Chapter 8: Faded Truth
PAKIRAMDAM ko ay may itinatago sila sa akin. Hindi ko lang iyon matukoy kung ano. Alam kong nag-aalala ang aking pamilya sa posibleng mangyayari sa akin ngunit hindi pang habang buhay nandiyan sila sa aking tabi. Nang gabing magpakita si Lumino. Pakiramdam ko ay may nag-iba sa aking pag-iisip. Tila may gusto akong patunayan sa lahat na ngunit hindi ko alam kung paano iyon gawin.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Marfire habang nakadungaw lang kami sa pisara. Abala sa pagtuturo ang instructor namin. Kahit anong pilit kong ayaw makinig ay naririnig ko iyon. Sobrang laki ng kanyang boses at tanging ito lang ang nag-iingay.
“Oo, ayos lang ako.” Iniisip ko lang talaga ang sinabi ni Lumino sa akin. Hindi iyon maalis sa aking isipan.
“Bago ko pala makalimutang sabihin saiyo. Bukas na bukas ay mag-uumpisa na tayo sa pagsasanay.”
“Puwede mo bang ibigay sa akin ang address?”
“Sige,” kumuha si Marfire ng papel at may isinulat ito. Saglit lang iyon at ibinigay niya ito sa akin. Nang buklatin ko ang papel ay isang mapa pala iyon. Napaawang ang panga kong tiningnan siya.
“Paano mo ito nagawa?” hawak-hawak ko pa ang mapa.
“Iyan ang tunay na magic,” ngumiti siya.
“Ang astig,” naging mapa ang papel na kanyang sinulatan kanina.
“Puwede mo rin iyang matutunan.”
“Talaga? Hindi exclusive ito sa mga diwata lang o may dugong diwata?”
“Lahat natutunan, Conal. Ngunit kailangan lang talaga ng determinasyon kapag nagsagawa ka ng mga ganyan. Sa akin, nasanay na ako dahil bata palang ay itinuro na iyan sa akin.
“Kaya nga, sobrang dali lang para saiyo,” wika ko sa kanya.
Natapos ang klase namin nang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Wala pa silang sinasagot sa akin. Kahit ang mga kapatid ko ay todo tanggi lang ang mga ito.
“May mga napatay bang taong lobo sa sagupaan ninyo kagabi, Marfire?” tanong ko sa kanya na nagpagulat sa kanyang mga mata. Ngunit kaagad din siyang nakahuma at tumingin sa harapan namin. Patungo kaming dalawa sa susunod na asignatura.
“Bakit gusto mo iyong malaman? Actually hindi na iyon importante na malaman mo,” aniya.
“Gusto ko lang malaman, Marfire. Iyong babae na taong lobo, simula nong sinundan niya ako at nakaharap ang aking mga kapaatid ay hindi na siya muling nagpakita sa akin.”
“Isang sagupaan ang nangayri kagabi, Conal. Ngunit walang namatay o napatay. Upang masigurong walang masaktan ay nakipagkasundo ang pamilya mo.”
“Nakipagkasundo?” huminto ako sa paglakad. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Nakipagkasundo sila na magkaroon ng hatian ng lupain. Ang bandang timog ay sa kanila. At sa tayo namang mga bampira ay malaya tayo kahit saan natin gusto. Huwag nga lang magkakamaling tumapak sa timog.”
“At itong University? Sa timog ito hindi ba?” ang bahay namin ay nasa bandang hilagang silangan kaya medyo may distansya.
“Iyon din ang pinag-usapan, ito lang na lupain ang hindi na nila ipinagbawal. Ngunit kung may bampirang tatapak sa labas ng University ay hindi sila magdadalawang isip na patayin iyon.”
“Ganoon ba?” napaisip ako bigla, “iyong sinabi mo kagabi na isang patibong, totoo ba iyon?” sobrang dami kong katanungan.
Umiling si Marfire, “nagkamali ako ng pagkasabi kagabi. Isa iyong pagsalakay ngunit tinangay ng kung anong nilalang ang biktimang babae kaya hindi natin magawang Makita o maramdaman.”
“Kaya pala wala tayong nakikita kagabi bukod sa mga taong lobong nagmamadaling makalapit sa atin.”
“Siyang tunay, Conal.”
Nagpatuloy kami sa paglakad ni Marfire. Pagdating namin sa kasunod na klase ay balik kami sa dating gawi. Nakikinig lang at walang imik na nakatingin sa harap ng pisara.
“Okey class, magkakaroon tayo ng group activity,” wika ng instructor matapos nitong mag-leksyon. Sa tingin ko’y natapos namin ang isang module na ganoon kadali. “I made a group already. Kaya hindi niyo na kailangang mamili ng kasama. Ang gagawin ninyo ay magkaroon kayo ng interview sa siyudad, mga barangay, sitio at kahit saan kayo na bahala kung saan ninyo gusto.”
“Tungkol saan po Ma’am?” tanong ng isa naming kaklase. Mabilis akong napatingin kay Marfire. Paano nalang ang pagsasanay namin? Baka hindi ito matuloy.
“Magtanong-tanong kayo sa mga tao kung ano ang nalalaman nila sa mga mythical creature. Puwede ninyong isali ang mga multo. Ngunit mas maganda kung ibang mga nilalang ang ikalap ninyong impormasyon. And take note, ayokong kumuha kayo sa internet. Gusto ko kayo mismo ang umalam niyon. At kumuha rin kayo ng documentation bilang proof na ginawa niyo nga ang activity.” Mahabang paliwang ng instructor namin.
“Nakakatakot naman iyon, Ma’am. Related po ba ito sa susunod na topic natin?”
“Yes, tama ka Haidee, huwag kayong matakot. Hindi naman sila mga totoo. At tanging gawa lang sila ng mga malilikot at malawak na imahinasyon ng mga pinoy.”
Seriously? Hindi kami totoo? Kung kagatin ko kaya siya. Nakaharap na nga niya kami ni Marfire e.
“Pero Ma’am, bali-balita na po sa siyudad ang mga pagpatay. Ang mga bangkay na natagpuan ay parang inambalsam kasi wala na itong dugo. At hindi raw po iyon gawa ng isang normal taong kriminal. Walang mga pasa o sugat sa katawan. Maliban nalang sa isang kagat sa leeg. Isang kagat na parang pangil.” Wika pa ng isang kaklase namin na tuluyan nang nagpakuha sa aking atensyon. Maging si Marfire ay ganoon din.
“Saan galing ang mga nalalaman niya?” mahina kong tanong kay Marfire. Siniguro kong hindi talalaga iyon maririnig ng iba pa naming kaklase.
“Walang akong ideya, Conal. Malakas ang kutob ko na may nagsabi sa kanya niyon o talagang kumalap pa siya ng ibang impormasyon.”
“Ganoon ba? Nakita ba kung sino ang gumawa?”
“Hindi Ma’am, eh. Ngunit, umuwi ako nong isang araw ng tanghali sa bahay. May nakasabayan ako sa dyip. Hindi mapinta ang mukha nito sa sobrang pag-aala. Isa siyang babae na sa tingin ko’y may sinadya talaga rito sa University.”
“At tapos? Ituloy mo lang.”
“Nag-aalala po siya dahil nawawala ang kanyang aso. Parati niyang sinasabi na baka raw kagatin ito ng bampira.”
“Bampira?” ngayon ay naningkit ang mga mata ng instructor. Ngunit hindi ko iyon binigyang pansin. Doon ako napatitig sa kaklase namin ang tabil ng bibig. Mabilis kong naisip si Sweety. Baka pagmamay-ari iyon ng babaeng sinasabi nito. Sino ang babaeng iyon?
“Opo Ma’am. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi, eh.”
“Naku, nakaka-excite naman. Kahit ngayon ay matunog pa rin ang pangalang bampira. Oh siya, isali niyo rin ang mga bampira bilang mythical creature, ha. Ito na pala ang mga groupings ninyo,” May iniligay itong apat na bondpaper sa pisara. Kahit maliit ang pagkakasulat niyon ay kitang-kita ko ang mga teksto sa aking kinauupuan. Mabilis kong nahanap ang aking pangalan. At kung sinuswerte ka nga naman! Magkasama kami ni Marfire sa isang grupo. Kasama naming ang babaeng nagngangalang Haidee. At ang dalawa pa naming kasama ay hindi ko kilala. “Naglagay na rin ako kung sino ang leader. At ang leader niyo na mismo ang ko-contact. Mabuti nalang talaga at nakahingi ako ng contact information ninyo sa ating registrar. Okey na ba tayo?” dagdag na wika ng aming instructor.
Nagsitango ang lahat. Nang wala na itong sasabihin ay sa wakas pinalabas na kami. Napansin ko sa mukha ni Marfire na may iniisip ito. At sobrang lalim niyon.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi lang maalis sa aking isipan ang pag-aalala, Conal,” ani nito. Napahinto siya ng lakad at seryosong tiningnan niya ako.
“Saan? May nararamdaman ka na naman bang panganib?”
“Panganib Conal na possibleng magwakas sa ating lahi.”
“Ha?” ngayon ay hindi ko na siya maintindihan. “Teka, ano ba iyang sinasabi mong magwawakas sa ating lahi?”
“Unti-unti nang nalalaman ng mga tao ang tungkol sa atin. At kapag nagpatuloy pa iyon ay siguradong matatakot sila sa atin. Gagawa sila ng mga makabagong teknolohiya bilang panlaban.”
“Possible kaya iyon?”
“Possible iyon Conal. Walang impossible sa mundo.”
“Sa bagay, tayo ngang mga bampira ay iniisip nilang hindi totoo ngunit totoo naman.”
“Kaya habang maaga pa ay mapigilan natin ang mga bampirang nambibiktima ng mga tao na iniiwan lang nila ang mga biktima sa sa daan.”
“Iyon nga ang nakababahala, Marfire. Ngunit, ikaw at maging ay hindi alam kung saan nakalungga ang mga masasamang bampira.”
“Iyon din ang problema. Hindi natin alam kung kailan at saan sila muling mambibiktima.”
“Yeah… mamaya nalang tayo mag-usap. Punta na tayo sa cafeteria,” ani ko at hinila siya.
Pagdating naming sa loob ay nasa dating gawi kami ni Marfire. Nakadungaw lang kami sa pagkain na aming binili.
“Alam mo, bakit hindi nalang tayo gumala tuwing tanghali? Bukod sa nagsasayang tayo ng pagkain ay nagsasayang din tayo ng pera,” ani ko sa kanya. “May kotse naman ako kaya mag-joy ride tayong dalawa.”
“Sige, gawin natin iyon sa lunes. Mas maganda pa nga iyon kaysa nakatunganga lang tayo na nakatingin sa pagkain.”
“Hi?”
Mabilis kaming napatingin sa babaeng dumating. “Puwede ko ba kayong makasalo?”
“Su-sure,” mabilis na tugon ni Marfire.
“Ako nga pala si Haidee, kaklase ninyo sa isang subject.”
“Kilala ka namin.”
Tahimik lang ako. Hinahayaan ko na si Marfire ang kumakusap kay Haidee. Duda akong tungkol iyon sa aming group activity.
“Mabuti naman kung ganoon. Ako rin ay kilala ko na kayo. Iyong sadya ko lang talaga ay kausapin kayo tungkol sa project natin kasi sa Monday na ito ipapasa.”
“What about it, Haidee? I think ikaw ang lider, di’ba?”
“Oo… ako nga,” nahihiya nitong wika. “Itatanong ko lang sana kung vacant kayo bukas ng umaga. Kasi bukas na natin gagawin ang interview.”
“Ganoon ba? May gagawin sana kami, eh.”
“Hala, patay? Paano ‘yon? Sa linggo naman ay hindi puwede ang dalawa nating kasama at maging ako ay hindi rin.”
“Ganoon ba? Si-sige bukas nalang. Sa hapon nalang namin gagawin ang pagsasanay.”
“Pagsasanay?” biglang kumunot ang noo ng babae.
“Oo, pagsasanay ng basketball,” mabilis kong wika.
“Wow, para ba ‘yan sa darating na sportsfest natin? Sasali kayong dalawa sa laro?”
“O-oo, ganoon nga,” wala nang nagawa si Marfire.
“Naku, galingan niyo, ha. Susupurtahan ko kayo sa basketball.”
“Sabi mo ‘yan, ha?”
“Oo naman, basta galingan niyo lang talaga,” natatawang wika ni Haidee kay Marfire habang kumakain ito.
“Parang na-pressure na tuloy kami,” giit ng lalaki.
“Teka, hindi niyo ba kakainin iyang pagkain?” turo ng babae.
“Busog kami, eh. Nag-snacks kami kaninang umaga,” mabilis kong tugon. Ang daming tanong ni Haidee. Sobrang daldal nito.
“Sayang naman. Gusto niyo ay akin nalang? Nagtitipid kasi ako ng pera ngayon, eh. May pinag-iipunan akong laptop na gusto kong bilhin.”
“Sure, wala iyong problema sa amin,” mabilis na inilapit ni Marfire ang aming pagkain na hindi pa nagagalaw. Sobrang natural lang na babae si Haidee. Hindi ito nahihiyang sabihin kung ano siya at ano ang mayroon siya.
Hinintay lang namin na matapos si Haidee sa pagkain. Kaya nang matapos ito ay sabay-sabay na kaming lumabas ng cafeteria.
“Paano, iti-text ko nalang sainyo ang address ng ating meeting place, ha?” ani ng babae.
“Sige,” sabay naming wika ni Marfire.
Umalis na si Haidee para sa susunod na klase nito. Nagpatuloy lang kami ni Marfire sa paglalakad haggang sa narating namin ang room. Nandoon na ang instructor at kaagad iyong nag-umpisa.
Nang magdilim ay nagsi-uwian na ang lahat. Minabuti na rin naming bilisan ni Marfire ang lakad at nagpaalam sa isa’t-isa. Ayaw na naming maulit ang nangyari kagabi at noong isang gabi.
Nasa tapat na ako ng aming bahay nang mabilis ko na namang naramdaman si Lumino. Mabilis akong nagtungo sa kakahuyan at doon bigla siyang sumulpot.
“Ang bilis mo, Conal,” ani nito.
“Naramdaman kita kaagad kaya pumarito na ako.”
“Nakita ko nga iyon.”
“Ano nga pala ang ginagawa mo rito Lumino? Bakit ka palaging nagpupunta rito?” medyo nagtataka na ako sa kanya. Nasabi na niya sa akin kagabi ang gusto niyang sabihin.
“Gusto kitang pangalagaan, Conal. Hayaan mo akong protektahan ka habang hinhintay mong magising ang natutulog mong kapangyarihan.”
“Hindi mo kailangang gawin iyon sa akin, Lumino. Kaya ko naman ang aking sarili at may mga kapangyarihan ang aking mga kapatid. Maging si Marfire na kasa-kasama ko ay mayroon din.”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon Conal ay matutulungan ka nila. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagsasabi sila ng totoo saiyo,” seryoso niyang turan.
“Ano ang ibig mong sabihin, Lumino? Mayroon ka bang nalalaman na hindi ko batid?”
“Wala naman, Conal. Wala pa akong gaanong alam saiyo. Basta, Conal… lage mong tatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang iyong mga narinig.”
“Ang weird mo. Hindi kita maintindihan. Alam kung may nalalaman ka pa na hindi ko alam.”
“Kung may nalalaman man ako ay sa akin na muna iyon, Conal. Balang araw ay malalamn mo rin ang katotohanan.”
“Katotohanan?” kumpirmadong may alam nga ito!
“Katotohanan na pilit saiyong itinatago. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka,” iyon lang at tuluyan na siyang umalis.
Naiwan ako sa gitna ng gubat na punong-puno ng isipin. Hindi ko makuha ang gustong ipabatid ni Lumino. Pakiramdam ko ay tungkol lahat sa akin ang kanyang mga nalalaman.
“Conal.”
Mabilis akong napalingon sa likuran. Kararating lang ni Kuya Luna at sa tingin ko’y kagagaling lang nito sa trabaho. Hindi pa siya nagbibihis.
“Bakit ka nakikipagkausap sa kanya?” tanong niya sa akin at lumapit.
“May mga nalalaman siya Kuya. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin.”
“Huwag kang magpapaniwala sa kanya, Conal. Hindi pa natin siya kilala. At hindi tayo sigurado sa kanyang mga sinasabi.”
“Ngunit may sinasabi siya sa akin Kuya.”
“Ano iyon?” naningkit ang mga mata ni Kuya Luna.
“Isang katotohanan na pilit na itinatago sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin?”
“Hindi ko alam, Conal.” Tipid niyang sagot sa akin. Pakiramdam ko ay mayroong itinatago ang aking pamilya sa akin.
“At mayroon pa siyang sinabi sa akin,” sa tingin ko’y kailangan itong malaman ni Kuya Luna para matulungan ako na ipalabas ang aking natutulog na kapangyarihan.
“Sabihin mo sa akin, Conal.”
“Sinabi sa akin ni Lumino na may natutulog na kapangyarihan sa aking katawan. Malakas ito ngunit kailangan ko pang sanayin ang aking sarili upang lumabas ito.”
“Hindi totoo iyan. Isa kang normal na bampira at walang espesyal saiyo. Kung maaari ay huwag kang nagpapaniwala, Conal. Baka iyon pa ang dahilan ng iyong kapanamakan.”
“Pero Kuya?”
“Bumalik ka na sa atin,” ani Kuya Luna.
Napayuko ako at mabilis na naglaho. Bakit ganoon sila sa akin? Bakit parang nararamdaman ko na ang layo na nila sa akin?
PATAWARIN kami ng iyong mga magulang Conal. Patawarin nila kami dahil pilit naming ginagawa kang normal na bampira. Marami na ang nagbago. Wala na sanang magbubuwis pa ng buhay. Sa oras na malaman ni Lunos na buhay ka magpahanggang ngayon. At siguradong muli na namang magkakagulo ang lahat. Baka sa pagkakataong iyon ay wala ng makakaligtas. Marami na namang buhay ang masasayang. Marami ang mangungulila. At marami ang mabubuhay sa takot!