Chapter 4: Sophie's Rant

2086 Words
**** EUNICE ELIZALDE Tulad ng sabi ko may meeting si Boss ng 10 am kaya naman heto na kami. Matapos ni boss Schneizel basahin ang topic ng meeting ay nag aya na itong pumunta agad sa conference meeting. Mas malaki ito kesa sa board room, kaya dito na lang daw mag uusap. Pag pasok namin ay nag tayuan ang mga tao habang ako ay nasa likod ni Boss. "Take your sit now, at mag umpisa na." utos ni Mr Schneizel. Nag lakad naman kami patungo sa pinaka gitna ng mesa at doon ito umupo ako naman ay sa tabi niya. Mabilis akong nag sulat sa dala kong notes habang nagsasalita ang isang babae. "Bea, may napupusuan na ba kayong model para suutin ang kaisa isa nating design na yan?" tanong ni Boss sa nagngangalang Bea. "Sir excuse me. Gusto daw po nila si Miss Sophie Anderson kaso nasa sainyo pa rin po ang desisyon." wika ng isang lalaki na may kapayatan. "Andrew, ayoko si Sophie lalaki ang ulo ng taong 'yun pumili kayo ng iba," utos ni Boss sa kanila. Napa hilot pa si Boss Schneizel ng sentido nito. Ganun ba ka sakit sa ulo ang babaeng yun? Buti marami nakaka tiis sa kanya? "Bakit po hindi ang secretary niyo? Mukha po kasi siyang model din." naka ngiting suhistsyon nung blonde ang buhok na babae. Nanlaki ang mata ko sabay turo sa'kin. "Ako po? Ayoko!" tanggi ko at sunod sunod na umiling. "Kita ko kasi ang lakad mo kanina daig mo pa super model sa ganda ng Catwalk mo. Baka naman gusto mo pag isipan?" nakangiti pa rin wika ng babaeng blonde. "I would love that, Miss Elizalde pag isipan mo may dalawang araw ka lang. This meeting is done for today!" panapos ni boss sa meeting ngayon na nag panganga sa'kin. "Teka Boss- I mean Mr Schneizel hindi po ako marunong rumampa. Mag lakad nga po hirap pa ako----" he cut my words. "Kasasabi mo lang kahapon na, You are confident that's why you can easily walk while wearing that does d*adly heels," huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin. Napa labi naman ako at agad nag salita. "Opo sinabi ko pero nakaka hiya po. Hindi naman ho ako sexy tulad ng mga models." sagot. Nag lakad naman ito ulit kaya ganun din ako. "Just be yourself kaya mo yan. I trusted you, kapag hindi mo nagawa mawawalan ka ng trabaho tandaan mo yan." sagot nito at na unang pumasok sa opisina niya. "Grabe naman yung lalaki na yun?! Haist bwisit!" frustrated kong wika at ginulo ko pa buhok ko. "Wala naman sa Job description ko ang maging model!" bulong ko at pumasok na rin ako. "Ano? Lynch? Bakit naman siya ang magiging model, ako na lang sana mas kaya ko naman mag model kesa sa panget na hampas lupa na yun!" dire-diretso sabi ni Sophie. Naka tayo lang ako sa likod hanggang tumingin si boss sa direksyon ko at ganun din si Miss Sophie. "You! If i know ginamit mo lang ang katawan mo para akitin si Lynch para makuha ka bilang model?" panlalait nito. "Sophie!" nag taas na ng boses si Mr Schneizel. "What? Totoo naman diba? All the secretary do, What a sl*t!" ngumisi pa ito sa'kin Ngumiti ako at nag salita. " Huwag niyo po ipasa ang gawain niyo sa iba. " makahulugan kong sagot. Napa nganga ito at natawa naman si Mr Schneizel at muli akong nag salita. "Excuse me mag ta-trabaho po muna ako." pag hingi ko ng pasintabi. Yumuko ako at nag tungo sa office table ko. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pag sugod ni Miss Sophie. "Sophie! Enough!" awat ni boss. Nang makita ko ang kamay nitong dinampot ang kung anong bagay at ihahampas sa'kin. Mabilis kong tinaas ang kaliwa kong braso at doon ito nabasag. "You B*tch! Dapat lang yan sa'yo tingnan natin kung maka rampa ka pa!" sigaw nito. Tumayo ako ng dahan dahan at hindi ininda ang dumudugo kong braso. "Sh*t your arm Miss Elizalde?" nag aalalang wika ni boss. "Alam mo Miss Sophie? Hindi kana bata na sa tuwing aagawan ka ng laruan o candy tatakbo ka sa nanay mo at iiyak," malamig kong pangaral dito. Tiningnan ko ito, pilit kong kumakalma dahil ayoko siyang saktan. "Siguro nga ganun talaga. Dahil kahit na anong yaman mo hindi talaga kaya bilhin ng pera ang pagiging class at edukada?" patanong kong wika. "Walang wala ka sa akin! Ikaw isa ka lang hampaslupa, patay gutom! Money hungry!" galit na galit na sigaw nito. Habang inaawat siya ni Boss na lumapit sa'kin. " Walang wala talaga ako sa'yo. Ugali pa lang, Mr Schneizel excuse po." paalam ko at dinala ko ang bag ko at nag lakad patungo sa pinto ng may naalala ako. "Isa pa pala. Sa pagkaka rinig ko kasi kanina kayo ata ang nawalan ng pera? Sino kaya sa'tin ang magiging patay gutom?" tanong ko at iniwan silang may ngisi sa labi. **** LYNCH DEVON SCHNEIZEL Napa hilot ako sa sentido ko ng umalis ang secretary ko. Pero nakaka mangha ang pinapakita niyang ugali. Mula sa sweet at laging naka ngiti biglang nag babago agad. "Sophie leave my office now. Bago pa ako tumawag ng security." malamig kong utos kay Sophie. "What? Dapat siya ang umalis not me! That b*tch kapag nakita ko siya kakalbu---" "Enough Sophie! Hindi ka na nakakatuwa? I don't want to lose another secretary again! Pwede? Kaya leave!" sigaw ko dito. Nakita ko itong natakot at mabilis na umalis ng opisina ko. Wala akong pakialam sa kanya kung takot siya sa'kin. Siya itong nag loko siya pa itong galit. Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa CCTV security. "Hello Mr Schneizel? May kailangan po kayo?" tanong ng nasa kabilang linya. "Oo pwede mo ba hanapin ang secretary ko kung saan ito pumunta?" tanong ko ng maayos ito. "Okay po boss. Si Miss Elizalde Eunice po ito diba?" naninigurado nitong tanong. "Oo," sagot ko. Nakarinig ako ng tunog ng keyboard. "Boss nasa fire exit po siya. Malapit po sa inyong opisina." sagot nito. Nagpapasalamat ako at binaba na ang tawag ko. Kinuha ko ang first aid kit sa opisina at lumabas na ako. "Gigi? Tumawag ka ng mag lilines sa opisina ko!" utos ko kay Gigi. "Yes Boss!" sagot nito. Nag lakad ako patungo sa fire exit nakita ko itong naka upo sa ibaba habang inaalis ang Coat nito na pinatong niya. Nakita ko ang tattoo na letter L sa likod nito kaya naman nag taka ako kung sinong L ito. Piniling ko ang ulo ko at bumaba na. "Miss Elizalde," tawag ko dito. Lumingon ito sakin at agad dinampot ang bag nito at Coat. "Chill, gagamutin ko yan. Saka pinalilines ko pa ang opisina." wika ko. Tumango naman ito. Umupo ako sa ibaba pa niya dahil hindi kami mag kakasya. Amoy na amoy ko ang napaka tamis na perfume nito. Ito ang dahilan bakit ko siya kinuha gusto ko lagi ko naamoy ang pabango ng taong 'to. Pinapahanap ko ito kay Val ngunit wala siyang alam na may ganitong pabango. Maaari daw na natural scent ito ng dalaga. Kung ganun? Mabango din ito kahit pinagpapawisan? Ginamot ko na muna ang sugat nito. Kahit ang balat nito ay napaka lambot kaya mapag kakamalam talaga siya ni Val na model. Naramdaman ko ang boltahe ng kuryente sa katawan ko mas lalo ang pagka buhay ng alaga ko sa ibaba. "Ako na lang po kaya boss? Para po kasing nanginginig kayo." sabi nito. Kaya doon ako nagising sa mga pinag iisip ko. "Hindi may iniisip kasi ako," sagot ko na lang. Nakita ko naman itong hindi kumbinsido sa sagot ko. "Takot ka ba boss sa d*go? Kahit ako na lang po, kaya ko na yan." tanong nito. Agad naman niyang binawi ang braso niya at kinuha ng cotton sa'kin. "Hindi, napansin ko kasi ang balat mo tama si Val para kang modelo." pag amin ko Ngumiti ito at doon ko nakita ang simple nito na hugis Half Moon. "Hindi po. Tulad ng sabi ko po sa daddy niyo may kaya po ang family namin kaso ayun nga nangyari." kwento nito. Tumango naman ako at naiintindihan ko na kung bakit ganito ang kutis ng taong ito. Kahit hindi mayaman basta maalaga ka sa katawan, kahit hindi ka isang model ay gaganda ang kutis mo. "Okay na po ako Sir. Trabaho na po ulit!" wika nito at inayos ang first aid kit na dala ko. "Okay, sabay na tayo, for sure tapos na rin sila mag lines." sagot ko. Ako na ang nag buhat ng kit at inalalayan ko naman itong tumayo. Kinuha ko na rin ang bag niya at kinuha nito ang coat niya niya ng makita ko ang tattoo naman niya sa ibaba ng arm pit nito. Sa gilid ito ng kanyang b*obs. "Ngayon ko lang napansin na marami ka din pa lang tattoo? Ano meaning ng L sa likod mo?" lakas loob kong tanong dito habang paakyat kami. May Infinity din itong tattoo sa kanyang itaas ng siko nito. "Yung L po initial ng pangalan ng kapatid kong babae." ngumiti ito na napaka tamis. Nakita ko gaano katamis ang ngiti nito, napaka saya niya kahit sa likod na nangyari sa pamilya niya. "Kaya pala. Kala ko ex mo?" natatawa kong tanong ko dito. Natawa naman ito at sabay na kaming nag lakad. "Sir, ako na ho n'yan bag ko yan Boss," pilit niya kinukuha ang bag ko. "Ako na may sugat kana nga eh! " sagot ko. Nakita kong namula ang pisngi nito kaya napa ngiti ako dahil doon. Alam kong wala itong gamit na kahit anong make up nakita ko din kanina na lip balm ang ginagamit nito na kulay pink. She have a rosy cheek and pinkish lips. **** EUNICE ELIZALDE Tiningnan ko ang likod ng amo ko habang naglalakad ito buhat ang gamit ko at ginamit na first aid kit. Hindi ko na kailangan mag effort para makuha ang tiwala ng taong ito. Ngayon malalaman ko ng dahan dahan kung sino ang may gawa ng bagay na yun sa kapatid ko. Pag babayarin ko sila sa lahat ng ginawa nila. Tanging si Boss Schneizel lang ang pwede makatulong sa akin. Kung tama ako isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ng kapatid ko ang may gawa. Ngunit masyado pang maaga para malaman ko kung sino talaga ang may gawa ng lahat ng ito. Sisiguraduhin kong hindi sila makaka takbo sa gagawin kong hagupit sa kanila. Nang makarating na kami sa opisina nakita na maayos na ito at wala ng mga basag na gamit. Para lang bumalik sa dati bago ang nangyaring pag wawala ni Ma'am Sophie kanina. Wala naman akong pakialam sa kanya kung ano man ang gagawin niya sakin. Una, wala na ang pinagmamalaki niyang yaman. Hindi naman nila kaya kumilos ng wala ang mga 'yun. "Ano ang schedule ko for today? After the meeting?" tanong ni Mr Schneizel. Agad kong kinuha ang iPad sa table ko at agad tiningnan ang schedule ni Boss. "Wala Sir, kahit isa." sagot ko at tumingin dito. "Okay good, aalis ako mamayang gabi gigimik kami." sabi nito. Tumango na lang ako at ngumiti. Wala naman akong itatanong kung saan siya pupunta dahil alam ko naman kung saan. Kinuha ko ang bag ko at tinabi sa gilid ko nag umpisa na akong mag trabaho ulit, ganun din ang amo ko. Basa at pirma ang ginagawa nito ako naman ay ganun din, kapag para sa kanya ibibigay ko. Kapag para sakin at nag aalangan ako ibibigay ko naman sa kanya at ipapabasa. Minsan kailangan ng secretarial signature kaya naman ganun din ang ginagawa ko. Nang matapos ang buong mag hapon na trabaho ay halos sabay kaming lumabas ni Boss ng building. "Ihatid na kita. Saan ba ang way mo?" tanong ni Boss Umiling ako agad. "Hindi na po boss, may dadaanan pa kasi ako." sagot ko. "Oh? Okay mukhang importante yan sige mauna na ako. Ingat Miss Elizalde!" paalala nito. Ngumiti ako," Ingat din po Boss!" kumaway ako at tumango naman ito. Mabilis itong umalis at ng hindi ko na matanaw kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kyle. "Umpisa na ba?" bungad na tanong nito ng sagutin ang tawag ko. " Oo sa club tayo ngayon pupunta. " malamig kong sagot. Ngumisi ako at binaba na ang tawag ko. Pag gising niyo sisiguraduhin kong tatakasan kayo ng kahihiyan sa katawan niyo. Hangga't hindi ko alam kung sino ang may sala hinding hindi ako titigil p*stehin ang mga buhay niyo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD