****
EUNICE ELIZALDE
Nang matapos ang araw na 'yun ito ang huling araw para sa linggong ito. Nakaka limang araw na rin ako bilang isang secretary, napapansin ko na may ibang ugali ang boss ko. Bukod sa walang araw itong hindi nakikipagtalik sa mga babae sa kumpanya.
Bukod doon kapag may kausap ako lagi itong naka sunod ng tingin sa'kin. Kahit pa ang kausap ko ay si Lawrence isa rin siya sa magaling Designer dito, lalaki ito, pero napaka galing mag design.
Kinuhaan niya ako ng size para sa susuutin kong Underwear sa Show. Kahit yun ay kailangan andun siya. Sinabi naman ng iba na hindi naman gawain ito noon ng boss namin.
"Mabuti at halos size mo na rin ang susuutin mo. Dahil kung hindi mahihirapan kaming iadjust ito sa katawan mo." wika ni Lawrence habang nasa katawan ko pa ang tape measure na hawak nito.
"Kasi hindi naman talaga para sa akin yan kaya ganyan," sagot ko.
Natawa naman ito. "Oo hindi talaga pero bumagay sa'yo. I'm sure aangat ang sale ng kumpanya kung ikaw ang susuot nito." sagot nito.
Nagkibit balikat na lang ako at muling nag tanong. "May alam ka ba tungkol sa babaeng namatay dito?" tanong ko bigla.
"Ah oo. Sabi nila may affair daw 'yun kay big boss pero hindi naman daw totoo. Well, kilala kasi namin si Boss na talagang ever since nasa loob na ng opisina na nito nag ta-trabaho ang mga naging secretary nito." mahabang sagot nito.
"Paano kumalat ang chismiss na yan? Mukha naman sigurong mabait ang dating secretary?" tanong ko. Binaba ko na ang suot kong long sleeve shirt.
"Si Lizzy? Walang kasing bait yun at ang galang pa! Sa chismiss naman si Aira, Samuel at Abby ang nag papakalat n'yan. Crush nila si Big Boss kaya ganun, nagawa pa na nila ikalat dito na may nangyari na sa dalawa." sagot nito.
Ngunit wala naman nakitang nangyari sa autopsy ni Lizzy. Intact parin ng Virginity nito, kaya sabi sa'kin maaaring sinadya itong p*tayin dahil narin sa bakat ng kamay.
Ngayon ang kailangan ko makita kung sino ang may gawa ng bagay na yun. At sinong kasabwat niya?
"Kaya ikaw ingat ka sa tatlong 'yun panigurado ikaw naman ang gagawan nila ng kwento." babala nito
Ngumiti ako at tumango. "I would love that." sagot ko.
Tumawa naman ito at umiling din. "Okay sige na bumalik kana doon sa amo mo. Tapos na, bukas sa event pumunta ka na doon ng umaga pa lang. Maybe, baka ang kasama mo ay si boss tutal siya naman talaga ang dapat mong kasama," sabi nito.
"Kaya ko naman mag isa, saka ikaw una kong hanapin doon. Salamat ha ba-bye!" paalam ko.
Ngumiti ito at kumaway sakin kaya lumabas na ako ng opisina nito. Nag lakad ako patungo sa opisina ni Boss ng makarating ako nagulat ako ng may nag salita.
"Ang tagal mo?"
"Ay palakang nahulog!" sigaw ko at tinakpan ko ang bibig ko. Paglingon ko madilim na mukha ni Mr Schneizel ang nakita ko, "Boss kayo pala? Anong oras na po hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko dito.
"Nope. Sabay na tayo ihahatid na lang kita masyado ng delik----" mabilis ko siyang pinatigil mag salita.
Umiling ako at nag salita. "Malapit lang po ang condo ko lalakarin ko lang po," sagot ko.
"Kapag siguro iba ang mag hatid sayo ay ayos lang tama?" may laman ang tanong nito.
"Po?" takang tanong ko. Kahit alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Let's go home.." malamig na utos nito at nauna nang mag lakad. Pansin ko hawak nito ang bag ko.
"Ay boss akin na ho yan!" wika ko at kinuha ko ang bag ko na hindi naman niya ako pinahirapan pang kunin ito.
"Bukas mag kita tayo dito. 6:15 am d'yan sa labas sabay na tayo. I can't accept a no answer!" ines na sabi nito
Tumango ako at hindi na lang umimik. Nang maka sakay kami ay agad kong pinindot ang first floor, tahimik lang kami pareho dahil wala naman siyang appointment bukas so, wala din akong balak sabihin sa kanya.
Nang bumukas ay nauna na akong lumabas. "Goodbye po sir! Ingat!" paalam ko at yumuko pa ako sa kanya.
Hindi ito umimik kaya naman nag lakad na ako palabas at nag deretso ako sa tawiran. Nakita ko siyang sumakay sa kotse niya hanggang pinailaw niya ang headlight ng sasakyan.
Mabilis itong umalis, ako naman ay tumawid na. Nang maka lagpas ako at sa madilim na parte ng kalsada, ramdam ko na may sumusunod sa akin kaya naman agad kong binilisan ang paglalakad.
Kinuha ko dali dali ang taser g*n ko at tinago sa loob ng Coat ko. Nang malapit na ako sa may basuran, lakas loob akong humarap ngunit walang tao.
"What? Halloween na ba?" bigla kong natanong ng.
"Hmppp---" ungot ko ng may mag takip ng bibig ko at dalhin ako sa madilim na parte ng kalsada.
"Mga katulad mong walang pusong abugado ang dapat kinukulong!" galit nitong sabi.
Mabilis akong umikot at siniko ang tagiliran nito. "Una, hindi ako alam ang sinasabi mo at pangalawa, paano ko mapag babayaran ang kasalanan ko kung hindi nyo naman ako kinakasuhan?" tanong ko.
Pansin ko na isa itong lalaki base sa suot nitong maong na pantalon. "Dahil wala kang puso! Dahil sa'yo nakulong ang anak kong inosente! Hindi siya dapat ang makulong ako dapat yon! Wala kang puso!" sigaw nito habang umiiyak.
Binaba ko ang hawak ko at kinuha ang cellphone ko inilawan ko siya. "Ikaw ang ang ama ni Joseph Bukid tama? Kung ikaw, ang may sala confess your sin. Hindi ako ang dapat mo atakihin una tagapagtanggol lang ako ng naapi. Dahil yun ang gawain ko, kapag nagawa mo at nalaman ko na ginawa mo? Palalayain ko ang anak mo." walang emosyon kong sabi dito
"Hindi ako naniniwala sayo! Kilala ka sa bansang ito na walang puso! Iron Heart ng korte!" sigaw parin nito.
Umupo ako at tinukod ang siko ko sa hita ko. "Kung kilala mo ako? Dapat alam mo din na maraming beses na akong nag pa kulong ng defense ko. Ibig sabihin kaya ko ipakulong ang sarili kong dinidepensahan, mas lalo kung mali. Kaya ko bawiin ang sinabi ko dahil yun ang trabaho ko." malamig kong sabi dito.
"Confess your sin Mr Bukid, ako mismo magpapalaya sa anak mo." huling wika ko at tumalikod na ako at nag lakad na ako.
Marami akong mali noon bilang abogado. Para sakin noon trabaho lang walang personal, totoo ang sinabi ko kahit ang pinag tatanggol ko sa korte ay nagawa ko din itong ipakulong.
Oo trabaho ko ang depensahan at panaluhin ang kaso na hinawakan ko dahil bayad ako. Pero hindi naman ako t*nga para baluktutin ang tama.
Sabi nga nila, 'hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali.'
Simula ng natutunan kong maniwala sa karma iniwasan ko na gumawa ng mali. Pero may mga oras talaga na kailangan mo.
Ang kaso ng anak ni Mr Bukid ay Paradise. Kung pin*tay nito ang kanyang ina at mga kapatid at ilang kamag anak pa dahil sa awayan ng lupa.
Walang ibang involved dito ngunit may mga taong nadamay. Sa kaso naman nila ang dinidepensahan ko noon.
Hindi ko naman imbestigahan ito inasa ko na lang ito sa mga police noon. Dahil para sakin malinaw naman na hindi tama.
Sinabi ko na sa kaibigan kong humawak ng kaso ng kabilang panig ang totoo ngunit ayaw niya maniwala.
Nakulong ang inosente na anak ni Mr bukid. Dapat ay ang ama mismo nito, dahil sa padulas ay walang nagawa sila kundi hatulan ito ng habang buhay na pag kaka kulong.
Ngunit sa pag litaw ni Mr Bukid, mabubuksan ang kaso ulit at makaka laya ang anak nito. Ipapa-trabaho na lang ito kay Julie siya na ang humawak, siguraduhin na malilines ang pangalan ng batang lalaki.
Pag pasok ko sa unit ko andun ang dalawa na kapwa naman ay walang mga damit. Dahil naka panty at bra ang mga ito.
"Ako lang ba o wala talaga kayong damit?" bungad ko sa dalawa.
"Well, bahay naman natin ito diba? Wala naman ibang pupunta dito diba?" tanong ni Julie.
Kung about kay tatay Caezar? Mabuti na ang kalagayan nito doon lagi siyang kinakamusta namin lagi kami mag papadala ng pagkain tuwing linggo at mga vitamins niya.
"Whatever! Anyway ipapasa ko sayo Julie ang case ni Mr Bukid," wika ko at nag hubad na ako ng damit sa harap nila.
"Why? Akala ko tapos na yun?" tanong nito habang kumakain naman ng slice ng pinya.
"Well, sinugod niya ako kanina sa labas, ako ang inaaway dahil sa sinapit ng anak niya. Sira din kasi tuktok ng manliligaw mong timang, sinabi ko na nga na sadya ito pero anong ginawa? Nakipag talo pa?" ines na tanong ko dito.
"Yaan mo babatukan ko para sa'yo. May nakuha kana about your sister? " tanong naman ni Julie sa'kin.
Umiling ako bago sumagot. "Mukhang chismis lang ang alam ng mga tao sa kumpanya. Gusto ko ng solid at mapag babasehan ko." sagot ko.
"Kung ganun ako ang hahawak sa kaso ng kapatid mo, and I'll make sure of that na we will win the case." si Kyle.
"No, ako na lang kaya ko na yan." sagot ko.
"Hindi pwede kapag ginawa mo yan. Babatuhin ka nila na planted ang ginawa mo, paano? pumasok ka sa kumpanya nila tapos ngangalap ka ng information?" sagot ni Kyle.
Napa hilamos ako ng mukha ko gamit ang palad ko. "Oo tama siya Eunice kailangan inosente ka parin. Evidence ang kailangan natin." pagsang ayon ni Julie kay Kyline.
"Okay sige yan ang gagawin natin. Susunod ako this time makuha ko lang ang hustisya ng kapatid ko." pagsuko ko. Tinaas ko ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko.
"Mabuti yan! Kukuha na rin kami ng information about sa mga pinaghihinalaan mo, katulong namin si Clovis." wika ni Kyline.
Umirap na lang ako. "Anyway baka mawala ako simula bukas ng umaga isasama ako ng boss kong daig pa may buwanang dalaw." ines na sabi ko.
Natawa naman yung dalawa. "Hahaha iba nakatingin sayo. Kaso m*matay tao eh!" si Julie naman nag salita.
"Hey, innocent until proven guilty. So hindi pa natin alam sya ba o iba. Kaya wag ka mag bitaw ng ganyang salita." awat dito ni Kyline.
Tumayo na ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko. "She's Right Julie. Abogado tayo alam natin na hindi pwede na basta na lang tayo mag bintang. Kita ko sa tao na yun na may mali sa kanya ngunit hindi pwedeng idugtong ang kapatid ko. Dahil conclusion lang ito walang ebidensya, kumbaga mahina." mahabang paliwanag ko
"Okay tama kayong dalawa. But pwede kumain na muna tayo?" pagsuko nito.
"Mag palit lang ako." paalam ko at mabilis akong nag tungo sa kwarto ko.
Nag palit ako ng damit ko at lumabas na rin ng kwarto. Naabutan ko silang kumakain na kaya naupo na ako at kumain na lang din ng tahimik.
Lahat kami ay mga abogado dito na pansamantalang iniwan ito para samahan ako sa kaso ng kapatid ko. Gusto nila ako tulungan kaya pati sila ay katulad ko.
Nagpapanggap lang din.
Nang matapos kami kumain nag tungo ako sa balkonahe ng kwarto ko. Doon tumayo upang panoorin ang mga nagtataasang building at mga magagandang ilaw ng syudad.
Kung nasaan man sila Mom, Dad and Lizzy alam ko na masaya silang magkakasama. Habang ako mag isa dito ngayon, pinunasan ko ang luha ko na pumatak sa kaliwang mata ko.
"Hindi pala ako nag iisa." wika ko at umiling na lang.
Nandito sila Julie at Kyline kaya hindi ako nag iisa. Pumasok na ako sa loob at sinara ito pati ang kurtina.
Nagtungo ako sa walk in closet ko at nag impake ng damit dahil dalawang gabi kami doon o higit pa. Dahil kapag naging successful ang show bukas, ay may event din para sa lahat.
Kaya kailangan ko parin mag dala ng extrang damit para naman hindi ako mag mukhang timang doon.
Inayos ko ito at tiningnan ng maigi kung kumpleto na ba, ng masigurado kung kumpleto na ang lahat sinara ko ito at inilagay sa gilid ng pintuan.
Matapos ko maihanda ang susuotin ko naman pag alis bukas. Nang matapos lahat na higa na ako at natulog na rin ako.