Chapter 16: Clue #1 Perfume

2277 Words
**** Dumeretso ako sa bahay ko at pumasok doon. Nakita ko agad si manang Lala. Ngumiti ako at ginulat ito habang nag didilig. "Nana!" gulat ko dito. "Hay puk* ni Lala!" gulat nitong sambit na kina tawa ko ng malakas. Naramdaman ko ang pag hampas nito sa braso ko na hindi naman kalakasan. "Ikaw talagang bata ka. Oh ano gusto mo kaninin mamaya?" tanong ni Nanay. Ngumiti ako at tumigil sa pag tawa. "Pwede po ba nay adobong baboy na walang sabaw na medyo matamis?" tanong ko dito. "Okay yun lang pala, sige sige ako bahala!" sagot nito. Ngumiti na ako at nag paalam na papanik sa taas para makapag palit. Matagal na si manang sa'min. Nung namatay sila mom, dahil ayaw niya ako iwan mag isa pinilit niyang sumama sa'kin hanggang sa sarili kong bahay. Ang bahay namin ayoko ibenta kasi ito na lang ala ala na meron ako kina Mommy, daddy at Lizzy. Naligo muna ako upang banlawan ang bagong gupit kong buhok. Matapos nag suot lang ako ng komportable na damit ko. Nang sumapit ang hapon sinabi ko kay nanay na ako na lang ang magdidilig ng mga halaman. Habang nagdidilig may narinig akong mga sasakyan, kaya agad kong sinilip kung sino ang mga ito. "Aga? Atat ata mga ito," bulong ko nang mamukhaan ko ang sasakyan. Dali dali kong binuksan ang gate. Dahil sila Mr Schneizel, Thompson at Val ito. Hawak ko pa rin ang hose para sa pagdidilig. Hinayaan ko lang sila makapasok ng lumabas si nanay mula sa gilid ng bahay ko. "Sila ba ay bisita mo Eunice?" tanong ni nanay sa'kin. "Yes nay, baka dito sila mag dinner." sagot ko. Tumango ito at hinintay bumaba ang mga bisita ko sa mga sasakyan nito. Nang makababa sila agad silang binati ni nanay. "Magandang hapon mga Sir!" bati ni nanay. Ngumiti naman sila dito at binati din ng sabay sabay. Bumaling sila sa'kin halos sabay din, baka iisa sila ng takbo ng isip din. "Ang laki ng bahay. Sayo 'to o minana mo?" tanong ni Val sa'kin. "Ako nag patayo nito for myself." sagot ko at pinatay ko na ang hose at inilagay ito ng maayos sa sabitan nito. " Grabe iba talaga kapag abugado ka? Totoo bang halos tatlong beses ka lang natalo?" tanong ni Val ulit. "Sunod kayo sa'kin," utos ko bago ako muling sumagot. "Yup, isang daang panalo tatlong tao." sagot ko nag tungo kami sa loob ng bahay ko. Nang makarating kami sa loob, pinaupo ko sila saktong dumating si nanay dala ang meryenda muna nila. "Grabe ang laki talaga niya. Kahit ba artista kinukuha ka? " tanong ulit nito habang binabasa isa isa ang mga award ko. "Kahit mga politiko at kahit pa mga abugado din. Ginagawa lang nila akong ikalawang defense." sagot ko. Marahas silang lumingon sabay sabay sa'kin. "Paano? Pwede ba ang ganun? Like sarili mong kaso ikaw ang tatayong abugado din?" sunod sunod na tanong ni Trevor. Tumango ako at nag salita. "Oo posible ang bagay na yun. Pero kailangan may concent ng judge at may isa ka pang abugado. " sagot ko "Wow! Ang cool!" manghang wika ni Val. "Pero naka ilang D*ath Threat kana sa isang taon?" tanong ni Mr Schneizel. "Sa isang taon? Tingin ko 100 pataas, depende kasi minsan nakaka tanggap ako kapag may hawak akong kaso. Like m*rder, estaffa mas lalo kung politiko ang hawak ko. " sagot ko. "Hindi ka natatakot?" tanong ulit nito. Umiling ako, sasagot na sana ako ng sumagot si nanay. "Mana ang batang 'yan sa kanyang daddy. Tahimik pero napaka tapang." tila na hihimigan ng pagka proud ang boses ni nanay habang sinasabi ito. Ngumiti ako nang mag salita ulit ito. "At yan ang bata na mahal na mahal ang bunso niyang kapatid. Na kahit busy sa trabaho nagagawa niya itong i baby-sit kahit pa pagod ito. Saksi ako doon, kapag iiyak si Lizzy at ate ang hinahanap. Handang icancel ang appointment mapuntahan lang ang nakaka batang kapatid." mahabang kwento nito Nakita ko ang mukha nila na parang naawa na masaya na hindi ko alam anong tamang tawag dito. "You really love your sister? Kahit pa mawalan ka ng lisensya gagawin mo talaga ang lahat?" tanong ni Trevor. Huminga ako ng malalim. "Handa akong makulong para sa kapatid ko para sa hustisya niya. Nung panahon na pinap*tay siya alam ko ako ang hinahanap niya. Yun ang masakit sa'kin dahil wala ako nung panahon na mas kailangan niya ako." nag baba ako ng tingin. Ngunit bigo ako ng maitago ang pumatak ang luha ko. "Kaya kahit makulong ako gagawin ko. Handa akong sumuko ng kusa basta makulong ang dapat makulong." muling sabi ko. Nang walang umimik biglang nag tawag si nanay. "Kumain na muna kayo mamaya na kayo mag usap sa importanteng bagay!" wika ni nanay. Nang tingnan ko ang oras sa pader. Nakita kong halos tatlumpong minuto na lang ay alas siyete na ng gabi. Dumating kasi sila ay halos mag aalas sais na at ganung oras kami nag didilig ng halaman. Mamatay kasi ang halaman kung didilagan agad ng nasa 3 pm or 4 pm. "Kumain na muna kayo dito," nakangiti kong aya sa kanila at tumayo. "Ayun! Tamang tama gutom na ako. Pwede din ba kami matulog dito?" tanong ni Val. Napa ngiti ako at tumango. "Oo naman. Kami lang naman dito ni nanay sila Julie at Kyline hindi sila pupunta dito.. " sagot ko. Naupo na kaming apat sa dining at nag simula ng kumain. Tulad ng nakasanayan kasabay namin ni nanay Lala kumain sa hapag. Hanggang matapos kami ay tahimik lang kami. **** NANG matapos kami agad ko silang sinabihan na sumunod sa'kin. Nag tungo kami sa ikalawang palapag ng bahay ko. "Mas malaki pa pala dito sa taas. Talong talo ang bahay niyo Lynch!" natatawang wika ni Val kay Mr. Schneizel. "Saan tayo pala pupunta?" tanong ni Trevor. Tumapat ito sa gilid ko habang nag lalakad. "Sa opisina ko doon tayo mag uusap.." sagot ko. Nang matapat ako sa pinto binuksan ko ang dalawang double sided door nito ng sabay. "Nung bata pa si Lizzy madalas siya dito nag aaral kasi tahimik naman dito. Dito na ang opisina ko kahit noong nag aaral pa lang ako ng high school. Noon maliit pa lang ito," kwento ko. Nakita ko paano sila na amazed sa buong paligid ng opisina ko. Lahat ng books ay may pangalan lahat ng shelf meron ng pangalan o anong klaseng libro ang mga nakalagay dito. Ang mga Law book ko sadyang nilagay ko sa likod ng study table ko at office table ko. Para madali ko ito makuha kapag mas gusto akong araling Law na may kinalaman sa hawak kong case. **** TREVOR MURPHY Hindi ko akalain na ang nag panggap lang na sekretarya ng kaibigan ko ay hindi ko inaakalang mayaman din pala. But those hurt story about her little sister? The pain she was now? Hindi mapapalitan ng kahit anong bagay iyon Tama si Lynch, mahal nito ang kapatid kaya nagawa nitong mag panggap. I was blind dahil sa pag papanggap niya. "Para saan at dinala mo kami dito?" tanong ni Lynch kay Eunice. "Oh? Okay simulan na natin.." wika nito at inaya kami umupo may kinuha itong brown envelope at naupo ito sa harapan naming tatlo. Nakita kong huminga ito ng malalim bago mag salita. "Kaya ko kayo pilit pinapunta dito para na rin balaan sa mga nangyayari sa mga pinag gagawa ninyo." panimula nito. **** EUNICE ELIZALDE "Huh?" takang tanong ni Val "Hindi ko alam pero may hinala ako na may isa sa kumpanya mo Mr Schneizel ang pumapatay maaari din na hindi lang ito nag iisa." wika ko. Nag ka tinginan naman sila kaya pinakita ko ang litrato ng kapatid ko ng nasa morgue na ito. "Tingnan niyo anong nakikita niyo?" tanong ko sa kanila. "Your sisters d*ad body?" tanong ni Val napa tampal naman ako sa noo ko. Bigla ulit ito nag salita. "Totoo naman ah?!" tanong nito. "Tingnan niyo ang leeg niya." utos ko. "And then?" salubong ang kilay ni Lynch ng tanungin ako nito. Agad kong nilabas ang autopsy ng kapatid ko. "Ang sabi sa cause of d*ath ng kapatid ko. Namatay ito sa sakal, ngunit nakita itong naka hang o naka bigti sa kisame diba?" tanong ko "Oo anong connect sa'min?" tanong naman ni Trevor. "Hindi niyo parin ba naiintindihan?" irita kong tanong dito. Ang hihina nila pumick-up! "Hindi talaga!" sigaw na Val sa'kin. "Fine! Ibig sabihin sadyang pinatay ang kapatid ko. Pinalabas itong nag Suicide para iyon ang lumabas sa resulta ng imbestigasyon! Naiintindihan niyo na ba?" nailabas ko na ang pagiging iritado kong tao. Agad nilang dinampot ang litrato at ang mga dokumento. Nalaglag ang mga panga ng tatlong ito na narealize na nila ang sinabi ko. "Ibig sabihin may k*ller sa kumpanya? Kung ganun sino?" tanong naman ni Mr Schneizel. "Ito ang tanong ko. Lahat ba ng babae sa kumpanya ninyo ay walang awa niyo ng kinama?" deretso kong tanong bago sabihin ang pinaka dahilan bakit sila andito. "To be honest? Yes maliban kay Lizzy! " sigaw ni Trevor. "No worries Intact pa ang V ng kapatid ko dahil ako ang nag utos na tingnan ito noon. Ngunit walang nakitang kahit ano." sagot ko. Tumayo ako at nag lakad patungo sa table ko at nag salita habang naka talikod sa kanila. "Ngayon, ang nangyayari sa paligid at may kinalaman sa inyo. I think you're didn't aware na ang tatlong babae na kinama niyo sa club ay patay na rin." wika ko. Humarap akong muli nakita ko silang namutla. Poor boys, puro lang s*x lang ang alam. "Ngayon, panigurado na matuturo sa direksyon niyo ang problema. Dahil ang s*men niyo maaring ma identify pa. Swerte niyo kung hindi. Mas lalo kung kayo ang ituro ng mga tao sa Club ng gabing yun. Kahit ako nakita ko yun." baliwala kong sagot. Nagulat ako ng tumayo silang tatlo. "Paano kami madadamay dito?" tanong sa akin ni Mr Schneizel. "Hindi kayo na nonood ng balita?" tanong ko umiling naman sila sa'kin. "Pambihira! Bukod sa pakikipag talik san pa kayo magaling?" tanong ko sa kanila. "Making a baby?" tanong ni Val. "Alam mo saan? Sa pagiging walang pakialam sa mundo!" sagot ko. Binuksan ko ang tv sa gilid ko. Nakita ko ang pag laki