyang din ba ang pagpapalaki sa ‘yo ng magulang mo ang kumabet sa may asawa---!” “Black Lipstick!” Malakas na sigaw ng aking Ama. Kitang-kita ko ang galit sa mung akin ama. Ngunit para sa akin ay nagtatanong lang naman ako. “Nagsasabi lang ako ng totoo Itay. Wala akong pakialam sa pagsasama ninyo, ngunit huwag na huwag ninyong aalilain ang aking Ina--!” “Lapastangang Anak!” Sabay sampal ni Itay sa aking Mukha. Ngunit tiniis ako ang sakit. Tumingin ulit ako kay Itay ang seryoso. “Kahit ilang beses mo akong saktan, Itay. Hindi pa rin mababago ang katotohan na niloko mo si Inay. Wala kang kwentang Ama!” Sabay talikod ko sa aking Ama. “Black Lipstick! Bumalik ka rito!” Sigaw ng kanyang Ama. Ngunit hindi ko ito pinansin. Paglabas ng ay agad akong sumakay ng tricycle at nagpahitid sa school. Kinuha ko rin dala-dala kong salamin upang tingnan ang aking mukha. Kitang-kita kong namula ito. Ngunit nagulat ako nang biglang huang tricycle. Nakita ko ang amin na studyente na nakaharap sa daraanan ng tricycle. “Ano’ng pong problema Manong?” tanong ko sa lalaking driver. “Yong anak ni Mr. Canete. Gumagawa na naman ng gulo. Tiyak na magagalit na naman ang Ama nito…” mahinang sabi ng driver ng tricycle. Hindi ako nagsalita. Ngunit nakita kong papalapit sila rito sa tricycle. Ano’ng balak nila. Hindi pa sila papasok sa school. Sino bang anak dito ng may-ari ng school na pinapasokan ko. “Ms. Bumaba ka ng tricycle at kami naman ang sasakay. Maghanap ka na lang ng ibang tricycle!” narinig kong anas ng isang lalaki. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Ngunit pasimple ring nagsalita ang driver at sinabi nitong pinagbigyan ko na lang. No choice ako kung ang bumaba. Ngunit napansin ako sa isang lalaking nakasandal sa puno. Panay ang hithit nito ng sigarilyo. May tattoo rin ito sa braso, ang ilalim ng mata nito ay maitim at parang naglagay ng eyeliner. Disyo ko! Mabuti at pinapayagan ng school ang itsura nitong parang adik. Iiling-iling na nilampasan ko na lang sila. “Beautiful legs,” narinig kong anas ng lalaki. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at dahan-dahan na tumingin sa lalaking nagsalita na parang adik. Naningkit ang mga mata ko nang tumingin sa lalaki. Ngunit ngumisi lamang ito. Hanggang sa humakbang ito papalapit sa akin. Ngunit gusto kong magmura nang pausukan nito ang aking mukha. Galing sa bibig nito ang usok. ”What is your name, beautiful lady?”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD