bc

Trying Not To Love You(Filipino/Tagalog)

book_age18+
13.3K
FOLLOW
95.5K
READ
billionaire
family
goodgirl
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Martha Rivera had no idea she'd be liked by a famous Italian model. She was an ordinary woman who worked as an Au pair for a rich family in Italy. Leri Moretti is the heir to the Moretti Group of Companies as well as one of Italy's hottest bachelor models. He is the only son of Pietro Moretti, Italy's most successful businessman. Leri noticed a woman at the Filipino gathering to which he had been invited as a guest. He had never considered getting married during his relationship with his girlfriend. But all changed in an instant when he saw the stranger woman who had captured his heart.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Narito kami ng kaibigan kong si Jane sa Milan Italy upang um-attend ng Filipino gathering na isinasagawa taon-taon. Kaya hindi nila pinalalagpas iyon nang magkaibigan. Sinasamantala namin ang pagkakataon upang makapanood at makita ang mga sikat na artista sa Pilipinas. Dalawang araw ang aking day off kaya may oras akong mamasyal. May ibang OFW dito na isa lang ang ibinigay na day off ng kanilang mga amo. Masuwerte na kami ni Jane dahil mabubuti ang naging mga amo namin. Halos magta-tatlong taon na akong nagtratrabaho bilang Au pair sa Italy. May kaya naman ang mga amo ko. Isa naman kasambahay si Janering. Dalawa ang anak ng kanyang amo. Isang lalaki at isang babae. Siyam na taong gulang ang panganay at nasa pitong taong gulangang naman ang pangalawa. “Wow, ang ganda ng suot mo, Martha, para ka lang a-attend ng binyagan niyan," pagbibiro ni Jane sa aking suot. Napatirik ako nang mga mata sa biro ni Jane. Nakasuot ako nang mahabang bestida at may nakapatong pa na jacket. Malamig na ang panahon dahil fall season na kaya nagsisimula nang lumamig ang paligid. "Ikaw talaga, Jane, ako na naman ang nakita mong biruin," nakangiting sabi ko sa kaniya. Inakbayan niya ako saka nginitian. "Ikaw naman hindi ka na mabiro. Siyempre kahit anong suot mo maganda ka pa rin. Kahit wala ka ngang makeup kagaya namin lumulutang pa rin ang ganda mo.” Puri sa niya sa akin. “Aysus, magpapalibre ka lang niyan kaya pinupuri mo ako. Huwag kang mag-alala kahit hindi mo ako purihin o bolahin ililibre naman talaga kita.” Sabi ko sa kaibigan at saka ngumiti. Naalala ko noong unang nakilala ko si Jane sa agency na pinag-apply-an namin. Nakakuwentuhan ko siya noon habang naghihintay nang interview namin sa agency. Nagkapalagayan kami ng loob at nagpalitan ng cell phone number. Hanggang sa pareho kaming natanggap at ang nakakatuwa pa iisang lugar lang din nakatira ang magiging mga amo namin. "’Yan ang gusto ko sa ’yo isa kang tunay na kaibigan.” Nagkatawanan kaming dalawa. “Tayo na nga baka ma-late pa tayo,” dagdag pa niya. “Siya nga pala bili tayo ng mga pagkain doon mamaya after ng program. May nakita akong mga booth ng mga Filipino products." sabi ko kay Jane. “Kahit hindi mo banggitin talagang bibili ako. Buti nga may suweldo na tayo kaya may datung ngayon.” napangiti ako sa tinuran ng kaibigan. Ito lang kasi ang libangan namin kapag day off -magshopping at maglibot sa magagandang lugar. Sinakyan namin kanina ay tren. Mula sa Genoa papuntang Milan umabot kami ng isang oras at kalahati sa biyahe. Nilakad pa kasi namin ni Jane ang papunta sa station ng tren. Wala naman kasing pampublikong sasakyan sa lugar namin. Kailangan mo pang lakarin mula sa bahay at sa abangan ng bus. May oras rin kasi ang pagdating ng bus doon kaya dapat maaga kang makarating sa bus station na papunta sa station ng tren. Buti na lang malapit ang station ng tren sa pinagganapan ng gathering kaya nilakad na lang namin ni Jane. "Wow, ang daming tao." manghang-mangha kami sa dami ng dumalo. Iba-iba ang mga lahi. Hindi lang mga pinoy ang mga narito maging ang mga locals nila dito. May nadaanana kami ni Jane na mga booth na nakahilera sa isang gilid. Sa may ’di kalayuan ay may malaking stage kung saan gaganapin ang event. "Alam mo ba guest nila ang pinakasikat na model sa italy. Excited na akong makita siya. Alam mo ba super patay na patay ako sa kanya. Diyos ko! Mukha at abs pa lang mahihimatay na ako. Paano pa kaya kapag nakita ko siya sa personal? Oh my god!" hindi napigilan ni Jane ang mapasigaw dahil sa kilig. Natawa ako sa reaction niya. "Ikaw pa lahat naman ng pogi patay na patay ka. Hindi ko kilala ang sinasabi mo. Alam mo namang hindi ako mahilig magbasa ng about sa mga model o ano pa iyan. Mas nanaisin ko na lang magbasa ng pocket book, maaliw pa ako. Kaysa ‘yang sinasabi mong abs at guwapong lalaki." turan nito sa kaibigan saka natawa. Napatirik ng mga mata si Jane sa sagot ni Martha. Kilala niya kasi ako sa pagiging conservative pagdating sa mga lalaki. Ni hindi mo ako kakikitaan na humanga sa mga lalaking nakikita nila kapag namamasyal kami sa city. "Kasi ang manang mo. My god, Martha! Trenta ka na wala ka pang naging dyowa? Kailan ka ba magpapaligaw? Sa totoo lang maraming gustong manligaw sa iyo pero dedma ka lang sa kanila." "Alam mo naman siguro ang sitwasyon ko. Ako ang bread winner sa pamilya namin. Hindi pa ako puwedeng mag-asawa hangga't hindi pa natatapos ang bunso namin. Isang taon na lang naman ’yon at makatatapos na siya sa kolehiyo," napailing ang kaibigan. "Nandoon na ako sa point mo. Pero hindi naman siguro ikamamatay ng pamilya mo kung magkaroon ka man lang akhit boyfriend. Nasa edad ka na lagpas na nga, eh? Baka naman uugod-ugod ka na saka mo na-realize na dapat magkaroon ka na nang sarili mong pamilya. Isipin mo naman ang sarili mo, Martha, hindi lang puro sila. Kahit naman ang Kuya mo sinusuportahan mo pa rin pati na ang mga anak. Diyos ko! Ang lalaki nilang mga bulas hindi naman sila inutil para hindi sila ang magtrabaho para sa pamilya nila. Ayos lang ang bunso niyo kasi nga nag-aaral pa. Pero ang ibang kapatid mo na may mga sariling pamilya na? Aba kalabisan na iyon. Kung buhay lang ang mga magulang niyo hindi ka naghihirap ng ganyan." Mahabang sermon sa akin ni Jane. "Ano ka ba hindi tayo nagpunta dito para pag-usapan ang buhay ko. Nagpunta tayo dito para mag-enjoy. Ikaw talaga," pang-iiba ko nang topic. Masyado nang mainit ang topic namin kaya inakbayan ko siya para pakalmahi ko siya. Kandahaba na ang nguso niya sa inis sa akin. "Concern lang naman ako sa iyo, kaibigan mo ako. Gusto ko namang mapasaya mo naman ang sarili mo." Sabi nito. "Salamat sa concern mo para sa akin, na-appreciate ko ’yon. Masaya ako na ginagawa ko ito sa pamilya ko. Wala ni isa akong pagsisisi na tinutulungan ko sila. Masaya ako kapag nakikita kong masaya ang pamilya ko.” Sabi ko. "Sana naman minsan isipin mo ang iyong sarili, hindi lang puro sila. Darating ang panahon na kapag wala na silang mahuthut sa iyo iiwan ka na lang nila. Tandaan mo ‘yan." Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Jane. Kung dumating man ang panahon na iyon hindi ko pagsisisihan na nakatulong ako sa kanila. Ganoon pa man, hindi naman ako nakakalimot na mag-ipon para sa aking sarili. Napapailing na lang sa akin si Jane. Inakbayan ko na siya at naglakad na kami patungo sa mga booth na may mga tinda. Habang abala ako sa pagbili nagsimula na ang event. May mga sumayaw at kumanta sa unang programa. Sumunod naman nagsalita ang mga Filipino na may mataas na katungkulan sa Italy. Narito rin ang ibang opisyales ng embahada ng Pilipinas. Umupo na kami ni Jane sa upuan na naroon. Naghiwayan ang mga tao nang tinawag ang pangalan ng isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Bigla ay nag-ring ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ng bunso kong kapatid. Tinatawagan niya ako sa messenger. Tumayo ako upang pumunta sa medyo malayo upang kausapin ang kapatid. Nagpaalam ako kay Jane ngunit ang mata ay nakatutok sa stage kung saan naroon ang sinasabi niyang sikat na modelo. Kaya hindi ko na siya inabala. “Hi, Marife bakit napatawag ka, may kailangan ka ba?" tanong ko sa kapatid. "Ito naman si ate, hindi naman porke tumatawag ako may kailangan na kaagad. Na-miss kita ate eh? Nalulungkot ako kasi hindi tayo nakapag videocall ng madalas. Buti malakas ang signal dito sa kapitbahay natin kaya natawagan kita." "Pasensya ka na narito kami sa Milan. May event kasi ang mga Filipino community dito. Umattend kami ni Jane." Balita ko sa kanya. "Oh, talaga, buti naman may mga ganyang event para sa mga Filipino community. Puwede ka bang mag-send ng picture? Para naman makita ko ang place,” suggestion ng kapatid. Nag-send ako ng mga ilang larawan na kinunan ko kanina. "Ang ganda naman diyan, ate! Kapag naka-graduate na ako pupunta din ako diyan." Sabi ni Marife. "Basta ipangako mong magtatapos ka ng pag-aaral. Konting panahon na lang. Wala munang boyfriend. Kukunin kita para naman may kasama ako dito.” Bigla ay nakaramdam ako nang pangungulila sa kapatid. Na-miss ko na ang bonding namin ng bunso namin. Siya lang kasi ang malapit sa akin. "Promise, isang sem na lang, ate, matutupad mo na ang pangarap mo para sa akin. Hindi kita bibiguin. Pangako ‘yan." Pangako ng kapatid. "O, siya sige mamaya na lang kita tatawagan, ha? Mukhang hinahanap na ako ng kaibigan ko." Nakita ko ang pagsenyas ni Jane mula sa kinaroroonan ko. Tinapos ko ang videocall naming dalawa. "Ano ka ba kanina pa kita tinatawag hindi mo naririnig. Hindi mo nakita tuloy ang crush kong model. Ang pogi niya!" tili nito. Nagtinginan pa ang mga tao sa kaibigan dahil sa pagtili nito ng malakas. "Hala tumigil ka nga diyan nakakahiya ka na, oh? Pinagtitinginan na tayo. Ang lakas ng boses mo," napapailing ako sa inasta ng kaibigan. Leri PAGKABABA ko nang entablado ikinaway ko ang aking kamay upang batiin ang mga nagtitiliang mga fans. Isang matamis na ngiti rin ang aking ginawa. Pinalibutan na ako ng mga security nang bumaba ako sa stage. Sa likod kami dumaan dahil naroon nakaparada ang aking sasakyan. Habang naglalakad napatingin ako sa mga booth. Nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakatayop habang may kausap na babae rin. Napatigil si Leri sa paglalakad. Parang nag-slow motion ang paligid niya nang matitigan niya ang babaeng nakatayo mula sa malayo. Nakaramdam ako nang kakaiba sa aking sarili partikular sa aking puso na sobra ang t***k ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Nawala ako sa aking iniisip nang tawagin ako nang security. “Signore, la macchina ti sta aspettando. Da questa signore/Sir, the car is waiting for you. This way, Sir.” Aniya. Napalingon ako sa tinitingnan ko kanina ngunit wala na doon ang babae. Parang nanghinayang ako na hindi ko na siya makikita pang muli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.6K
bc

Mistakes (Montemayor Series3)

read
368.3K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.7K
bc

Be Mine Again

read
101.9K
bc

HIS SUBTLE OBSESSION

read
61.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook