Chapter 3: Pretty but Savage

2308 Words
EUNICE ELIZALDE Habang nag didinner hindi ko inaasahan na nagtatanong ang daddy ni boss sa akin. "Miss Elizalde, saan ka galing na pamilya?" tanong nito. "Dad," may laman ang klase ng pag tawag ng Boss ko sa daddy nito. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" magalang kong tanong. Kahit alam ko na saan ito papunta. "Gusto ko malaman kung galing ka sa mayaman o mahirap na pamilya. Well hindi ka magiging sekretarya kung nasa mayaman kang pamilya, tama?" may pang mamaliit nitong tanong. Inikot ko ang mata ko sa paligid nakita ko ang kaba at takot sa mga mata nila na naka tingin sa'kin. "Noon, mayaman ho kami may business ang magulang ko. Nung namatay ang kapatid ko ay nag umpisa ng bumagsak ito, dahil ang kapatid ko pinat*y at ang may sala binayaran ang korte para idismiss ang kaso," may diin at galit ang tono ng boses ko sa pag sagot ko "Oh my god! Hija I'm sorry to hear that." hinging paumanhin ng Mommy ni Boss. Ngumiti lang ako at binaba na ng walang ingay ang kubiryetos ko sa gilid, bigla kasi akong nawalan ng ganang kumain. "Hmm ano bang trabaho ng dati mong kapatid?" tanong naman ulit ni Mr Scheizel. "Secretary po. " sagot ko. Narinig kong tumawa ito. "Hindi ka ba natatakot na maulit sayo? You know what kilala mo ang anak ko baka naman gusto mo hilah---" i cut him. "Kung maaaring maulit sakin ang nangyari sa kapatid ko, ay maluwag kong tatanggapin para makita ko na ang pamilya ko. Pero bago 'yun kukunin ko muna ang hustisya para sa kapatid ko. Kahit pa gaano sila kayaman o ka impluwensya," tiningnan ko ito diretso sa mata ng malamig. Habang sinasagot ang ama ng amo ko. "Para sa pamilya kahit ikapahamak ko pa gagawin ko. Maiganti ko lang ang kapatid ko na marami pang pangarap sa buhay." muling wika ko. Nakita kong napa ngiti ang boss ko. Nasasaktan ako kapag may humuhusga sa pamilya ko. Hindi ako papayag kahit sino pa sila na pag salitan ang pamilya ko na wala naman silang alam sa buhay namin. Nag sukatan kami sa tingin ng daddy ni Mr Schneizel. Hanggang ito ang unang bumawi kaya naman dahan dahan akong tumingin sa ibaba. First Rule In eye to eye contact. Huwag kang unang bibitaw, dahil dito mo malalaman kung hanggang saan ang tatag ng tao pag dating sa pakikipag usap. Mas lalo kung iniinsulto o sinusubukan ka. Maaring tahimik ako sa paningin nila at palangiti ngunit sa titigan hinding hindi ako mangingimi na basagin sila. "Tama na yan kumain na tayo." wika ni Mrs Schneizel. Kaya naman iyon ang ginawa namin. Ang set up ng upuan namin ay. Nasa gitna si Mr Schneizel katabi nito ang kanyang may bahay at kaharap ng may bahay nito si Mr Lynch. Ako ay kaharap si Trevor na katabi naman nito si Val. Lahat kami napa lingon ng dumating ang isang magandang babae at biglang hinalikan si Boss sa labi. Wow! May girlfriend na pala kung sino sino pa kina-kama. "Good evening Tito! Tita. Hi Honey." naka ngiti nitong bati hanggang magawi ang paningin nito sa'kin. "And who's this girl? She's look like b---" tiningnan ko ito ng diretso sa mata niya ng tumingin ito sa hawak kong Steak knife. Kusa siyang tumigil sa pag sasalita. "Maupo kana lang hija. If you want to join us Sophie." utos ni Mr Schneizel sa babae. "Tito, may bago ba kayong katulong? She's look like maid eh." maarte nitong tanong. "Stop it Sophie!" awat ni Sir dito. "Okay lang ho. Hindi ako pumapatol sa mga taong low life mag isip. Ayoko din patulan ang taong kulang sa PANSIN.." sabay baling ko kay Miss Sophie. Nang walang nag salita nag salita ako. "Sir, mauna na ho akong umuwi hindi na ho ako magtatagal dito." malamig kong paalam. Tumayo na ako ng tumayo si Mrs Schneizel. "Hija? Umupo ka ulit please hindi naman ikaw dapat umalis, tao kang pumunta dito." nag mamadali nitong sabi. Yumuko ako bilang paggalang sa amo ko at sa mga tao dito. Pag angat ko ng ulo naka ngisi si Miss Sophie. "Miss Elizalde, masyado ng madilim manatili kana dito delikado na sa daan at babae ka pa naman. Tama ang asawa ko pasensya kana sa inasal ko, you are a smart woman nakikita ko yun, and Sophie may driver ka kaya umuwi kana." utos ni Mr Schneizel. Nakita kong napa nga-nga yung babae at ang dalawang kaibigan ni Boss. Habang ang boss ko ay patuloy lang sa pagkain. Naramdaman ko may humawak sa akin. "Sige na hija please, Don't leave okay? " bulong nitong pakiusap sa'kin. Napa buntong hininga ako, sasagot na sana ako ng may humila ng buhok ko kaya agad kong nasiko kung sino ito. "Ouch!" malakas at masakit na inda nito. Ako naman ay mabilis na napa atras para hindi siya lalo masaktan. Nakita ko siyang naka hawak sa sikmura na parte na nasiko ko. "Sophie hija!" tawag ni Mrs Schneizel. "Tita she hurt me! Pag babayarin kita sisiguraduhin kong ipakukulong ka ng daddy ko!" sigaw na umiiyak nito "Hindi ako natatakot sa'yo. Saka na ako matatakot kung hindi kana magsusumbong magulang mo." malamig kong sagot dito na kina tawa nila Sir Lynch, Val at Trevor. Si Mrs Schneizel din ay natawa din. "She's pretty but she's a savage too. In a simple way." rinig kong wika ni Val sabay kindat sa'kin. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. "You b*tch!" sigaw nito at susugod pa kaya naman lalo akong lumayo. Nagulat ako ng padamog na tumayo si Sir Lynch. "Sophie let's go umuwi kana. Una sa lahat wala ka naman dapat dito, nanggugulo ka lang!" mag galit na boses nito at walang pakundangan na hinila palabas ng mansion nila yung babae. "Desperada talaga ang babaeng yun. Siya nag loko siya pa itong habol ng habol." Na iiling na wika Trevor. "Maupo kana. Papasok ulit yun si Lynch." nakangiting utos ni Mrs Schneizel. Kahit may gulo ang hinahon niya kung mag salita. Tulad ng utos niya naupo ako ng maayos at tiningnan ang plato ko. Gusto ko ngumisi ngunit hindi ko magawa. Kailangan ko maging inosente sa harap nilang lahat. Nang dumating ang dessert na Tiramisu ay si Mrs Schneizel pa mismo ang nag lagay sa Plato ko. "Masarap yan ako gumawa nyan. Panigurado magiging favorite mo yan!" masayang wika nito Ngumiti ako at nag salita."Salamat po!" magalang kong pasasalamat. "Walang anuman, sige na husgahan mo na," utos nito. Ngumiti ako at sumubo na. Tama siya masarap nga ito hindi ito sobrang tamis nakita kong nag aabang sila sa sasabihin ko. "Opo, masarap nga ho!" ngumiti ako at tiningnan si Mrs Schneizel. Nakita ko naman ngumiti ang asawa nito at si Sir Schneizel. "Mabuti naman, Oh siya kung gusto mo sige kumain kana ito pa!" masayang wika nito. Tulad ng sabi niya ay kumain ako. Naparami ang kain ko ng Tiramisu, naka apat na plato ata ako. Tumigil lang ako ng makita kong halos wala ng natira. Nakakahiya pero malakas talaga ako kumain noon pa. "Marami pong salamat sa pagkain!" pasasalamat ko. Natawa naman si Mrs Schneizel. "Sana bumalik kayo dito ulit. Son? Sana ha?" pag kausap nito sa anak niya. "No problem mom." sagot ni boss sa mommy niya. Nakita kong ngumiti ng wagas ang kanyang mommy ng marinig ang sagot ng kanyang anak. **** Nang matapos ang hapunan mismong Mommy pa ni Sir Lynch ang naghatid sa akin sa magiging kwarto ko. Ang akala ko ay sa Guestroom ako matutulog pero hindi, dahil sa isa nilang master's bedroom sa second floor. "Ma'am? Hindi po ba sobra na ho ito? Kasi po bisita po ako at empleyado pa po ng anak niyo?" sunod sunod na tanong ko. "Una call me Tita, pangalawa Hija. Sa bahay na ito empleyado man o hinding hindi kami basta basta mag papatulog ng babae at mas lalo dalaga sa guestroom. Ang boys ay doon matutulog." mahabang sagot nito. "Ah ganun po ba?" tanong ko habang tumatango. Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya hanggang maka pasok kami sa isang napaka lawak na kwarto. " Iwan na kita ha? Pahinga kana dito, pwede ka mag lines ng katawan mo d'yan. Good night hija!" paalam ni Mrs Schneizel. "Marami pong salamat din! Good night po!" naka ngiti kong pasasalamat. Ngumiti ito at lumabas na ng kwarto ako naman ay nilock ang pinto. Sumandal naman muna ako bago naisipan maligo muna bago matulog. Binaba ko ang gamit ko sa ibabaw ng kama at nag hanap ako ng pwede kong suutin. Nakita ko naman ang kulay baby pink na Pj's na terno, kaya ito ang kinuha ko at kumuha din ako ng towel na kulay baby pink din. Kumuha din ako ng underwear, napa ngiwi ako ng makita na puro lace naman ito. Mabilis naman akong pumasok sa loob ng magandang Bathroom nila. May ginto din ang ibang parte ng bathroom. "Totoo kaya 'to?" tanong ko at hinawakan ko ang lababo na kulay ginto. Nang mapag tanto ko na gabi na dali dali akong nag hubad ng damit kong pang trabaho. Mabuti at wala akong make up kaya mabilis akong tumapat sa shower at binuksan ito. Nang bumagsak ang tubig sa katawan ko napangiti ako dahil warm ang temperature nito. Nag sabon na ako at nag shampoo, inayos ko ang pag ligo ko ng matapos ako ay sa loob na rin ako ng Bathroom nag bihis. Mabilis akong nag bihis at lumabas na ng bathroom. Matapos hinayaan ko ng magulo ang buhok ko at basa. Pero pinupunasan ko naman din, kinuha ko ang iPad ko at ginawa na ang plano ko. Tumingin muna ako sa paligid ng masiguro kong walang CCTV. Tumutok na ako sa iPad ko at sinubukan ko muna ihack ang personal bank account ng pamilya ni Miss. Sophie Anderson. Inuna ko ang ama nito. Nang mapasok ko mabilis kong ini withdraw ang perang nag kaka halaga ng 500 million pesos sa buong asset nito at hinati ko sa apat at pinadala sa mga orphanage. "Mamigay naman kayo ng biyaya." bulong ko. Ngumisi ako at sunod ang asawa nito na ganun din ang ginawa ko. "Hindi magandang ginagamit ang pera para mang hamak ng ibang tao. Ngayon sisiguraduhin kong luluhod at iiyak kayo!" bulong ko. Sinunod ko si Miss Sophie kinuha ko ang pera nito at nilagay sa bank account ko ang kalahati at ang kalahati at pinadala ko sa Sacred Heart Children Orphanage. Ngumiti ako at binura ko lahat ng source and IP address para walang babalik sakin. Ngumisi ako at pinatay na ang iPad ko. Tinago ko na ito at nahiga na ako pinasok ko ang katawan ko sa loob ng makapal na kumot at natulog na ako. **** Kinaumagahan maaga ako bumangon upang maligo na at mag bihis. Sinabihan ako ng katulong na pwede ako kumuha ng damit pang trabaho dito, para hindi ko na ibalik ang suot ko kahapon. Pumayag na ako dahil wala akong balak mag ulit. Dahil diretso kami sa opisina ngayon, hindi ko pa nasabi kay Boss na amy 10 am meeting siya ngayon. Nang matapos ako lumabas agad ako habang dala ang gamit ko na damit na nakalagay sa paper bag na binigay sakin. Nakarinig ako ng iyakan sa baba kaya agad akong bumaba. Mabuti ang suot ko ay pareho lang din sa suot ko kahapon, ngunit kulay itim naman ito at puti. Nakita ko ang pamilya Anderson. "Paano nawala ang pera niyo? May hacker ba na gumawa sa inyo?" Tanong ni Mrs Schneizel sa kanila. Gumilid ako sa may hagdan para hindi maka istorbo sa kanila. "Hindi ko rin alam mare, lahat kinuha at walang natira! Kahit ang pera sa kumpanya. Mare makukulong kami." naluluhang sagot ni Mrs Anderson. Ang ibang mayaman na gahaman at hindi takot mang hamak ng mga maliliit sa kanila pero takot makulong at mag hirap. Yun ang take advantage ng mahirap dahil kami sanay kami sa hirap kaya kahit pa maging mayaman kami. Kahit maubos pa ang pera namin, alam namin paano kami mabubuhay. "Tita paano po ang mga pangangailangan ko?" tanong ni Miss Sophie. "Hija mag trabaho ka, hindi kana bata." wika ni Mr Schneizel. "Oh my god! I can't do that!" parang bata nitong atungal "Pwede ka mag trabaho kay Lynch bilang model ng mga damit doon. Diba anak?" tanong ni Mrs Schneizel sa anak niya. Ako naman at nag tungo na lang muna sa kusina. "Hindi ko alam, kung hindi siya mag iinarte baka oo pero kung hindi siya marunong makisama? Baka wala pang isang minuto pinalayas na siya," malaman na sabi ni Boss. "Grabe si boss Lynch ano? Walang puso dati naman niyang Girlfriend at fiancé si Ma'am Sophie diba?" rinig kong wika ng katulong. Hmm... ngayon alam ko na bakit naging f*ck boy si Boss. "Sa ngayon dito na muna kayo tumira. Hanggang maka bangon kayo, tara na at kumain na tayo muna." aya ni Mrs Schneizel. Lumapit sakin si Boss at bumulong. "Nauna na sila Trevor at Val. May meeting ba ako ngayon?" bulong na tanong nito. "Opo boss meron ho, 10 am board meeting kasama po ang mga taga marketing team." sagot ko. "Okay. " sagot nito. Nanatili lang akong naka tayo, nang lumapit si Boss sa magulang niya ay agad itong may binulong na agad naman tumango ang mommy at daddy nito. "Okay sige mag ingat kayong dalawa! Hija ingat kayo sa byahe mag drive thru na kayo, 'wag mo gutumin si Eunice my son." paalala ni Mrs Schneizel. Ngumiti ako at yumuko. "Mauna na ho kami. Magandang umaga po!" bati at paalam ko. Ngumiti ito at ako naman ay tumalikod na. Mabilis kami umalis ni boss. Nang bumaba ako kanina ay naka bihis na ito ako na lang ata ang hinihintay. Tulad ng utos ng Mommy ni Boss ay nag drive thru kami at kumain sa loob ng sasakyan ni boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD