VV: 3

2891 Words
CHAPTER THREE: Apple of the Eye Wala na akong nagawa pa kundi pakinggan si Kuya Luna. Ba’t ba pinauwi nalang nila ako ng ganoon kadali? I wanna see kung paano nila pahirapan ang taong lobo na ‘yon. Padabog akong umupo sa sofa at tumabi si Kuya Luna. Kaagad na sumulpot sina Mama at Papa sa aming harapan just to check us. Hindi bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. “So saan na ang dalawa?” Tanong ni Mama at palipat-lipat siya ng tingin sa amin. “Naiwan sila Ma to fight the werewolf.” Si Kuya Luna ang sumagot. “Don’t tell me papatayin nila ang nilalang na iyon?” Umalma si Papa ngunit hindi man lang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Ni hindi ko maramdaman ang kanyang pag-aalala. “So, Conal.” Bumaling sa akin si Mama, “kumusta sa University ninyo?” Medyo sumandal siya balikat ni Papa just to show affection. “Okey lang, may nakilala akong nilalang na kalahati bambira at kalahati diwata.” Walang gana kong wika. Dinidibdib ko pa rin ang ginawa ni Kuya Luna na pag-uwi sa akin. “And then?” Hindi pa kontento si Mama sa akin. Ayoko na sana sabihan ang tungkol sa taong lobo na iyon ngunit kailangan nila iyong malaman. “And we met the werewolf thing at nagalit siya sa amin dahil pumasok kami sa kanilang teritoryo.” “So sa kanila pala ‘yon?” Si Kuya Luna. “Yeah,” sagot ko, “at tresspasser kami ng bago kong kaibigan.” Speaking of kaibigan, kumusta na kaya ngayon si Marfire? Pero it seems na nakauwi na ang lalaking iyon kasi mukhang ako talaga ang hinabol ng taong lobo. Maybe hinintay lang ng lobo na iyon na umalis si Marfire upang sundan ako. At hindi ako makahingi ng tulong. Medyo wala nang tanong sina Mama sa akin kaya napanatag na ako. Wala pa naman akong gana ngayon na sagutin ang kanilang tanong. Sa ilang minuto na aming paghihintay ay bumosena ang sasakyan ko. Isa lang ang pinapahiwatig nito. Nakauwi na ang dalawa kong kuya. Mabilis pa sa alas kwatro ang aking paglabas. Eksaktong paglabas ko sa bahay ay siyang paglabas nila sa kotse. Mula sa aking kinatatayuan, amoy na amoy ko ang magaspang na baho ng taong lobo. Nakangiti ang mga itong lumapit sa akin. “Ano na?” I asked. “Everything was fine, naturuan na namin ng leksyon ang taong lobo.” Wika ni Kuya Trevos at sabay pagpag ng kanyang suot na may maraming balhibo. Palatandaan lamang iyon na talagang nagtuos ang mga ito sa taong lobo na ‘yon. “Did you kill her?” Hindi ako makapaghintay sa isasagot nila. Iwan ko ba, parang nati-tense ako. Baka masaya lang ako dahil pinoprotektahan ako ng tatlo kong kapatid. “Yeah.” Walang buhay na sagot ni Kuya Raxos sa akin. Kakaiba talaga ang tatlong kambal na ito. Medyo magkahawig sila ngunit naiba lang dahil sa kulay ng kanilang mga buhok at ugali. Sisimulan ko kay Kuya Raxos, I can feel na mahal niya naman ako. Sa lahat, siya ang pinaka-protective sa akin. He will not tolerate a thing kung saan nakakasama sa akin. Sunod naman ay si Kuya Luna, ito ang pinakamadaldal kapag nasa mood nga lang, from time to time may mood swing siya. At panghuli ay si Kuya Trevos, minsan ang cool niyang kasama ngunit minsan kagaya ni Kuya Raxos napaka-protective. O tamang sabihin over protective. Ngunit kahit ano pamang katangian nila’y, mayroon silang isang katangian na tumutugma sa kanilang tatlo. Iyon ay ang pagkakaroon ng malakas kapangyarihan. Ngunit kailanma’y hindi ko natanong sa aking sarili kung bakit sila lang? Kung hindi ako nagkamali, nakuha nilang tatlo ang kapangyarihan kay Papa at ako naman nagmana kay Mama. “Conal.” Tawag sa akin ni Mama habang hawa-hawak niya ang doorknob ng pinto. Doon ko lang napagtanto na nilamon na pala ako ng malalim na pag-iisip. “Ayos ka lang ba?” “Ha? Ahh, eh...oo naman.” Napabungisngis ako, “kanina pa po kayo diyan, Ma?” “Oo, nakailang sambit na ako sa pangalan mo.” May bakas ng pag-aalala ang mukha ni Mama ngunit hindi ko iyon matukoy kung ano ang sanhi? Hindi naman yata alarming ang malalim na pag-iisip ko kanina, diba? “Pumasok ka na upang makabawi ng lakas, alam kong napagod ka sa sobrang nangyari ngayong araw na ito.” “Yes, Ma.” Isinara ni Mama ang pinto. Gamit ang aking kakayahang maglaho ay nakarating ako sa ikalawang palapag ng bahay ay naabutan ko ang tatlong kambal. They were planning. Alam ko iyon dahil kakaiba ang tingin nila sa akin. “What?” I asked. Ngumiti ng nakakaloko si Kuya Luna at mabilis siyang nakalapit sa akin, “mag-ayos ka dahil may celebration tayo.” Itinulak niya ako patungo sa aking kwarto ngunit pumalag ako. “Anong celebration?” Hindi ko sila ma-gets. Wala namang may kaarawan sa amin and besides walang nagsi-celebrate ng birthday maliban sa akin, every 7th of November. “Eighteen ka na so you can come kahit saan kami pupunta.” Tipid na ngumiti si Kuya Trevos. “Hindi na, may assignment pa ako,” giit ko. Eh, bakit bakit kanina pinauwi lang nila ako. Hindi ko man lang nakita kung paano nila tinalo ang taong lobo. “Oy, ang baby Conal namin nagtampo.” Tudyo ni Kuya Luna at pinisil-pisil ang magkabilang pisngi ko. “Stop.” Awat ko sa kanya at huminto naman siya, “I’m busy, okey?” “Galit ka ba sa amin dahil kanina?” Seryosong-seryo si Kuya Raxos. Napayuko ako dahil bigla nalang ako nakaramdam ng takot at kaba. “Raxos, relax.” Saway ni Kuya Trevos. Bumaling siya sa akin, “come on Conal, sumama ka na sa amin. Pupunta kaming city to hangout. Magugustuhan mo roon lalo na dahil gabi.” Sandali akong nag-isip. Mukhang maganda nga ang ideya na iyon ngunit bakit ngayon lang sila nagyaya? “Anytime ay puwede na ba akong lumabas ng bahay without your permission?” “Yes and No, yan ang sagot sa tanong mo Conal.” Kuya Luna pouted his lips. “Una ang daming protocols na kailangan mong tandaan. Pangalawa, hindi maganda ang pagala-gala sa labas ng bahay lalo na kapag hating gabi. At pangat—.” I cutted him. “Pangatlo ay mas mainam na mag-stay nalang ako sa bahay.” Palipat-lipat ako ng tingin sa kanila. “Alam ko na ‘yon, in fact hindi ko na mabilang kung ilang beses niyo na akong sinabihan ng mga ganyang bagay.” “Alam niyo, i-revise nalang natin ‘yan. Look, malaki na si Conal, he’s eighteen. Legal na siya at wala na tayong magagawa roon.” Medyo nabuhayan ako nang sabihin iyon ni Kuya Trevos. “Batas ‘yan ng mga mortal at hindi sa atin Trevos.” Umalma si Kuya Luna. “At tandaan mo nasa mundo nila tayo.” Yeah! Nandito nga pala kami sa mundo ng mga mortal. For Pete’s sake! May ibang mundo pa ba maliban sa kinatatayuan namin? Panay ko silang naririnig na nag-uusap tungkol sa Kastilyo at totoong mundo ng mga bampira. But I don’t mind! For me, this is my world. “Huwag na muna natin ‘yan pag-usapan ang importante ay makagala tayo ngayon,” wika ni Kuya Raxos. “Ano na Conal, kilos na.” Wala na akong nagawa pa. Kumiwala ako sa pagkakahawak ni Kuya Luna sa akin upang pumasok sa aking kwarto. Bubuksan ko na sana ang aking cabinet nang maalala kong amoy aso ako. I need to take a bath. Kahit mabilisan lang! Kaagad akong pumasok sa shower room at hinubad lahat ang aking suot. Dumampi sa mukha ko ang unang patak ng malamig at masarap na tubig. Sobrang napaka-refreshing. Hindi na ako nagtagal pa. Nagsabon ako kaagad at nagbanlaw. Hindi na ako gumamit ng shampoo baka hinihintay na ako ng tatlo. Pagkatapos maligo ay nag-ayos na ako. Nadatnan ko ang tatlo kong kapatid na kagaya ko ay bihis na bihis ang mga ito. Basa ang kanilang mga buhok. Amoy sabon pa ang mga ito kahit natatabunan ito ng kani-kanilang perfume. “Ready ka na ba?” Excited na ngumiti sa akin si Kuya Luna. “Tara?” “Let’s go.” Napangiti na ako. Gamit ang aming mga kakayahan ay naglaho kami palabas ng bahay. Isang kotse lang ang ginamit namin at kay Kuya Raxos iyon. Nasa front seat ako habang si Kuya Luna at Kuya Trevos naman ay nasa likuran. Tahimik na nagmamaneho si Kuya Raxos. Ang dalawa naming kasama ay sobrang ingay. Hindi naman ako makasali sa kanilang usapan dahil hindi relatable. Minabuti kong aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa aming nadadaanan. Sa aking tantiya ay nasa alas dyes y media na yata. Tirik na tirik na ang buwan at kay sarap tingnan niyon. “I’m pretty sure na hindi matatapos ang gabing ito ay makakahanap ng girlfriend si Conal,” Hindi ko alam kung biro lang ba ‘yon ni Kuya Trevos o talagang pinaparinggan niya ako. “Sumama ako to have fun and I wanna see the city kung ano ang hitsura niya sa gabi.” Wala sa bokabularyo ko ang magkanobya. “Ikaw ang bahala Conal basta mag-behave ka lang ng very slight. Hindi parin natin kakilala ang mga taong ating nakakasalamuha.” Bilin sa akin ni Kuya Raxos. Himala dahil nagsalita na siya ngayon. Maybe he realized na ayaw niyang masira ang kanyang gabi dahil magsasaya kaming magkakapatid ngayon. “Sandali, alam ba nina Mama at Papa na umalis tayo?” Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala kami nakapagpaalam. “Alam na alam nila Conal. Don’t worry, pumayag silang dalawa,” si Kuya Luna. “Salamat naman dahil alam nila. Ang buong akala ko’y wala silang kaidi-ideya.”Nagumpisa nang dumami ang mga tao at sasakyan nang tumuntong na kami sa siyudad. Ang daming ilaw at ang daming tao. Amoy na amoy ko mula sa aking kinauupuan ang masarap nilang mga dugo. “Paaalala lang, walang magha-hunt.” Bilin ni Kuya Trevos. As if naman gagawin namin ‘yon. Never pa kaming kumitil ng buhay just to quench our thirst. “We’re here.” Mabilis na naiparada ni Kuya Raxos ang kotse. Naunang lumabas ang dalawa sa likuran at kaagad na sumunod kami ni Kuya. Umawang ang aking labi nang makita ko ang isang building. Bar of Plessure. Basa ko sa nakasulat sa itaas ng pinto. May mga taong nagsilabasan at nagsipasukan. I guess mukhang masaya nga sa loob. Paghakbang naming apat ay biglang humangin. Dahilan para matakam ako sa amoy ng dugo. I steady myself at ayokong pairalin ang pagkauhaw. Kaninang umaga pa ako uminom ng dugo kaya medyo ganito ako ngayon. Tumambad sa amin ang maingay na hiyawan at tawanan ng mga lasing. Mababae man o lalaki. Hilong-hilo na ang mga ito. Kaagad kong naalala ang sinabi ni Marfire na uso sa siyudad ang pag-ataki. Nagmistulang buntot ako ng tatlo kong kapatid. Panay ang iwas nila sa mataong lugar ng bar. May mga lumalapit sa aming babae at panay lang ang kanilang sayaw. Kitang-kita ko na lasing na ang mga ito at hindi nila alintana ang nagbabadyang panganib kung sasalakayin namin sila. “Conal, uminom ka. Nandito tayo upang mag-relax and of course celebration mo to kasi sa wakas nag-aaral ka na.” Pasigaw na wika ni Kuya Trevos. Hindi pa nga ito nakainom, eh, parang lasing nang umasta. “Hayaan niyo na muna siya. Let Conal comfort himself. Naninibago lang siya.” Mabuti naman at alam mo Kuya Luna. Medyo hindi ako sanay sa ganitong set up. May iba na ang bababoy nilang tingnan. Walang kahiya-hiya ang mga to na nakipaghalikan sa harap ng iba. At ang gulo! This is not what I want. “Puwede bang magpahangin na muna ako? I don’t like the place,” giit ko sa kanila at totoo iyon. Kaagad na tumayo si Kuya Raxos, “sasamahan na kita.” “No Raxos, stay here.” Hinila ito ni Kuya Luna kaya napaupo siya pabalik. “Sige na Conal, basta huwag kang lalayo. Remember na alam namin kung saan ka.” Bilin sa akin ni Kuya Trevos. Yes! Lihim akong natuwa at nagmamadali akong lumabas. Bumungad sa akin ang malamig na hangin sa labas. Medyo hindi na iyon sariwa pero sapat na ang lamig upang maikalma ko ang aking sarili. Sa hindi kalayuan ng aking kinatatayuan. May natanaw akong babae na humuhikbi ng iyak. I don’t know why ngunit parang sinasabi ng kanyang iyak na lapitan ko siya. I saw myself walking palapit sa kanya. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang kulay ng kanyang t-shirt at naka skinny jeans siya na may pares na puting sapatos. I can’t see her face kasi nakayuko siya at humihikbi. “Women are weak.” Mahinahong sambit ko. Tumingala siya sa akin dahilan upang umawang ang aking labi. Ang ganda-ganda niya kahit na nakakunot ang kanyang noo. “Sino ka para sabihin na mahina kaming mga babae?” Medyo galit niyang turan sa akin. “Galit ka?” I asked her. “Obvious ba?” “Why?” Wala akong idea bakit ang sungit niya sa akin. “Sinong babae ang hindi magagalit kapag narinig ang sinabi mo?” Tumaas na ang kanyang boses. Mukhang wrong timing yata ang paglapit ko sa kanya. “Offensive ba ‘yon?” “Wow!” tumayo siya. “Hindi kami mahihina. Iyan ang hirap sa inyong mga lalaki eh. Ang hilig ninyong i-normalize ang lahat gayong natatapakan niyo na kaming mga babae.” “Hey, relax...it’s not what I mean, sabi ko men are weak.” “Bwesit! Hindi mo ako mabobola, rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang sinabi mo. Diyan ka na nga.” “Teka.” Napahawak ako sa kanyang braso. May bigla akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. I feel her warm at ang bilis ng t***k ng aking puso. “Bitiwan mo nga ako. Manyak!” Hahabulin ko sana siya ngunit natigilan ako dahil sa sudden feeling na aking naramdaman kani-kanilang. “Ano ‘yon?” umiling ako, “that’s weird.” Pero honestly ang ganda niya. Ang mabuti pa’y bumalik nalang ako sa loob ng bar. “Tulong!” Tatalikod na sana ako when I heard a voice. Kaagad akong naalarma nang boses iyon ng babae na kausap ko kanina. Kailangan kong matulungan siya. Nabilis akong tumakbo at sinundan ang maliit na pasilyo kung saan siya dumaan kanina. Here you are. “Anong nangyari?” Lumapit ako sa kanya at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata. “Mayroong mga lalaki kanina, pula ang kanilang mga mata.” Garalgal at nanginginig ang kanyang boses sa takot. Kaagad kong nahulaan ang sinabi niya, mga bampira ‘yon. “Saan na sila?” “Hindi ko alam, bigla nalang sila naglaho.” Napakapit siya sa aking braso, “huwag mo akong iwan dito.” “Nandito lang ako, don’t worry. Ang mabuti pa’y umalis na tayo rito baka bumalik ang mga ‘yon.” Hindi ligtas ang lugar na ito para sa aming dalawa. Paano kung mga maharlikang bampira ang mga ‘yon? Nagmamadali kaming bumalik ngunit hindi paman kami nakalabas sa pasilyo ay may humarang na sa amin. Dalawa sila at tama nga ako, mga bampira! “Amin siya.” Wika ng isang bampira ay nag-iba ang kulay ng mata nito. “Halimaw sila.” “Huwag kang matakot.” “Anong hindi matakot? Lalapain nila tayo tapos huwag matakot?” “Ang ingay mo.” Iritado kong wika sa kanya. Wala na akong choice kundi itakas siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at kaagad kaming naglaho. Napunta kami sa lugar na iwan. Hindi ko alam kung saan kami ang importante ay natakasan namin ‘yon. “Bitiwan mo ako! Halimaw ka rin.” Nagulat na naman ako sa tinuran niya. “Ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa tong galit.” Inayos ko ang aking damit. Infairness ang bango ng buhok niya. “Teka, isa ka rin ba sa kanila?” Takot niyang tanong sa akin. Titig na titig siya sa akin ngunit hindi niya iyon maaninag dahil ang dilim. “Obvious ba?” “Kakainin mo ba ako?” “We don’t eat human flesh but we suck blood.” “Oh my gosh! Tulong! Tu—hmmm.” I covered her mouth with my hand. “Shut up.” “Hmmm!” Hindi ko pa siya binitiwan dahil ang aggressive pa niya. Masusundan kami ng dalawang bampira na ‘yon kapag nag-iingay siya. “Gusto mo bang masundan tayo rito ng dalawang bampira, ha? Kapag nagkataon I can save myself pero ikaw? You can’t save your life to them.” Medyo naliwanagan siya sa aking sinabi kaya hindi na siya pumalag. Inalis ko ang aking kamay at rinig na rinig ko siyang huminga ng malalim. Mukhang napahigpit yata ang ang pagkakatakip ko sa kanyang bibig. “Tulong!” Sumigaw na naman siya at huli na upang takpan ko ‘yon. “f**k!” Narinig nila ang sigaw niya. “Dito ka sa likuran ko.” Sumulpot ang dalawang uhaw na uhaw na bampira. Nakalabas na ang kanilang matutulis na pangil. s**t! Paano ko sila lalabanan at paano ko maililigtas ang babaeng ito? “Ibigay mo siya sa amin.” “Bakit kayo nambibiktima ng tao gayong puwede naman kayong bumili ng dugo?” Tanong ko sa kanila habang nag-iisip ng paraan upang matakasan ang mga ito. “Kakailanganin namin siya dahil isa siyang birhen na babae.” “No! Huwag mo akong ibibigay sa kanila. Ayokong magahasa at matagpuan nalang na wala ng buhay at ubos na ang dugo.” Nanginginig na siya sa takot at ramdam na ramdam ko iyon. “Bago niyo pa siya makukuha sa akin ay kailangan niyo munang dumaan sa aking pangil.” Banta ko sa kanila. Sinubukan ko lang kung tatalab ang sinabi ko sa kanila. “Wala na kaming pamimilian pa!” Galit na wika ng isang bampira ay nagpalabas ito ng maitim na usok. Nagulat ako dahil mga maharlikang bampira sila. Kung gayon ay hindi ko sila kakayanin kapag lalabanan ko sila. Kailangan ko ng tulong, ngunit paano? “Kayo pala ang nangunguha ng mga inosenti, ha.” May lumitaw na bulto ng lalaki sa aming harapan at kaagad ko siyang nakilala. “Ako na ang bahala sa kanila Conal. Itakas mo na siya.” Tumango ako at ngumiti, “salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD