Chapter 14: Information part 2

2151 Words
Part 2 **** "Ikaw ang pangalawa na bumuhay sa obssession niya." wika ni Clovis. "Paano?" tanong ni Julie dito. "Ang ex n'yang si Sophie ay naranasan na rin ito. Mas lalo ng nalaman ni Lynch na nakikipag talik si Sophie sa manager nito sa modeling sa Paris.---" pinatigil ko na ito sa pag sasalita. "Okay na alam ko na kasunod niyan. Tama na!" awat ko dito na kina tawa ng dalawang babae. "Hahaha okay! Maraming salamat sa hapunan, kailangan ko na rin umalis duty ako ngayon." paalam nito. "Sige salamat Clovis dito! Ingat!" paalala ng dalawa sa lalaking ito. "Ingat." malamig kong paalala nginitian ako nito at umalis na rin agad ito. "Ako na lang mag hugas mag pahinga na kayo." wika ni Kyle. Tumayo ako ng hindi nag sasalita. Nasa isip ko parin ang sinabi ni Clovis na sweet scent? Parang narinig ko na sinabi ni Boss Schneizel ang bagay na yun hindi ko lang maalala. Pumasok ako sa kwarto ko at naupo ako, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. Nakita ko na ang daming missed calls at text message. From Mr Schneizel; " I hate liars, wala ka naman sakit diba? Bakit kailangan mo ako pag taguan. Mag kita tayo sa opisina ko kung ayaw mo kasuhan kita ng paglabag sa kontrata." Basa ko dito. Umiling ako at kinuha ko ang injector pin ng cellphone ko at inalis ko ang sim card ko. Nag sinde ako ng kandila sinunog ko ang sim ko para hindi nila magawang ilocate ito para mahanap kung nasaan ako at mabura ng tuluyan ang record. Matapos nahiga na ako at nag kumot upang matulog. **** Hindi mapigilan ni Lynch ang galit ng wala siyang makuhang sagot sa dalaga na kinababaliwan nito. Kahit anong sabihin sa kanya ng tao na baka nag nakaw ito kaya umalis. Ngunit hindi naman totoo dahil wala silang nakitang nawawala sa opisina. Ang gamit nito ay iniwan na lang din. Wala naman personal na gamit na naiwan sa opisina ang dalaga. "Mr Schneizel handa na po ang board meeting." wika ni Abby ang dating f*ck buddy ng binata. Ito muna ang tumatayong secretary nito ngayon. "Sige mauna kana," malamig na utos nito. Nang umalis ang secretary nito ay ang pasok naman ni Trevor. "Trev? May kailangan ka pwede mamaya may meeting ako." wika ng binata sa kaibigan nito. "May kailangan ka malaman sa kanya. I mean kay Eunice," nahihimigan na pag ka seryoso nitong sabi sa kaibigan. "Huh? Ano?" tanong nito. Inabot naman sa kanya ni Trevor ang folder na nag lalaman ng information ng dalaga. "Information niya yan. The real one." wika nito. Dali dali itong binuksan ng binata at tumambad sa kanya ang malaking logo kung saan ito nag aral ng abugasya. "She's the top 1 lawyer here in the country. Ang pinaka matalino sa lahat ng Attorney ng bansang ito. Sa 100 cases na hinawakan nito tatlo lang dito ang talo niya dahil sadyang pinatalo niya." wika ng binata. Hindi naka ramdam ng galit ang binatang si Lynch kundi pagka mangha. "Eto ang mas malala, siya ang kapatid ni Lizzy ang dati mong sekretarya," wika ulit ng binata. "I wonder pumasok siya dito para maka kuha ng evidence para sa kapatid niya," may halo ng ines ang pag kakasabi nito. Nakita niyang ngumiti si Lynch bago ito mag salita. "Lahat ng ate gagawin ang ginawa niya mas lalo kung mahal niya ito. Wala akong nakikita doon na masama Trevor. Hindi dahil obsessed ako sa kanya o ano, ate siya Trevor siya na lang mag isa ngayon. Not revenge ang hanap kundi hustisya." paliwanag nito sa kaibigan. Nagulat si Trevor sa sagot ng kaibigan nito. Hindi siya maka paniwala na ito ang maaaring dahilan bakit pumasok ang babaeng iyon sa kumpanya. Kahit siya ito ang iniisip sinubukan lang niya ang kaibigan kung mag aapoy ba sa galit ito. Pero mali siya, "Hahanapin ko parin siya," wika ng binata. "Kahit maari ka niyang pag bintangan na ikaw ang p*matay?" tanong ni Trevor. Umiling si Lynch "Wala akong kinalaman sa nangyari na yun, Trev. " sagot nito. Matapos ang usapan ng mag kaibigan nag tungo naman si Lynch sa meeting at ng lumipas ang halos apat na oras. Napag desisyunan ni Lynch na sabihin ito sa magulang niya baka sakali matulungan siya nito. Kahit alam niya na ang dalaga din ang may pakana kaya sila noon nalubog sa utang dahil sa sunod sunod na pagka luge. "So ibig sabihin itong babaeng ito ay isang tanyag na Abugada? Dapat dito pinakulong at alisan ng lisensya," walang emosyon na wika ng ama. "No dad, nawalan sya ng pamilya dahil sa nangyari kaya kailangan niya mahanap ang hustisya para nakaka bata niyang kapatid at magulang. Kung sa akin nangyari yun ganun din ang gagawin ko," paliwanag ng anak sa ama. "Tama siya David, isa lang din tao si Eunice. Kung ano man ang ginawa niya sa kumpanya yun ay dahil isa siyang abugado. Ano ba ginagawa ng isang abugado? Diba ang tatanggol? Sa kaso noon, may malinaw tayong nilabag miski ang anak natin." pagsang-ayon ng ina sa kanyang anak. "Okay, panalo kayong mag ina. Gagawa ako ng paraan para mahanap siya, hindi niya kailangan mag tago kung tutuusin pero dahil sa ginagawa niya lalo siyang maiipit sa gitna." paliwanag ni Mr Schneizel. Ngumiti ang ina ni Lynch na si Grace. Matapos ang usapan ng pamilya gagawa ng paraan si Lynch para makausap ang dating secretary o ang abugado na yun. Tutulong siya kung may maitutulong siya. **** "Eunice kailangan mo makita ito!" mabilis akong hinila ni Julie palabas ng kwarto kinaumagahan. "Ano ba yun? Inaantok pa yung tao eh.." maktol ko. Hanggang makarating kami ng sala Narinig ko ang bukas na TV mukhang balita sa umaga ang pinapanood. "Hindi ko na alam ano pang iisipin, sino ba talaga ang may sala?" tanong ni Kyline. Kaya naman para akong nagising sa narinig ko ng makita ko ang TV doon ko nakita ang mukha ng nahuli daw ng mga police. Tungkol sa sunod sunod pagkamatay ng babae simula ng 2018. Nag ka tinginan kami bago ako nag salita. "Kilala ako ng tao na ito. Alam niya ang iniisip ko." mahina kong sabi. Napa lingon sila sa'kin at tiningnan ako ng hindi makapaniwala ng mga ito. "Paano at sino?" tanong nila sa'kin ng sabay. "Maniniwala ba kayo kung sabihin kong si Lawrence?" tanong ko sa dalawa at tiningnan ko sila. Napa singhap naman ang dalawang ito. Bago ako muling nag salita. "Pansin ko sa mga kwento niya, sa bawat kwento niya may pag iingat ito siguro dahil mga abugado ang kaharap niya. Pero kung ano man ang motibo niya ay hindi ko alam.." kwento ko sa mga ito. "Pambihira bakit hindi ko nahalata yon?!" tanong ni Julie. "Nakita niyo ayaw niyo lang maniwala. Ngayon kailangan natin ilihis ang information at gagawin natin. Panigurado alam na niya ang sunod kong gagawin," nilagay ko ang dalawang kamay ko sa sikmura ko upang ipag cross arms ito. "Lalabas na ako bilang abugado wala na akong pakialam. Ako ang hahawak sa kaso na yan." sabi ko. " No, tandaan mo andyan pa ang boss mo!" paalala ni Julie. "Hindi naman ako pwede mag tago. Kung ano man ikaso niya sakin haharapin ko, ano pa at naging abugado ako?" tanong ko naman sa kanila. "Hindi, wag ka mag pa dalos dalos malay mo pakana din ito ng amo mo mapa labas ka lang!" tutol din ni Kyline. "Sige kung ayaw niyo talaga paano tayo hahanap ng ebidensya? Kung lahat tayo nandito sa bahay?" tanong ko sa dalawa. Nakita ko naman paano hinilot ni Julie ang ulo niya. "Kaya ko. Wag kayo mag alala sa'kin, sanay na ako sa ganito simula ng naging abugado ako. Ang kalahati ng buhay ko ay nasa ilalim na ng hukay." paliwanag ko sa kanila. Katahimikan ang namutawi sa paligid matapos kong sabihin ang bagay na yun. **** Nang dumaan ang gabi nag tungo ako sa bahay ni Lawrence. Sinubukan ko muna mag masid kung may CCTV sa labas na alam mo mamang meron talaga. Nakita ko na may palabas sa gate ng bahay itim na SUV bumaba ang driver nito. Hindi ito si Lawrence kundi ibang tao, Hindi ako pwede agad agad mang bintang na siya ang may pakana ng lahat dahil wala akong motibo na nakikita. Ngunit ng tulad ng sabi ko kanina posible na siya talaga. Naramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko mabuti at naka connect ito sa Bluetooth Airpad ko at agad kong sinagot. "May panibago akong nakuhang Information about sa Lawrence na yun. Dati itong nanligaw sa nakaka bata mong kapatid ngunit ayaw ng kapatid mo dahil na din, hindi pa ito handa..." wika nito. "Pinapalabas mo ba na maaaring dahil sa rejection ay ginawa niya sa kapatid ko? Masyado siyang mababaw." sagot ko. "Pero abugado ka alam mo na pwede ito na maging reason." sagot ni Clovis "Oo pero hangga't walang ebidensya puro circumstances evidence lang walang mag papatunay niyan. " sagot ko. Naupo ako sa damuhan nakita kong palabas ang lalaki at si Lawrence. Walang kahina-hinala sa kilos nila. "Isa pa, baka ito magka laman na. Si Aira at Abigail Sanchez ay may inggit sa kapatid mo, dahil ito lang ang nakaka lapit sa boss mo ng hindi nababastos. Kahit isang beses hindi nagawang ikama ng amo mo ang kapatid mo samantalang sila tinatakot at pinag sasa-mantalahan," wika nito. Umiling ako kahit hindi nito nakikita. "Alam ko kung nag sasabi ng totoo ang tao o hindi Clovis. Ang nangyari between the of them, ay hindi pilit kundi ginusto at gusto nilang maging babae ni Mr Schneizel nakikita ko yun sa ilang araw ko sa opisina." sagot ko "The desire and l*st nakikita ko sa mga mata nila. Yung Tipo na sasabihin ng tao na gusto ko pa ulit mangyari hanggang sa mag sawa siya? O nag iisip na sana balang araw mahalin? The every woman desire mas lalo kung salat ka sa pagmamahal at nakikita mo yun sa taong nagpapaligaya sa'yo sa kama. Alam kong alam mo yan," mahabang paliwanag ko. "Okay hindi ako mananalo sa'yo." pag suko nito at nakita ko ang pag alis ng SUV na yun hanggang nag salita ulit si Clovis. "May nakikita ka ba ulit?" tanong nito. "Walang kahina-hinala sa taong ito pero may kutob ako na meron gusto ko pasukin ang bahay, pero marami din bantay." wika ko. Narinig kong natawa ito kaya nag tanong ako. "Anong nakaka tawa?" tanong ko dito. Umalis na ako sa pinag tataguan ko. "Para sa isang designer at hindi naman ganun ka sikat? Kailangan talaga maraming bantay?" tanong nito sa'kin. Bigla akong napa tigil at inisip ang sinabi ni Clovis. Tama siya napa lingon ako sa bahay ni Lawrence. Nakita ko kung gaano kadami ang bantay nito, sa pag kaka alala ko wala naman ito ng mag punta kami dito kahapon. "Babalitaan kita sa oras na may nakuha ako agad ay umalis kana d'yan." paalam nito. "Thanks!" pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag nito. Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na umalis sa lugar na yun. Kinuha ko ang hoodie jacket ko ng mapa daan ako sa isang 7/11. Bumaba ako at inilagay ang hood sa ulo ko. Nag suot din ako ng face mask. Pumasok ako at inalis ang hood sa ulo ko. Kumuha ako ng cart at nag tungo agad ako sa mga drinks at mga chips. Habang kumukuha ako ng marami narinig ko ang mga usapan sa paligid. "Totoo kaya yung gwapong CEO papatay? Para saan naman?" tanong ng babae. Kumuha ako ng gatas dahil favorite ko ito habang nag ta-trabaho. "Hindi ko alam din eh. Ang narinig ko nga gusto nila mag defense dito ay si Attorney. Elizalde, Eunice Collins. Yung sikat na Attorney ng pilipinas?" wika ng babae. Nang lumingon ako sa gawi ng babae nakita ko ang ID lace nila pareho ito sa mga empleyado ng kumpanya ni Mr Schneizel. Bakit naman nila kailangan ng tulong ko kung pwede naman sila kumuha ng mga Abugado na meron naman ang pilipinas nito. Hindi lang naman ako ang abugado ng bansa. "Kung tungkol parin ito sa pagkamatay ni Lizzy? Alam natin na wala naman kinalaman si Boss doon dahil nung nangyari yun nasa business trip si boss sa ibang bansa diba? Tapos napa uwi siya agad dahil doon." mahabang wika ng babae. Agad akong napa lingon sa kanila. "Totoo ba ang sinabi niyo? Nasa business trip siya noon?" tanong ko sa kanila? "I-I'm sorry narinig ko kasi pasensya na." pag hingi ko ng paumanhin mabilis kong binayaran ang lahat ng binili ko. At mabilis na umalis. Isa na lang kailangan ko siya maka usap. Kung wala siyang kinalaman sa kapatid ko, kailangan sa kanya dapat mang galing haharap ako bilang kapatid hindi bilang abogado. Gusto ko matapos na ito, gusto ko makuha ang hustisya para sa kapatid ko. Hindi ako pwede manahimik habang nag hihintay ng kailangan kong information.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD