Chapter 1

1373 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, sinyales na umaga na. Kay bilis lang ng oras, hindi ko lubos maisip na ito ang unang araw ko sa eskwelahang papasukan ko. Kinakabahan na natatakot kasi transferee lang ako, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin sa araw na ito. Bumangon na 'ko at inayos ang aking higaan bago pumasok ng banyo at naligo na. Mahigit isang oras din akong naligo at nagbihis sabay labas na ng banyo. Pinatuyo ko muna ang aking buhok bago nilagyan ng hair pin. Naglagay na rin ako ng konting pulbo at lip gloss para maging kaaya-aya naman ang mukha ko. Lumabas na 'ko ng kwarto bitbit ang aking bag sabay baba na para sabayan sina mom kumain ng agahan. "Good morning mom, tito at kuya," bati ko sa kanila nang makarating na ako sa dining area. "Good morning anak, how's your sleep? Sabi ng kuya mo nagpuyat ka raw sa kakapiano at gitara kagabi." Dumako ang tingin ko bigla kay kuya nang sabihin 'yon ni mom pero ang loko wala man lang reaksiyon. Paano niya nalaman? Soundproof ang kwarto ko. "Ayos naman mom, nag-record lang ako ng song kagabi. Nanghingi na kasi si kuya RJ kaya tinapos ko na para makapag-focus ako ngayong araw sa klase," tugon ko. "Kung mag-quit ka na lang kaya, nagco-cover ka lang naman pero naka-hidden identity ka pa," sabat naman ni kuya. Hindi na 'ko sumagot, sinamaan ko na lang siya ng tingin at kumain na lang ng tinapay. Kahit kailan talaga 'di niya 'ko magawang suportahan. "Hayaan mo na lang si Vienna, at least naghi-hit at nagkaka-million views ang mga kino-cover ng kapatid mo kahit hindi alam ng lahat kung sino siya," sagot naman ni tito. "I'm done mom, tito, alis na po ako." At tumayo na rin ako sabay bitbit ng bag ko at lumabas na ng bahay. Nakakapikon na talaga minsan si kuya. Nagtungo na rin ako sa nakaparada kong kotse at sumakay na, pinaandar ito at umalis na. I choose to hide my identity for some personal reasons, ayokong makatanggap ng special treatment galing sa ibang tao. Maraming bagay ang nagbabago sa mundo kasali na riyan ang pagtrato sa'yo ng isang tao. I'm Vienna Malvar, 19 years old, 2nd year college student sa kursong Political Science sa isang prestigious university dito sa Manila. Actually transferee lang ako, I took my midterm class and exams sa US at nag-transfer lang ako dahil kay mom at kuya. Si mom at dad hiwalay na simula no'ng 11 years old ako at 13 years old naman si kuya. Si dad may sarili na ring pamilya and si mom may bago na ring kinakasama, si tito Lucas step brother ni dad. Yes, STEP BROTHER kapatid ni dad sa ina. Mabait siya at maalaga, tinuring ko siya na parang totoo kong ama pero hindi maiaalis sa akin na kamuhian siya. Si papa ang nag-influence sa akin to love music, tinuruan niya 'ko ng iba't-ibang instruments noong 7 years old ako. I am much closer to dad than my mom, after their annulment nag-decide ako na kay dad ako sasama then every 1st day of the month uuwi ako nang Manila to visit my mom and my brother, gano'n ang agreement nilang dalawa. Sadly, my dad passed away last month because of colon cancer. I can't imagine na mangyayari 'yon, siya na lang ang karamay ko sa lahat ng bagay, matatakbuhan ko sa mga oras na may problema ako pero iniwan niya na 'ko. After 45 minutes, nakarating na rin ako sa papasukan kong university, iisang school lang kami ni kuya pero hindi ako sasabay sa kaniya. Balita ko, kilala si kuya sa university because of his sport which is soccer, varsity player siya at team captain. Hindi ikakaila na lapitin si kuya ng mga babae, maging bakla siguro nahuhumaling na rin sa kaniya. Alam ko namang gwapo siya, cute at maganda rin ang boses but he never choose to sing. Alam ko na rin naman kung nasaan ang room ko, I have my schedules na rin. Hindi naman maiwasan na pagtinginan ako, alam ko naman kung bakit kasi bago lang ako sa paningin nila but I just ignore it. Nakasabay ko naman papaakyat ng hagdan ang professor ko sa Philippine Constitution. I've known her last week, no'ng magpasa ako ng requirements. "Good morning prof," bati ko. Napatingin naman siya sa'kin, gano'n na lang ang gulat niya nang makita ako. "Ms. Malvar, good morning too. Buti nakasabay kita, mamaya ipapakilala kita sa klase," nakangiting tugon niya. Ganito talaga kapag transferee, hindi maiiwasan na magpakilala sa klase. Nakarating din naman kaming dalawa sa room, pero ang sabi niya manatili raw muna ako sa labas, papasok lang daw ako kapag tinawag niya na 'ko. Nakita ko namang nagsitayuan ang mga estudyante sa loob pagkapasok niya. Ito na nga ang hinihintay ko. "Hija come in," sabi niya. Napa-sign of the cross pa 'ko bago ako pumasok sa loob. Halos lahat ng mga mata nila nakatingin sa'kin, tumigil naman ako sa paglalakad nang makarating na 'ko sa gitna. Half of the class nakangiti sa'kin pero ang iba ang sama ng tingin. Ngunit ang dalawang lalaking nasa likod gulat na gulat habang nakatingin sa akin at 'yong isang nasa gitna ang lamig masyado ng mga titig niya. "Good morning everyone, I'm Vienna Malvar nice to meet you all," maikling pakilala ko. "Be nice to her, lalo na't transferee siya. Hija, you can sit next to Perez." Napatingin naman ako sa bakanteng upuan at 'yong Perez nakangiti sa'kin. I smile in return. Naupo na 'ko sa tabi niya, still nakatingin pa rin silang lahat sa akin. "Hi, Vienna 'di ba? I'm Therese Eunice Perez and you can call me Therese for short, nice to meet you," nakangiting sambit niya sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap ko rin naman at nginitian siya. I think mabait nga siya, halata sa treatment niya. "Nice to meet you too, Therese." After naming magpakilala sa isa't-isa, nag-focus na rin kami sa harap. Nagsimula ng mag-discuss si prof, nakikinig lang ako. Ayokong ma-missed out 'tong lesson na 'to lalo na hindi ko 'to nakuha no'ng nasa US pa ako. Nag-take down notes na rin naman ako while nakikinig but 'di ako masyadong nakakapag-focus kasi 'yong mga lalaking nasa kabilang row nakatingin pa rin sa'kin. Natigil lang nang mag-ring ang phone ni prof, she answered it at nag-excuse para lumabas. Biglang may kumalabit sa'kin sa likod, napalingon naman ako. 'Yong dalawang lalaking gulat na gulat sa'kin kanina at 'yong isa na wala man lang karea-reaksyon. "Vienna 'di ba?" Tanong ng isa na nasa left side, tumango na lang ako bilang sagot. "You look familiar para kang-" Napatigil siya sa susunod niyang sasabihin nang sikuhin siya ng katabi niya, napatingin naman ako rito nang may pagtataka. "By the way, ako si Britt at ito naman si Enzo," aniya at tinuro ang lalaking nasa kanan. "At ito naman si..." Hindi niya na naituloy ang susunod niyang sasabihin nang makabalik na si prof sa room. "Sorry to inform you class, nagkaroon ng urgent meeting ang Faculty of Engineering, kailangan ang presence ko ro'n. We continue our discussion next meeting, goodbye students." At lumabas na si prof ng room, nagsihiyawan naman ang lahat dahil wala nang kasunod na class. It's my first day pero ito pa ang nangyari. Nagsilapitan din naman silang lahat sa akin para magpakilala except sa tatlong babae na nakaupo at masama ang tingin sa'kin. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang makipag-kamay sa kanilang lahat. After that, unti-unti na rin silang nagsialisan sa harapan ko at lumabas na ng room. "Naninibago ka ba?" Tanong naman bigla ni Therese, napailing naman ako bilang sagot. Magkaiba nga lang ang treatment ng mga estudyante sa mga transferees sa US, hindi pinapansin, binubully at ginagawan ng kung anu-anong kalokohan ibang-iba rito sa Pilipinas. "Mababait lahat ng tao rito sa loob ng room except lang sa tatlong 'yan, may mga lahing demonyita." At napatingin siya sa tatlo na abala sa paglagay ng lipstick. "Bye Vienna, see you around," sabi ni Britt. Kumaway si Enzo habang 'yong isa tuloy-tuloy lang sa paglabas ng room. Kanina pa 'ko nagtataka sa kaniya, galit ba siya sa mundo o sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD