Chapter 7: Best Catwalk

2160 Words
**** EUNICE ELIZALDE Nang makarating kami ni Boss. Schneizel nakakamanghang makita ang iba't ibang modelo may mga lalaki nga na wala ng damit na pang itaas. Inaayusan sila ng iba May babaeng sumalubong sa'min na mukhang magiging babae na naman ni Mr. Schneizel for today. Matinik talaga sa babae ang isang 'to. Umiling ako at bumaling ako sa ibang direksyon ng halikan ito ng babae sa gilid ng labi niya. Para siyang isang mumurahing putahe na pinipilihan o kaya gamit na pinapakyaw ng mga tao dahil bagsak presyo. D*mn I'm not offending anyone, sinasabi ko lang ang nakikita ko sa taong kasama ko. Hindi rin ako pumayag sa gusto niya na alisin ko na ang "po at Sir or Mr" sa pag tawag ko sa kanya. Hindi naman kami mag kaibigan para gawin ko yun. "Miss Elizalde?" nagising ako sa pag iisip ko ng tawagin ako ni Sir Schneizel. "Yes sir?" tanong ko at lumapit ako dito. Wala na yung babae pero may naiwan pang marka ng lips stick sa gilid ng labi nito. "Kulang sila ng model.. gusto ko sana mag hanap ka," utos nito. Napa taas naman ang isang kilay ko at nag salita ako. "Boss, labas na sa trabaho ko ang pag hahanap ng model. Hindi ko ho yan trabaho na." sagot ko dito. Ayoko inaabuso ako mas lalo sa trabaho ko. "Kung ganun dahil gahol sa oras ikaw na lang maging model ngayon. "ngisi nitong sabi. Na nag pawala ng kulay sa mukha ko, ngunit naalala ko na may tattoo pala ako. "May tattoo ako sir hindi ho maari." sagot ko. Ngumisi ito lalo at nang lumapit ang isang bakla sa'min na may ngiti sa labi. "Siya ba Mr Schneizel ang sinasabi ni Sir Val?" tanong ng bakla kay Boss. Bigla naman ako dinaga ng kaba ng ako ang tinuro nito. "Yes, siya Miss Teddy!" si sir Val ang sumagot. Nakita ko itong walang pang itaas at kitang kita ang malulusog nitong 8 pack abs. Saan ba galing ng planeta ang isang 'to? Hubog na hubog ang mga katawan! "Te-teka po ha! Hindi ako model kaya wala akong alam sa ganito! Bakit ako?" sunod sunod kong sabi. "Okay lang yan, halika na aayusan kita ako mismo mag aayos sayo!" naka ngiti nitong sabi. Po-protesta pa ako ng tumulong pa ang isang bading na hilahin ako. "Teka po hindi naman ito actual diba? Practice lang ito diba? " sunod sunod kong tanong habang nag lalakad. "Oo pero kapag nagustuhan ka ng lahat panigurado kahit secretary ka ni Mr Schneizel ay magiging full time model kana. Saka girl ang ganda mo kaya!" sabi ng isang bakla. "Ako si Venus, Madam Venus" naka ngiting pakilala sa'kin ng isa pang beki. "Ako ang goddess dito! Ako naman si Madam Teddy!" naka ngiting pakilala ng isa.. Nagulat ako ng pumasok kami sa tingin ko ay dressing room. Kami lang wala kaming kasamang iba. "Ikaw ang susuot ang special na ginawa namin. Sinabihan na kami ni Boss nung nakaraan pa, kaya naman dapat handa kana at 'wag ka muna kumain ng sobrang dami." wika ni Madam Teddy. Sinabihan? Kailan? Napa ngiwi ako ng ilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Huwag ka mag aalala mag jeans ka lang naman ngayon at bra then heels yun lang. Hindi kita lalagyan ng make up kasi lakad lang naman ang gusto namin makita." sabi naman ni Madam Venus. Tumango naman ako ng tahimik. Hindi matanggap ng sikmura ko na rarampa ako na kaka bra at jeans lang? Pakiramdam ko makikita ng iba ang katawan ko, alam ko naman na makikita talaga pero hindi naman sa ganitong paraan. "May tattoo po kasi ako. Pwede po ba yun?" magalang kong tanong. Mas okay na yun kasi kung bawal ay lusot ako ngayon. Ayoko pinag papagawa nila sa'kin, pag nalaman ito ng dalawa pag tatawanan nila ako. Ang Iron Heart ng korte na pag hubad lang nila? Really? Hirap na hirap na nga ako maging mahinhin. Tapos ito pa? "Okay lang yun, mas lalo kung maganda naman ang tattoo mo? Walang problema!" nakangiting sagot ni Madam Teddy. Pagsak ang balikat ko sa narinig ko kaya wala na akong nagawa kundi sundin na lang sila din. Inayusan nila ako ng konti ginawa nilang wet look ang buhok ko at konting foundation and light make up. Para daw lalong gumanda ako. Nang matapos, nakita ko ang hitsura ko sa malaking salamin. "Ang ganda mo naman! Kung ako may ganitong mukha irarampa ko talaga!" naka ngiti wika ni Madam Venus. "Oh siya double time! Mag palit kana Miss Elizalde, anong size ng waistline mo?" tanong ni madam Teddy. Tumayo na ako at agad kinuha ang isusuot ko itim na bra. "Size 24 po Madam." sagot ko. Agad nito binigay sa'kin ang Ripped Jeans Navy Blue ang kulay. Agad akong pumasok sa loob ng girls changing room. "Paa mo anong size?" tanong ni Madam Teddy. "8 po!" magalang kong sagot habang nag papalit. "Bagay sa kanya yung Heels na gawa ng mismo ni Ma'am Grace. Terno sa kulay ng Bra niya!" narinig kong wika ni Madam Venus. Nang matapos ako ay lumabas na ako agad. **** LYNCH DEVON SCHNEIZEL Nang tumunog ang kantang Dangerous Woman ng hindi ko alam kung sinong singer. Naupo ako sa gilid kung saan mag isa lang ako. Dapat kasama ko ang secretary ko kaso nasa loob ito at lalakad din. Kapag naiisip kong makikita ko siyang naka suot ng gawa ng kumpanya hindi ko mapigilan hindi mabaliw dahil doon. She's sexy and hot kahit ang suot nito madalas ay malaki sa kanya ng kaunti. "This is the practice ramp! Now please welcome the new summer collection of SCHNEIZEL CLOTHING BRAND!!" anunsyo ng babaeng emcee na nasa gilid ko din. Unang lumabas ang swim wear na mga babae. Ang alam ko hindi susuutin pa ni Eunice ang masterpiece ng kumpanya. Sinabi sa'kin ni Venus na tanging bra and Jean lang ang suot nito. Kasama nito si Val kaya naman alam kong aalalayan siya ni Val sa loob at hindi siya nito pababayaan. Nakita ko ang mga kamangha-manghang disenyo ng magagaling kong desinger. Sa isip ko pinupuri ko na sila. "And now please welcome the new face of the company! Miss. Eunice Elizalde together with her partner is what every woman desires! Mr. Valiar Thompson!" sigaw na anunsyo ng emcee. Pumalakpak ang lahat ng inaalayan din ng emcee na lumabas ng back stage si Eunice. Nang maka tayo sila sa dulo ng entablado. Nilingon ito ni Val at tinanguan sabay silang humakbang. Buong confident na ang lakad si Eunice kasama si Val. Ngumiti ako, napa lingon ako ng mag salita ang babae sa likod ko. "I envy her, She's good on the catwalk! Best Catwalk ever!" wika ng babae. Tama sila dalang dala nito ang sarili sa pag lakad niya. Mas lalo ng umikot na ito at pinakita ang kanyang likod. Lahat ng parte ng katawan ng taong ito ay makinis at maputi, kita mo rin ang mga tattoo na lalong nag paganda ng katawan nito. Hindi kalat ang tattoo nito at panget tingin. Halatang alam ng tattoo artist kung saan magandang ilagay ang mga iyon ng hindi nasisira ang ganda ng balat ng tao. Naglalakad na sila pabalik, sadyang hinawakan na ito ni Val sa kamay hanggang matapos at sabay sabay silang yumuko sa mga tao. **** EUNICE ELIZALDE "Galing mo! Akala ko ba hindi ka marunong? Dinala mo eh!" bulong ni sir Val. Ngumiti na lang din ako kahit gusto ko na sumimangot. "Hindi naman po talaga, ang ganda kasi ng tugtog parang binigyan ako ng vibes," sagot ko pero pabulong lang. Natawa ito at tumango." Importante talaga ang music kapag rarampa kaso may iba iba naman na klase, yung ngayon kasi Vibes talaga." kwento nito. Tumango ako at hindi na umimik, tama si Lizzy maganda ang mundo dapat akong lumabas upang makita ito. Lagi kasi akong naka kulong sa apat na sulok ng opisina ko sa bahay at nag aayos ng mga kaso at nag babasa. "Tara na.." bulong si sir Val sa'kin, naramdaman ko ang pag hawak nito sa likod ko kahit naiilang ako hindi ko na lang pinakita. Nang maka balik kami sa backstage sumalubong samin si Madam Venus na may dalang tuwalya. Agad niyang tinakip sa katawan ko. "Ang sexy mo d'yos ko! Sigurado ka talaga na hindi ka model noon?" tanong ni Madam Venus. Ngumiti ako at tumango. "Opo, ito ang unang beses na ginawa ko ho ito." magalang kong sagot. Narinig kong tumawa si Val habang nag pupunas ito ng katawan niya. "Pero ang ganda talaga ng catwalk mo, by the way kailangan maging handa ka ha? Kasi ikaw ang fit sa susuutin mo. Kailangan mo din idaan muna sa work out." sunod sunod na sabi nito. Napa lunok naman ako at umiling. Paano ko magagawa ang plano kung ito naman ang gagawin ko? "Hi-hindi na po ba pwede mag back out?" tanong ko. Lumingon ako kay Val na marahas itong lumingon sa'kin. "Why? Ayaw mo nun babayaran ka ng halos 400 thousand pesos sa sunday, ngayon may bayad ka din 100 thousand? Wait hindi ba sinabi sayo ni Lynch?" tanong ni Val sa'kin. "Ho? Hindi ko po alam, wala naman siyang nabanggit. Saka Val kasi natatakot ako baka mag kamali ako." bulong ko dito. Nakita kong parating na sila Mr Schneizel at Madam Teddy. "Okay lang hija sige na kahit itong ngayon lang.. then next 'wag na pero hindi ko maipapangako na wala ng kokontak sakin at itatanong ka okay?" wika ni Madam Teddy. Napa ngiwi naman ako. "Okay lang yan, sige na minsan lang bumukas ang pinto bakit hindi mo na agad pasukin? Malay mo naman talaga para sa'yo ang modeling hindi ang pagiging secretary?" naka ngiting wika ni Val sa'kin. Lalo naman nangasim mukha ko ng iisipin ko ang bagay na yun. Parang hindi kaya ng sikmura ko ang nangyayari ngayon. Kung ganun kailangan bago ang event kailangan maka kuha na ako ng information about sa nangyari sa kapatid ko. "Sige po kung wala na po talaga akong magagawa. Pero kung maka hanap po kayo?" tanong ko. "Ay hindi na kami mag hahanap! Naka oo kana kasi!" sabay na sagot ni Madam Venus at Teddy Napa kamot na lang ako ng pisngi ko at hindi na lang ulit nag salita. "Oh halika na muna at mag bihis kana," aya ni Madam Venus at hinawakan na ang wrist ko. Yumuko ako kay Boss Schneizel at sumama na lang din ako kay Madam Venus. "Alam mo may kamukha ka, yung dating secretary ni Mr Schneizel." wika nito. Hindi naman ako kinabahan ng marinig ko yun. "Baka po ang ka taon lang." naka ngiti kong sagot. "Siguro, kasi kung oo gusto ko makuha ng pamilyang yun ang hustisya para sa batang 'yun napaka bait. Kahit kinakawawa siya sa opisina, laging inuutusan nila Samuel? " naiiling nitong wika. "Ano po ba ang nangyari?" pasimple kong tanong. Hindi agad ito naka sagot dahil pumasok muna kami bago ito nag salita. "Ang alam namin may kaaway si Lizzy sa kumpanya. Ang pangalan ay Abby, ngunit alam din namin na marami pa. Pero nagtataka kami na andun si Abby sa pinangyarihan ng crimen." kwento nito. Nag palit naman ako ng damit ko. " Basta hija? ito ang tatandaan mo, huwag na huwag kang mag titiwala sa mga tao sa loob ng kumpanya. Kahit pa mismo kay Boss at sa pamilya nito," paalala nito. Lumabas muna ako at tiningnan siya. Malaman ang bawat salita nito alam mong may alam ito na kung ano. "Bakit ho?" lakas loob kong tanong. Inayos ko ang suot kong trousers at sinuot ko ang Coat ko. "Alam ko kung paano si boss makitungo sa mga babae. Daig pa nito ang isang uhaw na halimaw, ayoko na ikaw ay makuha din niya. " sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Kapag nakuha ka niya sigurado ako na ikaw na ang huling babaeng aangkinin niya. Kilala si boss na mahilig ito makipag talik, maaaring hindi mo pa nakikita ngayon. Pero pakiusap lumayo ka sa kanya hanggat kaya." may takot ang boses nito Takot para sa pinasok kong mundo. Ngumiti ako at tumango. "Opo susundin ko 'yan, makikinig ako at aalalahanin lahat ng sinabi niyo." naka ngiti kong sagot. Ngumiti naman ito hinawakan nito ang mukha ko bago mag salita. "Huwag kang bibigay sa kanya okay?" muling sabi nito. Tumango ako ng sunod sunod. "Opo, marami pong salamat!" pasasalamat ko. Ngumiti ito at nag paalam na at nag pasalamat din sa pagpayag ko maging model. Nang mawala siya sa paningin ko kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang sarili sa mukha ko. "Gagamitin ko ang alam ng kahiaan ng lahat. Kung kailangan ko maging anghel sa harapan ninyong lahat? Gagawin ko, makuha ko lang ang tamang information sa nangyari sa kapatid ko." pagka usap ko sa sarili sa salamin. Ito ang mukha na ito ang gamitin ko laban sainyo. Ito ang mukhang maalala niyo at ang mukhang sisira sa buhay ninyong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD