Chapter 7: Natutulog na Kapangyarihan
NAPAHINTO ako nang tumakbo palapit sa akin si Sweety. I even feel her loneliness while licking on my shoes. I grabbed her. Tiningnan ko ang kanyang itim na mga mata. At wala sa sariling napangiti ako.
“You’re beautiful,” I kissed her crown. “Behave ka lang dito, ha. You will be staying here alone. No one will accompany you, Sweety. Handa na ang meal mo. Kumain ka lang ng marami.” Mabuti nalang talaga at nagawa kong pumuslit kahapon ng hapon. At siguro naman na magugustuhan ni Sweety ang dog food.
I put her down. I make sure na sarado ang lahat ng pinto at bintana upang hindi siya makalabas at maglaro lang sa loob ng bahay.
When I about to open the car’s door ay napatingin ako sa paligid. Walang kakaiba. Nakakatawa lang dahil wala ngayon ang lalaking nakita ko kahapon. Baka may ginawa o hindi kaya dahil nagawa ko siyang nahuling nagmamasid kahapon ay hindi na muli ito magpaparamdam.
While driving my car, I couldn’t stop thinking about the black werewolf. At kung paano ko iyon nagawang maramdaman gamit ang aking puso. Hindi ko alam na may ganoon palang kakayahan ang mga bampira. All I used ay mga senses lang. Most probably ay ang mga common senses na ginagamit rin ng mga normal na bampira at tao.
I peacefully arrived sa loob ng campus. May marami nang estudyante. Pakiramdam ko ay isang linggo akong absent gayong kahapon lang naman ako lumiban.
When I about to move out from my car. I suddenly feel the cold breeze. I look at the air condition at nakapatay iyon. Nagmamadali akong lumabas at tumingin sa paligid. Maraming estudyante. Mababango ang kanilang mga dugo at sobrang distracted ako.
“Conal.”
Nagulat ako nang biglang dumating si Marfire. Napatitig ako sa kanya at sinuri ang kanyang buong katawan. Nothing changes on his body. Wala itong pinsala na tinamo.
“Ayos ka lang ba? You look weird.”
“May naramdaman lang ako kanina sa loob ng kotse. Malamig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.”
“Ginaw,” he looks inside my car. After Marfire didn’t feel anything. He starred me with a cross eyebrows. “I feel nothing.”
“Tara na nga,” hinila ko na siya patungo sa aming first class. Marami kaming mga nakasabayan at ang kanilang mga mata ay nasa amin. “Hindi pa pala ako nakapagpapasalamat saiyo, Marfire. Thank you for saving my life again.”
“Ay sos, wala iyon. Ganoon din naman ang gagawin mo sa akin.”
“Well, hundred percent ipagtatanggol kita pero walang kasiguraduhang maaalis kita sa kapahamakan. Wala akong karanasan sa pakikipaglaban at baka dalawa pa tayo ang mapapahamak.”
“Kung gusto mo ay tutulungan kitang magsanay, Conal. Mas maganda iyon para mapagtanggol mo ang iyong sarili.”
“You’ll going to do it for me?”
“Yes,” he nodded. “Kaibigan na kita at bilang kaibigan tuturuan kita sa mga natutunan kong pakikipaglaban.”
My face brightened nang sabihin iyon ni Marfire. I want to hug him dahil sa tuwa. s**t, pakiramdam ko tuloy ay bestfriend ko na siya.
“Thank you… kialan tayo magsisimula?” excited kong tanong sa kanya habang naglalakad kami sa pasilyo.
“Mas maganda kapag weekends. May dalawang araw tayo para magsanay. Matututo ka at matututo rin ako.”
“Game…” napansin kong wala na ang mga estudyante. “Magmdali na tayo,” hinila ko na naman siya at nagmadali na kaming naglakad. Sa tuwing kasama ko siya at sobrang bagal naming maglakad. Mas nagiging normal kaming dalawa.
Eksaktong nakarating kami sa loob ng classroom ay siya namang pagdating rin ng instructor namin. Kaagad itong nag-lecture and the entire class went well. Nang matapos ang klase ay diritso kami ni Marfire sa kasunod.
Nothing espesyal sa araw na ito. All we did ay maghabol ng oras dahil napapasobra ang ibang instructor sa pagtuturo. Mabuti nalang talaga ay mayroon kaming kakayahan na matandaan ang lahat. Kaya mas nagiging madali sa amin ang matututo sa iba’t-ibang bagay.
Natapos ang buong araw. Gabi na naman kaming natapos. Ang kaibihan ngayon ay medyo mas mabilis ang aming lakad at nakikipagsabayan kaming dalawa sa mga mortal. Eksaktong paglabas naming sa building ay mayroong sumigaw.
Sabay kaming napalingon ni Marfire sa gawing kanan. Nanggagaling ang sigaw na iyon sa loob ng naglalakihang kakahuyan.
“Kailangan nating tulungan ang babaeng iyon,” aniya at naunang tumakbo.
Ayaw ko man ay sumunod ako sa kanya. Nang mawala kami sa mga estudyante ay biglang naglaho si Marfire. Ginamit na niyang kanyang kakayahan at sumunod ako.
Sabay kaming nakarating sa isang malawak na lupain. Napamangha ako dahil may isang kapatagan sa gitna ng kakahuyan. Hindi ko alam na sobrang lawak pala ng lupain rito.
“Humanda ka, Conal. Marami sila.”
“Ha?” nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko makuha ang kanyang sinasabi. “Wala akong maramdamang kakaiba Marfire,” wika ko sa kanya.
“Open your heart Conal. The heart of vampire is the most powerful sense we have,” aniya.
Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata. At binuksan ang aking puso. Naging malinaw ang aking pakiramdam. Tumalas ang kakayahan kong pakimramdaman ang paligid. Nagulat ako nang makita ko ang grupo ng mga taong lobo. Sobrang layo nila ngunit nagawa ko silang makita.
“Ang puso natin Conal ay katumbas nito ang pitong pandama ng tao. Mas makapangyarihan ito kapag natutunan nating gamitin.”
“Alam mo ba kung paano?”
Umiling siya, “hindi ko pa iyon nagagawang hubugin, Conal… maghanda ka na,” aniya.
Muli kong ginamit ang aking puso para matingnan kung saan na ang mga taong lobo. Malayo pa ang mga ito kahit nagmamadali silang tumakbo.
“Sino ang babaeng sumigaw kanina?” hindi mapigilang tanong ni Marfire. Palinga-linga lang siya. Maging ako ay nagtaka rin ngunit hindi ko iyon nabigyan ng pansin dahil mas nauna kong inisip ang mga taong lobo. Sana ay may maipakitang title ang mga ito sa lupain na ito na kanila namang inaangkin.
Tumalon si Marfire sa ibabaw ng malaking sanga ng punong kahoy. Susunod sana ako nang bigla siyang bumaba. Nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata at hinawakan ako sa braso.
“Isa itong patibong!” sigaw niya at mabilis kaming naglaho gamit ang kanyang kakayahan. Nakabalik kami sa loob ng building at mabilis na nagpunta sa aking kotse.
“Mas mainam kung pupunta tayo sa bahay namin!” kinakabahan na ako.
“Tara!”
Wala na akong sinayang na oras. Pinaharurot ko ang kotse palabas. Maging ang mga guard sa gate ay napatingin ang mga ito sa amin.
“Sinusundan ba nila tayo?” tanong ko. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko magamit ang aking puso dahil nakatuon ang aking mga mata sa pagmamaneho. Hindi ko pa kayang pagsabaying gamitin ang mga kakayahan ko. Paano’y ngayon ko lang nalaman na possible palang gamitin ang puso bilang pangwalong pandama naming mga bampira.
“May isang mabilis na nakasunod sa atin Conal. Kailangan na nating maglaho. Maaabutan tayo kapag nanatili tayong dalawa sa kotse mo.
“Sige,” pagsang-ayon ko sa kanya. Mabilis kong ipinarada ang kotse at sabay kaming naglaho. Sigurado naman akong masusundan ako ni Marfire. Mas bihasa siyang gumamit ng kanyang kapangyarihan.
Nakarating kaming dalawa sa labas ng bahay. Hindi paman kami nakahakbang nang sumulpot sa harapan namin ang tatlo kong kapatid. Sumunod sa mga ito si Mama at Papa. Lahat ng kanilang mga mata ay nagbago ang kulay. Ako nalang ang hindi.
“Pumunta kayo sa likuran namin,” utos ni Kuya Luna. Ayoko sanang sundin siya ngunit kaagad kong naalala na hindi pala ako kagaya nila na mga maharlika.
“Makakatulong ako,” giit ni Marfire. At tumango lang ang mga ito.
Wala akong imik na pumunta sa likuran. Sa aking gulat ay isa-isa silang naglaho. Gusto ko sanang sumunod ngunit naunahan ako ng pagka-inggit sa mga ito. Balang araw ay magiging malakas rin ako.
Minabuti kong pumasok na muna sa bahay. Mabilis akong sinalubong ni Sweety at nilaro na naman nito ang aking sapatos. Mabilis ko siyang kinuha kasi madumi ang sapatos ko. Dinala ko siya sa sofa at doon kinurot-kurot ko ang kanyang pisngi.
“Mabuti nalang at nandito ka para pasayahin ako.” Mabuti nalang talaga dahil inampon ko ang asong ito.
“Kumain ka na ba, ha? Did you eat all your food I prepared?” sa sobrang cute ni Sweety ay humalik ako sa kanyang crown. Ang bango ng noo niya. Sa tingin ko ay pinaliguan na naman ito ni Mama.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalambing kay Sweety nang muli kong maramdaman ang malakas na enerhiya. Mabilis kong nayakap si Sweety when she begun growling. Naramdaman din niya ang kakaibang enerhiya. Sa pagkakakatong iyon ay sobrang lapit na ng kanyang presensya. Mabilis kong ginamit ang aking puso upang matingnan kung saan siya ngayon. Hindi ko pa man tuluyang nagamit ang aking pandama nang biglang bumukas ang pinto.
Kaagad akong napaatras nang mamukhaan ko siya. Siya ang nakita kong lalaki sa kagubatan. Siya ang nagmamay-ari ng malakas na kapangyarihan.
“What are you doing here?” malamig kong tanong sa kanya.
“Easy, ganyan ka ba mag-welcome ng mga bisita mo?” ngumisi ito.
“You are not even invited. Who are you?”
“I am Lumino. Thank you for asking me,” ngayon ay nakangiti na siya. “May dugo ba kayo rito?” Kaya palagi akong nandidito para lang makiamoy ng dugo.”
“Impossible. Hindi mo ako mauuuto. What do you want?”
“Dugo nga hindi ba? O baka gusto mo inumin ko ang dugo ng alaga mong si Sweety,” lumapit siya ngunit mabilis akong nagsalita.
“Back off,” banta ko sa kanya. Natigilan si Lumino ngunit kaagad rin itong napatawa ng malakas dahilan para tumahol si Sweety.
“Ang cute ng aso mo by the way.”
Kumunot lang ang noo ko. Napaka-seryoso nitong pumasok kanina ngunit bigla nalang itong nag-iba. Baliw ang bampirang ito.
“Well, ayaw kitang saktan at labanan. Tutal wala naman ang pamilya mo rito. Ngayon ay lulubusin ko na ang aking sadya. Hindi mo naman ako papainumin ng dugo kaya hindi na rin ako magtatagal.”
“Say it,” ang dami nitong sinasabi.
“Gusto ko lang na malaman mo Conal na you have something in yourself na natutulog lang. Gisingin mo ito.”
“What the hell are talking about?” gising na gising ako ngayon.
“Gisingin mo ang natutulog mong kapangyarihan, Conal. Gisingin mo ‘yan.”
“Ha?” nanlaki ang mga mata ko.
“Noong una palang kitang makita ay kaaagad kong naramdaman ang kapangyarihan mo Conal. At ang nararamdaman mong kapangyarihan tuwing umaga ay hindi sa akin iyon.”
“Hindi kita maintindihan? Ano ang sinasabi mong kapangyarihan ko? Isa lang akong normal na bampira. Nagmana ako sa aking ina.
“May kapangyarihan ako Conal. Kaya kong iparamdam sa isang nilalang ang nararamdaman ko. Lalo na kapag ako lang ang nakakaramdam nito.”
“Paano kita paniniwalaan?”
“Haist, fine.”
Tiningnan ni Lumino ang aking aso. Tinitigan niya lang iyon saglit. Maya-maya pa ay may kakaiba akong naramdaman. Isang galit. Galit ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko siyang atakihin at sakmalin.
“I think sapat na iyon,” aniya.
Mabilis na nawala ang galit sa aking pakiramdam. Nanlaki ang aking mga matang tiningnan siya. Hindi ako makapaniwalang totoo ang kanyang kapangyarihan.
“Ang nararamdaman mong galit ay sa aso mo iyon. Siguro ay magdadala na ako ng dog food next time para hindi magalit si Sweety sa akin.”
“Paano mo iyon nagawa?” hindi pa rin ako makahuma. Sobrang kakaiba ng kapangyarihan niya.
“Sabihin nalang natin na nagising akong may ganito nang kapangyarihan? Tao ako dati, ginawa akong bampira at hindi ko alam kung sino. Iyon, nagulat nga ako, eh. Until I realized na may kakaiba akong kapangyarihan.
“Kakaiba nga,” sobrang unique ng kapangyarihan ni Lumino.
“Ano pa ang kaya mo?” hindi ko mapigilang tanong.
“So far iyon nga lang. Kailangan ko lang pumatay ng mga makapangyarihang nilalang para magkaroon pa ako ng lakas.”
“Alam mo rin iyon?” napamangha ako kay Lumino.
“Ang alin? Kung paano magnakaw ng kapangyarihan?”
Tumango ako bilang sagot.
“Hindi na iyon iba sa ating mga bampira. Halos lahat ay alam iyon. Kaya kapag maharlika ka ay kailangan mong mag-ingat. Hindi mo alam kung sino ang kikitil at naghahabol sa kapangyarihan mo.”
“Iyong naramdaman mong kapangyarihan sa akin? Totoo ba iyon? Paano ko maipapalabas ang aking lakas?” may saya akong naramdaman. Hindi ko alam na isa rin pala akong maharlika. Tama ang punto ni Marfire nang sinabi nitong may kapangyarihan na kailangan pang i-develop at palabasin.
“Hindi ko rin alam Conal kung paano mo iyon gawin. Ang alam ko lang ay mayroon kang taglay na sobrang lakas na kapangyarihan. Ikaw lang ang siyang makatutulong saiyong sariili. Wala ng iba pa.”
“Ngunit hindi ko alam kung paano Lumino.”
“Simula pagkabata mo ay bampira ka na ba talaga?” curious nitong tanong.
“Bampira ang mga kapatid ko at hindi malayong bampira ako ng lumabas ako sa sinapupunan ng aking ina.”
“Nakapagtataka. Kung bampira ko noong sanggol pa lang, edi sana lumabas na iyang kapangyarihan mo. Kasi in born na ‘yan, eh. Lalalabs at lalabas kaagad.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” mas lalo pa akong nagtaka kay Lumino.
“Sino ka?” biglang dumating ang mga kapatid ko. Sumunod ang aming mga magulang at si Marfire. Mabilis akong napatakip ng ilong nang pumasok ang mabahong amoy ng mga taong lobo. Dumikit iyon sa kani-kanilang mga damit.
“Aalis na ako, Conal,” wika ni Lumino at kaagad siyang naglaho.
“Sino ang bampirang iyon?” kumunot noong tanong ni Papa sa akin. Lumapit siya ngunit kaagad rin akong napaatras.
“Amoy lobo kayo,” natatawa kong wika sa kanila. “Pero bakit ang linis ng mga damit ninyo?” Iyong ang una kong napansin sa kanila. Tila amoy lang ng mga taong lobo ang tanging nadala nilang pinasala.
“Mahihina namang mga nilalang iyon kaya madali lang para sa akin ang patahimikin silang lahat,” sagot ni Kuya Trevos.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Conal,” biglang wika ni Papa.
“Ngayon ko lang din siya nakilala Papa. Wala naman siyang ginawa sa akin,” sagot ko.
“Ano ang kanyang sinabi saiyo?” mariing nakakatitig sa akin si Kuya Raxos. Sobrang seryoso niya.
“Wala naman siyang sinabi? Bukod sa gusto niyang uminom ng dugo ngunit hindi ko siya binigyan,” mas mabuti nang hindi na muna malaman ng aking pamilya ang tungkol sa sinabi ni Lumino. Gusto kong ipakita sa kanila kung totoo nga iyon ay ako mismo ang tutuklas sa kapangyarihang sinasabi ng bago kong kaibigan.
“Sigurado ka ba, Conal?” paninigurado ni Kuya Luna.
Mabilis akong tumango, “ bakit? May iba pa ba akong dapat na malaman?” tanong ko sa kanila na nagpabago sa ekspresyon ng kani-kanilang mga mukha.