ng mata nila dahil nakilala nila ang katawan ng mga babae. Ang pinag tataka ko ay may sumuko. "Pero may sumuko na bakit pa kami pag babalingan?" tanong ni Trevor. "Baka nakaka limutan mo na isa akong abugado. Mostly m*rder case ang hawak ko limang pursyento sa na hawakan kong kaso ay puro lang magagaan? " tanong ko dito. "Sabi niya sa public interview nir*pe niya at ginapos ang mga babae at apat na araw niya itong ginawa. But base sa report ng mga police, since that night sa Club, yun na ang huling beses na nakita silang buhay doon. At apat na araw na itong nawawala. " paliwanag ko. "Ibig sabihin. Sa apat na araw na yun ay pihihirapan na sila? Then, another 4 days para sabihin ng mga police na apat na araw na silang patay?" tanong ko. "Huh? 8 days para masabing apat na raw na silang patay pero natagpuan ang bangkay ng tatlo sa ika limang araw? Paanong nangyari? Impossible ang apat o limang araw na sinabi niya na pinatay niya ito. Mahabang period of time." takang tanong ni Mr Schneizel. Ngumisi ako at nag salita. "Ibig sabihin patay na sila nung gabi pa lang sa Club matapos ang kasiyahan. Matapos na may mangyari sainyong lahat, sa ganung paraan tinago niya ang bangkay, sa unang dalawang araw may decomposition na sana ngunit dahil matalino siya," putol ko. "Tinago niya ang bangkay sa loob ng lugar na hindi agad agad ito maagnas at mamaho. "wika ko at tiningnan sila. "Kaya ko sinasabi sainyo ito. Sa mga huling taong bago itong kasalukuyan. Lahat ng tinatapos niya ay puro nagiging babae niyo lang. " sabi ko ay kinuha ko ang ibang evidence. Inabot ko sa kanila. "Lahat sila may kinalaman sainyo." wika ko. "Lahat sila ay dumaan sa kama niyo. Dahil sainyo na matay sila, without your knowledge and care nawalan sila ng buhay. Ngayon the suspect alam kong nasa loob lang kumpanya niyo." wika ko Nakita kong nilabas ni Trevor ang botlle ng perfume. "Teka saan mo na bili yan?" tanong ko dito. "Ito?" tanong niya at pinakita sa'kin. "Binigay sa'kin ito ni Lawrence galing daw sa isang ka kilala." wika nito. Agad kong kinuha ito ay nag spray naamoy ko ito pareho sa binigay na Perfume sa kapatid ko bago ito pumanaw. "Bakit, may problema ba sa perfume na yan? Meron din kami niyan eh!" si Val na ang sumagot. Kinuha ko ang pareho Perfume sa drawer ko. Nanginginig ang kamay kong pinag kumpara ito at ang amoy. "Ba-bago namatay ang kapatid ko. Someone gave her this kind of perfume, sabi niya si isang kaibigan ng kaibigan niya galing.." wika ko. Napa singhap sila at ako naman ay agad hinanap ang mga evidence na nakuha ni Clovis sa gamit ng mga biktima. "This can't be.." bulong ko. Mabilis sila lumapit sa'kin at tiningnan ang lahat ng ebidensya. "Ibig sabihin kilala ni Lawrence ang pumapatay? At ang pabango ang tanging paraan nito para magawa yun?" tanong ni Mr Schneizel. "Maybe, Ito ang ginagamit niya para ma identify ang sunod na biktima.." wika ko. Narinig kong nag mura si Val. Ibig sabihin isang babae o bakla ang may kaya itong gawin. Sigurado na ako kung sino ang may gawa nito Dahil ang pabango ay nakita ko sa bag niya ng unang araw ko sa trabaho bilang secretary. Siya? Pero kailangan ko pa malaman lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD