Chapter 4: Kuwento
Nakarating kami sa labas ng bar. Kaagad siyang kumiwala sa akin at masama akong tiningnan.
"You guys exist!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Ito pa ang may ganang sumigaw gayong ito na nga ang iniligtas.
"And so?"
"Kriminal kayo!"
"Then?"
"Dapat kayo mamatay!"
Hindi ako naiirita sa mga sinasabi niya. Nainis ako dahil ang lakas ng bunganga niya.
"Isusumbong mo kami?" tanong ko na may pagbabanta. Natutuwa ako na inisin siya.
"What do you think? Dapat ay makulong kayo!"
"They can't put us in jail. Kung magagawa nila 'yon, we'll break the wall." I'm trying to be calmed. This woman was damned hot but hell! She's dangerous. "You better pray na mapatay ng nilalang na' yon ang mga bampirang umatake sa atin dahil kapag hindi?" huminto ako.
Napalunok siya ng laway at tila natakot sa aking sinabi, "anong mangyayari sa akin?"
"You'll die." Binulong ko iyon. I want her to feel how dangerous we are.
"Gagawin nila 'yon?"
"Ano sa tingin mo?" Parang nag-iba ang sitwasyon ngayon. I'm being sarcastic now at siya naman ngayon ang parang sisiw na takot na takot.
All women are almost the same, umaakto sila na matatapang but deep inside ay natatakot sila.
"I'll better go. At huwag kang magpapakita sa akin. I hate monsters."
Imbes na magalit ako sa kanya ay parang mas natuwa pa ako. She's undeniable beautiful. Sayang kung bibiktimahin lang siya ng mga bampira na halang sa dugo.
Minabuti kong bumalik sa loob ng bar. Nandoon pa rin ang tatlo kong kapatid. Nanatili ang mga itong kalmado. But I swear, pinapagana nila ang kanilang pakiramdam. I can sense it!
Where did you go?" Tanong ni Kuya Luna withoout looking at me.
"Namamasyal lang ako sa palibot. Well, it's my first time kaya inaliw ko pa ang aking mga mata."
"It seems na nagugustuhan mo rito. Baka next time you'll refuse to go with us." Si Kuya Trevos.
"That won't happen. Ngunit kung magso-solo ako na pumunta rito? Business ko na 'yon." at wala na akong balak pa!
"Look who' s talking. You still need our permission." Insist ni Kuya Raxos. Imbes na mainis ako ay nginitian ko lang sila.
"I think hindi na permission ang hihingin ko. Sasabihan ko lang kayo for you to know kung saan ako gumagala.
" Iyan kung papayagan ka nina Mama."
I remain calmed kahit nag-uumpisa na akong mainis kay Kuya Raxos.
"Sigurado naman akong papayag sina Mama. At nasa wastong edad na ako. Kaya walang rason para pigilan nila ako sa aking magiging desisyon."
"Okey, the final decision will be on our parents. For now, kailangan na muna nating magsaya rito."
Like what Kuya Raxos said, magsaya! Tumayo silang lahat at nilapitan ang mga babae.
While watching them teasing every women in this bar… it really seems na mukha silang mga womanizer. Well, what can I do? Vampires are romantic living creature and always want pleasure.
"Hi." May isang babaeng lumapit sa akin. "Would you mind if puwede tayong uminom dalawa?" She's teasing me pero nagkakamali siya ng nilapitan. This woman is insane. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mids 40 na ito? And me? Binata pa ako!
"No thank you, you better look for man that fits on your age." I felt cringed.
"How dare you?" She's about to slap my face ngunit napigilan ko iyon.
"The next time you'll slap my face, please, shut up, madali kang nababasa human." Binitiwan ko ang braso niya at ngumisi.
"Wala kang galang sa matanda pa saiyo."
"And you don't have respect to yourself." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang siya ng sobrang ikling palda. At naka sando. Yong dalawang bundok nito halos lumabas na.
"Bastard!" nainis itong umalis.
"w***e," sambit ko at inayos ang aking sarili. Hindi ko kayang mamalagi sa lugar na ito. Though it pleasure many men and vampires but not on me.
"That was rude my little brother." Biglang lumapit sa akin si Kuya Luna at inakbayan ako.
"I'm not a mother fucker."
"I know because you are still virgin."
"Shut up." Inirapan ko si Kuya Luna. It seems na isang achievement para sa kanila mag-deflore ng isang babae. It sounds interesting but I'm not interested.
"Do you want us too look a woman for you?"
"You look for yourself." I already found my type pero ang hirap niyang pakisamahan!
"Okey, then. Kagaya mo rin ako noon but as I grew, I realized na sana noon ko pa ito ginawa noong una pa akong pumunta rito kasama si Ku-Daddy Daxos." Nagpataimbagang wika nito, "paano? Balikan ka nalang namin dito." Iyon lang at iniwan na niya ako.
Masaya na naman ang tatlo. At ang mga kalandian nilang mga babae ay sobrang saya.
After a very long minutes. Nanatiling mingay at magulo sa loob. The sound really annoys me.
Tumayo ako at nagmamadaling lumabas. Mas maganda sa labas ng bar. Sobrang peaceful at kahit na maingay pa dahil sa mga sasakyan.
"Nandito ka lang pala."
Hindi ko namalayang nakalapit sa akin si Marfire na out of nowhere ay biglang sumulpot. I can barely smell a blood on him. Bago palang siya uminom.
"Nandiyan lang ako sa loob actually."
"Oh? I didn't know na mahilig ka palang mag-bar."
"No," mabilis kong tanggi. "It's not what you think… it is really my first time to enter a bar na sobrang gulo. Sinama lang ako ng aking mga kapatid."
"I see, pero lahat ng bar ay magulo," ngumisi si Marfire. "Pero maganda 'yan, you tend to socialize yourself."
"Am I?"
"Yes, you are my friend." Ngumiti si Marfire, "Saan ka pala pupunta at saan na ang kasama mong magandang babae?"
"I just want to have a peace of mind. Hindi ko gusto ang mga tao sa loob. At tungkol sa atribidang babae na hinahanap mo? She's gone. I think nakauwi na siya."
"Oh?" umawang na naman ang kanyang labi. "I thought kakilala mo siya."
"No," umiling ako, "I don't know her. At siya pa iyong tinulungan siya pa ang may ganang magalit."
"Haha," napatawa si Marfire. "She'll be your nightmare someday."
"Huwag naman sana." Tumawa kaming dalawa ni Marfire. Ngunit napahinto kaming dalawa nang sabay naming narinig ang isang isang sigaw na boses ng babae.
Mabilis na kumilos si Marfire. He quickly disappeared but I can still feel his energy. Sumunod ako sa kanya. Sa hindi kalayuan ng bar ay napahinto ito. Nang makalapit ako sa kanya ay nanlaki ang aking mga mata.
That woman inside the bar that annoys me a while ago. Now she's dead. I starred on her neck. The fangs of Vampire and the lost of blood put her on death.
"Dumadami ang mga kriminal na kauri natin."
Sobrang dismayado si Marfire. I can feel how sad he was watching the woman on cold.
"Matagal na bang may nangyayaring p*****n sa siyudad na ito?"
"Oo, pero hindi lang dito. All over the place maging sa mga karatig na lugar ay may ganoon ring pangyayari."
"Bakit nila ginagawa ito? I mean, puwede naman silang uminom ng dugo without killing hindi ba?" iyon ang ginagawa namin. Hindi ko alam kung saan sila bumibili ngunit nakatitiyak akong hindi iyon galing sa pagkitil ng buhay!
"Hindi ko alam. Iyon ang aking inaalam Conal. Nakababahala na ang mga nangyayari. Higit pa doon ay sobrang dami nang nakakaalam."
"Nakababahala nga iyon Marfire. Nandidito ka ba gabi-gabi?" Base sa mga sinasabi ni Marfire ay tila updated ito palagi.
"Kung kinakailangan Conal. Nandidito ako nagbabantay. Ngunit hindi ko sila mahuli-huli."
Biglang kumunot ang noo ko, "how about iyong sumalakay sa amin kanina?"
"Hindi sila ang ang hinahanap ko Conal. Talagang sinadya lang talaga nilang hulihin ang babae na kasa-kasama mo."
Ngayon ay naningkit pa ang aking mga mata. Bakit naman nila huhulihin ang babaeng iyon?
"Did she made a crime?"
Umiling ang binata, "hindi ko alam pero nang labanan ko sila ay kusa nalang ang mga itong naglaho.
"So hindi talaga ang mga 'yon?"
"Hindi sila ang mga kriminal na bampirang sobrang mapanganib tuwing gabi. Kapag nagpatuloy itong pagpatay, siguradong maghihigpit ang otoridad. Kapag nangyari iyon, tuluyan nang malalaman ng lahat na totoo ang mga bampira. At baka tayong lahat ang kanilang ipapatay. Pati ang ibang mga mabubuting nilalang ay nadadamay."
"Maari nga iyong mangyari pero puwede naman natin silang labanan." Sigurado naman akong mananalo ang mga bampira laban sa mga mortal.
"Kung ganoon kadali Conal ay puwede iyong gawin. Ngunit huwag tayong magpapakampanti. Matalino ang mga mortal. At kaya nilang gumawa ng mga panlaban sa atin. At isa pa, mga kaibigan natin sila.
Napatango ako sa sinabi ni Marfire. Totoo ang sinasabi nito. Mga kaibigan namin ang mga mortal dahil sa kanila kami umaasa ng dugo. Kung wala sila, malamang nagkakaubusan na ng mga hayop.
"So ano ang plano mo ngayon?"
"Dito pa rin, hangga't kaya kong magmatyag ay gagawin ko."
"Masuwerta ka dahil may kakaiba kang kapangyarihan Marfire. Dahil sa pagiging normal kong bampira ay na lilimitahan ako."
"Naiintindihan kita Conal. Mahihirapan nga ang isang bampira kapag hindi ito maharlika. Ngunit may alam akong isang paraan upang magkaroon ka ng kapangyarihan."
"Talaga?" nanlaki ang dalawang mata ko.
"Oo, pero mapanganib kung gagawin mo 'yon."
"Paano? Ituro mo sa akin at gagawin ko." Hindi ko alam na puwede palang magkaroon ng kakaibang kapangyarihan ang kagaya kong normal na bampira?
"Mahihirapan ka Conal dahil kakailanganin mong pumatay ng maharlikang bampira."
"Ha?" mas nanlaki pa ang mga mata ko. "Seryoso?"
"Makukuha mo ang kanilang kapangyarihan kapag pinatay mo mismo ang maharlikang bampira… at mayroon pa palang isa."
"Ano?"
"Puwede rin sa pamamagitan ng pakikipagtalik."
"Ha?" naningkit naman ngayon ang mga mata ko. "Seryoso ka ba talaga?"
Tumawa si Marfire at napatingin ito sa kawalan, "lahat ng sinasabi ko saiyo ay totoo. Mayroon na rin akong mga napatay na maharlikang bampira. Kaya nakuha ko ang kanilang kapangyarihan."
Ngayon ay mas lalo pa akong namangha kay Marfire. Sa lakas niyang iyon ay mukhang hindi impossible sa kanya ang makipaglaban sa kagaya niyang maharlika. Ngunit ako? Baka wala pang isang minuto ay tumumba na ako.
Bukod sa normal lang akong bampira ay wala din akong karanasan sa pakikipag-away. Minsan sumasali ako sa aking mga kapatid at minsan tumitingin lang. Ngunit wala akong natututunan. That's a huge slap on my face.
“At alam mo ba may nalaman akong kuwento sa mga nangyayari noon,” wika ni Marfire at napatingala ito kalangitan.
“Ano naman ang kuwento na iyon?” Lumaki ako na walang mga naririnig na kuwento. At kung may mga kuwento man ang aking mga kapatid noon ay nakalimutan ko na.
“Mayroon daw sariling mundo ang mga bampira ngunit may lalaking namumuno ngayon at sobrang sama nito. Nilabanan daw ng mga maharlikang bampira ang lalaki ngunit nabigo ang mga ito. Kaya simula noon. Dahil sa takot, nanirahan ang mga bampira sa mundo ng mga tao.”
“Talaga? Ano naman pangalan no’ng masamang bampirang lalaki?” medyo curious ako. Hindi ko alam ang ganoong kuwento.
“Lu-Lutos yata? Ay iwan, noon ka pa naman napapakinggan ang kuwento. Hindi ako sigurado sa pangalan.”
“Ahh,” Tumango tango lang ako kay Marfire.
“Pero alam mo. Kung totoo man iyong sinasabi mong mundo ng mga bampira ay gusto kong pumunta roon. Para man lang makita ko kung maganda ba o hindi… ikaw? Gusto mo ba Conal?”
“Naku,” mabilis akong napailing. “ Hindi ko na papangarapin iyon. Wala na nga akong dagdag na kapangyarihan, eh. Baka ikakapahamak ko pa ang pagpunta.”
“Pero malay natin, baka magkaroon ka ng kapangyarihan kagaya ko?”
“Eh, kung mangyayari iyon sa akin. Siguradong paghihirapan ko pa. Kailangan ko pang mag-insayo. Tapos mahirap din iyon at masiyadong mapanganib. Kung hindi ko mapapatay ang isang maharlikang bampira ay baka ako ang kanilang mapatay,” natatawa kong wika kay Marfire. Sa totoo lang. Maganda naman talaga ang magkaroon ng kapangyarihan. Ngunit masiyado itong mapanganib sa mga kagaya kong normal lang na bampira. Na kung saan tumakbo at maglaho lang ang kaya kong gawin.
Kahit saan nalang napunta ang usapan namin ni Marfire. Ang dami niyang mga nalalaman lalong-lalo sa iba’t-ibang kakayahan. Ang pinakamagandang kapangyarihan raw ay ang apoy at pagbasa sa puso ng bawat nilalang. At isang babae lang daw ang nakagawa no’n ngunit hindi iyon kilala ni Marfire dahil isang kuwento lang din iyon sa kanya.
Nakakainggit lang isipin na may diwatang dugo si Marfire at ang mga kuwento na kanyang nalalaman ay galing sa mga diwata. Minsan pumupunta siya sa kagubatan upang bumisita. Medyo na-curious ako kung ano ang hitsura ang mga diwata. Siguro naman mga tao o bampira lang ito titingnan.
Natapos ang aming pag-uusap ay minabuti kong bumalik na sa club o bar, whatever! Nandoon pa rin ang tatlo kong kapatid. Panay pa rin ang inom ng mga ito at pakikipagharutan sa mga babae. If I just can bring them home that quick malamang kanina ko pa ginawa. The place was damned crazy!