Chapter 2: New Friend-nemies?

2076 Words
EUNICE ELIZALDE Nang maka baba ako ng cafeteria nakita ko agad si Samuel ganun din ito sa'kin. Actually hindi kami mag ka kilala sabihin na lang natin na may Gay-rathar ako? Mabilis akong lumapit sa kanila may kasama itong dalawang babae. "Hi, I'm Eunice Elizalde." pakilala ko sa kanilang tatlo. "Ako si Samuel Yu, ito si Aira Sanchez kambal silang dalawa, siya naman si Abigail Sanchez." pakilala ni Samuel sa dalawang babae. Ngumiti ako at tumango. "Hi sa inyo!" naka ngiti kong bati. "Oh nag order na ako para sa'yo. Kasi 1 hour lang ating break time." sabi ni Samuel. "Thank you Sammy!" masayang pasasalamat ko at naupo ako sa tabi niya. May gulay ang pinili niya sakin na tingin ko ay pakbet at meron din na pork adobo pero tuyo ito walang sabaw. "Alam mo ba mag iingat ka dun kay boss. Matinik sa babae yun," pabulong ni Aira na sabi sa'kin. "Hmm? Paano mo nasabi?" tanong ko habang puno ang bibig ko. "Halos lahat ng babae dito nakama na nun. Kahit si Abby at ako, magaling kasi siya sobra." tila kinikilig nitong sabi. Napa ngiwi naman ako at tiningnan sila." Wala akong plano na mahulog sa kanya. Nakalaan na ako sa iba," pagsisinungaling ko. Yung nakalaan na ako sa iba ang pinasaringan ko na kasinungalingan. Dahil ayoko ng kahit anong relasyon sa boss ko. Trabaho, trabaho lang. "Weeh? Ganyan din sinabi ko noon, gwapo kaya si Boss." sabi nito. Tila gising na nagpapantasya. Ngumiti ako at nag salita. "Gwapo siya pero red flag. Ayoko sa mga lalaki na papalit palit ng babae," naka ngiti kong sagot. "Grabe naman. Kahit konti? Ayaw mo ba sa mayaman? Panigurado mabubuhay reyna ka." tanong naman sa'kin ni Abby. Umiling ako at uminom ng tubig bago mag salita. "I can pay my bills. I don't need a man to do that," confident kong sagot. Tinuro sakin ng papa ko na huwag umasa sa ibang tao para lang mabuhay ka. Matuto kang kumilos para sa sarili mo. "Ingat ka parin. Sabi nga nila mas gusto ng lalaki ang babaeng palaban!" naka ngising wika ni Sammy. Ngumiti naman ako at hindi sumagot. Kahit pa anong gawin niya hindi niya parin ako makukuha if ever naman na mangyari. "Uy sa fashion show nood kayo ha? Ang daming rarampang Fafa doon, ang alam ko rarampa din si Fafa Valiar, bestfriend ni Mr Schneizel 'yun." tila excited naman na wika ni Sammy. Tumango na lang ako at hindi na umimik. Kung ganun pwede ako kumilos siguro sa araw na 'yun kaso malabo dahil secretary ako ni Boss. "Oh ba-bye na ha! Bukas ulit!" paalam namin sa isa't isa ng bumaba na sila sa floor nila. Noong natapos kasi mag lunch ay sabay sabay kami umakyat sila pala ay sa kasunod na floor lang din sa baba. 16th floor ang Office ni Boss sila naman ay nasa 15th floor. Nang tumigil ang Elevator ay lumabas na ako agad at nagmamadaling naglakad patungo sa Office ni Boss. Nang makarating ako kumatok ako agad ng marahan. "Come in." malamig na tinig ni boss. Pumasok ako ng hindi tumitingin sa boss ko. "Pasensya na po natagalan ako nag k---- Ma-magandang tanghali po mga Sir!" bati ko ng makita ko ang kasama ni boss. Dalawang lalaki ang isa ay mukhang modelo ang isa naman ay mukhang professional na tao. "So ikaw pala ang bagong secretary ng mahal kong kaibigan?" tanong ng mukhang modelo. "Ako nga ho. Eunice Elizalde po Sir," pakilala ko at lumapit ako. Ngumiti ito at tumayo. Grabe ang tangkad niya, "Valiar Thompson," nilahad nito ang kamay niya upang makipag kamay kaya agad kong tinanggap ito. Napa higit ako ng hininga ko ng bigla nitong halikan ang likod ng palad ko. Mabilis ko binawi ito, hindi ako komportable sa ginagawa niya. "Huwag mo takutin Val! Hi, I'm Trevor Murphy."Nakangiting pakilala nung isang naka suit and tie "Hello, ahmm upo na po ako." yumuko ako at iniwan na sila doon. "Sigurado ka bang secretary siya? Mas mukha siyang model eh." narinig kong tanong ni Sir Valiar kay Mr Schneizel. "Yan din ang iniisip ko. " malamig na sagot ni boss sa kaibigan nito. "Okay okay, anyway sabay sabay na tayo pumunta sa inyo?" tanong ng tingin ko at si Sir Trevor. "No, convoy kayo dahil kasama ko ang secretary ko mamaya. Gusto siya makita nila mom para pasalamatan sa hindi ko alam." biglang tanggi ni boss sa mga kaibigan nito. Siguro dahil na rin sa baka sa kanya ito sasakay. "Ayun naman pala okay yan!" naka ngiting wika ni Sir Valiar. **** Matapos ang usapan nila ay nag trabaho lang ako habang sila panay kwentuhan tungkol sa babae. Ang iba pa ay bastos pa, pero ano bang say ko? Mga lalaki yan eh. Nang mag alas singko imedya na ng hapon ay nag aya na rin si Boss na umalis na. Kinuha ko ang gamit ko hanggang sa maka labas kaming apat sa opisina. "Mauna ka mag lakad kababae mong tao nasa hulihan ka!" salubong ang kilay ni Mr Schneizel. Nag kamot ako ng pisngi at nag lakad na lang ako pag una. "Yung totoo hindi ka ba model? Kasi kahit sa paglalakad gamit ang heels ang ganda ng lakad mo eh." may pag tataka sa tono ng boses nito. "Wala ho Sir, baka po dahil confident lang po ako sa heels?" naka ngiti kong tanong pabalik dito. "Strange. Sigura nga ganun," kamot ulo nitong sagot. Ako na pumindot sa ng elevator at ng bumukas ito nauna akong pumasok. Sila ay naka pwesto sa likod ko nang maramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko. Mabilis kong kinuha ito at sinagot. "Hello Kyle? May problema ba?" tanong ko sa kabilang linya. "D'yos ko naman day! Ano ba naman yan? May cellphone ka hindi mo naman ako sinasagot?" Sunod sunod nitong rant sakin. Napa kamot naman ako sa pisngi at nag salita na."Sorry babe, Sa grocery ba? Sige ikaw na bahala may inawan naman ako sa mesa kanina eh." sagot ko. "Tss. Oo nakuha ko naman ang akin lang hindi mo ako sasamahan?" tanong nito "Hindi na muna sige na ha. Kaya mo na yan laki mo kaya!" natatawa kong pang aasar dito. "Oo na mag ingat ka ha? Bye!" paalam nito. Ngumiti ako at binaba ang tawag. "Ikaw ang nag bibigay sa lalaki ng pera?" tanong ni Sir Trevor. "Po?" takang tanong ko at humarap sa kanila. "I heard, we heard na lalaki ang binibigyan mo. Instead siya ang gumagawa nun? Walang kwentang lalaki!" si Sir Valiar naman ang nag salita. "Lalaki? Si Kyle po ba? Babae ho siya, kasama ako siya sa condo." maang kong sagot. Nagulat ako ng tumawa si Sir. Schneizel at yung dalawa naman niyang kaibigan ay napa nga-nga ng literal. "Yan kasi 'wag nakikinig sa usapan ng may usapan. Pahiya kayo ano?" natatawang tanong ni Mr. Schneizel sa kaibigan niya. "Kyle kasi pangalan sorry naman! Sorry Eunice." paghingi ng paumanhin nila sakin. "Okay lang po. Kyline po kasi ang buo niyang pangalan shortcut po ang Kyle." naka ngiti kong sagot Tumango naman sila ng sabay at nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako. Ganun din sila, this time nauna si Boss Schneizel ako naka sunod sa kanya at yung dalawang lalaki nasa likod ko naman. "Sunod kami Lynch!' sigaw ni Sir Trevor. Pinag buksan ako ni boss ng pinto katabi ng driver seat at pumasok ako ng maayos. Nakita kong sumenyas si Boss sa mga kaibigan niya ng maisara niya ang pinto sa gawi ko. Mabilis itong umikot sa driver side at sumakay na. Nilagay ko naman din agad ang seatbelt ko at naramdaman ko na ang pag andar ng sasakyan n'yang tatak ay Mercedes Benz. Tahimik lang kami ni Mr. Schneizel habang binabaybay namin ang daan. "Totoo bang ayaw mo sa mga lalaki na papalit palit ng babae?" biglang pag basag ni boss sa katahimikan. "Si Trevor ang nag sabi," sunod na sabi nito "Opo Mr Schneizel. " diretso kong sagot. Narinig kong nag mura ito at muling nag tanong. "Bakit? I mean bakit ayaw mo?" tanong nito "Kasi Sir. Panget sa lalaki ang ganun para sakin, para lang po sakin ha? Ayoko po kasi parang ang dating gamit lang ang babae para sa ganung lalaki," sagot ko. Tumingin ako ng diretso sa daan. "Kahit babae mismo ang lalapit? " tanong nito. "Yes Sir, kasi kung totoong edukado tayong tao alam namin na mali 'yun. Kahit ano pa po ang dahilan mali pa rin. Ang i take advantage ang babae, kahit pa sila ang bumukaka sa harapan mo," putol ko at huminga muna ako ng malalim. "Dalawa lang naman po Sir 'yan. Either ayaw mo talaga o ginusto mo din. Ayaw mo talaga ibig sabihin kahit pa mag hubad yan sa harapan mo kung ayaw mo ayaw mo, pero kung gusto mo hindi mo siya pwede i blame kasi ginusto mo." nakangiti at mahabang paliwanag. "So, mali ako? Gusto ko lang naman maging masaya at syempre maging magaling sa kama, baka iwan ako ng magiging asawa ko," natatawa nitong sagot. Natawa naman ako at naka isip ako ng kalokohan. "Eh Sir, pwede niyo naman po sa kanya gawin ang bagay na 'yun sa soon to be your wife po." magalang kong sagot. Tumawa naman ito ng malakas at umiling din. "Nah, mas okay na rin yung ginagawa ko para kapag may the one na sa kanya ko na lang ibubuhos lang ng pang gigi-gigil ko." sumilay ang pilyo nitong ngiti. Napa irap naman ako ay nag kibit balikat na lang. May kanya kanya tayong opinion at kanya kanyang gusto so, yan ang gusto niya wala na ako ma say d'yan. "Dito na tayo," wika ni boss kaya sumilip ako makita ko ang mataas na itim na gate na maraming ilaw sa itaas. "Ang laki pala ng bahay niyo? Gate pa lang." manghang usal ko. Natawa naman ito at bumusina na ito na bumukas naman ang gate ng kusa. Nice.. iba na ang mayaman. Hindi ko maiwasan hindi makaramdam ng galit sa loob ko. Kung ako lang ayoko dumidikit sa mayayaman, sila ang klase na mga tao na mga kayang gamitin ang pera mang hamak ng iba. Nabalik agad ako sa reyalidad ng tumigil ang sasakyan. "Baba na tayo." wika ni Boss. Kaya dali dali kong inalis ang seatbelt ko at binuksan ang pinto Nakakahiya na siya pa ang mag bukas empleyado lang niya ako. Nakita ko din na nag lakad palapit sa'min sila Sir Trevor at Valiar. "Sir," naka ngiti kong tawag sa kanila. Ngumiti naman sila sakin pabalik. "Trevor na lang hindi ka naman nagtatrabaho sa akin. " wika ni Sir Trevor. "Sige po." magalang kong sagot. Unang nag lakad si Sir. Schneizel at ako naman ulit ang nasa likod nito. Ganun din sila Trevor at Sir Valiar. "Val na lang itawag mo sa'kin, para na kitang baby sis. Mukhang matanda ako sa'yo." naka ngiti bulong si Sir Valiar. "25 na ho ako, Sige po Val." naka ngiti kong sagot. "And remove po. Casual talk okay?" si Trevor naman ang nag salita. "Matanda pa rin ako ng dalawang taon," naka ngiting wika ni Sir Val. Tumango ako at hindi na nag salita at pumasok na kami sa mala gintong pintuan. Nakita ko ang pababang sopistikadang babae, napaka ganda nito. "Good evening Tita Grace!" sabay na bati ng dalawang lalaki sa likod ko sa babae l. Siya ang mama siguro ni Sir Schneizel. Ang ganda naman niya at yung mata nya kulay green, lumapit ito sa'min at nagulat ako ng hawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa lagpas langit ang ngiti nito. "Tita hindi ho siya girlfriend ni Lynch. Hahaha Secretary po siya." narinig kong sabi ni Trevor. "Really sa gandang 'to? Hija totoo ba?" naninigurado nitong tanong. "Magandang gabi po. Opo kanina lang po ako pumasok bilang secretary ni Sir Lynch po," magalang kong sagot. "Anak naman kung ginawa mong girlfriend 'to natuwa pa ako. Panigurado ang ganda ng magiging lahi nyo ng kaisa isang anak ko." masayang wika nito. Pakiramdam ko nag iimagine na siya. Napa ngiwi naman ako at nang magawi ko ang tingin ko sa Boss ko na ang sama ng tingin sa'kin. Mabilis kong binawi ang pag kaka ngiwi ng mukha ko. "Oh siya kumain na tayo!" aya ng Mommy ni Boss Schneizel. "Yun mabuti pa tita gutom na ako!" wika ni Val Natawa naman ako dahil may pag himas pa siya sa t'yan niya. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD