Episode 3

2270 Words
" Martha can you come with us? We were going to Milan. We're going to attend a party." sabi ng amo ni Martha. Hindi naman ito ang unang beses na sumama siya sa mga amo upang umattend ng mga party at iba pang gathering. Napakabuti ng amo niya sa kanya. Kaya napakaswerte niya sa tutuusin. Sinasama kasi nila ang mga anak kaya ako ang magbabantay sa mga ito. Mabuti din ang anak ng mga amo. Kaya mahal na mahal niya ang mga bata. Itinuring na niya itong mga anak. " When will go there, Ma'am? So I can prepare the things to bring." anito. Napangiti ang amo niyang babae. " Don't bring anything. Don't worry I'll be the one who will buy your dress for the party. " nakangiting sabi ng among babae. Madalas ang mga amo ang bumibili ng mga damit niya. Kaya nakakahiya na kung minsan. Ayaw ko man tanggapin napipilitan na lamang ako. Dahil ayoko namang magtampo ang amo. " Thank you so much Ma'am" tanging nasabi ni Martha. Ano kayang party ang pupuntahan namin? Baka naman birthday party. Haist bakit ko ba iniisip kung anong party. Ang mahalaga isasama muli ako upang makapamasyal. Tinawagan ko si Jane ng kinagabihan. " Beshy! Bakit napatawag ka?" tanong ng kaibigan. " Bukas may pupuntahan kami ng mga amo ko. Isasama nila ako papuntang Milan. May party na aatendan ang mga amo ko. " kuwento ko. " Hays buti ka pa madalas ilabas ng amo mo. Aba pupunta ka na naman ng Milan. Ang amo ko may pagka Pinoy yata ang kuripot!" natawa ako sa sinabi ni Jane. " Ikaw talaga hindi naman siguro. Magala lang kasi ang mga amo ko kaya ganun. Eh yang amo mo kuntento lang nasa bahay." sabi ko. " Kapag may pagkakataon ka bilhan mo ako ng pasalubong ha?" ungot nito sa akin. " Okay sige bibili ako ng panzerotti pasalubong sa iyo." pagpapanatag ko sa kanya. Paborito kasi nito ang ganitong pagkain. Ako hindi naman mahilig masyado sa pagkain ng Italyano. Madalas pa din hanapin ng panlasa ko ang Pinoy food. Kaya kahit mahal bumibili ako. Wala ng makakatalo sa pagkaing pinoy. Namimiss ko ang balot. " Yes!!! Aasahan ko yan ha? Salamat beshy!" tuwang tuwa ang kaibigan sa sinabi niya. SUMAKAY kami sa sasakyan ng mga amo ko. Magstay daw kami sa isang hotel bago kami pumunta ng event. Halos umabot ng 1 hour to 45 minutes. Maganda pala magtravel ng sasakyan. Makikita mo talaga ang magagandang lugar. Isang mamahaling hotel kami pumasok. Hinawakan ko ang kamay ng alaga kong babae. Ang isa naman ay nasa kanyang ama. " Zia Martha/ Aunt Martha." napayuko ako ng tawagin ako ng alaga kong si Luna. "Che cos'è Luna?/ What is it Luna?" tanong ko. Masayang ang alaga ko dahil namasyal na naman kami. Kadalasan kasi sa bahay lang ang mga ito. Mahigoit ang mga magulang ng alaga ko pagdatinf " The place is beautiful. I would love to stay here than in our house." Sabi nito. Napahagikgik ito sa sinabi. Hinaplos ko ang kanyang cute na mukha. Kahit may freckles siya sa mukha napakaganda pa din niya. How I wish magkaroon ako ng anak na ganito kaganda. Mayroon siyang berdeng mga mata. Magaganda ang mga batang Italian. Karamihan sa kanila ay may berde na mata. Nginitian ko lang siya bilang tugon. Pumasok na kami sa loob. Hinintay ko ang mga amo ko habang kinukuha nila ang susi namin sa tutuluyan naming room. Magkakasama ang mag-anak at ako naman ay napahiwalay. Sa isang silid ako nagstay. Pagkapasok ko sa room namangha ako sa ganda. May malapad na higaan at may sofa na mahaba. Overlooking ang city ng Milan. Dahil may malaking salamin na kita ang labas. Mahal siguro ang pagstay dito. Kunsabagay kaya naman ng mga amo ang magstay sa ganito kamahal at kagandang suite. Professional ang mga amo ni Martha. Iginilid ko ang dala kong maleta. Naupo ako sa malambot na kama. Napahiga ako habang nakatingin sa puting kisame. Sana nandito din ang kapatid ko para naman maranasan niya ang magstay sa ganito kamahal na silid. Napatingin ako sa orasan ko sa bisig. Siguro puwede pa akong lumabas. Mamaya pa naman ang party. Minesasage ko muna ang mga amo ko para magpaalam saglit. Napangiti ako ng makalabas ng hotel na tinutuluyan namin. Buti pumayag ang mga amo ko. Hindi pa ako nakakalayo mula sa hotel may nakabangga akong tao. Napatingin ako sa taong nabangga ko. " Oh, I am sorry Ms." hinging paumanhin ko. Kapwa gulat ang rumehistro sa mukha namin pareho ng makilala namin ang isa't isa. "Martha?" sambit nito pagkatapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng simpleng damit na close neck. Mahaba ang palda ko at nakasuot ng boots. Hindi kasi ako sanay sa maiikling mga damit o expose ang balat. Nakasuot sa balikat ko ang sling bag ko. Nasanay na ako ganito ang getup ko kapag lumalabas. Kaya madalas sinasabihan ako ni Jane na Manang. Kahit naman nasa Pilipinas pa lang ako noon ganito na ako manamit, minus ang naka boots. I used to wear boots during winter time here. Tumawa ng nakakainsulto ang kapatid ng ex-boyfriend kong si Mon. Habang hindi nito maialis ang tingin sa akin na nakakababa ng dignidad. May kasama itong magandang babae. Mapanuri din ang tingin na pinukol sa akin. Sanay naman na ako sa kanila kung paano nila ako matain. Wala akong magagawa dun. " You still Martha I used to know. Look at you nandito ka na nga sa Italy pero my god you still so baduy! Well ano naman kasi makakaya mo katulong ka pala dito. At wala ka pang pinag-aralan. Ano naman alam mo sa fashion." pang-iinsulto niya sa pagkatao ko. Napakuyom ako ng kamao. Pinalagpas ko ang pang-aapi nila sa akin noon. But this time parang hindi ko na kayang magpakabait. " Is that the girl you told na ex ni Mon? Oh my god she's so outdated! How did he like her?" maarteng sabi nito. Gusto kong sungalngalan ng yelo ang bunganga ng babaeng ito. Kilala ba niya ako ng personal para sabihan ako ng masasakit. " Y'know my brother is not serious with her. Siya lang naman ang pilit na humahabol sa kapatid ko. Kasi gusto lang naman niyang maging katulad namin. But sorry for her hindi kami papayag makapasok ang katulad niyang gold digger at scammer." nakaka insulto ang mga binitawan niyang salita laban sa akin. Tinikom ko ang bibig ko kahit gustong gusto ko ng magsalia at ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko magawa wala din naman saysay ang mga sasabihin ko. Sarado ang mga isip nila. Pero sa kabilang side ng isip ko. Nagsasabing kailangan kong lumaban. Tama na ang pagiging mabait. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Huwag kong hahayaan na dikdikin ako ng sobra. Mas mabuti na alam nila ang nasa saloobin ko. Hindi ko kasi nagawang lumaban dati. Dahil tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko noon. " Tapos na ba kayo sa sinasabi niyo tungkol sa akin? I don't care kung ano ang iniisip niyo sa pagkatao ko. Dahil lahat ng yun walang katotohanan. Ang kapatid mo ang nanloko sa akin. Wala akong pakialam sa yaman niyo kaya kong mabuhay sa sarili kong pagsisikap. Oo wala akong pinag-aralan pero hindi ibig sabihin nun wala na akong karapatan na umangat sa buhay. Katulong lang ako pero wala akong inaapakan na tao. Hindi kagaya niyo mapanghusga sa kapwa." sabi ko na may paghihinanakit. Natawa ng nakakaloko ang kapatid ni Mon. " Really? Hindi ba binayaran ka nila Mommy para layuan ang kapatid ko you even accept it. So ibig sabihin lang na mukha kang pera. Napakunot ako ng noo. Ako binayaran? Isang beses ko lang nameet ang magulang ni Mon. Hindi pa naging maganda. Dahil ipinahiya nila ako sa madaming tao. " Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong natatanggap na kahit ano sa Mommy mo!" sabi ko.  " Liar! Kahit anong paliwanag mo maliwanag pa sa sikat ng buwan na isa kang gold digger! Mukha kang pera! Kaya nagpapasalamat ako na binasura ka ng kapatid ko!" " Martha?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakatayo si Mon may kasama itong babae na nakaangkla sa bisig niya. Kagaya ng dalawa mapanghusga din ang tingin na pinukol niya sa akin. Lalapitan sana ako ni Mon ng pigilan siya ng kasama nito. Pero lumapit pa din siya sa akin. Napaatras ako. "What are you doing here?" tanong ni Mon sa akin. Bakit niya tinatanong kung bakit ako nandito? Wala na ba akong karapatan na makarating ng Italy kagaya nila? "I'm working here in Italy. Kasama ko ang mga amo ko." sabi ko. "Akala ko sinusundan mo ako." sabi nito na ikinapuyos ng galit ko. Halos magtagis ang bagang ko. Hindi pa din siya nagbago. He still arrogant at mapagmataas kagaya ng kapatid niya. "That was I thought. Pero in the first place hindi naman niya afford ang magpunta dito. Maliban na lang magtrabaho bilang Domestic Helper." sabat ng kapatid ni Mon. Nagtawanan sila. Ano naman masama sa pagiging Domestic Helper? Hindi ba nila alam na kami ang nagpapasok ng dolyar sa Pilipinas. Nakakatulong ito sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaysa mag-aksaya ng panahon sa mga mapang-api na mga ito. Mas mabuti ng huwag na lang silang pansinin. Tumalikod na ako at umalis. Pero sinundan ako ni Mon. Hinawakan niya ang braso ko. "Ano ba Mon bitawan mo ako! Ano pang kailangan mo! Kulang pa ba ang pang-iinsulto mo sa akin?! Bakit may hindi ka pa ba nasasabi na masakit na salita?" nangilid ang mga luha ko. Napakasama nila para libakin nila ako ng ganun ganun lang. "Ang galing mo din magdrama. Hindi mo ako makukuha sa pag-iyak mo na parang napaka inosente mo!Which is not true you gold digger!" bakit ba ako sinasabihang gold digger? Wala naman akong ninakaw sa kanilang pera? Sinoli ko lahat pati ang mga niregalo niya sa akin noon. Dahil ayokong sabihan niya ako ng scammer o ano pang masasakit na salita. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako ganoong klaseng tao! Lahat ng binigay mo sa akin binalik ko sa iyo! Hindi ako gold digger!" napaatras ako ng higitin niya ang braso ko at hinila niya ako ng marahas palapit sa kanya. "Binayaran ka ni Mommy ng kalahating milyon para layuan mo ako. Alam mo bang seryoso na ako noon sa iyo? Muntik na akong magpropose sa iyo noon ?Buti na lamang nalaman ko ang totoo mong kulay! Mapagkunwari ka mukha kang pera!" galit na sabi nito. Ginawaran ko siya ng sampal. Wala siyang karapatan na sabihan ako ng mukhang pera. Dahil hindi totoo yun! Tiningnan niya ako ng may pang-uuyam. Hinaklit niya ang braso ko at sasampalin sana. Itinaas nito ang kamay napapikit na lang ako ng mata. Hinintay ko ang kamay nitong dadapo sana pisngi ko. Nagtataka naman ako dahil ilang segundo na ang nakalipas wala pang dumapo sa pisngi ko. Unti unti kong idinilat ang mata ko. Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki. Isang adonis ang nakikita ko ngayon. Para nga siyang hollywood actor sa sobrang kisig. May asul siyang mga mata at matangos na ilong. Ang kanyang magandang katawan ay napaka perpekto. Bagay na bagay sa height nitong napaka tangkad. Hawak ng lalaki ang palapulsuhan ni Mon. "Who the f*****g are you?!" galit na sabi ni Mon sa estrangherong lalaki. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakapokus ang mata ko sa lalaki. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaki at bigla bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Ngayon ko lang naman siya nakita? "You don't know who I am?" sabi ng lalaki. Kahit hindi man galit ang timbre ng boses ng lalaki pero para bang sinasabing mag-ingat siya sa magiging sagot. Iwinaksi ni Mon ang kamay nito. Nagkatitigan silang dalawa ng masama. Halos umabot lang si Mon hanggang balikat ng lalaki. Nakayuko na ang estrangherong lalaki kay Mon. Dumating ang mga kasama ni Mon. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa lalaki. Makisig naman kasi ang lalaki. Sinong hindi lalaki ang mata. Napasulyap ang lalaki sa akin. Hindi ko inaasahan na lalapitan niya ako at sabihan ng.. "Are you alright Amore Mio?" napanganga ako sa sinabi niyang amore mio. Bakit niya ako tinawag sa ganoong endearment? Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito? Wala akong matandaan na nakausap ko na siya? Kahit wala akong idea sa concern na pinapakita niya. Napatango ako. "Oh my god is that Leri Moretti? The famous italian model and son of the richest man here in Italy?" narinig kong sabi ng kapatid ni Mon. Napatingin ako sa sinasabi nilang Leri. Hindi ko talaga siya kilala. O dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng mga news sa social media. Kaya wala akong alam about sa mga richest person dito sa Italy. Puro trabaho lang ang tangi kong ginagawa. Nagulat ako ng hapitin ako ng lalaki palapit sa kanya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Naguguluhan ako sa kinikilos ng lalaki. Para bang kilalang kilala na niya ako sa uri ng pagkakatingin niya sa akin. Napahawak ako sa kanyang dibdib na malapad. Napatingala ako at napatitig sa asul nitong mga mata. Napaawang ang labi ko dahil sobrang guwapo talaga ng lalaki sa malapitan. Hindi ako fan ng mga lalaking may balbas. Pero mag-iiba yata ngayon dahil parang gusto ko na ang lalaking mabalbas. Ang machong tingnan. Napasinghap ang mga kasama ni Mon ng gawaran ako ng halik ng lalaki sa labi ko. Hindi ko alam nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Para bang sinasabi mag-iiba ang buhay ko magmula sa araw na ito.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD