Chapter 19: Rescue

2230 Words
**** Nakita ko paano ito naupo sa hita ng matanda. Lantad ng hita nito, umiwas ako ng tingin at nag order ako ng alak na mababa lang sa alcohol. Una dahil nag da-drive ako ng motor. "Grabe yung kambal ano? Kahit matanda papatusin basta tawag ng laman." wika ng babae sa corner na naka tayo, may kasama itong isa pang babae. Binaba ko ang mask ko at uminom. Kinagat ko ang slice ng lemon. "Ganyan talaga nung bata kasi sila. Lagi silang ginagalaw ng amain nila so, ang nangyari ay para silang naging uhaw sa pakikipagtalik." wika ng kasama nito. Bigla akong napa tigil sa narinig ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit, Totoo nga ang kasabihan na "Huwag ka matakot sa patay mas matakot ka sa buhay.." "Grabe ano, kahit ako naawa ako sa kanila. Biro ba naman ina-araw araw? Tapos ang masakit yung nanay walang pakialam. Minsan sa harap pa talaga niya binababoy ang anak niya." umiiling na wika ng babae. Tumayo na ako at ibaba ang bayad ko, "Keep the change." wika ko at walang lingon lingon akong umalis. Kitang kita ko paano kung masarapan si Aira sa ginagawa sa kanya ng matanda. Hindi ko sila masisi sa nangyayari sa kanila. Nung panahon na nag hihirap sila wala akong alam at kahit kailan hindi ko sila pwede husgahan. Masakit para sa'kin na may mga ganitong bagay parin na nangyayari at yan ang masakit na reyalidad. Sumakay ako sa motor ko ay umuwi ng bahay muna upang mag pahinga saglit. Kung matagal ang pag kuha ni Clovis ng information, ako na lang ang gagawa nito. Dahil paikli na ng paikli ang araw at panahon ko. Nang maka uwi ako dumeretso ako sa kwarto ko ng hindi pinapansin ang pag tawag sa'kin ni Nana Lala. Nag tungo ako sa kwarto ko at mabilis akong naligo at nag bihis ng ibang damit. Bumaba ako na sakto naman dumating ang dalawa kong kaibigan. Kasama nila si sir Lynch, Trevor at Val. Naka tingin sila sa'kin habang pababa ako ng hagdan. "Eu? Naka labas yung motor mo, ginamit mo?" tanong ni Kyline. "Oo may pinuntahan ako." sagot ko at dumeretso ako sa kusina upang tulungan si Nana. "Wow marunong din pala siya mag motor? Kala ko kasi para siyang si Maria Clara hindi makabasag pinggan." natatawang tanong ni Val. Nag tawanan naman sila maliban sa'kin. Tinaas ko ang manggas ng suot kong jacket at nag hugas ako ng isda. Inalis ko muna ito ng hasang at inalis ko din ng kaliskis. Bangus ang klase ng isda na ito isisigang ito ni Nana base na rin sa mga naka labas na gagamitin sa pag luluto. Tulad ng kangkong at kamatis at marami pang iba. Nang matapos ako ay agad ko naman binigay kay Nana. "Ako na hija sige na mag pahinga kana doon. Trabaho ko yan," mahinahon nitong utos sa'kin. "Na, gusto niyo ho ba may makaka tulong na ho sainyo dito?" tanong ko dito. Naririnig ko sila na nag tatawanan sa sala. "Oo naman hija, hindi na ako bata masakit na din ang aking likod sa pag lalaba." naka ngiti nitong sagot. Ngumiti ako at tumango. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag paalam na lalabas ako. "Oh sino tatawagan mo?" tanong ni Julie. "Si Clovis? " tanong ni Kyline. "Huwag mo sabihin na nanliligaw na yun sa--" "Tsk! Tatawag ako sa agency mag hahanap ako ng bagong katulong. Dahil nahihirapan na si Nanay Lala." i cut her off at nag salita ako. Dumeretso ako sa labas at tinawagan ang kilala at trusted kong agency. "Hello ma'am? Sobrang last minute ho ito ah?" bungad sa'kin ni Marevic. Ito ang may ari. "Vic, gusto sana hanapan mo ako ng katulong kahit dalawa. Alam mo naman gusto ko diba?" mahinahon kong sabi dito. Naupo ako sa plastic na upuan habang kausap ito. "Okay alam ko 'yun. Basta kapag nag ka problema ka sa kanya sa ibibigay ko sa'yo, tell me ipupull out ko agad siya okay?" mahinahon nitong sagot. "Okay thank you." pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag. Nang tumayo ako at papasok na sana may napansin akong taong naka tayo malapit sa gate ng bahay ko. Hindi ko na lang pinansin ito at pumasok na lang ako. Pag pasok ko narinig ko ang usapan nila. "Si Attorney Eunice. Marami siyang nahawakan na kaso na may kinalaman sa pag patay. Madalas ito ang hawak niya, ito ang expertise niya. Kaya lagi siyang nalalagay sa panganib," rinig kong kwento ni Kyle sa mga lalaki. "Ano ang pinaka delikado?" tanong ni Lynch sa kanila. "Yung hawak niya ay politiko. Doon na baril siya kasi s'ya ang puntirya ng kalaban nung gobernador na yun. Akala nga namin mamatay na siya eh." Sagot ulit nito. Hindi biro ang mga kaso na hinahawakan ko minsan kagagawan ng secretary ko noon bakit ko tinanggap ang kaso ng politiko na yun. Ayoko humawak ng ganung kaso. Magulo. Nag lakad upang lagpasan sila hanggang hawakan ni Lynch ang kamay ko. "Hind ka ba makikipag kwentuhan sa'min?" tanong nito. Naramdaman ko ang kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan ko sa pag kakahawak niyang iyon. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kamay niya. "Wala ako mapapala sa kwentuhan." malamig kong sagot at dumeretso na ako sa kusina. "Ganun talaga siya hindi siya basta basta nakikipag kwentuhan. Maliban kung may importante itong sasabihin. " rinig kong wika ni Kyline sa kanila. Nang sabihin ni nanay na tapos na siya mag luto ako na ang gumawa ng pag aayos sa mesa. Matapos yun ay isa isa namin nilagay ni nanay Lala ang ma pagkain at siya na ang tumawag sa mga kasama namin. Sabay sabay kami kumain ganun din si Nanay ay kasabay din namin. Nang matapos kumain si Julie na ang nag prsesinta na mag huhugas. Dahil napagod na si Nanay Lala. Ako naman ay nag tungo sa likod ng bahay ko. Naupo ako doon at binuksan ang laptop ko, oo aalis ako ngayon pero masyado pang maaga dahil alas siyete pa lang naman. Kahit mga 8:30 ako aalis pwede naman. Nag tipa ako ng ibang Information sa kambal ngunit wala akong nakita. Sinubukan ko naman hanapin ang magulang nito. Nakita ko na ganun din pala ang magulang nito. Bigo ako na makita ang hinahanap ko. Bukod sa ang magulang nito at wala din gaanong information. Napa buntong hininga na lang ako at sinara ang laptop ko. Nakita ko na may dumaan sa gilid ko ng mag angat ako ng tingin si Lynch ito. Hinayaan ko siyang maupo sa kabilang upuan paharap sa'kin. "Sino si Clovis? At ano mo siya?" tanong nito sa'kin agad. Sound jealous? "Kaibigan ko siya, namin nila Julie at Kyline. Isa siyang police." sagot ko. Nakita kong nag tiim ito ng bagang niya. He look like possessive boyfriend, pero hindi bagay para sa isang playboy and f*ck boy. "Mauna na ako." paalam ko at tumayo na ako. Kinuha ko ang laptop ko ng bigla akong haglitin nito sa braso ko palapit sa kanya. "Problema mo Mr Schneizel?" salubong ang kilay ko ng tanungin ito. "You think maloloko mo ako? May relasyon kayo tama?" tiim bagang nitong tanong. Nawala naman ang pag kaka kunot ng noo ko at hinaglit ang braso ko sa pag kaka hawak niya. "Kapag hindi ka tumigil sa ginagawa mo? Sisiguraduhin kong hindi ka makaka lapit sakin." banta ko dito. "You can't stop me.." ngisi nitong wika. "I can actually. Isang tawag ko lang kayang kaya ko," blangkong wika ko at iniwan itong naka tanga dito. Nag tungo ako sa kwarto ko upang mag bihis ng may kumatok. "Come in, bukas yan." sagot ko. Sinuot ko na ang coat ko dahil ayoko naman mag paka sexy sa bar club na yun. "Bihis na bihis ka ah?" tanong ni Julie. "San ka punta?" tanong naman din ni Kyline. Kinuha ko ang chanel sling bag ko bago sila hinarap. "Hahanap ako ng ebidensya. Hindi ako pwede matulog at manahimik dito habang nag hihintay, kailangan ko na rin kumilos." malamig kong sagot. Nag lakad ako para lagpasan sila, hanggang sila din ay sumunod sa akin. Nakita ko sila Trevor sa sala na umiinom ng beer. "Pero tina-trabaho na yun ni Clovis wala ka bang tiwala sa kanya?" tanong ni Kyle. "Mapapahamak ka sa ginagawa mo. Paano kung ikaw talaga ang target niya?" si Julie naman ang nag tanong. Binuksan ko muna ang pinto bago sila hinarap. "Ano gusto n'yong gawin ko? Mag hintay? Paabutin ng isang taon ng wala pa rin silang nakukuha? Hahanap ako ng paraan kahit pa ilapit ko ang sarili ko sa anak ng Satanas na yun!" napa sigaw na ako sa ines ko. Nang hindi sila umimik nag lakad na ako palabas at ginamit ko ang isang kotse ko. Pumasok ako sa loob at mabilis itong pinaandar paalis ng bahay ko. Kung hindi kaya ni Clovis ako gagawa. Dahil hindi ako pwede basta basta mag tiwala ngayon kailangan ko ako mismo ang mag kukumpirma kung sino nga ba talaga ang totoong pumapatay. Kung si Lynch ba o si Lawrence? Pwede naman din iba. Nang makarating ako sa Dagat-dagatan, Navotas kung ko nakita si Aira. Agad akong bumaba at nag tungo sa loob mabuti at hindi mahigpit ang pag pasok. Pag pasok ko nakita ko ang iba't ibang babae na walang kahit anong suot. Kahit man lang ay bra at panty ay wala. Nag tungo ako sa pinaka tagong parte ng Club isa pala itong bahay aliwan din hindi lang basta club. Kinuha ko ang camera ko at kinuhaan ng litrato ang mga tao sa loob kumuha din ako ng evidence na pwede ko magamit. Hanggang matanaw ko ang kambal na sumayaw sa maliit na entablado. Walang mga damit ang mga ito o kahit ano. Gusto ko masuka sa paano sila pag nasaan ng mga kalalakihan. Kahit matatandang lalaki ay ganun na lang sila sa hawakan sa maseselan nilang parte. Matagal silang sumayaw sa harap ng mga lalaki at nag pahawak ng kanilang katawan hanggang umabot ng halos trenta minutos. Nang matapos nakita kong patungo ang kambal sa tingin ko ay likuran. Mabilis ang kilos ko sinundan ko sila at patagong nag tago sa isang pinto na bukas. Nag tago ako sa likod hanggang narinig ko ang usapan nila. "Ayoko na Abby nakakasawa na binababoy nila tayo gabi gabi!" umiiyak na wika ni Aira. "Ayoko na rin pwede! Miski tayo ay may pangangailangan din mas lalo sa katawan natin. Alam ko ganun ka din," malungkot ang boses nito. Naka isip ako ng plano upang matapos ang pag hihirap ng dalawang ito. Imbes na istorbohin sila nag tanong ako sa babae kung saan ang locker dito ng dancers. "Miss pwede mag tanong? Saan ho ba dito ang locker nila Aira at Abigail Sanchez? Hinahanap ko sila kaibigan ko sila." naka ngiti kong tanong. "Aah okay.. Ayan yung red na pinto sa kambal yan." turo niya. "Salamat!" naka ngiti kong pasasalamat at ang lakad na ako patungo doon. Mabilis akong pumasok at kinuha ko ang halos 250 thousand pesos ko sa wallet ko. Nilagay ko ito sa bag ni Aira pamilyar sakin dahil ito ang gamit niya noon. Matapos ang iwan ako ng sulat sa tingin ko ay bra niya. Mabilis akong lumabas saktong pabalik ang dalawa kaya agad akong nag tago sa madilim na parte. "Sana may tumulong sa atin na maka alis dito. Ayoko na ng ganito." malungkot na wika ni Abby. Nang pumasok sila ako naman ay lumabas sa pinag tataguan ko. Sinilip ko sila na kapwa umiiyak habang hawak ang pera na nilagay ko. "Abby makaka alis na tayo dito. Ngayon tayo aalis mismo hindi na tayo babalik pa dito!" lumuluha ito ngunit nababakasan ng saya ang mukha niya. "Oo Aira! Salamat kung sino ka man? Hindi ka namin bibiguin mag babagong buhay kami!" huling narinig ko bago ako tuluyan umalis. Lumabas ako ng club at mabilis sumakay sa kotse ko. Agad akong tumawag ng NBI at agad silang mag tungo. Nag tago lang ako sa gilid na may kalayuan sa area. Nakita ko din ang mga police sa pangyayari. Mabilis silang nag tungo dahil na rin siguro nag roronda ang iba. Nakita kong kinaladkad nila ang mga tao. Kinuha ko ang cellphone ko at tinatawagan si Chief Alejandro. "Chief, pakawalan niyo si Aira at Abigail Sanchez. Ako mag babayad ng piyensa nila, please don't tell them." utos ko dito. Binaba ko na ang tawag ko ng hindi hinihintay ang sagot nito. Nakita kong palihim nitong pinaalis ang dalawang mag kapatid, kahit hindi ko naman sila bayaran susunod sila sa'kin. Nakita kong nag lakad ang dalawa kaya naman mabilis akong nag maneho upang pasakayin sila sa kotse ko. Mabilis kong tinigil ng matapat ako sa dalawa. Binaba ko ang bintana at tinawa sila "Aira, Abby ako ito si Eunice. Sakay bilis!" utos ko at binuksan ang pinto sa back sit. Mabilis silang sumakay hindi pa naisasara ng paandarin ko na ang kotse paalis doon. "Ikaw ang dating secretary ni Boss Lynch tama ba?" tanong ni Abby. Nag kibit balikat ako, kinuha ko ang jacket ko at hinagis sa kanilang dalawa. Lagi akong may damit sa loob ng kotse ko dahil minsan dito na ako ang bibihis. "Bukas na tayo mag usap tungkol sa pag tataka niyo. Ang importante ngayon ay maka pag pahinga kayo." wika ko. Mabilis ko silang dinala sa isang Condo ko na malapit din sa opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD