Chapter 10: Mga Lihim
HINDI ko alam na may mga tao palang naninirahan din ng matagal katulad naming mga bampira? Paanong wala akong alam sa mga athapos? Sa bagay, nagulat nga ako nang una kong makaharap ang mga taong lobo.
“Sigurado ka ba, Marfire?” kumunot noong tanong ni Haidee sabay sulat sa papel.
“Iyon ang alam ko. Hindi lang ako sigurado kung totoo nga ba sila? Pero sa pagkakasabi ni Lolo sa athapos ay baka mythical creature din ang mga ito.”
“Hindi lang sila basta mga mythical creature. Kasabay ng mga bampira ay nanirahan na rin sila ng mahabang panahon.”
“You mean Lolo, totoo po silang naninirahan dito?” si Majoy.
“Oo, hindi lang natin sila nakikilalaa kasi mga normal na tao silang tingnan. Lahat ng characteristics ng mga tao ay ganoon din sa mga athapos.”
“Saan niyo po nalaman ang tungkol sa mga athapos, Lolo?” sa wakas ay tanong ko. Sobrang curious na rin ako.
“May libro kasi roon sa bahay, eh. Sobrang luma tapos hindi ko alam kung kanino iyon.”
“Libro?” si Marfire.
“Oo, gusto niyo bang hingin iyon? Marami pang mga nakasulat doon na mythical creature.”
Kaagad na nagliwanag ang aming mga mukha. Maging si Marfire ay ganoon din.
“Sige po, gusto ko iyon!” masayang wika ni Annalyn.
“Tara, sumunod kayo sa akin. Aalis na sana ako, e. Mukhang kailangan niyo talaga ng mga ganoon para sa studies ninyo.”
“Opo Lolo, sobrang kailangan namin,” si Marfire ang sumagot.
Sumunod lang kami sa matanda. Ang buong akala ko ay nasa gilid lang ng daan ang bahay nito ngunit kailangan pa pala naming dumaan sa kakahuyan. Pero sementado naman iyon. At maliit lang ang ibang mga kahoy. Mukhang sinadya iyong itanim sa harap ng malaking bahay.
Nang makarating kami sa harap ng malaling bahay ay napaawang ang labi ko nang tingnan ito mula sa labas.
“Lolo, sainyo po ba ang bahay na ito?” hindi makapaniwalang tanong ni Haidee.
“Ang laki, hindi ko alam na may ganito palang bahay rito,” si Majoy.
“s**t, parang dinala ako sa sinaunang panahon,” namamanghang wika ni Annalyn.
Maging kami ni Marfire ay ganoon din. Kung titingnan ito ay walang mag-aakalang mayroon pa palang ganito kalumang bahay. Puro kahoy lang ang desinyo ngunit alagang-alaga iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay nilagyan nila iyon varnish o pintura para manatili ang matingkad na kulay ng kahoy.
“Gawa sa mga kahoy iyan. Kung may nasira ay kaagad na pinapalitan. Ang mga materyales diyan ngayon ay halos mga bago na. Hindi lang namin iniba ang desinyo upang mapapatili pa rin ang kagandahan nito at parang nasa sinaunang panahon lang kami,” wika ng matanda.
“Ang cool naman nito. Bakit hindi niyo po ito sina-publiko? Puwede itong malagay sa mga aklat,” wika ni Haidee.
“Hindi na namin ginawa iyon. Baka marami pang magkaka-interes na pumasok at baka masira ang ibang bagay. May pinapangalagaan din kaming mga artifacts kung kaya’t medyo strikto kami.”
“Artifacts?” nanlaki ang mga mata ni Majoy.
“Oo,” ngumiti ang matanda. “Ang mabuti pa ay pumasok na kayo para maibigay ko na sainyo ang libro.” Nauna itong humakbang at sumunod na kami.
Kaagad kong pinagana ang aking mga pandama. May naamoy akong dugo ng mga tao sa loob ng malaking bahay. Sobrang tahimik at wala naman kung anong kakaibang bagay o kahina-hinala sa paligid. Minabuti naming magpahuli ng lakad. Maging si Marfire ay ramdam na ramdam kong nagmamatyag lang din ito sa paligid.
“Ang cool ng bahay hindi ba?” tanong ko sa kanya nang humakbang na kami sa malaking hagdanan.
“Pakiramdam ko ay may kinalaman ang malaking bahay na ito sa mga nilalang noon,” wika ni niya.
“Bakit mo naman iyon nasabi?”
“Hindi ko alam, malakas lang ang kutob ko. At ang sinasabing libro ng matanda… sa tingin ko ay nandito na iyon mula pa noon.”
Napaisip ako bigla. May punto si Marfire. Sa sobrang luma ng bahay na ito ay baka may malaman pa kaming mga history na hindi nagawang i-exlpain ng mga libro ngayon.
“Malalaman natin iyan sa loob,” ani ko at naunang humakbang sa kanya.
Nasa loob na kami. Inilibot ko ang aking paningin dahil sa sobrang lawak nito. May mga gamit ng bahay na sobrang luma na at sa tingin ko hindi na nila iyon ginagalaw. May banga rin at may mga frame. Mga larawan iyon ng mga taong ipininta lang.
“Tingnan niyo muna ang larawan diyan, sila ang mga ninuno ng aming pamilya,” ani ng matanda.
Nakahilira lang ang mga larawan sa malaking dingding. Bawat larawan ay tinitigan ko talaga. Sobrang luma na ng mga iyon. Sa mata ng mga tao ay medyo malabo na iyon at may ibang anggulo na hindi detalyado. Ngunit sa mga mata naming bampira ay malinaw na malinaw iyon.
Mas nauna akong napatingin sa kanila. Maging si Marfire ay ganoon din pero mas nauna ako sa kanya. Pagtingin ko sa pinakahuling mga larawan ay naningkit ang aking mga mata. Naagaw ng isang larawan ang aking atensyon nang makilala ko kung sino ang taong iyon.
“Mama?” mahina kong wika.
“Narinig ko ang sinabi mo,” mabilis na nakalapit si Marfire sa akin. Napatingin ito sa larawan na aking tinitigan. “Kamukha nga siya ng Mama mo, Conal.”
“Ngunit bakit nandito ang larawan ni Mama?” mabilis kong kinuha ang aking cellphone. Kukunan ko sana iyon ng picture nang may biglang pumigil sa akin.
“Bawal kunan ang mga gamit sa loob ng mansion,” ani ng isang babae. Matanda na rin ito. Mukhang ito ang naamoy kong dugo ng tao kanina. Ngunit marami pa sila na naamoy ko.
“Sorry po,” ani ko. Ibinalik ko sa bulsa ang aking cellphone. Sayang, gusto ko sana ipakita sa aking ina.
“Malaya ninyong matitingnan ang mga gamit rito ngunit isang kalabisan na ang kumuha ng larawan. Hindi namin sinasapubliko ang mga gamit rito,” seryoso nitong wika. “At alam ko kung anong klaseng mga nilalang kayong dalawa.”
“Po?” nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito.
“Narinig mo na ang sinabi ko. At hindi ko na dapat pa iyon ulitin,” ani nito sabay talikod sa amin nang makalapit sina Haidee.
Hinila ako ni Marfire palayo sa tatlong kasamahan namin. Dinala niya ako sa likuran ng mga ito. Tama lang para hindi nila marinig ang aming pag-uusapan.
“Tama nga ang kutob ko sa bahay na ito, Conal. May alam sila tungkol sa atin.”
“Paanong may alam sila?”
“Hindi ko alam, may marami silang nalalaman tungkol sa mga nilalang na nabubuhay sa mundo.”
“Ano ang gagawn natin? Paano kong isumbong nila tayo?”
“Hindi mangyayari iyon. Malakas ang kutob ko na may itinatago din sila sa atin.”
“Anong ibig mong sabihin?” habang nandidito kami sa loob ng bahay ay pinapatay ako ng aking kuryosidad. Mukhang hindi talaga basta-basta ang bahay na ito at mga nakatira rito. At bakit may larawan sila ng mama ko? Possible kaya ito ang kanilang bahay noon? Ngunit bakit wala akong nalalaman tungkol roon? Impossible namang hindi alam ng aking ina ang tungkol sa bahay na ito.
“Ito na!” bumalik ang matandang lalaki at may dala-dalang libro. Kaagad ko iyong tinitigan. Sobrang luma na iyon. Hindi klaro ang mga teksto sa labas.
Naunang lumapit ang mga kasamahan naming babae. Sumunod kami ni Marfire nang buklatin na nito ang aklat. Sa palagay ko ay alam din ng matandang lalaki kung ano talaga kami ni Marfire. Kung nalaman kaagad ng matandang babae na mga bampira kaming dalawa ay hindi malabong kaagad rin nitong nalaman nang lumapit kami sa kanya kanina. Ngunit bakit? Ito kaya ang naiisip ni Marfire? Bakit niya kami dinala rito?
“Marami pang mga nakasulat diyan. Basahin niyo nalang para maging reference ninyo,” ani ng matanda ngunit sa amin na siya ngayon nakatingin.
“Lolo, dadalhin na muna namin to ha? Isasauli din namin kaagad pagkatapos naming makuha ang mga impormasyon na aming kailangan,” wika ni Haidee.
“Wala iyong problema, hija. Bukas ang bahay na ito sainyo kung isasauli niyo ang libro.”
“Hindi niyo po pala ito ibibigay?” biglang tanong ni Majoy.
“Gaga, hindi na naman natin kailangan to. At isa pa, baka masira lang lalo. Sayang naman mukhang artifact din to.” Si Haidee. “ Lolo, titingnan po namin ito sa mesa, ha.”
“Sige lang.”
Kinuha ni Haidee ang libro at nagmamadali ang mga itong lumapit sa malaking mesa na malapit lang din sa aming kinatatayuan. Susunod na sana kami ni Marfire nang magsalita ang matanda.
“Bakit nakikipaghalubilo kayo sa mga tao?”
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Bagkus ay napatingin ako kay Marfire. Kalmado lang siya at hindi ko matukoy kung ano ang kanyang iniisip.
“Kontrolado namin ang aming mga sarili,” sagot nito sa matanda.
“Hindi ninyo alam kung anong panganib ang maidudulot niyon. Isang malaking pagkakamali na lumalapit kayo sa mga mortal.”
“Wala naman po sigurong mali roon,” wika ko.
“Kung iniisip ninyong tama lang ang inyong mga ginagawa. Para sabihin ko sainyo ay isang iyong kahangalan. Hindi na ako magtatakang isa sainyo ang dudukutin ng mga athapos.”
“Dukutin?” nagulat ako.
“Ano ang ibig mong sabihin?” biglang tanong ni Marfire. Kagaya ko ay nagulat rin ito.
“Paanong nandudukot ang mga athapos? Malakas din ba sila kagaya ng mga bampira?”
“Hindi sila malalakas, ngunit matatalino sila. Sila ang mga modernong athapos na namuhay ng mas matagal sa mundo ng mga tao at dumidiskubre ng iba’t-ibang kaalaman. Isa sa mga nadiskubre nila ay labanan kayong mga bampira at iba pang nilalang.”
“Bakit mo ito sinasabi sa amin?” tanong ni Marfire.
“Dahil naghahangad ang mga athapos na sila ang maghahari sa mundong ito na walang kaagaw na mga bampira, taong lobo at diwata. Sila ang maghahari sa mundong ito.”
“Mga athapos kayo hindi ba? May mga dugo kayong athapos? May kakaiba sainyong mga dugo. Hindi iyon normal na dugo,” ani Marfire na nagpagulat sa mata ng matanda. Maging ako ay nagulat din dahil normal lang sa akin ang amoy ng kanilang mga dugo. Kaagad kong ginamit ang pandama ng aking puso. Ganoon nalang ang aking gulat nang may kakaiba nga sa kanilang dugo. Mabilis akong napapatitig ako sa matanda!
“Hindi ninyo maitatago sa amin katotohanan. Ang dugo ninyo ay isang lason sa aming mga bampira. Mga sinauna kayong athapos. May nangyari sainyo kaya naging matanda na kayong tingnan.”
Biglang napaatras ang matanda sa sinabing iyon ni Marfire. Ang sabi nila kanina na imortal ang mga athapos. Kung ganoon ay hindi dapat sila naging matanda.
“O, baka may inilagay kayong gamot upang matakpan ang tunay ninyong mga mukha?” ngumisi si Marfire. Ngayon ay hindi ko na naman siya naintindihan. “Tayo na Conal, hindi ligtas ang lugar na ito para sa atin,” ani nito at nuanang humakbang para lapitan ang tatlo naming kasamahan. Tatalikod na sana ako nang bigla kong maalala ang larawan ng aking ina.
“Kaano-ano mo ang aking inang si Amanda?” diretsa kong tanong na mas nagpagulat pa rito.
“Si Amanda?” mabilis itong napatingin sa larawan. “Saan ang aking kapatid? Anak ka niya?”
“Anak niya ako,” ani ko. “Bakit hindi mo alam kung saan siya ngayon nakatira?”
“Saan kayo nakatira? Ituro mo sa akin. Gusto kong makita ang aking kapatid.” Lumapit ito ngunit mabilis akong napaatras.
“Sa-,” napahinto ako. Hindi puwedeng malaman nito kung saan kami nakatira. Baka may kung ano itong binabalak, “mas mainam na wala kang alam. Ikaw na mismo ang nagsabi na dinudukot ng mga athapos ang mga bampirang kagaya ko,” mabilis akong tumalikod. Eksaktong paglapit ko sa kanila ni Marfire ay nakumbinsi na niya ang mga itong umalis na.
“Lolo, isasauli nalang po namin ang libro, ha,” habol na wika ni Haidee.
“Si-sige lang.” Pilit itong ngumiti at napatitig sa akin. Wala siyang makukuhang impormasyon kung saan nakatira ang aking pamilya.
Nagmamdali kaming lumabas. Nakarating kami sa highway na hinihinal ang tatlo. Pawis na pawis ang mga ito.
“Ano ba ang meron? Bakit nagmamadali tayo?” reklamo ni Majoy.
“Hindi ko alam, nagmamadali kayong lumakad kaya sumunod na rin ako,” wala ring ideya si Haidee.
“Nakakapagod, ha.” Maarting wika ni Annalyn at dinukot nito ang panyo sa bulsa.
Napatingin ako kay Marfire. May kung anong sinasabi ang kanyang mga mata. Sa tingin ko ay may ginawa ito sa tatlong babae. Mukhang ginamit nito ang kanyang kakayahan bilang diwata.
“Sino ang magdadala sa libro na ito?” tanong ni Haidee.
“Ako nalang… ako na ang gagawa ng ating proyekto,” mabilis kong wika. Gusto kong basahin ang mga impormasyon na nakasulat sa libro. May marami pa akong dapat na malaman kung kayat kakailanganin ko ang mga impormasyon na nakasulat rito.
“Sige, ibibigay ko na rin itong format para alam mo kung paano gagawin, Conal, ha.” Inilgay ni Haidee ang isang papel sa aklat. Isiniksik niya lang iyon. Mabilis ko itong kinuha nang ibigay niya sa akin.
“Paano? alis na tayo” si Marfire.
“Sige, ayos na rin yata ang mga impormasyon na ‘yan,” pagsang-ayon ni Majoy.
Tumango kaming lahat at kanya-kanya na sila ng alis. Naiwan kami ni Marfire. Si Majoy at Annalyn ay mabilis na nakapara ng taxi. Habang si Haidee naman ay kailangan nitong bumalik sa aming tagpuan dahil may dadaanan pa siya.
Humanap kami ng lugar ni Marfire upang makapaglaho. May nakita kaming malaking puno ng kahoy. Pumunta kami sa likuran at mabilis na naglaho dalawa. Nakarating kami sa labas ng kotse at mabilis na pumasok.
“Magsasanay na ba tayo?” tanong ko sa kanya.
“Oo, Conal. Ngunit hindi tayo magsasanay sa lugar na ibinigay ko.”
“Kung hindi roon… Saan?” naningkit ang mga mata ko.
“Kakailanganin natin ng ibayong pagsasanay. Bigla akong kinabahan sa sinabi ng athapos na iyon. Lubhang mapanganib at nakakatakot ang binabalak ng kanilang lahi.”
“Nagpapaniwala ka doon?”
“Totoo ang mga athapos. At hindi malabong totoo rin ang sinabi ng matandang iyon sa atin.”
“Ano ang balak mo? Saan tato magsasanay dalawa?”
“Sa kagubatan kung saan naninirahan ang mga diwata.”
“Sigurado ka ba diyan?” nanlaki ang mga mata ko at may sayang naramdaman. Gusto kong makakita kung ano talaga ang hitsura at wangis ng mga purong dugo na lahi ni Marfire.
“Iyong ibinigay ko saiyo na mapa. Sa daang iyon ay doon rin papatungo sa mundo ng aking ina. Sasabihin ko lang saiyo kung hihinto ka ba o hindi. Hindi na rin tayo makakarating sa dulo ng mapa.”
“Sige,” tumango ako at pinaandar na ang kotse. Mabilis ko iyong pinatakbo. Mabuti nalang at pinag-aralan ko ang mapa kagabi kaya madali na sa aking sundan iyon. “Matanong ko lang, medyo curious ako.”
“Ano iyon, Conal?”
“Bakit doon tayo magsasanay? May maganda bang facilities doon?”
“Mas mainam na doon tayo magsasanay Conal. May marami kang matutunan sa mundo ng mga diwata ngunit may mga bawal sa kanila.”
“Tulad ng?”
“Bawal kang lumabas sa bahay na ating papasukan. Bawal kang magsalita sa harapan nila. At bawal na bawal kang magtanong.”
“Ha?” muntikan ko nang maihinto ang kotse. “Bakit bawal? Wala naman sigurong virus itong bibig ko?”
“Iyon ang bagong batas ng mga diwata.”
“Bago? May mga old rules ba sila na sinusunod?”
“Hindi ko rin alam, eh. Maging ako ay hindi ko nakakausap ng matagal ang aking ina. Punong-puno ng mga sekreto sa lugar doon.
“Bakit naman?”
“Sa pagalay ko ay mayroon silang itinatago. May mga nakakaktandang diwata na sobrang higpit. Kaya inilabas ako ni Ina sa kanilang lugar dahil alam niyang may matatakot sa akin. May dugo akong bampira at takot ang mga ito sa lahi natin.”
“Saan na pala ang Papa mo?” bigla kong tanong. “Hindi ba sana ay magkasama sila ng mama mo o kayong dalawa?”
“Ang sabi ni Mama sa akin ay patay na raw ito.”
“Patay? Paanong patay?”
“Hindi ko alam, isa rin iyong lihim ng mga diwata.”