Namasyal pa kami ni Jane sa ibang bahagi ng Milan. Umalis na kami sa event na pinuntahan namin. Gusto kasi naming sulitin ang pagstay namin dito.
"Ang ganda talaga dito sa Milan. Punta tayo sa Duomo di Milano Cathedral. Gusto kong magdasal at makita ang lumang simbahan." sabi ni Jane. Tumango ako gusto ko din magdasal.
Habang naglalakad hindi magkamayaw si Jane sa kaka picture sa nadadaanan namin. May mga parke na may magagandang bulaklak.
" Martha kuhanan mo ako doon oh. Ilalagay ko sa f*******: profile ko." excited na sabi nito.
Kinuhanan ko siya ng madaming shot. Napakaganda talaga ng landscape dito. Nakakawala ng stress sa buhay.
" Ikaw ayaw mo bang palitan ang f*******: profile mo? Aba luma na yun nasa Pilipinas ka pa yata yun." tanong ni Jane sa amin. Napailing ako.
" Hindi ko naman kasi inoopen ang sss ko. Alam mo naman hindi ako mahilig sa social media." Skype lang ako lagi dahil doon kami nag-uusap ng kapatid ko. Dinectivate ko na ang f*******: ko. Ayoko ng makita pa ang taong nanakit sa akin ng sobra. Siya ang ex-boyfriend ko. Bago pa ako nagpunta dito sa Italy masaya pa kami noon. Kasi kahit wala akong pinag-aralan at High School lang ang natapos ko tinanggap naman niya ako. May kaya sa buhay ang ex-boyfriend ko. Kahit na hindi pa ako pinakilala sa magulang nito. Pero ramdam kong mahal niya ako.
" Malungkot ka na naman diyan? Hayaan mo na lalaking yun. Malas siya at pinakawalan niya ang katulad mo. Bukod sa mabait maganda pa!" kimi akong napangiti. Hanggang ngayon kasi nandito pa din ang sakit ng ginawa niya.
" Huwag mo na kasing isipin ang Mon na yun. Grabe ang pang-aaping ginawa ng pamilya niya sa iyo. Pero hindi ka man lang pinagtanggol. Grabe kung nandoon lang ako makakasapak ako ng mukha." sabi ni Jane.
Hindi ko kasi maiwasang maalala ang nakaraan. Kaya nga nagpasya akong pumunta dito sa Italy upang makalimot. Nag-init ang sulok ng mata ko. Kapag kasi naiisip ko si Mon kaakibat nito ang sakit na naramdaman ko sa piling niya. Hindi lang niya ako niloko, pinaglaruan niya din ang damdamin ko. Sa dalawang taon na relasyon namin akala ko totoo siya. Pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya. Buti hindi ko pa naibigay ang sarili ko. Kahit lagi niyang ginigiit sa akin na dapat may nangyayari na sa amin. Pero pilit akong tumatanggi sa kagustuhan niya.
Minsan nahuli ko siyang may kasama sa condo nito. Gumagawa ng kahalayan. Hindi ko siya kinompronta tungkol doon. Pikit mata kong tinanggap ang panloloko niya. Naiinitindihan ko naman siya dahil may pagkukulang ako sa ganoon. Kaya hindi ko siya masisisi na magawa niyang mangaliwa. Pumatak ang luha sa aking mga mata.
" Hayan ka na naman iniiyakan mo na naman ang lalaking yun! Diyos ko ilang taon na ba? Hindi ka pa maka move on. Naiintindihan ko naman dahil una mong naging nobyo ang Mon na yun. Pero beshy hindi pa katapusan ng mundo para habang buhay mong iyakan ang walang kuwenta na Mon na yun!" hinahaplos ni Jane ang likod ko nang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak.
" Mahal ko pa din siya kaya hindi ko pa kayang pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya." sabi ko.
" Sana makatagpo ka na ng lalaking magpapaligaya sa iyo. At makalimutan mo na si Mon. Hindi mo deserve ang masaktan. Dahil masakit ang ikahiya ka ng mahal mo." Yinakap niya ang kaibigan. Naiintindihan ko ang hugot ni Jane. Dahil kagaya ko nasaktan din ito sa lalaking minahal niya. Sa totoo mas malala ang nangyari kay Jane. May naging ka live in siya sa London dahil kagaya ko hindi din sineryoso ng lalaki dahil kinahiya siya nito. Dahil sa katulong lamang siya. Ang masakit doon nabuntis si Jane. Hindi niya pinaalam sa lalaki na may anak sila. Kaya umuwi na lamang siya sa Pilipinas. Hay buhay.
" Pasensya ka na nagdradrama na naman ako. Imbes na magpakasaya tayo ngayon. Baka maalala mo na naman si Gavin." sabi ni Martha sa kaibigan. Napairap ang kaibigan sa binanggit na pangalan ni Martha.
" Halika ka na nga para makapamasyal pa tayo sa ibang lugar. Forget na natin ang mga lalaking walang kwenta." napangiti si Martha. Naiintindihan niya si Jane kung may galit ito sa mga lalaking manloloko.
Madalang lang kaming gumala sa ganitong kalayong lugar. Kaya dapat sulitin namin. Pinuntahan nila ang malaking simbahan sa Milan. Nagdasal lang kami doon.
ILANG araw ng hindi matahimik si Leri. Hindi maialis sa isip nito ang babaeng nakita niya sa isang Filipino event. Napatayo ito sa pagkakaupo sa swivel chair nito. Napatingin siya sa pinto ng bumukas ito. Napangiti siya ng malawak.
" Hey Honey!" bati nito sa nobya niya. Nagyakapan ang dalawa.
" Hi, sweetheart." sambit ng nobya ni Leri.
" What are you doing here honey? I thought you were out of town." hinagkan niya ang pisngi ng nobya.
" It was canceled. So I decided to visit you then. I want to spend my remaining time with you. Tomorrow is my flight to New York. I'm going to miss you sweetheart." pinulupot nito ang kanyang kamay sa leeg ni Leri.
Mapaglarong ngiti ang kumawala sa labi ni Leri. Bumaba ang ulo nito upang bigyan ng halik sa labi ang nobya. Umurong ang babae napasandal ito sa pader.
Habang abala ang mga kamay ni Leri sa paghaplos sa katawan ng nobya. Biglang may nagflash sa isipan ang babaeng gumugulo sa isipan nitong nakaraang araw. Bigla niyang binitawan ang nobya, na para bang napaso siya at may nagawang kasalan sa babaeng estranghero. Napahagod siya sa buhok. Hindi dapat ganito ang ginagawa niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
Nagtatakang tiningnan siya ng nobya.
" Are you alright sweetheart? What's wrong with you?" kunot ang noo ng babae napatitig kay Leri. Iniba nito ang tingin. Ayaw nitong salubungin ang mata ng nobya na nagtatanong.
" Oh, there was nothing wrong with me. I suddenly had a headache." pagrarason nito sa nobya. Kahit wala naman itong naramdamang sakit sa ulo.
" You need to rest now sweetheart. You're too overwork this past few days." naupo ang kasintahan sa sofa. Napahilot si Leri sa kanyang sentido. Nagtataka ito sa sarili. Bakit nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na damdamin sa babaeng nakita niya sa isang event.
" I -I can't be with you honey. Maybe I'll take a rest." pagrarason ni Leri sa nobya. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng guilt sa paghalik niya sa kanyang nobya. At bakit sumingit sa isipan niya ang babaeng yun? Hindi na makapag-isip ng tama si Leri.
NAPATINGIN si Leri sa buong siyudad ng Milan. Mula sa itaas ng building kung saan ang opisina nito. Makikita ang siyudad ng Milan. Nakatulala lang nakatanaw si Leri sa labas. Walang nasa isip niya kung hindi ang babae.
Napahilamos ng mukha si Leri dahil laging sumisingit sa isipan ang mukha ng babae.
" What's wrong with you!" usal nito sa sarili. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil kapag naiisip ang babae. Hindi mapigilan ng puso nitong tumibok ng mabilis.
"I need to find her. But how?" tanong nito sa sarili. Ginulo ni Leri ang buhok dahil sa frustration. Idagdag pa na naguguluhan siya sa sarili.
"Whom do you want to look for?" napalingon si Leri sa nagsalita. Parang gustong lumubog ni Leri sa kinatatayuan nito. Nakatayo ang ama habang may seryosong tingin sa kanya.
" Papa!" sambit nito sa ama.
" Mio Figlio whom do you want to look for?" ulit na tanong ng ama. Nagtatanong ang tingin nito. Napalunok ng laway si Leri dahil sa uri ng tingin na pinupukol sa kanya. Kilala nito ang ama hindi papayag na may iba siyang agenda maliban sa negosyo nila. Dahil siya ang hahalili sa ama bilang CEO ng kompanya nila.
" It's Brianna Papa." Sabi nito sa ama.
" What about Brianna? Did you two fight?" tanong ng ama ni Leri.
" Just a misunderstanding Papa." nagtampo ang nobya ng paalisin ko siya kanina. Dahil gusto nito na magstay pa ng matagal sa opisina para daw maalagaan niya ako. Ngunit hindi nito pinayagan ang nobya.
" You need to fix that small problem Mio figlio." umupo ang ama sa sofa. " After I give you all the control of my company as a new CEO. You need to plan your marriage to Brianna. You, not any younger figlio. You're at the right age all ready to get married." Hindi nakapagsalita si Leri sa tinuran ng ama. Wala pang plano si Leri na magpakasal at gayon din naman ang nobya nito. Although nasa trenta na sila. They were still enjoying their life as a single.
Halos hindi pumasok sa isipan ni Leri ang napag-usapan nila ng kanyang ama. Patungkol sa kompanya ang pinag-usapan nila. Nakaalis na ang ama ngunit tila ba nakalutang pa sa ere ang kanyang isipan. Dahil sa estrangherong babae na hindi niya lubos na kilala.
"Mio Dio! Cosa mi sta succedendo?/My god! What's happening to me?" Sabi nito sa sarili.
" Ho bisogno di trovarla il prima possibile!/I need to find her as soon as possible! " sabi ni Leri sa sarili.Copyright © 2021 by coalchamber13