Chapter 1 : Bagong Sekretarya

2112 Words
**** "Eunice Elizalde?" tawag sakin ng HR head kaya agad akong tumayo. "Ako po ma'am!" naka ngiti kong wika. "Oh ikaw pala, yung na interview ko kanina. Oh siya pumasok kana, galingan mo okay? Kailangan ikaw na ang mapili, nakakapagod na mag hanap eh." natatawa nitong wika sa'kin. Napa ngiwi naman ako at tumango na lang ng tahimik. "Oh sige na Goodluck!" ngumiti ito sa'kin. Ngumiti din ako at nag pasalamat. Kumatok muna ako bago hawakan ang doorknob. "Come in." isang baritong boses ang narinig ko mula sa loob. Mabilis naman akong pumasok at sinara ito pa pabalik. "Good morning po Sir!" naka ngiti kong bati. "Maupo ka, ikaw ang last tama ba? utos at tanong nito. Nag lakad muna ako bago sumagot. "Opo Sir." tumango ako at maayos na umupo sa harapan ng office table nito. "Okay, ayoko na pahirapan si Mrs. Pascual sa paghahanap, You're hired! Kailangan mo muna i-orient kahit saglit." sunod sunod nitong sabi. Napanganga ako naman ako dahil sa gulat. Pero agad din akong ng naka bawi. "P-po? Agad agad po? Wala na po bang tanong tanong?" sunod sunod na tanong ko. "As you can see Miss--- Miss Elizalde kailangan ko ng secretary dahil magulo ang schedule ko mas lalo sa mga important meeting. That's why saka na lang kita iinterview-hin, but for the meantime tanggap kana." malamig at barito parin nitong paliwanag. Tumango ako at ngumiti. "Marami pong salamat Sir--- Mr Schneizel!" naka ngiti kong pasasalamat. "Remove that smile from your face!" ines na utos nito. Mabilis naman akong sumimangot. "Mrs, Pascual paki orient siya!" utos nito sa babae. Kaya agad akong hinila ni Mrs. Pascual palabas ng opisina. "Ano ba ginawa mo at nagalit yun?" tanong nito ng makalabas kami. "Po? Wala po kasi nung ngumiti ako ayun nagalit po. Pero pansin ko na ho na hindi maganda ang mood ni Boss." pag ku-kwento ko. Napa tampal ito sa noo niya at kiming umiling. "Naku, kung ano man makita mo sa opisina niya tikom ang bibig ha?" sabi nito. Naguguluhan man ako ay tumango na lang ako para wala ng mahabang senaryo. Habang naglalakad kami napa tingin ako sa isang pinto na may nakalagay na yellow na signing. "Bakit po may ganyan?" magalang kong tanong at tinuro ang nilagpasan namin. "D'yan kasi nakitang naka bigti ang dating secretary ni Boss na si Lizzy kaya simula noon wala ng pumasok o gumagamit niyan." paliwanag nito. Napa tango na lang ako at nag sign of the cross for respect to her soul. "Ito lang naman ang dapat mong gawin. Ang Do and Don't ni Boss. Naka sulat na d'yan." sabi nito at inabot sakin ang papel. Nakita ko na maraming empleyado dito sa taas ngumiti ako sa kanila at kumaway. "Hello po!" masayang bati ko. Ngumiti sila at kumaway. "Makinig ka!" utos ni Mrs Pascual. Tumango ako at nakinig na sa sinasabi nito. Marami siyang sinabi hindi ko na iisahin, kahit kasi sa kape kailangan ko ayusin ang timpla. Tinuro niya sakin ang tamang timpla na gusto ni Boss. Kaya ito ang gagawin ko. Sinabi din niya sakin kailangan mas maaga ako sa boss ko 5 minutes before the boss arrival, nakahanda na ang kape nito sa kanyang table. Panay tango lang ako dahil kaya ko naman isaulo lahat ng sinabi nito. "Naiintindihan mo ba? Oh bakit wala kang notes?" tanong nito. "Kasi po saulo ko na ho lahat." naka ngiti kong sagot. Nakita kong nag taas baba ito ng tingin sa akin at hindi makapaniwalang umiling. "Okay, Last don't smile at him he hates it." paalala nito. Tumango na lang ako at hindi na nag tanong pa kasi hahaba lang lalo. Malalaman ko naman din yun kung bakit. "Okay bumalik kana doon. Kumatok ka muna." paalala ulit nito Tumango ako at nag paalam na sa kanya. Habang naglalakad ako muli kong nadaanan ang Comfort Room, hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang ako patungo sa opisina ng Boss ko. Nang makarating ako kumatok muna ako pero wala naman nag salita ngunit bukas ito. Binuksan ko ito at pumasok na ako sa loob. "Boss? Mr Schneizel?" tawag ko ngunit wala parin sumasagot. Hanggang nag lakad ako sa gitna at nakarinig ako ng mahinang ung*l na babae sa loob ng tingin ko ay Cr. "Oh! My god!" usal ko at napa takip pa ako ng bibig ko ng napagtanto ko ang narinig ko. "Lalaki nga naman. Saan kaya dito ang schedule ni boss?" tanong ko sa hangin. Nilapitan ko ang table ni boss at agad kong nakita ang schedule ni Boss. May sticky note ito na nakapangalan sa akin. Cute naman kinuha ko agad ito at nagulat ako na iPad pala ito. Binuksan ko iyon at doon ko napagtanto na. "Wow! Ang gulo nga!" usal ko. Naupo na ako sa chair ko dahil tinuro naman din sa'kin kanina ni Ma'am. Pascual. Nilagay ko ang earphone sa tainga ko at inayos na ang schedule ng amo ko. Hanggang napansin ko ang pag bukas ng pinto at lumabas doon ang isang magandang babae at si Boss Schneizel na pinunasan pa ang gilid ng labi. Inalis ko agad ang isang Earphone ko at bumati. "Magandang umaga Ma'am and Sir!" magalang kong bati. "Nakuha mo na ang schedule ko?" naka ngising tanong ni Boss. "Yes sir. Inaayos ko na po," magalang kong sagot. Tumingin ako sa ginagawa ko, napakamot ako ng pisngi ko ng mapag tanto ko talaga na magulo talaga ito. Yung para bukas ang naka lagay para sa ngayong araw. "Babe, sino siya?" malanding tanong ng babae. Kinuha ko ang Hair Clamp na ipit ko sa buhok ko at tinali ito ng half ponytail. "She's my new secretary. Thanks for your service you may go, marami pa akong trabaho." malamig na utos ng boss ko sa babae. Napa angat ako ng tingin bagsak ang balikat ng babae at umalis na lang ito ng tahimik. Sabi ni Ma'am Pascual, kung anong makita o marinig ko sa opisina ay tikom dapat ang bibig. So wala akong sasabihin. Binalik ko na lang ang tingin ko sa trabaho ko at inalis na ang earphone ko dahil nandito na ang boss ko. Ayoko mawalan ng trabaho sa unang araw, Umilaw ang cellphone ko ata agad kong tiningnan ito. "Miss. Elizalde. Oras ng trabaho," dahil doon tinago ko na lang cellphone ko. "Sorry po." pag hingi ko ng paumanhin. Nakita kong gumalaw ang adams apple nito. "Ayoko lang na may istorbo sa oras ng trabaho," wika nito. Ngumuso ako at tumango na lang. Tiningnan ko ang schedule ni Boss. "Mr. Schneizel excuse me, meron po kayong meeting outside po after lunch. Kay Mr. Ching 1pm." wika ko. Tumayo ako at nag lakad palapit sa kanya. "Okay be prepared too isasama kita." sagot nito. "Sir, kayo lang ho yun po ang nakalagay dito. Private po ito yun a-- sabi ko nga po kasama ako," nakita ko kasing masama ang tingin nito. "Good. " sagot nito. Nag lakad na lang ako pabalik sa table ko at kumuha ako ng ballpen at papel na clear. Doon ko inayos ang mga schedule na para bukas. Binura ko ito lahat muna. "May tanong ako.." rinig kong sabi ng boss ko. Tiningnan ko ito na may pag lalaro sa labi ng amo ko. Okay PlayBoy in the house! "Kamusta ng marinig mo ang ung*l ni Stella? May nararamdaman ka ba?" tanong nito. Ngumiti pa ito ng napaka sexy. Sexy at gwapo si boss kaya lahat siguro ng babae nagkakandarapa dito. Umiling ako at nag salita. "Wala po Boss. Trabaho naman po pinunta ko dito, hindi kung ano pa." sagot ko dito. Nakita ko paano gumuhit ang gulat sa mukha nito. Gotcha! Hindi ako ang tipo ng babae na madaling makuha sa simpleng landi lang. Ngumiti ako at nag patuloy sa ginagawa ko. "Hmm.. nice ikaw ang kauna unahang nag salita ng ganyan sakin. Call Mr. Ching cancel the meeting. We're going to my parents house," utos nito. Napa nga-nga naman ako at hindi na lang din nag salita yun kasi ang utos at bawal mag tanong bakit. Do and Don't nga daw diba? Dali dali kong tinawagan ang numero na naka lagay. "Good morning this is the new secretary of Mr Lynch Devon Schneizel, " pakilala ko. "Oh, how can i help you?" malambing na tanong babae sa kabilang linya "Pinapakansel ng boss ko ang 1pm meeting nito with the CEO of Ching Construction Firm." sagot ko at binaba ko na ang tawag ko. Naupo ako ng maayos at muli kong trinabaho ang schedule ng boss ko ng may maalala ako. Lumingon ako sa boss ko at handa na sana mag tanong. Ngunit bawal kasi. Kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at muling binalik ang tingin ko sa ginagawa ko. "If you want to ask anything, don't hesitate." yun ang signal para mag tanong ako Ngumiti ako at nag salita. "Boss, ano po oras tayo pupunta? Pwede po ba ako umuwi ng 9pm?" tanong ko dito. "Hindi, malayo ang bahay ng magulang ko doon tayo matulog. Sabihan mo na ang dapat sabihan na hindi ka makakauwi," malamig na sagot nito. Ngumuso na lang ako at tumango na. Palihim akong nag padala ng message kay Kyle na hindi ako makaka uwi. Kung sino si Kyle? Kyle Ferrer bestfriend ko s'ya since high school hanggang sabay kami mag take ng Law sa isang sikat na Law school dito sa maynila. Nang sumagot ang bruha ay ngumiti na ako at tinago muli ang cellphone ko. Nag trabaho na ako ulit. "Good morning sir. Ito po ang pina-pakuha po ninyong report sa Finance Department po." sumilip ako ako sa baklang pumasok. "Thanks Samuel. Paki bigay kay Miss. Elizalde." utos ni boss. Ngumiti ako at tumango. "Girl ito ha. Basahin mo muna," nakangiting paalala nito. Ngumiti ako at tumango. "Oo naman," sagot ko "Sabay tayo lunch ha? Kita tayo sa cafeteria. " bulong nito at umalis na. Nag paalam muna ito kay boss at umalis na rin. Ngumiti na lang ako at nag trabaho na lang ulit. Ramdam ko ang pag titig ng amo ko sa'kin. Sigurado ako na naka tingin ito sa'kin, nang bumagsak ang hibla ng buhok ko ay siyang naging dahilan para matakpan ang mukha ko. Naiilang ako sa panitig ng amo ko sakin. Pakiramdam ko nababastos ako o hindi lang ako sanay? Maganda naman ako eh, maputi may height na 5'8, light brown ang mga mata itim na itim na buhok na natural wavy. Mapupulang labi na hindi ko na kailangan mag apply ng lipstick, okay na sakin ang lip balm at konting foundation power. Light brown trousers na pang trabaho. Hindi ako naka mini skirt dahil ayokong nakikita ang hita ko kahit maputi ito. "D*mn that hair!" rinig kong bulong ni Mr Schneizel. Gusto ko matawa pero hindi ko na lang ginawa. Nang matapos ko ang schedule ni boss ay oras na para hawiin ko ang buhok ko at ilagay sa likod ng tainga ko. "Okay done na ang schedule ni Boss." bulong ko at tinabi ko muna ang iPad na hawak ko. Sinunod ko naman ang budget sa Finance Department. Binabasa ko ito at pipirmahan ang iba kung kailangan ng pirma ko. Tumayo ako ng walang ingay, "Boss. Ito po kailangan ng pirma niyo, para po ito sa Summer Collection Show po na gaganapin this coming sunday." wika ko at lumapit ako kay Boss. "Okay thanks. Uunahin ko na ito tawagan mo si Samuel na kunin na ito. Gamitin mo ang line ko," utos nito. Tumango ako at tahimik na ginawa ang inutos niya. Matapos kong sabihin iyon mga ilang minuto bumukas ang pinto nakita ko si Samuel na sinasabi nila. Tapos isang babae na naka office attire na ang ikli ng skirt niya. "Salamat po big boss sa pag pirma!" nakangiting pasasalamat nung babae. Okay uso pala harap harapang landian dito? Sabagay kung talikuran panget naman yun. Nag exit na ako at bumalik sa upuan ko. Nang mag paalam ang dalawa ay ako naman nag trabaho ulit. Pinang kamot ko sa ulo ko ang ballpen ko habang nagbabasa. "Done!" masaya kong sabi at tiningnan ang oras sa kaliwang pambisig ko. "Sir, lunch na po. Gusto niyo po ba ako na mag order ng lunch niyo?" tanong ko at nilingon ito. Nakatingin lang ito sakin na parang hinuhukay ang pagkatao ko. "Nag order na ako dito kana kumain. Huwag kana sumabay sa kanila," malamig na utos nito. "Sir naka oo na po ako. Pwede po ba kahit ngayon lang?" magalang kong tanong. Pakiramdam ko baliw ang lalaking ito. "Fine!" padamog nitong sagot. Kaya dali dali kong kinuha ang wallet ko at lumabas na ako. ~ Author's Note; Maikli po ang UD natin ngayon pasensya na po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD