****
Matapos ang pag hostage sakin noong isang araw natapos din ito. Hindi ako nag sampa ng kaso laban sa mga ito, sinabi ko na pera lang ang gusto ng mga ito.
At ibinigay ko naman. Pero alam ko hindi kumbinsido sila Julie dahil nung umuwi ako andun ang wallet ko at pera ko.
Tinanong niya ako pero hindi ako nagsasalita. Hanggang nakatanggap ako ng tawag mula kay Lawrence gusto ako nito makipag usap.
Pumayag ako at sinabing mag tungo ito sa bahay ko kaya heto ako at hinihintay itong dumating.
Pinaalis ko muna si nanay tutal bibili rin ito sa grocery ng kulang sa kusina. Nang marinig ko ang doorbell ay lumabas na ako upang pa buksan ito.
"Eunice o Attorney?" tanong nito agad sa akin.
"Eunice na lang hindi ako naka Formal Attire ngayon," biro ko dito. Natawa naman ito at inaya ko na siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ka ngang abugado. Noong nakita kita sa opisina noong unang araw mo, alam ko na may kakaiba sa'yo." sabi nito.
Ngumiti ako at pinaupo ito. Kinuha ko ang tray na hinanda ko para sa meryenda niya. "Ganun ba? Hindi ako marunong mag panggap eh, kaya minsan lumalabas talaga totoong ugali ko." wika ko at ibinaba ang tray sa center table dito sa sala.
"Meryenda ka muna," alok ko sa kanya. Umupo ako sa pang isang tao bago ko siya hinayaan kumain muna.
"Kahit ganun na nagpanggap ka? Hindi kita masisi dahil pareho ko nag hahanap din ako ng hustisya sa pagkamatay ng adopted parents ko." wika nito.
Nakuha naman nito ang atensyon ko sa sagot niya. "Paano ba sila namatay? Sorry for my words." tanong ko at pag hingi na rin ng paumanhin.
"It's okay, ang naalala ko kaaway ng pamilya Smith ang mga Schneizel dahil sa negosyo. Noon nag patayo din ng perfume company ang mga magulang ni Lynch," kwento nito habang naka tingin sa hawak nitong sandwich.
Hindi ako umimik at hinayaan ko siyang mag salita. "Nauna ang kumpanya ng adopted parents ko sa ganung larangan. Ngunit ng malaman ng mga Schneizel 'yun agad silang nag patayo ng pareho din iba lang amoy at logo. Matapos naging matagumpay ang sa pamilya ko..." kwento nito at tiningnan ako.
Ngumiti ito ng mapait bago tuluyan na mag salita. " Kinasuhan nila ang pamilya ko ng panggagaya. Si mom at ang daddy ni Lynch ay dating mag ka relasyon ng high school sila. Dahil hindi naman nag bago ang ganda ng mommy ko. Nagseselos si Mrs Schneizel kay mommy. Dahil doon nag sanga-sanga na ang gulo." wika nito.
Pero sa nakikita kong ugali ni Mrs Grace? Parang imposible. "Lahat ng pinapakita nila sa'yo na kabaitan ay hindi totoo. Dahil minsan nang nag ka roon ng ka relasyon si Mr David at ang katulong nila," wika nito.
"Pina-bugbog niya ito hanggang makunan ang bata sa loob ng sinapupunan nito. Matapos noon sunod sunod na sila nakakawala sa mga accusations nila. Ngunit," putol nito at tiningnan ako habang naka ngiti.
"Nang dumating ka bilang abogado ng mga nagrereklamo sa kanila. Nabago yun, nahirapan sila maka recover sa ginawa mo. Na Until now tina-trabaho parin nila yun. " wika nito.
"Bakit?" tanong ko habang salubong ang dalawang kilay ko.
"Dahil bago lang ang Modeling Agency na yun at ang paglabas nila ng mga designs. Biglang nawala ang inaasahan nilang income, mas lalo silang nalubog noong panahon na yun dahil sa laking perang nawala. Naalala mo pa ang sinabi mo sa lawyer ng kumpanya?" tanong nito.
Umiling ako dahil hindi ko na matandaan. "Sabi mo. ' Sa oras na hindi kayo makabayad sisiguraduhin kong kulungan ang bagsak niyo. Bago kayo gumawa ng kasalanan mag isip muna kayo sa magiging kahihinatnan nito.' yun ang sabi mo. Nandun ako ng oras na yun." kwento nito.
Parang naalala ko na ito ay hawak ata na kaso ni Jessie. Ang kaibigan ko din na lawyer pero kaya nito bumaluktot ng batas para lang mag ka pera.
Well, hindi naman bago dahil ganun talaga ang mga abugado.
"Simula noon, ginawa ko ang lahat para sundan ka at yung kagabi hindi ko ginusto na tapusin ka o takutin siraulo lang talaga yung kasama ko," wika nito habang ginugulo ang buhok nito.
"Sabi ko sa kanya takutin hindi tapusin! I'm sorry!" paghingi nito ng paumanhin.
Ngumiti ako at umiling na lang. "Okay lang, naiintindihan ko saka hindi niya ako masyadong nasaktan siguro dahil na rin makapal din ang suot kong coat," nakangiti kong wika at pinakita sa kanya.
Hanggang may naalala ako. " Anyway about sa perfume may alam ka ba bakit? Meron ang mga biktima nito?" tanong ko.
Nakita ko ang pag tataka sa mukha nito kaya agad kong pinakita sa kanya ang perfume ng kapatid ko." This, bago natagpuan ang katawan ni Lizzy meron nag bigay sa kanya nito. And nag research ako sa inyo ang logo na ito." kwento ko dito.
"Totoo bang pum*p*tay kayo para kunin ang mga natural na amoy ng babae? To make a perfume?" tanong ko dito.
Nanlaki ang mata nito at mabilis umiling. " Hindi yan totoo! Isa ako sa mga gumagawa ng perfume noong bata pa ako. Tapos kapag tinitimpla ko ito kay mommy ko ito sinusubukan kung hanggang anong oras tatagal. Formula ko ang lahat ng Perfume na ginawa ng kumpanya!" sagot nito.
"Hindi ako nagbibigay ng ganyan. Saka yung amoy? Hindi ako ang may gawa niyan. Siraulo ba ako para lang dyan? " naka nguso nitong sagot.
Para siyang bata na pilit ipinagtanggol ang sarili sa mga bully.
" I believe you. But, kung hindi ikaw sino?" tanong ko. Umayos ako ng upo at nag isip.
"May tanong ako.." wika nito kaya agad akong tumingin dito.
May kinuha itong bagay sa bulsa niya at inabot sa'kin. "Naka s*x mo na ba si Lynch? O he kissed you?" tanong nito.
"Kiss yes, s*x no. Why?" tanong ko dito. Tinuro niya ang papel na hawak ko.
"May obsession si Lynch sa mga babaeng mababango. He likes natural scent like Red rose, pink rose and Strawberry kaya ka niya kinuha as secretary," kwento nito.
Binasa ko ang ibang profile ni Lynch. "And now isa ka sa mga babaeng yun. Oh baka ikaw na ang huli, kaya ni Lynch na maging matino sa harap mo pero hindi nito kaya kapag napupuno siya ng selos." kwento nito.
"Ganito siya kay Sophie noon. Pero tapos na siya kay Sophie ngayon. Lahat ng pinapakita niya? Yung pagiging kalmado? Hindi yun totoo.." kwento nito.
"Matagal ko na siyang sinusundan ngunit hindi ko talaga ma konekta sa kanya ang pag p*tay sa mga kababaihan." wika nito.
"Mag ingat ka sa kanya Eunice. Hindi matinong tao si Lynch." wika nito.
"Nung araw na pumunta ako sa opisina niya. Nakita ko si Aira at Abby na nakikipag talik kay Trevor at Lynch At isa pang babae kay Valiar?" tanong ko.
Tiningnan ako ng may pagtatanong sa mata nito. "Hinala ko lahat ng na ikakama ng magkakaibigan na 'yun ay namamatay din." wika ko na kina laki ng mata nito.
"Paano? " tanong nito.
"Nang nasa bar kami yung tatlong babae na naikama nila namatay din. Tulad ng ibang biktima." kwento ko.
Napa lunok ito at biglang namutla. "Ang gulo na!!!" lalo naman niyang ginulo ang buhok niya matapos niyang isigaw yun.
"Magulo na rin buhok mo, " hindi ko mapigilan na hindi matawa sa kanya
Narinig ko naman itong tumawa din ay inayos na ang buhok nitong. Daig pa santo sa sobrang kulot, kulot ito na kulay brown. Bumagay sa kanya.
"Anong pagka kilala mo kina Aira at Abby?" tanong ko dito. Alam ko naman na nag sabi na ito tungkol sa dalawang babae na yun pero gusto ko pa may malaman.
"Sa totoo lang konti lang, kung personal lang ha? Ang alam ko kasi sa kambal na yun hindi na talaga mapag hiwalay ang dalawa na yun. Meron nga na iisa lang sila ng naging boyfriend. And s*x add*ct din ang dalawang yun." kwento nito.
Lust and Obsession pareho silang meron ng dalawang ito. Hindi naman malabo na lust ang pangunahing dahilan at paulit ulit silang mag papa gamit sa tatlong lalaki.
"Tingin mo ba kung ako naman ay mag papa under kay Lynch lalabas ang salarin?" tanong ko dito.
Mabilis itong nasamid at umubo. Agad kong inabot ang tubig sa kanya. "What? Makikipag ano ka sa kanya? Sira ka ba? Hindi mo ba alam sa gagawin mo pwede ka niya hawakan sa leeg siya wala akong tiwala doon!" mahabang wika nito.
Nag buntong hininga na lang ako at umiling. "Kung siya ang salarin o isa sa mga nakapaligid sa kanya. Hindi malabo na makuha ko ang gusto ko, kung siya man ipapakulong ko siya." wika ko dito.
Umiling lang ito at nag salita. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Kung nag tagal ka sa kumpanya? Wala kang ibang maririnig doon kundi ung*l ng babae at ng lalaki dahil sa kabulastugan ng tatlong yun." umiiling nitong sagot.
Hindi malabo sa nakita ko pa lang noon ganun na nga din talaga. Masyado silang hayuk sa tawag ng kal*bugan.
"Alam mo magandang gawin? Mag imbestiga!" sabi nito. Napa ikot naman mata ko sa sinabi nito.
"Masyadong matagal ang ginagawang imbestigasyon ng mga police. Habang tumatagal lalong naagnas ang kapatid ko sa ilalim ng lupa!" hindi ko mapigilan na hindi maines habang sinasagot ito.
"Sige susubukan ko maghanap sa kumpanya ng ebidensya," sabi nito.
"Gusto ko makapasok sa cr na yun Rence." sabi ko dito at tiningnan ko siya.
Marahas naman siyang lumingon sa akin bago nag salita. "Matagal na walang nakaka pasok doon. Pero subukan ko hanapin ang susi sa pinto doon." sabo nito.
Umiling ako at nag salita. "Ako na bahala sa bagay na yan. " nginitian ko siya.
Ngumiti naman ito sakin at tumango.
****
Matapos ang usapan na yun sinabi nito na uuwi na siya dahil kailangan pa niya mag trabaho bukas. Ako naman ay nag bihis upang umalis.
Kinuha ko ang iPad ko at doon ko binasa ang information ng mag kapatid na Sanchez. Kinuha ko ang isang motor ko na napaka dalang kong gamitin.
Mabilis akong umalis ng bahay patungo sa address na nakita ko. Hindi nagtagal nakarating na ako.
Napansin ko na magulo at puro squatter ang nakatira dito. Tumigil ako sa malaking puno kaya naliliman ako.
Muli kong binasa ang address sa cellphone ko. "Navotas, Dagat-dagatan." basa ko dito. Bumaba ako at inangat ang salamin ng helmet ko.
Nakita ako ang babaeng may tulak na kariton na maraming itlog na may kasama pang pula. Ito ay itlog na maalat. "Miss, pwede magtanong?" lumapit ako sa babae na nagpapahinga
"Oo naman po. Ano po ba yun?" tanong nito habang ginagawa n'yang pamaypay ang hawak n'yang panyo.
"May kilala ho ba kayong kambal na Aira at Abigail?" tanong ko dito. Inangat ko na ng tuluyan ang suot kong helmet hanggang noo ko.
"Sanchez ba? " tanong nito. Tumango ako kaya agad itong nag salita. "Oo, kilala ng mga taong yun dito. Dahil mga 'yun dahil mga GRO kasi. Ano kailangan mo sa kanila?" tanong naman nito.
"Nagtatrabaho kasi sila sakin i just want to make sure po safe sila." sagot ko.
Tumango ito at muling nag salita. "Mag ingat ka sa dalawa na yun ha? Alis na ako para makarami ako ng benta!" naka ngiti nitong paalam.
Yumuko ako at muling nag suot ng helmet. GRO? May dumaan na dalawang lalaki ang isa naka hubad pa. "Mga boss, sandali may malapit na ba club or bar dito? Kung saan may lugar para sa mga GRO?" tanong ko ay kumuha ako ng dalawang libo.
Dalawang libo kapalit ng information. Ganyan umiikot ang panahon ngayon so, be prepared!
"Ah.. oo doon malapit sa centro!" naka ngising sagot ng isang lalaking halos kita na ang buto nito.
Agad kong inaabot ang pera sa kanila. "Thanks!" maikli kong sagot at sumampa na ako sa motor ko.
"May pang bili na tayo ng pang high! Pare!" sabi ng lalaking payat.
Kaya nag salita ako. "Kung ako sa inyo titigil ako. Dahil ang kaso at pag kaka kulong sa kasong dr*ga ay 12 years and 1 day to 20 years. Kapag minalas ka baka habang buhay ka pang makulong." wika ko at mabilis na lang akong umalis.
Mas binilisan ko pa ang pa papatakbo ng motor ko hanggang nakita ko ang bar at na halos magkatabi lang. Bumaba ako at tiningnan ang orasan ko sa pambisig ko.
Pasado ala una ng hapon. Nag lakad ako at inalis ang helmet ko. Ngunit nakasuot pa rin ako ng face mask para walang makakilala sa'kin.
Agad akong naka pasok, maliit lang ito kumpara sa mga napuntahan ko na rin noon. Pumasok ako sa loob doon ko napansin ang dalawang tao sa gilid na malapit sa maliit na bintana.
Nang tumingin ako lalo nakita ko ang isang babae at matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 50 pataas na ang edad.
Nang maupo ako sa harap ng counter doon ko nakita ang mukha ng babae.
Si Aira..