VV: 9

2506 Words
Chapter 9: ATHAPOS WHOLE night, I was looking to Sweety. Ang himbing niyang natutulog sa kama. Minsan humihiga ako because I want her na matulog sa aking tiyan at dibdib. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang sarap matulog. Hindi na ako natutulog simula nang mag otso ako. Mabilis ang naging paglaki ng aking katawan. At nang maabot ko ang maximum height and weight. Doon na ako hindi natutulog. It was really a natural response of a growing vampire. Mula noon hanggang ngayon, sleeping is not a big deal dahil hindi na kami nakakatulog sa gabi. And we are very active. Vampires are both nocturnal and diurnal. Kapag nauuhaw lang kami nakakaramdam ng panghihina and even sleeping ay hindi niyon mawawala ang panghihina. Blood determines our strengths and weaknesses kung kaya’t kailangan naming makainom nito. Sumapit ang umaga at nagising si Sweety sa masarap na pagkakatulog nito. Kaagad ko siyang pinaliguan at pinakain. Kaagad na rin akong nag-ayos dahil anumang oras ay magti-text sa amin si Haidee. “May lakad ka?” tanong sa akin ni Kuya Trevos, nakabihis na ako at nakahanda ng umalis. “May group project kami,” sagot ko kay Kuya. “Wow, anong pakiramdam na nag-aaral? Hindi ko iyon narasanan sa tanang buhay ko. Kahit na sina Luna at Raxos. “Wala namang special sa pag-aaral bukod sa nakakatagpo ka ng ibang tao.” “Are you not tempted sa kanilang dugo? I mean, paano kung aabutin ka ng pagkauhaw?” “I don’t think mangyayari iyon Kuya Trevos. Nababanguhan ako sa kanilang dugo, it was given ngunit wala iyong epekto sa akin. Hindi ko rin inisip na makakainom ako ng dugo directly sa katawan ng tao.” “It’s good for you na ganoon ka, Conal. May iba na hirap kontrolin ang kanilang uhaw.” “You’re right, pero kaya rin naman nilang masanay.” Biglang nag-vibrate ang aking cellphone. May unregistered number ang nag-text. Kaagad kong inisip na si Haidee na iyon kaya nagmadali na akong nagpaalam kay Kuya Trevos, “ikaw nalang ang magsabi sa kanila, Kuya.” “Go and enjoy your project,” ani nito. Nasa labas na ako ng bahay at saka ko palang binasa ang text. Si Haidee nga iyon. Ibinigay lang nito ang lugar at oras ng aming tagpuan. Naging mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa kotse. Mayroon akong naramdaman kakaiba sa paligid at huli na para ma-realize kong papunta pala ito sa ibabaw ng aking kotse. Kumalabog ang sa taas at kaagad kung hininto ang kotse. Lumabas ako at tiningnan siya. “Kung hindi ko lang kilala ang enerhiya na taglay mo ay malamang binilisan ko na ang pagpapatakbo sa aking kotse.” “At mabilis mo akong nakilala, Conal. Saan ka pupunta? Hindi ba’t sabado ngayon? It means wala kayong pasok?” “Tama ka Lumino ngunit mayroon kaming group project. At kailangan itong ipasa sa lunes.” “Sige, hindi nalang ako sasama sainyo. Mukhang marami kayo.” “Teka,” pigil ko sa kanya bago palang siya maglaho, “ano ang ginagawa mo rito? Plano mo bang sundan ako?” “Oo,” mabilis niyang sagot. “Hindi ba sinabi ko saiyo na babantayan kita. Huwag kang mag-aalala. Not all the time ay gagawin ko iyon. Siyempre need mo pa rin ng privacy.” “You don’t need to guard me. At isa pa, magsisimula na kami ni Marfire sa pagsasanay. Tuturuan niya ako kung paano makipaglaban.” “Maganda iyon, Conal. Ipagpatuloy mo ang pagsasanay hanggang sa maging malakas ka na. Dahil baling araw ay magagamit mo iyan para sa malaking responsibilidad na iyong gagampanan.” “Responsibilidad?” kumunot ang noo ko. “Ano ang ibig mong sabihin, Lumino?” “Malalaman mo rin iyan. Tumatakbo ang oras. Kapag nakilala mo na ang babaeng mamahalin mo ay doon magsisimula ang kaguluhan. Kaguluhan na hahantong sa kamatayan.” “Ha?” ngayon ay nanlaki na ang mga mata ko. “Sa tuwing nagkikita tayo ay iba-iba ang iyong mga sinasabi. Kaya minsan ay hindi kita maintindihan.” “Totoo ang mga sinasabi ko, Conal. Kaya kailangan kitang pangalagaan dahil sa oras na may mangyaring masama saiyo ay ikakapahamak iyon ng lahat.” “Ang mabuti pa ay umalis ka na muna Lumino. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo sa akin,” iyon lang at mabilis akong sumakay sa kotse at mabilis iyong pinatakbo. Baka tama si Kuya Luna. Hindi ako dapat nagpapaniwala kay Lumino. Bago ko palang siya nakilala at wala akong alam sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay binilisan ko na ang pagpapatakbo ng aking kotse. Nang dumating ako sa aming tagpuan ay nandoon na si Haidee at Marfire. Wala pa ang dalawa pa naming kasamahan. Mabilis akong lumapit sa kanila na noo’y naghahanda ng tanong. “May alam ba kayo kung saan tayo puwede makahanap ng matanda?” tanong ni Haidee habang may isinusulat ito sa papel. “Wala akong alam at ang hirap humanap ngayon ng matanda,” sgaot ni Marfire. “Ikaw Conal? Kailangan natin iyon dahil may mga alam sila tungkol sa mga mythical creature.” tanong sa akin ni Haidee. Umiling ako, “ wala din akong kilala, eh.” At sobrang totoo iyon. Wala akong kilala na matanda. “Ang gagawin nalang natin ay maglakad-lakad tayo. Bahala na kung saan tayo makakarating ang importante ay may matanungan tayo.” Sumang-ayon kami kay Haidee. Iyon ang maganda naming gagawin dahil wala kaming kilala na matandang tao. Hinintay lang namin ang dalawang kasama. Kaya nang makarating ang mga ito na dalawang babae rin ay umalis na kami. Nasa huli lang kami ni Marfire na sumusnod sa tatlo naming kasama. Ang ingay nilang tatlo at hindi kami makasabay ni Marfire dalawa. “Saan nga pala kayo nag-aral dawala? Kasi kayo lang ang bago sa University, e,” biglang tanong ni Haidee. “Iyon din ang gusto kong itanong sa kanila,” ani ng isa pa naming kasama. At ang isa pa ay tahimik lang itong nakatingin sa amin. “Home schooling ang ginagawa ko,” sagot ni Marfire. “How about you, Conal?” baling ni Haidee sa akin. “I just took the exam. Kaya nang makapasa ako sa entrance exam ay kinuha ko na ang opportunity.” “You mean wala kang previous school? Hindi ka transferee?” ang isang babae ang nagtanong. Mabilis kong tiningnan ang papel na hawak-hawak ni Haidee at binasa ko ang dalawang pangalan. Si Annalyn at Majoy. “Hindi, eh. Dinala lang ako ng parents ko sa University at doon pinakuha ako ng exam. I’m glad nakapasa ako kaya doon na rin ako nag-aral.” “Ang cool naman,” napamangha sila. “Ang mabuti pa ay magpatuloy na tayo sa paglakad. Baka maubusan tayo ng oras,” ani Marfire. At iyon ang aming ginawa. May nakasalubong kaming isang babae. Hindi ito matanda sa aking pagkakatanya ay nasa mids 40 lang ito. Mabilis na lumapit ang tatlong babae na kasamahan namin at tinanong ang ginang. “Hindi ko masabayan ang mga tao,” mahinang wika ni Marfire. “Sinabi mo, pa.” Baka hindi lang talaga kami sanay. Throughout my life ay nasanay akong kasama lang ang aking pamilya. Sobrang higpit nila sa akin at ngayon lang ako nakakalayas ng hindi nila hinihigpitan. “Ali, may itatanong sana kami sainyo kung okey lang?” wika ni Haidee. “Sige, ano iyon?” nagpalipat-lipat ng tingin ang ginang sa amin. “Sige na Majoy, ikaw na ang magtanong,” turan ni Haidee. “Ha? Bakit ako? Itong si Annalyn nalang.” “Nahihiya ako, eh.” Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa tatlo. I can’t believe na nagawa pa nilang magtulukan gayong mayroon na sana kaming tatanungan. “Ikaw nalang kaya, Conal?” “Sila ngayon ang kaharap ng ginang kaya sila dapat ang matanong,” wika ko kay Marfire. “Ano ba ang itatanong ninyo?” nagtaka na ang ginang. “Aswang ka po ba?” “Ha? Aba’t mga gaga pala kayo, e! Umagang-umaga pinapainit ninyo ulot ko!” umalis ang ginang at nagmamadali naglakad. Napakamot ako sa batok sa tanong na iyon ni Annalyn. “Ano ba naman iyong tanong mo? Magtatanong lang tayo kung may mga alam ba sila sa mga mythical creature. Hindi iyong itatanong natin kung maligno ba sila.” Napabuntong hiningang wika ni Haidee. “Kayo naman kasi, eh. Pinasa niyo pa sa akin.” “Girls, ang mabuti pa ay magpatuloy na tayo. Wala na, eh… nakaalis na ang ginang at baka mas lalo pa iyong magalit kapag hinabol natin,” wika ni Marfire sa tatlo. “Mas mabuti pa ngang magpatuloy na tayo,” may isang babae na lumabas sa hindi kalayuang bahay. Medyo matanda na ito at nasa mids 80 na yata. “Iyon, may matandang babae.” Turo ko. Nauna akong lumakad para ako na ang magtanong. Baka mali na naman ang kanilang masabi at hindi namin magawang makakuha ng impormasyon. Ngumiti ako nanag tuluyan na akong makalapit sa matanda. “Hello po, Nanay,” nakangiting bati ko sa kanya. “Magandang araw saiyo, hijo,” ang tamis ng ngiti nito. “May itatanong lang po sana kami kung ayos lang pa sainyo?” “Oo, ikaw ba naman ang tanungin ng isang guwapong binata. Grasya na iyon sa akin.” “Naku, ang suwerte ko naman,” mas lalo ko pang nilakihan ang ngiti. “Nanay, may group project po kami tapos kailangan naming mag-interview.” “Ano ang topic ninyo? Baka hindi ko iyan masagot, ha. Ingles ba iyan?” “Naku nanay, sobrang dali lang po at puwede kayong gumamit ng wikang Filipino.” “Sige, ano ang iyong itatanong?” “Alam niyo po ba iyong mga mythical creature? Alam niyo po ba ang kanilang mga pangalan?” “Naku, marami akong alam,” mas lalo pang ngumiti ang matanda. “Talaga po? Puwede po ba naming malaman?” “Ang alam ko ay mga manananggal, kapre, duwinde, diwata, engkanto, tikbalang, tiyanak… ano pa ba?” nag-isip sandali ang matanda, “at mga bampira.” “Naniniwala po ba kayo sa mga ganoon, Nanay?” biglang tanong ni Marfire. Nasa likuran ko na sila at si Haidee abala sa pagsusulat ng mga sagot. Sina Majoy naman ay abala ang mga ito sa pagkuha ang mga larawan. “Hindi ako naniniwala sa mga ganoon, eh. Ngunit ang kapatid panay ang kuwento niya sa mga engkanto. Bago paman siya namatay ay iyon na ang kanyang bukang bibig.” “Talaga po? Ano po ang kanyang sinabi?” medyo na-excite ako kahit alam ko naman na totoo ang ilan sa mga kinikilalang mythical creature. “Hali kayo, sumama kayo sa akin.” Tumalikod ang matanda at naglakad ito sa unahan. Nagtinginan na muna kami at saka palang sumunod. Dinala sila nito sa isang sunog na bahay. At katabi niyon ay parang isang tindahan na sunog rin. “Iyan,” turo ng matanda. “Ang kuwento ng aking kapatid bago palang kami lumipat rito at may magandang babae raw na nakatira diyan. Tapos nagbebenta ng bulaklak. Nakita ng aking kapatid na mayroong lalaking lumapit sa magandang babae sa tindahan ng mga bulaklak nito. Mataas daw iyon, sobrang guwapo ngunit nakaitim lahat. At bukod roon ay masiyado itong maputi. Naku isang araw ay nasunog bigla ang bahay. Ang buong akala nila ay nasunog iyong babae ngunit nang maapula ang malaking apoy ay wala namang sunog na katawan. At ang ipinagtataka nila ay hindi na muling nakita ang babae. Kaya naisip ng aking kapatid na tinangay iyon ng engkanto.” Mahabang salaysay ng matanda. Napapatitig lang ako sa bahay na ginupok ng apoy. “Grabe naman po iyon, Nanay? Kailan po iyon nangyari? Sobrang luma na kasi ng bahay, eh tapos may mga d**o nang tumubo.” Sobrang curious ni Haidee. “Matagal na iyon. Trentang taon at mahigit na yata. Hindi ako sigurado, e.” “Ang tagal na pala, e, bakit hindi nilinis ang lote? Sayang naman baka puwede pang tayuan ng bahay nong pamilya ng babae.” “Naku, ang pagkakaalam ko ay tuluyan na iyang inangkin ng gobyerno. Wala na kasing nagbabayad ng buwis kaya napunta na sa otoridad.” “Kaya pala… maraming salamat po Nanay, ha,” biglang nagsalita si Annalyn. “Walang anuman, so papaano? Alis na ako.” “Sige po,” sabay naming wika. “Totoo kaya iyon? Engkanto ang kmuha sa babae? Kawawa naman,” naisatinig ni Majoy. “Hindi ko alam, eh. Pero kung totoo man iyon ay nakakaawa nga ang babae,” si Annalyn. “Kayo ba Conal at Marfire? Naniniwala ba kayo sa mga ganoon?” Baling ng babae sa kanila. “Hindi ako naniniwala sa mga ganoon, eh? Baka umalis lang ang babae at pinili nitong huwag nalang magpakita.” “Ako rin,” pagsang-ayon ko kay Marfire. “Hindi ako naniniwala sa mga ganoon.” Mas mainan na hindi namin papatulan ang kanilang iniisip at nararamdaman. May mga bagay na kailangang kilalanin na kathang isip lang kahit na totoo ito. Naalala ko ang sinabi ni Marfire, mapanganib kung malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila. “Baka kathang isip lang talaga ang mga iyon. May nabasa akong article, eh. Ginagamit lang mga mythical creature bilang panakot sa mga bata noon,” wika ni Majoy. “So noon mga maligno ang ginawang pantakot… ngayon allowance sa school ang ginawalang pantakot sa atin. Kapag hindi tayo pumayag sa utos ay wala tayong makukuhang allowance,” nakapameywang na wika ni Annalyn. “Naku, sa bahay niyo lang applicable ang allowance thing mo na ‘yan. Sinturon ang uso sa bahay namin,” giit ni Haidee. “Tara na magpatuloy na tayo,” aniya. Bago palang kami umalis ay tinapunan ko muna ng tingin ang lumang sunog na bahay. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa bahay. Hindi ko lang maipaliwanag. Ang gaan ng pakiramdam ko rito. “Tara na Conal,” hinila ako ni Marfrie paalis. Hindi ko namalayang nakalayo na pala ang tatlong naming kasamahan. Hindi man lang kami hinintay ng mga ito. “Ayos ka lang ba? Bakit ganoon ka nalang makatingin sa bahay na iyon?” tanong niya habang nagmamadaling sumunod kami sa tatlo. “Hindi ko alam, eh. Hindi ko lang maalis ang mga mata ko sa bahay.” “Bakit naman?” “Iwan, basta. Hindi ko ma-explain kung ano ang meron sa bahay na iyon.” “Baka naawa ka lang sa babae kaya ganoon nalang ang pagtitig mo sa bahay.” “Baka iyon nga,” pagsang-ayon ko nalang sa kanya. Nang maabutan namin ang tatlo ay sige pa rin sa pag-uusap ang mga ito. Hindi ko alam kung natural lang ba iyon sa mga babae o sinasadya ng mga itong magkuwentuhan lang upang kami na ang humanap na tatanungan. Kakaiba rin ang trip ng tatlong ito. “Ayon! May lalaki,” sigaw ni Annalyn sabay turo sa matandang lalaki na patawid ng daan. “Tara lapitan natin!” si Haidee na ang kusang lumapit at sumunod ang dalawa. Sinalubong nila ang matanda sa gitna ng highway! “Teka, patawirin niyo muna ako bago ko sasagutin iyang tanong ninyo. Gusto niyo yatang mamatay ako, e!” reklamo ng matanda ngunit napatawa lang ang tatlong babae. “Ang weird nilang tatlo. Parang mga isip bata pa,” wika ni Marfire habang nakatingin lang sa mga ito. “Hayaan mo na, mabuti na rin iyon para hindi tayo ma-bored.” “Tama ka, Conal. Hindi ako na bored pero sumasakit ang tenga ko sa sobrang ingay nilang tatlo.” “Baka ganoon lang ang mga babae?” “Hindi ako sigurado, pero lapitan na natin sila. Baka makarinig na naman tayo ng interesting story.” Sarkastikong wika ni Marfire at kaagad na kaming lumapit sa tatlo. “Naku, may alam ako… mga athapos,” ani ng matanda. “Athapos po? Ano iyon?” kumunot ang noo ng tatlong babae. Maging ako ay hindi ko rin alam kung ano ang salitang iyon. “Ang mga athapos ay imortal na tao. Kinakian nila ang mga nakakain ng tao, sobrang normal lang nila. Ngunit sadya silang hindi namamatay katulad ng mga bampira at taong lobo.” “Ha?” nanlaki ang mga mata naming tiningnan si Marfire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD