Chapter 13: Information

2215 Words
**** "What? Kailan siya nag paalam at nag re-sign?" tanong ko kay Mrs. Pascual. Tumawag ako dito kung pumasok na si Eunice sabi nito nag resign ito at alam ko daw ito. "My son why?" tanong ni mommy sa'kin. "Eh boss alam niyo daw kaya inapbruhan ko at sabi she have a cancer. May copy na rin po siya ng approval ko," sagot nito. Napa hilot naman ako sa sentido ko at saka ako nag paalam. "Parating na ako d'yan in 2 hours." mahinahon kong sagot at binaba na ang tawag ko. "Nag re-sign na si Eunice as my secretary." sagot ko may mom. "Why? Did you hurt her?" tanong ni daddy. "No, but i kissed her." sagot ko. Napa singhap si mom ng hangin bago ito mag salita. "You like her already? Well, i know she's beautiful and smart pero ganun ka bilis?" hindi makapaniwala nitong tanong. "I don't know. But I don't want to her leave kung pwede lang na ikulong ko na siya sa bahay ko gagawin ko!" sagot ko. Natawa naman si daddy at umiling na lang. "Like father, like son. Don't worry i see what can i do para mapabalik siya o mahanap ulit siya." sagot ni dad. My dad is literally obsessed with my mom. Nakuha nitong buntisin agad si mom ng hindi makawala pa sa kanya, and he succeded. "Thanks that. But leave it to me.." sagot ko at ngumiti ako. Tinapik ako sa balikat ni dad at nag salita. "I know, you can do it." wika nito. Lahat ng gamit namin nilagay na sa loob ng van hanggang mag paalam na kami sa lahat staff at umalis na. **** MAKA LIPAS ang mahigit dalawang oras nakarating na ako sa opisina at agad kong kinuha ang copy ng resignation letter na pinasa ni Eunice. She have a cancer? Oh this is her alibi para umalis sa puder ko? Napa hilot naman ako sa ulo ko. "Check mo ang pera baka may kinuha at umalis bigla." utos ni Trevor. Muli itong nag salita. "Sabi ko naman kasi sayo mag pa imbestiga kana. May kilala akong private investigator." wika niyo. "Mrs Pascual? May nawawala bang pera?" tanong ko. "Sir wala po eh. Malinaw po na umalis na lang siya dahil gusto niya?" tanong ni Mrs Pascual. Napa iling na lang ako at binalingan si Trevor. "Maaring na ho ninyo muna kami iwan." utos ko at umalis na lang sila. "So, tawagan ko na ba?" tanong nito sa'kin. **** "Maniwala man kayo o hindi walang kinalaman si Mr Schneizel sa nangyari kay Lizzy. Pero malakas ang kutob ko na si Abby ang may gawa," sagot ni Lawrence sa tanong ko. Tinanong ko siya about kung may alam ba siya sa nangyari sa kapatid ko. Ngunit duda parin ako. "Paano mo nasabi yan?" tanong ni Julie dito. "Nung araw na natagpuan si Lizzy sa banyo bago yun. Nag aaway si Lizzy at Abby nakita ko sila matapos nag banta si Abby kay Lizzy." sagot nito. Duda ako sa kwento ng isang ito. "Maraming salamat. Pero kailangan na namin umalis dito bago pa nila kami mahanap." sagot ko. "Mag iingat kayo dahil hindi kayo titigilan ni boss. Pero ito na lang pa Imbestigahan niyo sila Abby, Samuel at Aira!" paalala nito. "Okay maraming salamat!" ngumiti ako at kinuha na ang bag ko. Palabas na sana kami ng mapansin kong mag gagabi na. Nilingon ko ang mga kasama ko at natawa na lang "Huwag tayo mag hotel baka kasi doon ka una hanapin ng amo mong baliw." sabi nito. Tumango ako at tahimik na sumakay sa kotse ni Julie, kumaway muna kaming tatlo kay Lawrence at umalis na. "Duda ako sa lalaking yun. Kayo din ba?" tanong ni Kyle. Tumango ako at hindi umimik. Masyado itong detalyado mag kwento nung mag umpisa akong mag tanong dito. Parang planado ang bawat sagot nito. "Parang gusto niya iligaw ang isip natin sa isang bagay." wika ni Julie. "Exactly!" pag sang-ayon ni Kyline dito. "Mag imbestiga parin tayo. Dahil panigurado pinag hahanap na rin ako ni Boss o worst inaalam na niya kung sino ako." sagot ko. "Hindi malabo bigla ka ba naman umalis eh," naiiling na wika ni Julie. Nang tumigil ang sasakyan namin napa lingon ako sa isang apartment na tingin ko ay may kalumaan na. "Seriously? From rich to poor again? Kaya nga ako nag abugado?" hindi maka paniwalang tanong ni Kyline. Natawa naman kami pareho ni Julie at bumaba na lang. "Tara na saka kana umiyak kapag natapos na natin ang trabaho. Saka sabi ko naman kaya ko diba?" tanong ko at bumaba na ako. Simula ng mag resign ako hindi ko pa binubuksan ang cellphone ko. "Eto naman hindi mabiro! Ayoko nga multuhin ng napaka ganda mong little sister ano? " sagot ni Kyline. Alam ko kung gaano nila kamahal si Lizzy at ganun din si Lizzy sa kanila. Pakiramdam kasi ni Lizzy marami siyang kapatid kaya para sa kanya ang mga kaibigan ko at ate na rin niya. Nagising ako sa pag iisip ng banggain ako ni Julie. "Uy, gising na. Lizzy really loves you kapag nakita ka niyang malungkot, malulungkot din siya. Alam mo naman yun nauna pang umiyak kapag umiyak ang ate." naka ngiting wika nito. Natawa naman ako. Totoo yun kapag umiiyak ako mas malakas pa ang iyak nito kesa sa'kin. "I really miss them." tuluyan ng pumatak ang luha ko. Agad naman binitawan ni Julie ang bag niya at niyakap ako ng mahigpit. "Sshh, they really miss you too." bulong nito. Kahit gusto ko maramdaman ulit ang yakap nila at matamis na halik ng kapatid ko. Hindi na yun mangyayari. Kasi wala na sila, ang kapatid ko na bawat pag uwi ko galing sa mahabang trabaho. Sasalubong ng matamis na halik sa pisngi ko. Mag ku-kwento habang nag lalakad ako paakyat kasama ito. She always do that, ang mag kwento kahit antok na antok na ito mag ku-kwento parin ito. Kapag may sakit ito ako nag aalaga sa kanya kasi ako ang hinahanap hindi si mommy or daddy. Ako talaga halos lahat. "Pumasok na tayo." aya ni Kyline. Kinuha ko ang gamit ko at isa isa kaming pumasok. Nakuha na ito ni Julie para hindi maisip ni Mr Schneizel na dito kami posible tumira. "Daig pa natin fugitive nito. Hahaha nag tatago, kulang na lang mag palit ng pagkatao!" biro ni Kyle Natawa naman ako sa kalokohan nito. Agad naman nag tungo si Julie sa kitchen upang mag luto. Meron na daw kasi siyang nabiling grocery kaya mag luluto na lang. Habang nag luluto si Julie ako naman ay nag patuloy sa pag hahanap ng information ng may matanggap ako na email. Nang binuksan ko ito at video message ito ng amo ko. "Kapag hindi ka pa nag pakita sisiguraduhin kong liliit ang mundo mo---" agad kong pinatay at binura ito. Mabilis kong dinelete pati ang email na gamit ko bago ako pumasok sa kumpanya. Nag palit ako agad ibang pangalan para hindi niya ako mahanap o ano pa man. "3 woman reportedly missing after to went the clubs a Heaven's Club?" patanong na wika ni Kyline. "Heaven? Ito yung Club kung saan tayo nag tungo diba?" tanong ni Julie. May hawak pa itong sandok ng tingin ko ay pang kanin. "Oo yun nga. Pero yung mga babae," wika ni Kyline at pinakita sa'kin. Napa singhap ako ng makilala ko ang mga ito. "Sila yung ka make out ng boss mo!---" "Sssh lower your voice b*tch!" tinakpan ko ang bibig nito. Agad naman nitong tinapik kamay ko. "Paano? Sila talaga ang pumapatay ganun???" bulong na tanong ni Kyline. "No, tingin ko hindi. Kasi nung pumasok ako walang hang over si Mr Schneizel, kaya imposible na sila." pag tatanggol ko. Tingin ko kay boss hindi niya ito gagawin. "Pero pwede nila yun gawin ano ka ba!?" hampas sa'kin ni Julie. "How? After namin sila nakunan ng video ng gabing yun. Wala pang limang sigundo sumunod sa'min yung tatlo. I saw them! At base sa balita may tatlong araw na itong p*tay!" sagot ko. "Then? "sabay nilang tanong. "Gaga kayo nangyari ang pag punta natin doon. 4 days ago, ibig sabihin may ibang gumagawa nito at tinuturo lang si Mr Schneizel." sagot ko. Nagka tinginan ang dalawa sabay na tumango. "May point ka, kaya bagay nga sayo humawak ng m*murder case. But anyway, kailangan parin natin makita na talagang isa itong klase ng pag p*tay ng isang baliw na psycho." wika ni Julie. "Kumain na muna tayo bago tayo mag isip tungkol sa kaso na yan. Nakaka gutom pag ako naines mag luto ako ng dinuguan bukas!" aya ni Julie. Natawa na ako at tumango na. Sinara ko ang laptop ko at tumayo na ako ganun din si Kyline. Tulong tulong kaming nag handa ng pagkain para sa aming tatlo. Habang kumakain kami binuksan ni Kyline ang TV tumambad sakin ang nangyari sa tatlong babae na naka make out nila Trevor, Val at Mr Lynch. Kapwa may sakal ito katulad kay Lizzy ng lubid, ngunit halata din na may kamay. Tama si Clovis isa itong kaso ng sadyang pag patay sa mga biktima. Hindi ko alam sino pwede gumawa dito. Pareho kami nagulat ng may kumatok sa pinto. "May inaasahan ba kayong bisita o may nakaka alam ba na dito tayo tumutuloy ngayon?" tanong ko sa dalawa. "Wala, maliban sa may ari?" patanong na sagot ni Julie. "Girls, ako ito si Clovis may ibibigay ako sainyo!" halos gusto nito sumigaw pero mas minabuti na lang nito ang bumulong. "Si Clovis pala buksan mo Julie!" utos ni Kyline kay Julie. Padamog naman tumayo si Julie at nag tungo sa pinto. Habang ako ay kumakain naman ng tahimik hanggang maka pasok ang bisita namin. "Pakain naman ako, sarap naman ng ulam niyo!" wika ni Clovis. Clovis isa itong police nasa Investigation Team ito. "Maupo ka ipag hahain kita." malanding wika ni Kyline dito na nag pairap sa'kin. Noon pa man mas lalo sa mga m*rder case na hawak ko o namin. Kasama namin ang isang ito, crush na crush na nila ito noon pa. Hindi naman din kasi maipagkakaila na gwapo si Clovis. Maputi, matangkad, magaganda ang mata meron itong pointed nose makipot na labi na sinamahan pa ng may kapulahan ito. Ang gupit ng buhok nito ang lalo nag dala ng kagwapuhan niya. "Tahimik si Eunice ha? May problema attorney?" tanong nito. "Honestly? Hindi ko alam paano ulit mag sisimula at paano pa kukuha ng information sa nangyari sa kapatid ko." pag tatapat ko. Nag ka tingin sila bago nag salita si Clovis at kinuha nito ang folder na puti. "Baka ito maka tulong, lahat ng information na kailangan niyo kinuha ko na alam ko mangyayari ang araw na ito," wika nito. Mabilis kong kinuha ito at agad binuksan. Nasa bibig ko pa ang kutsara na gamit ko. Nakita ko agad ang mukha ng amo ko dito, "Base sa information walang kahit anong criminal record si Lynch. Pero talagang mahilig ito sa babae because of his ex girlfriend Sophie Anderson. Kaya ito naging ganito kahit pa ang dalawang kaibigan ng Lynch na yan." paliwanag ni Clovis. "Ang nakaka pang hinala sa mga yan. Ang mag kakaibigan na Samuel, Aira at Abigail. " sunod nitong sabi. Agad kong binasa ang information ng mga ito. "What? Dating naging s*x slave ng boss mo si Abby? So, totoo nga na may namagitan sa dalawa?" tanong ni Julie. "Hindi lang siya pati ang kapatid nitong si Aira ganun din. And according sa information minsan threesome pa ang ginagawa nila." kwento ni Clovis. Napa ngiwi ako sa narinig ko, ibang klase talaga estamina ng amo ko pag dating sa pag gawa ng bata! Napa iling na lang ako. "And.. Eunice," tawag sa'kin ni Clovis. Wala ng kahit anong info tungkol sa mga kaibigan ni Boss. Nang balikan ko ang unang pahina. Doon ko nabasa ang kinakaba ko. "May sakit siyang obssession? Sakit ba ito?" hindi makapaniwala kong tanong. "Yan ang isa sa dahilan bakit ko sila sinabihan na paalisin kana doon. Dahil ikaw ang next target niya. Mas lalo kapag nalaman niya kung sino ka at nag sinungaling ka," seryosong wika ni Clovis. "Nakuha mo ulit buksan ang obssession niya. Kung nabanggit niya sayo ang sweet scent mo panigurado ako 'yun ang dahilan bakit ka niya tinanggap sa trabaho." wika ni Clovis. "Kailangan niyo lagi samahan si Eunice kahit saan ito mag punta. Tandaan niyo mayaman ang lalaking yan. Kayang kaya niya kayong hanapin kung gugustuhin lang niya." nahihimigan ng pagka otoridad ang boses nito "Oo kami bahala sa kanya. Hindi namin s'ya hahayaan na mag isa lagi." wika ni Julie. "Pareho sila ng tatay niya na may ganitong condition?" tanong ni Kyle. Agad ko naman hinanap ang binabasa ni Kyline. Totoo nga ang sinabi ni Trevor? At imbes na ipagamot nila ay hinayaan na lang nila? "Wala tayong matibay na ebidensya na siya ang pumapat*y pero malakas ang kutob ko na hindi siya. Ginagamit ang katauhan niya o siya ang tinuturo ng suspect para lang malihis sa iba ang ginawa niya." wika ni Clovis. Tama siya, ginagawa ito para sa ibang mabato ang sisi. Pero sisiguraduhin kong ako mismo ang mag dadala sa kanya sa kulungan at ako mismo ang hahawak sa kaso ng kapatid ko. Kahit pa mawalan ako ng lisensya bilang abugado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD