Chapter 5: Werewolves
WHAT heppened last night was a nightmare of a first time vampire entered in worst place. Ayoko nang bumalik pa roon sa club na iyon. Sobrang nakakadismaya ang mga tao and they are feeding themselves from predators. Living things need pleasure. And a vampire like us, we need pleasures from human.
“Conal!”
Damned! Hindi na ba hihinto si Mama sa malaki nitong bunganga? She’s acting so weird magmula kahapon. As she open the door, I just smiled… gusto kong magpakaplastik sa kanya ngayon.
“Good that you are now prepared,” she just smiled and leave!
Tumayo ako and I widened to open door. Nakaalis na ang aking tatlong kapatid para sa kani-kanilang mga trabaho. Kung sa akin lang? We don’t need work. I guess we can hunt or raise animals most probably just quench our thirst.
Nagpunta na ako sa parking lot. Bubuksan ko na sana ang pinto when I experienced the same feeling I’ve felt yesterday. Nakakapangilabot dahil ang lakas ng enerhiya. Inilibot ko ang aking paningin but I saw nothing.
Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at sumakay sa kotse. Mabilis ko iyong pinaandar at umalis na. Sobrang maaliwalas ng araw. This is the best time para mang-hunt ng hayop sa kagubatan. Siguro gagawin ko iyon kasama si Marfire. Mahirap na kapag gagawin ko iyon mag-isa. Kahit bampira ako’y hindi pa rin ako ligtas sa ibang nilalang, tulad halimbawa ng mga taong lobo.
Nakarating ako sa campus without any problem. Nagpapasalamat ako nang walang humarang na taong lobo sa daan.
Mabilis na hinanap ng aking mga mata si Marfire. Siguro ay mamaya pa ito darating. Masiyado pang maaga para sa first subject at hindi ko alam kung saan ako ngayon tatambay?
When I about to enter the hallway going to our first class. Mayroong humarang sa akin na lalaki. Tiningnan ko ito. I stared on his eyes. He’s human. No something special about him.
“Good morning,” bati ko. Sinubukan kong ngumiti sa abot ng aking makakaya.
“Bago ka ba rito?” tanong niya.
“Oo,” sagot ko.
“Kung ganoon may patakaran kami rito,” wika nito sa baritonong boses.
Medyo kumunot ang noo ko at naitaas ng kaunti ang aking kilay. Ano ang pinagsasabi niyang patakaran? Kulang pa ba iyong binasa ko sa student handbook noong nag-take ako ng entrance exam?
“I don’t get you, bro,” hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa kanya.
“Look, bago ka rito. And we collect money para sa mga baguhan para sa inyong siguridad.”
“Siguridad?” hindi ko siya maintindihan. Anong meron sa University na ito?
Imbes na sumagot ay dinala ako nito sa hindi mataong lugar. Hinayaan ko na lamang siya. I can feel no danger. He is harmless after all.
“Puwede mo na sigurong sabihin sa akin kung para saan ang bayad na iyong hinihingi?” gusto kong malaman kung ano iyon. Medyo nakakapagtaka lang.
Nagpatingin-tingin na muna siya sa paligid at pagkatapos, tumingin siya sa mga mata ko ng tuwid. “Pinamumugaran ng malalaking hayop ang eskwelahan na ito.”
“Malalaking hayop?” may ideya na ako sa aking isipan.
“Mga taong lobo.”
“Taong lobo?” pinili kong magulat. As if hindi ko alam ang tungkol sa kanila. Kahapon lang ay nakaharap namin ang isang babaeng taong lobo.
“Oo, labis silang mapanganib at nanlalapa ng tao. May organisasyon kami na handang magbigay proteksyon sainyo kaya kailangan namin ng bayad mo para isa ka sa aming prayoridad.”
“Paano naman ako maniniwala saiyo kung totoo ang sinasabi mo, bro? Mahirap magtiwala ngayon. We are surrounded by great scammers.”
“Alam ko iyon bro. Marami na ang nagsasabi sa amin na scammer kami. Pero binalewala lang namin iyon kasi mas importanteng pangalagaan ang siguridad nila. Kaya hindi namin dinidibdib ang mga puna nila sa aming oranisasyon.”
“Yong organization niyo ba ay may humahawak?” tanong ko.
“Oo,” sagot niya. “At hindi siya basta-basta.”
“Anong espesyal sa organisasyon ninyo na kailangan pa naming bayaran?”
“Conal!”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Marfire, nagmamadali itong tumakbo palapit sa akin. Hindi nito ginamit ang kanyang kapangayrihan. Nakakatuwa lang dahil nako-kontrol ni Marfire ang pagiging iba namin sa mga tao.
“Back off!” galit na wika ni Marfire at nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata.
“Such an idiot!” galit na wika ng lalaki at mabilis itong umalis.
Napaawang lang ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala na pinakitaan ni Marfire ng kanyang kapangyarihan ang lalaking iyon.
“Are you not afraid of your secret? Kapag nagsumbong iyon ay paniguradong pagkakaguluhan ka,” sabi ko.
“Seriously?” tila hindi ito makapaniwala. “Hindi mo nalaman kung anong klaseng nilalang ang kaharap mo kanina?”
“Nialalang?” naningkit ang mga mata ko, “he’s a human.”
“Mabilis kang mapapatay, Conal. Bampira ang lalaking iyon, well, bampira na may malaking parte ng pagiging diwata.”
“Bampira?” mas lalo pang naningkit ang mga mata ko. “He was harmless. I don’t think kaya niya akong patayin. And besides, nanghihingi lang siya ng bayad for my safety.”
“Come on… he was trying to beat you. May balak siyang biktimahin ka at hind iyon isang estudyante. Nagpapanggap na estudyante upang makapangbiktima.”
“s**t!” bulalas ko sa harap ni Marfire. “Bakit hindi ko nakilala na bampira pala iyon?”
“Katulad ng ginagawa ko.”
“Diwata din siya?”
“May dugong diwata at hindi purebred. Nanalaytay sa dugo no’n ang pagiging diwata. Mayroong bente-singkong pursento ng dugong bampira sa kanyang genes. Kaya mas natatago niya ang kanyang pagkatao sa iba at sa’yo.”
“Ngunit bakit ako ang kanyang sadya? Ano ang kanyang kailangan sa akin? At wala din naman siyang mapapala sa akin?”
“Meron,” mabilis niyang sabi. “Makukuha niya ang kakayahan mong maglaho ng mas matagal at makabitbit ng ibang bagay.”
“Bakit? Wala bang kakayahan ang mga diwata na maglaho?”
“Mayroong kakayahan ang mga diwata na maglaho ngunit limitado lang ito. Hindi nito nadadala ang isang bagay sa ibang lugar kung kayat kakailanganin ng isang diwata ang dugo mo.”
“Hindi rin ba sila nakakatakbo ng mabilis?”
Umaling siya, “walang ganoong kapangyarihan ang mga diwata. Ngunit ang nakausap mo kanina ay kaya nito ang tumakbo. May dugo pa rin siyang bampira.”
“Ganoon pala ‘yon?” I felt so little. Wala man lang akong nalalamang ganoon mula sa aking pamilya. Dapat ay sa kanila ko ito nalalaman at hindi sa ibang tao.
“I don’t know kung bakit hindi mo alam ang tungkol sa mga nilalang na nandidito sa mundo. Siguro may dahilan ang pamilya mo.”
“Did you read my thought?” nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi naman, you are pretty obvious,” ngumiti si Marfire. “We better go Conal. Baka ma-late pa tayo.”
Naunang naglakad si Marfire sa akin. I quickly grabbed the sling of my bag and quickly followed him. I feel nothing about Marfire. Taong-tao ang pakiramdam ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko nang magkaroon ng kapangyarihan. Sobrang daya ng tadhana. Wala man lang akong nakuha na kapangyarihan mula sa aking ama. Iyong tatlo kong kapatid ay sobrang astig ng kanilang mga kapangyarihan. Iba’t-iba ang kapangyarihan nila.
Pagdating namin sa room at tahimik lang kaming dalawa ni Marfire. Majority of them leading their sight on us. Hindi ko iyon pinansin. Umakto nalang ako na parang hindi ko sila napapansin.
After class. Parang mga timang lang kami ni Marfire. We are ordering foods na hindi naman namin makakain.
“Let’s have it a try,” I said.
“Try it for yourself,” marahang tumawa si Marfire. Ako rin ay walang balak na kainin iyon. Hindi ko lang talaga gusto kumain ng mga ganoong luto. Pero sa kaso ni Marfire, I think nakakakain naman siguro siya ng ganoon? I’m sure.
“What are your diets?” tanong ko sa kanya.
“I believed iyong tinanong mo ay sa pagiging diwata ko? Am I right?”
“Oo, tama ka.”
“We don’t eat solid. Best diet for us ay honey.”
“Honey?”
“Yes, a honey came from bees.”
“Alam ko iyon but I was shock na iyon lang ang inyong diet.”
“Hindi ko naman sinabi na honey lang. Sinabi ko na best diet lang ng mga purebred diwata. We eat fruits, more than that ay hindi na.”
“How about vegetables?” tanong ko.
“Vegetables are fruit, do you know why?”
“Alam koi yon,” ngumiti ako sa kanya. “Botanically speaking, those fruits came from flowers are fruits,” nagtawanan kaming dalawa! Para kaming mga baliw sa loob ng cafeteria. Natapos ang buong lunch tima na hindi naming ginalaw ang pagkain. I look around and I suddenly smell the blood of dog.
“Akin na ang mga pagkain mo, ha.”
“Akala ko ba hindi ka kakain?” kumunot ang noo ni Marfire.
“I’m not eating it. May ibang kakain nito.” Nagmamdali akong tumayo dala ang aming pagkain at nagtungo ako sa likod ng cafeteria.
At hindi nga ako nagkamali. Sobrang cute ng aso. Puti ang kulay ng balhibo nito at sobrang liit. Nang lumapit ako rito at bahagya itong natakot. Mabilis kong na-recognize ang kasarian niya. Babae ito.
“Don’t be afraid sweety,” ani ko at dahan-dahang umupo. Umatras ito dahil sa takot sa akin. Nag-umpisa na siyang magalit sa akin. I can hear her soft growl. And I found it so cute. “Come on sweety pie.” Dahan-dahan kong inilapit ang pagkain. Nang maamoy niya iyon ay mabilis nitong sinakmal ang pagkain.
“Hindi naman patay gutom ang asong iyan, hindi ba?” biglang tanong ni Marfire.
“I think she’s hungry. I can feel how hungry he was.”
“Naramdaman ko nga iyon,” pagsang-ayon ni Marfire. “Why don’t you bring that dog sa bahay ninyo?”
Mabilis akong napatingin sa kanya, “seriously?”
“Mukha ba akong hindi sigurado?”
“Baka lapain lang siya ng mga kapatid ko.”
“Hindi naman siguro. Sa sobrang cute niyang aso ay maaawa ang mga kapatid mo. Wala naman sigurong blood shortage sainyo, hindi ba?” tanong niya.
Tumango ako, “we have a lot of bloods naman sa bahay. Buwan-buwan nag-iimbak ang mga magulang ko para sa amin.”
“Sige ka, kawawa din ‘yan kapag iniwan mo rito tapos makikita mo nalang kinabukasan wala ng dugo sa katawan niya o hindi kaya wala na ang mga lamang loob dahil kinain ng mga taong lobo.”
“Ganyan ba talaga ang description ninyo sa mga taong lobo?”
Napatingin kami ni Marfire sa kanyang likuran nang nagsalitang babae. Kaagad kong naamoy ang mabaho nitong katawan. Sobrang sangsang sa amoy. But her feature? Ang ganda niya.
“Sorry, iyon ang pagkakilala ko sainyo? Hindi ba mga mga carnivores kayo?” tanong ni Marfire sa magandang taong lobo.
“It doesn’t mean na mga taong lobo kami ay kinakain na namin ang lahat ng uri ng karne.”
“Bakit? Hindi ba?” pilyong ngumiti si Marfire.
Kaagad na nagbago ang kulay ng mga mata ng taong lobo. Naging dilaw ito na may halong kaunting ginto. Kaagad kong naramdaman ang malakas nitong kapangyarihan. Kinuha ko ang aso. Baka madamay pa kami sa gulo nilang dalawa ni Marfire.
“Hindi mo ako kakayanin taong lobo,” ngumisi lang si Marfire.
“Guys kung gusto ninyo ng away ay hindi rito. If you don’t want to expose your secret,” napatingin sa akin ang babae. Ang bangis ng mga mata nito. “Hindi ako kaaway,” mabilis kong wika.
“Mahina lang siya Conal, I’m sure kayang-kaya mo siya.”
“No, I have no plan to fight,” mabilis akong tumanggi.
“Ang I have no plan too. Naniniwala pa rin ako na ang mga lalaking nilalang sa mundo ay nilikha upang pangalagaan ang mga babae.”
“Wow,” wala sa sariling wika ko nang marinig iyon sa bibig ni Marfire.
“Pangalagaan? Baka natatakot ka lang?” panghahamon ng taong lobo.
“Look, I’m sorry sa nasabi ko,” tumingin sa akin si Marfire. “Tara na Conal.” Nauna itong humakbang palayo.
“Hayaan mo na siya, mabait iyon,” kinindatan ko ang maganda nitong mukha at nagmamadaling umalis. Nang mahabol ko si Marfire ay tinanong ko siya agad.
“Hindi ko lang gusto lumaban sa mga kagaya niyang babae.”
“Pero may kapangyarihan siya,” giit ko.
“Sira, kung ikaw ang nasa aking sitwasyon kanina ay gagawin mo rin ba iyon?”
Mabilis akong napailing sa tanong niya, “hindi, eh. Wala naman siyang ginawa sa akin. But kung wala akong choice ay bakit hindi? Mapanganib din sila Marfire. Ganito lang iyan, ikaw ang papatay o sila ang papatay saiyo?”
“Sabagay, tama ka. Not all the time ay pinapagana natin ang paglambot ng ating mga puso. Kailangan din nating maging marahas.”
“Yeah,” ani ko nalang sabay kurot sa pisngi ng hawak-hawak kong aso. “Ano kaya ang ipapangalan ko saiyo? Sweety pie? Sweety or cutie kaya?” hindi ako makapili.
“Mas maganda kung sweety,” wika ni Marfire.
“Sabagay, iyon din ang una kong tinawag sa kanya kanina,” ani ko at ibinalik ang tingin sa aso. “Sweety na ang ipapangalan ko saiyo, ha?”
“Meowk.”
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Marfire at kumunot ang noo nito, “narinig mo ba ‘yon?”
Tumango siya, “oo kaya napatingin ako sa kanya.”
“Bakit pusa? Hindi naman pusa ito?”
“Baka hybrid na pusa.”
“Sira,” tinitigan ko siya. Asong-aso, eh. Possibleng pusa ito. “Aso siya, eh.”
“Tanungin mo kaya?”
Sinang-ayunan ko siya agad, “pusa ka ba o aso?” hindi ito sumagot. Bagkus ay napatitig lang siya sa akin.
“Magsalita ka!” galit na sigaw ni Marfire dahilan para mapataholsi Sweety. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya muntikan ko nang mabitawan ang bago kong alaga! “Aso nga siya,” ani nito at umalis na.
Napalaglag ang panga ko sa kanya. He’s impossible! Niyakap ko si Sweety at sumabay na ako sa moklo!