Chapter 20: The Twin's Dark Past

2182 Words
**** Nang mahatid ko sila sa condo ko. Nanatili muna ako kasama sila, dahil hindi nila ako pinaalis hangga't hindi ako kumakain ng niluto nila. Kahit sabihin ko na busog ako ayaw nila ako pakawalan. Masaya sila dahil tinulungan ko sila, sinabi ko din sa kanila na ako ang may nagbigay ng pera at tumawag ng parak. "Alam mo? Masaya ako kasi tinulungan mo kami. Tama si Lizzy mabait ang ate niya kahit tahimik ito," umiiyak na wika ni Abby. Ngumiti ako at inabutan ito ng tissue. "Maraming salamat Attorney! Sobrang salamat po habang buhay po namin itong tatanawin na utang na loob!" wika ulit nito. She's so sweet, ngayon hindi ko na alam kung sino ba ang nagsasabi talaga ng totoo. Ngunit hindi pa tapos dahil meron pa si Samuel Yu. "Wala 'yun basta ipangako niyo sa'kin na aayusin nyo na ang buhay niyo. Pumasok kayo sa rehab o magpa gamot kayo, sagot ko na." ngumiti ako habang pinapaalala ito. Nagulat ako ng tumakbo si Aira at si Abigail naman ay mabilis yumakap sa'kin. Pareho silang yumakap ng mahigpit sakit at humagulgol ng iyak. "Sassh, everything will alright.. Tahan na, sa oras na matapos kayo sa rehabilitation? Pwede kayo pumasok sa Law firm ko tatanggapin ko kayo doon." bulong sa dalawa na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Lalo naman umiyak ang dalawa. "Sa-salamat po!" patuloy parin sila sa pag iyak hanggang tumahan sila ng kusa. "Hindi pa huli ang lahat okay? Maayos din ang lahat." pinunasan ko ang mga luha nila nang kumalas ang dalawa. "Opo.." sabay nilang sagot. Ngumiti ako at hinayaan na silang kumilos sa loob ng condo ko. Sabay sabay kami kumain, nag luto lang si Aira ng afritada. Hindi ako mahilig sa ganitong ulam dahil hindi ko kasi maintindihan ang lasa. Pero kumain ako dahil ayoko naman makita ang disappointment sa mukha nila. Ayoko sirain ang saya ng mukha nila. "May tanong ako." panimula ko. Naghuhugas si Abby matapos kami kumain. Si Aira naman ay nag lilines naman. Napansin ko sa dalawang ito na malines sila sa bahay kahit ganun ang trabaho nila pagsapit ng gabi. "Sige ho Attorney ano po yun?" tanong ni Aira sakin. "Kamusta ang kapatid ko bilang ka trabaho?" tanong ko sa kanila. Mabilis sumilay ang ngiti sa labi nila. "Mabait po siya masayahin. Lagi nagbibiro at lagi niya kinukwento ang tungkol sa ate n'yang magaling na abogado." nakangiting kwento ni Aira. "Sabi nga po niya. Pwede ka daw po namin tawaging ate kapag nag punta na kami sa inyo. Kaso hindi po natuloy dahil sa nangyari. " ang kaninang ngiti ay napalitan ng lungkot. "Ganun ba? Okay ganito na lang, call me ate Eu instead of Attorney. Okay ba?" naka ngiti kong wika sa kanila. Nakita ko ang pangingilid ng luha ng mga ng mag kapatid at halos sabay talaga silang tumango. "Opo, gustong gusto po namin yan. Yung pakiramdam na may mag tatanggol sa amin na may ate kami!" masayang wika ni Abby. Hindi ko mapigilan hindi tumulo ang luha ko. Madalas noon nag ku-kwento si Lizzy sa kaibigan niyang kambal but hindi ko kilala. Kasi daw gusto niya tulungan but wala daw siyang sapat na pera. Kaya kapag pumapasok ito lagi kong nilalagyan ang bag nito ng another 5k para ma itreat niya ang mga friends niya. I don't talk too much noon. Dahil tulad ng sabi nila hindi ako nagpapakita ng emosyon sa iba. Basta uuwi ito na masayang masaya minsan kapag alam niyang wala ako sa bahay. Dederetso ito sa trabaho ko at hihintayin ako na matapos. "Then simula ngayon I'm your ate na. I know Lizzy would be happy." naka ngiti kong wika. Nag yakapan ang kambal at masaya lang sila. Hanggang tinanong ko ulit sila. "Pwede niyo ba ako kwentuhan ng past niyo? Kung ayaw niyo at hindi kayo komportable ay ayos lang. Maybe kapag kaya niyo na." nakangiti pa rin ako para hindi sila matakot sa akin. Umiling si Aira at sumagot. "Masaya po ang child hood namin mas lalo ng buhay pa ang aming papa," panimula nito Mabilis nag salubong ang kilay ko sa narinig ko kaya agad akong nag salita. "Buhay? Akala ko ba ay anak kayo sa ibang lalaki? Sorry i did my research." pag tataka ko. "Hindi po 'yun totoo. Kaya po nila nasabi dahil karamihan sa amin ay mga bagong tira at ang iba naman po kaya nila nasabi dahil," putol ni Abby. "Mas kamukha at ka kulay namin ang papa namin kesa sa mama namin." tuloy nito. "Tapos noong nag asawa si mama ulit. Yung stepfather namin doon po kami..." nakita ko na patigil si Abby Nakita ko na gumalaw ang leeg nito na parang hirap itong lumunon. "Okay lang 'wag niyo ipilit. Next time okay makikinig ako." naka ngiti kong wika sa kanila. Tatayo na sana ako ng mag salita si Aira. "He r*pe us hanggang mag dalaga kami hanggang maka alis kami doon. Araw araw kahit gabi, kahit na-naliligo ka-kami. " Para akong sinaksak sa likod ng marinig ko yun. Narinig ko silang umiyak na hanggang mag salita ulit si Aira. "A-ayaw niya tu-tumigil! Hanggang na-naging ganito kami. Sa tu-tuwing nakakaramdam kami ng pag iinet sa ka-katawan wa-wala kami ma-magawa!" Tumulo ang luha ko at mabilis kong hinarap silang dalawa. "Come hug me, nandito na ako hindi na nila kayo masasaktan o magagawa sa inyo yan. Ako na ang bahala okay?" Bukal sa loob ko na tulungan sila, sino pa ba ang dapat magtulungan diba tayo tayo lang din? Tanawin man na utang na loob o hindi hindi parin dapat tayo mag dalawang isip. Ngunit kapag sobra na enough na, pwede tayong himindi na rin. Mabilis silang yumakap sa'kin. Para silang mga bata na nag susumbong sa kanilang ate, "Sssh... bukas na bukas sa sanguni kayo sa mga manggagamot ha? At 'yang pera na hawak niyo. Itabi niyo at gamitin nyo sa oras na maka bangon na kayo." bilin ko sa kanila. Nginitian ko sila at nakita ko silang tumango. "Pero may pakiusap ako." Tiningnan ko sila. "A-ano po yun?" tanong ni Abby habang nagpupunas ng mukha nito. "Huwag na kayo bumalik sa kumpanya. Lahat ng kailangan niyo ako na bahala tawagan niyo lang ako. At hanggat maaari wag kayong lalabas at kailangan ipaalam niyo sakin lagi okay?" pakiusap ko sa kanila. Tumango na sila at ngumisi. "Opo!" masaya nilang sagot. Ngumiti ako at ginulo ang buhok nilang pareho. "Mag pahinga na kayo. Huwag niyo sasabihin kahit kanino kung sino nagpatira sa inyo dito. At anong ugnayan ko sa inyo ha? Gusto ko kayong maging ligtas." muling paalala ko. "Opo masusunod!" naka ngiti nilang sagot sabay. "Oh, magpapaalam na ako ha? Ngumiti na kayo simula ngayon. Babalik ako dito bukas." nginitian ko sila. "Ingat ka po ate Eunice!" sabay na sabay nilang paalam. Ngumiti ako at nag lakad na palabas. Pagka sara ko agad kong inalis ang ngiti ko, ngayon tapos ang kambal si Lynch, Lawrence at Samuel na lang. Ngayon kailangan ko alamin ang tungkol kay Samuel. Kung anong pagkatao nito. Nag lakad ako patungo sa elevator hanggang naiwan itong bukas kaya naman agad akong sumakay. **** Hindi nag tagal nakarating ako sa bahay ko. Saktong wala na rin dito ang mag kakaibigan na lalaki. Hangga't maaari kailangan ko muna dumistansya sa kanila lahat. Nang matapat ako sa main door ramdam ko na may taong nakatingin sakin. Imbes na lumingon ako upang tingnan ito ay mas ginusto kong balewalain na lang. Dahil lalapit din yan, at siya mismo ang mag papakita sa'kin. Malakas din ang kutob ko na kilala ko ang may gawa nito. Kilala ako ng taong yun, alam ko ako ang habol niya. Ngunit kung anong kailangan? Yun ang hindi ko pa matukoy. Pumasok na ako sa bahay at kinandado ang pinto. Nagtungo ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ko. Pag pasok ko ay nag hubad agad ako at ang tungo ng cr upang maligo kahit kalahati ng katawan ko. Natapos nagbibihis na rin ako sa loob dahil dito naman din. Meron akong pantulog sa loob ng bathroom ko kaya dito na ako na bihis. Pag labas ko binuksan ko ang laptop ko ng maka tanggap ako ng email mula sa hindi ko kilala. Email; If you want know the truth, go this address.. i hope makatulong ito sayo ngayon. Basa ko dito. Agad kong isinulat ito sa isang maliit na notepad, oo kakagatin ko na ito upang makuha ko ang lahat ng sagot sa tanong ko. Ayoko na ng paikot ikot. Nakaka hilo na, sunod kong ginawa ay nag research ako tungkol kay Samuel Yu. Konti lang ang information ng taong ito kaya naman agad kong naisip gumawa ng panibagong research. Inalam ko saan ang bahay nito at nang makuha ko. Wala akong sinayang na oras umalis ako kahit gabi na. Mas maganda ang mag trabaho ng gabi. Nag suot ako jeans black leather jacket sa lakas, at isang hoodie jacket isasapaw ko lang ang leather jacket. Dahil may kalamigan sa labas. Kumuha ako ng itim na mask at naglagay ako ng blue na contact lenses ang kulay. Incase na may mangyari hindi ako makikilala agad ng makaka kita sa'kin. Kinuha ko ang susi ng Honda kong motor. Iba din ang kutob ko sa Samuel na yun. Hindi ko alam pero pareho ang kutob ko sa kanya kay Lawrence. Mabilis akong umalis at dumaan na lang ako sa likod kahit kung totoong may taong sumusunod sa'kin maaring nasa labas siya. Tinulak ko ang motor ko hanggang makarating ako sa kalsada sa likod ng bahay. Ayoko gumawa ng ingay. Ang tinagusan kong lugar ay kabilang side na ng subdivision. Kung sa bahay ako mismo mag iingay malaman niyang umalis ako. Nang maka layo ako sa bahay saka na ako sumakay at binuhay ang motor ko at tahimik na sinuot ang helmet ko. Mabilis akong umalis, napag desisyunan ko pang dumaan sa iba pang subdivision para kung matunugan niya at least ma-iligaw ko pa siya. Bago ako mag tungo sa mismong destination ko nag tungo ako sa mansion ng magulang ni Mr Schneizel at pinagmasdan ang mansion nila. Sunod ko naman pupuntahan ang bahay ni Lynch mismo. Oo alam ko dahil sa address, nang makarating ako sa hindi kalayuan nakita ko palabas ang dalawang mamahaling sasakyan. Nag tago pa ako upang malaman sino ang posible na sakay nito. Nang makita kong lumabas na ng tuluyan sa highway nakita ko doon ang plaka ng sasakyan. Sila Trevor at Val ito. Sumilip pa ako at nakita kong papasok sa kotse si Lynch at mukhang aalis din. Naging maagap ako, bumalik ako sa motor ko at sumakay. Nakita ko itong lumagpas sa akin, mabilis akong sumunod dito. Tinandaan ko na lang ang plaka ng sasakyan nito. Nakita ko kung saan sila patungo sa isang night club, nakita ko na sabay sabay silang bumaba. Nakita ko na sinalubong sila ni "Samuel Yu??" takang banggit ko sa pangalan nito. Mabilis akong lumapit at pumarada ako sa gilid ng nightclub kung saan ay parking din naman dito. Bumaba ako at muling tumanaw sa tatlong nag uusap hanggang pumasok sila. Nag lakad ako agad at harangan ako ng dalawang bouncer na mukha din namang guard. "Ma'am mga VIP customer lang po ang pwede sa loob." malamig na wika ng malaking lalaki. Pinakita ko ang tinatago kong Black Card. Meaning isa din akong mayaman o bilyonaryo, walang may alam nito dahil hindi ko naman talaga sinasabi sa kahit sino. Nakuha ko ang lahat matapos pumanaw ng magulang ko. Kahit ang will ni Lizzy sa akin napunta, dahil ako na lang ang nag iisa at sinugurado ng magulang ko na lahat ay mapupunta sa akin lahat ng meron sila. "Sige po ma'am pasok na ho kayo." wika ng mga ito matapos kong ipakita ang bagay na yun. Pag pasok ko pa lang nagulat ako na maraming babaeng nagbibigay ng aliw dito. Kahit lalaki ay ganun walang kahit anong suot. Tanging bowtie lang suot ng mga lalaki at ang mga babae naman ay necktie na pula Kapwa walang mga suot. Gusto ko masuka sa nakikita ko na kaliwa't kanan nagtatalik na customer. Hanggang magawi ang tingin ko sa counter. Nakita ko doon kahit nakaka labo ng mata ang ilaw ay nakita ko kung paano walang habas na makipagtalik si Lynch sa babae at ganun ang kasama niya. Nakita ko naman si Samuel na parating kaya mabilis akong lumabas. Pag labas ko agad akong nag labas ng cellphone at tumawag sa malapit na police station. "Hello, isa akong concern citizen. May isang nightclub na pukad ng kawalang hiyaan," wika ko. Nag lakad ako patungo sa motor ko ng sumagot ito. "Ma'am maari niyo po ba sabihin kung saan?" tanong ng officer. "Sa España Morayta, Sampaloc Manila." sagot ko. "Sige ma'am." sagot nito. Binaba ko ang tawag ko at hinanap ang susi ng motor ko pero hindi ko ito mahanap. Siniksik ko ang cellphone ko sa tagiliran ko hanggang makuha ko ang susi ko na nahulog pala. Pag tayo ko nakita ko ang dalawang pares ng sapatos ng titingala ako agad may tumakip ng ilong ko. "Hmmmp!!!" pag pupumiglas ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD