Chapter 9: Let's The Play Begin

2289 Words
**** EUNICE ELIZALDE "Andito na ata amo mo. Eu?" wika ni Julie habang naka tanaw sa kabilang kalsada. Tumingin naman din ako sa tinitingnan nito. Mukha nga dahil wala naman akong kilalang iba na may gamit ng Mercedes Benz eh. May nakita din akong dalawang Sports Car na Lamborghini Monster at McLaren na itim. "Sila na nga ang tatlong itlog na babaero." sagot ko. Humagalpak naman ng tawa ito habang tumatayo kaya natawa na rin ako. "What? Totoo naman ang sinabi ko ah?" tanong ko dito. "Hahaha kung hindi ka lang Abogado? Hahaha iisipin ko sira ulo ka! Tara na ihahatid na kita doon!" tumatawang aya nito. Kinuha nito ang bag na dadalhin ko. " Minsan ko lang maisip na hindi ako isang abugado. Hayaan mo na lang ako," sagot ko nag lakad na kami patawid sa kabila. "Oo na ho Attorney Elizalde! Ingat ka doon ha? malayo kami sa'yo, tumawag ka kapag may kailangan ka." paalala nito. Ngumiti ako bago mag salita. Si Boss at yung dalawa naman itinaas nila ang roof ng kanilang mga sasakyan. "Oo ingat ka pabalik!" kumaway ako at kinuha ang gamit ko. Nag lakad ito paatras at ako naman ay kumaway lang. "Let's go, on the way na rin sila mommy. " wika ni Boss. Nakita ko pang kumaway si Julie bago nawala sa paningin ko. "Sige po Sir Schneizel," sagot ko at pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya. Pansin ko na tahimik ito ng hindi ko alam bakit? Pero ano bang say ko, sekretarya lang ako. "Good morning po boss!" bati ko na lang sa kanya. "Morning." maikli nitong bati din pabalik. Nag kibit balikat na lang ako baka kasi wala sa mood. Saktong andar ng sasakyan ang pag lagay ko ng seat belt sa katawan ko. Nang makita kong umilaw ang cellphone ko nabasa ko kung sino ang nagpapadala ng mensahe. "Ano kaya kailangan ni Clovis?" tanong ko at dali dali itong binuksan. From Clovis: Mag ingat ka sa amo mong lalaki, hindi pa tukoy pero may hinala kami na may sakit itong obsession. Gusto ko mag imbistiga kayo ng team mo Attorney. Basa ko dito. Agad kong kinopy paste ang text at pinadala sa dalawang babae, kung ganun tama ang sinabi ni Madam Venus. Kailangan ko mag ingat sa taong ito. I need to end this kailangan ko na kumilos, kailangan ko na malaman kung sino ang may posibleng may sala. Posible din ba ginawa niya sa kapatid ko ang ganitong pakikisama? Alam ko na hindi ito normal para lang sa isang boss at sekretarya. I need to know everything about this man beside me, very ASAP! Nagising ako sa pag iisip ng may mag salita. "Eunice pag dating doon sa'kin kana agad sumama, kasi iisang dressing room lang tayo sinadya ni Miss Venus ito para hindi ka mailang." rinig kong wika ni Val sa speaker mode ng tawag. "Okay Val." sagot ko na lang. Tinago ko na ang cellphone ko at tumahimik na lang ako. Hanggang mag salita si Trevor sa kabilang linya. " Paano kung malaman mo isa sa ng empleyado mo o tina-traydor ka pala Lynch?" tanong nito kay boss. "Then i will punish that person." may diin sa sa sagot nito. Sino ba pinag uusapan nila? Bago ako sa kumpanya alangan naman ako? Ganun ba ako ka obvious? "Okay, paano kung babae para naman pati kami nakinabang," Narinig kong sagot ni Val. Nakita kong lumingon ang boss ko sa'kin. Ngayon ko na sasabihin may alam na sila hindi malabo na ipa imbestigahan nila ako. Ngunit hindi mababago ang desisyon ko. Hahanap ako ng hustisya para sa kapatid ko. " Kahit pa gaano siya kagaling sa kama o ka inosente. Sisiguraduhin kong kahit mata niya may latay!" may galit sa tono ng amo ko. Nanahimik lang ako habang naka tingin sa labas ng bintana. Kapag nag patuloy ako sa plano ko sila mismo ang mag lalag-lag sa sarili nila sa'kin. Ngunit hindi ko pwede alisin ang point of view na maaaring ginagamit nila ito para mapalabas ang traydor. Sa korte ganun din ang ginagawa. Cross examination ang tawag dito kung saan ipapakita na agad sayo ng abugado ng kabilang panig o ng defense na tinatawag ang hawak mong ebidensya. Nakalagay dito ang pangyayari kaya mo siya kinasuhan. Kapag ginawa ng isang abugado yun ibig sabihin naka hanap sila ng butas against your evidence. And against your accusations. Kapag ginawa ito sa'yo, panigurado may hawak na silang bala laban sa sa'yo at kapag tumugma ang sagot mo sa iniisip ng abugado. Ito ang gagamitin sayo para basagin ang pinaka mahalaga mong ebidensya. Hindi ko na alam ang pinag usapan nila dahil naligaw na naman ang isip ko ng nakarating na kami. Nang maka baba ako agad kong kinuha ang ibang gamit ko ngunit kinuha naman ng amo ko. "Hindi mo kailangan ito sa dressing room, unless may tinatago ka sa loob nito?" kahulugan nitong tanong. "Ho? Hindi ko naman alam na bawal ito, pero pwede ho ba ang cellphone sa loob?" tanong ko at inikot ko ang paningin ko sa tatlong lalaki sa harapan ko. "Hindi mas mabuti na 'wag kana mag dala pag dating kasi doon uupo ka agad upang ayusan. Kahit sa huli ka lalabas ganun parin." malamig na sagot ni Val. I see may alam na sila, then good let's play the game begin.. "Sige po," pag payag ko. Ano naman kung wala ang cellphone ko? Kilala ko naman si Clovis hindi ito basta basta tatawag, dahil alam niya anong oras siya pwede tumawag. Gabi lang. Nang makapasok kami sa venue agad kami sinalubong ni Madam Venus at Teddy ng may malawak na ngiti. "My god ang ganda mo talaga! Magandang umaga! Tara na?" nakangiting bungad sa amin ni madam Venus. "Sige Miss Venus sunod ako si Eunice na lang po muna isama niyo." wika ni Val. Nilingon ko sila at yumuko saka ako humiwalay na sa kanila. "Okay sige, make it fast aayusan ka pa. Tara na," nakangiting ayaw sakin ni madam Venus. Ngumisi ako dahil alam ko papaki-alamanan nila ang cellphone ko, totoo naman andun ang contact ko at ilang litrato ko. Nasa hawak ko ang halos lahat ng kailangan ko. Sa isa pang cellphone ko, wala din akong hawak na kahit anong evidence tungkol sa Club. Dahil balak ko palabasin matapos ang successful event na ito. "Okay nandito na tayo. Maligo ka muna tapos aayusan ka na naman kahit mahuli na ang pag susuot mo ng Bra at Panty." naka ngiti na utos ni Madam Teddy. "Sige po. " Tumango ako at kinuha ang inabot nito bathrobe. Nakita ko ang naka display na Bra at Panty. May kasama din itong Panama Straw Hat, nag lakad na ako patungo sa loob ng bathroom nila dito at mabilis akong naligo ng mahubad ko na ang damit ko. Nang matapos nakita kong umilaw ang cellphone ko. Agad kong binasa ito at ng mabasa ko nakita ko si Si Julie ang nag text sa'kin. From Julie; Naghihinala na ang amo mo. Mukhang pina imbestigahan ka, ginalaw ang cellphone mo eh, mas lalo ka mag ingat ngayon Eu. Basa ko sa text nito. Ngumisi ako at pinatay ko ang cellphone ko at itinago ko na sa ilalim ng suot kong damit kanina. Nag suot ako ng bathrobe at lumabas na. Naabutan ko na doon si Val na handa na rin itong maligo. "Upo kana dito," naka ngiting aya sa'kin ng baklang tingin ko ay stylist. "Ano ba ikulot ko ba ang buhok niya o hayaan na lang natin na ganito?" tanong ng nagngangalang Medusa. "Mas okay yung medyo wavy ng konti ang buhok niya na pag ka messy!" sagot ni madam Venus. Nakita ko itong may kung anong hinahanap sa mga lalagyan ng sapatos sa gilid. "Okay, hi ako si Medusa. Nakapag rebond kana ba o relax? Any hair treatment?" tanong nito. Umiling ako bago sumagot. "Hindi pa ho," sagot ko. "Hoy ano idaan ko na lang ito sa Hair spray ha? Mahirap ito magandang ang hibla ng buhok niya!" pag kausap nito sa mga kasama niya. "Oo ganun na lang o iwet look mo siya then make upan ko na lang seductive makeup." sagot ni madam Venus. Hinayaan ko na lang sila mag discussion sa kung anong gawin sakin. Dahil wala din naman akong alam sa bagay na yun. Hanggang matapos na ang pag aayos sa buhok ko, Hindi ko talaga gusto ang inet ng hair dryer ang inet sa batok at likod. Pakiramdam ko kailangan ko maligo ulit. Sunod naman ang mukha ko, lahat ng sinabi ay sinunod ko. Kapag sinabing pikit, pikit. Nakita ko din na inaayusan si Valiar ng ibang baklang make up artist. "Napaka dali nito ayusan. Kahit siguro ipa lakad ko ng walang make up ito ay ang ganda pa rin ata nito?" wika ni madam Teddy na nakatayo sa harap ko habang inaayusan ako Madam Venus. "May tanong ako. Anong kanta ang gusto mo maka dagdag ng confident mo ngayon at ng lahat?" tanong sa akin ni Madam Medusa. "Espanyol po ito pero may English din," sagot ko. Nag ka tinginan sila kahit si Val lumingon sa akin. "Sure ano yan?" nakangiting tanong ni Madam Venus. "SG or sexy girl by Dj Snake, Meghan Stallion ft Lisa," naka ngiti kong sagot. Agad agad hinahanap ni madam Teddy ang kanta na sinabi ko. "Oh my god! This so perfect for the summer theme! Thanks god okay sasabihan ko agad sila na ito ang itugtog." nag mamadali si Madam Teddy na umalis. "Hahaha gaga talaga ang bakla na yun! Oh siya, isuot mo na ito." utos ni Madam Venus. Nakita ko ang sarili ko sa salamin nakita ko ang ganda ng pag kaka make up sakin parang may Smoke effect sa mata ko. Hindi ako pamilyar sa mga make up dahil wala naman akong alam sa ganito. Tumayo na ako muling nag bihis. Nang matapos ko masuot ang Bra at Panty na irarampa ko doon ko napagtanto na bumagay sakin ang kulay nito. Pero Seducing ito sobra dahil kita talaga cleavage ko. Kahit papaano may ilalaban ang dibdib ko dito kahit ang pang upo ko. Nang matapos lumabas na ako at muling inayos naman ni madam Venus ang suot ko para hindi ako makitaan. "Hayaan na natin 'yang tattoo mo. Bumagay naman sa suot mo at balat." sabi nito. Hindi na lang ako sumagot at lumabas na lang din kami. Mag isa akong lalabas this time hindi tulad ng nakaraan kasama ko si Val. Ngayon lalabas akong Long sleeve White Polo at may suot din akong Panama Straw Hat. Doon ko mismo aalisin ang polo sa gitna ng rarampahan. Nang tumugtog ang kanta lahat ng kasama namin ay kapwa binibigyan ng Vibes. Men and woman ay halos lahat nag eenjoy sa tugtog. Ngumiti naman ako at inalis ang kaba ko, "Good luck sa'yo. Solo mo na ito ngayon." bulong sakin ni Val at ngumiti pa. Ngumiti din ako hindi na umimik pa. Nang mag salita na ang emcee lumabas na agad ang unang batch ako naman ay naka upo muna habang hinihintay ang oras ko. Malalakas na palakpakan ang narinig ko sa labas, hanggang maka balik sila at sunod ang second batch and third. "And now, for the New Women's Collection. Mula sa kilalang kilala natin na gumawa nito na walang iba kundi si Mr. Lynch Devon Schneizel at sa tulong ni Madam, Venus at Lawrence Smith..." wika ng emcee. Tumayo na ako. Nagulat ako sa sinabi na iyon so, gawa ito mismo ni boss? Siya ba ang nag disenyo nito? "The new face of the Schneizel Clothing Company, please welcome Miss. Eunice Elizalde!" sigaw ng lalaking emcee. Huminga muna ako ng malalim, nang bumukas ang pinto ay siyang labas ko naman din. Sumabay na rin ang musika sa pag labas ko. Baila, come on in close to you Ah, ah, ah, ayy, yeah 'Til the sun comes up, I'll be here with you ~ Masakit sa mata ang ilaw ngunit hindi ko ito hinayaan maka apektado sa akin. Naglalakad ako ng punong puno ng confidence sa katawan. Till the sun comes up, I'll be here with you No lie, no lie Got me in the mood when it's just us two I'll fly, I'll fly, yeah, ah ~ Sexy girl (sexy girl) ~ Nang makarating ako sa gitna tumigil ako at nag posing inalis ko na ang suot kong Long sleeve at muling nag lakad hanggang sa dulo. Saglit akong tumigil at ngumiti ako sa lahat ng manonood bago muling tumalikod. You know I don't play Make you fall in love One touch and you'll be saved (tú sabe' hacer) ~ Nang makarating ako sa dulo ay muling tumigil ako at hinawi ko ang buhok ko upang makita nila ang ganda ng pagkakagawa ng Underwear na suot ko. On fire (fire) Why won't you behave? (Lo hiciste ayer) My love gon' send you walking to a higher place, oh, oh (woh, oh, woh, oh) ~ Sa huli lumabas na ang Ibang model at ako naman ay inalalayan ni Val para hindi ako madapa. "Thanks!" pasasalamat ko. Ramdam ko ang pag pisil nito sa bewang ko, medyo nailang ako pero hindi ko na lang pinansin. Nang tawagin ng emcee si Mr Schneizel nakita ko paano nito daanan ng tingin ang kamay ni Val sa bewang ko. "I think he's jealous.." bulong ni Val sa tuktok ng tainga ko. Palihim na lang akong umirap. Nagpasalamat si Boss sa lahat ng Dumalo sa event na ito, ngayon ko lang din nalaman na ito ang paraan nila para makabangon sa nangyari sa kumpanya. May isang buwan na ang lumilipas. Kung saan may namatay na empleyado sa mismong loob ng building. Matapos non ay lahat kami nag bow bilang paalam at pasasalamat na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD