Chapter 17: Attack Again / Hostage

2253 Words
**** Matapos ko i-paliwanag sa kanila ang lahat noong nakaraang gabi sinabihan ko silang mag hinay hinay na muna. Upang wala ng babae pang mawalan ng buhay dahil sa kalib*gan nila. Kung totoong nasa loob ng kumpanya ang may gawa nito. Isa kila Aira at Abigail ang susunod na target, kung binabasa niya ako maaaring hindi siya agad aatake. Nag lakad ako sa labas ng alas siyete ng gabi dahil may gusto akong bilhin na pagkain sa malapit na seven eleven. Pag pasok ko pansin ko na ang tahimik ng paligid sa loob. Kumuha ako ng cart na maliit at doon ko nilagay mga gusto ko. Kumuha ako ng snack na paborito ko tulad ng potato chips at drinks more on gatas. Matapos nag tungo ako sa counter upang mag bayad. Nakita ko ang panginginig ng kamay ng cashier lady. Napa iling ako dahil mukhang may naka sunod sa akin. "Magkano Miss lahat?" tanong ko. "Bali 318.50 po ma'am." sagot nito habang binabalot ang pinamili ko. Kinuha ko ang papel na resibo at ballpen na inilipag ng babae. Nilagay ko doon na tumawag agad ng police at wag papaingayin ang serena nila. Mabilisang sulat ang ginawa ko sana maintindihan nito. Nang matapos ako, hahawakan ko na sana ang plastic ng may tali ng wire na sumakal sa akin. Malalakas na tili ang lumukob sa buong paligid. Hinawakan kong ang braso ng tingin ko ay lalaki. Matangkad ito sakin 5'8 lang ako ito ay tingin ko nasa 185.42 o nasa 6'1 ang height nito. "Bwisit!" mura ko at lalo pang humigpit ang tali sa leeg ko. Wala akong nagawa kundi tapakan ang paa nito na kinaatras niya. Mabilis ko inatras pa ito lalo at paulit ulit kong dinunggol ang likod nito sa mga shelf ng pagkain na kina bagsak naman lahat. "Ang sakit!" sigaw nito. Nang makawala ako kinuha ko ang upuan sa loob na yari ang mismong pundasyon nito sa bakal. "Hindi ko alam anong kailangan mo! Pero wala akong pakialam!" wika ko at ng ihahampas ko na dumating naman ang mga pulis. Kaya wala akong nagawa kundi ibato ito sa lalaking ito. Nang akmang hahawakan ko ito nakita ko ang talim ng mata nito. Hangang kunin siya ng mga police. "Attorney. Elizalde?" takang tawag sa'kin ni PO2 sgt. Susan Ramirez. Yeah babae siya, binalingan ko siya at kinuha ang hawak ng babaeng cashier ang pinamili ko. "Paki ayos ang trabaho niyo officer pa kalat kalat ang criminal dito sa manila." wika ko at nag lakad na ako palabas. Alam mo nag marka ang leeg ko. Nag lakad na lang din ako pauwi ng bahay ko, pagdating ko nakita ko ang motor at sasakyan ni Kyline at Julie. Umiling na lang ako at pumasok na sa gate. Nilock ko muna ang gate bago tuluyan pumasok sa loob ng bahay. Pag pasok ko sa pinto nagulat pa ako na nandito din ang tatlong lalaki, muli akong lumabas upang tingnan ang harap ng bahay ko. Doon ko nakita ang isang itim na Mercedes Benz. "Sa iisang kotse sila sumakay kaya hindi ko napansin.." bulong ko at pumasok na lang. Sabay sabay silang lumingon sa gawi ko. "Oh my god! What happened to your neck?" tanong ni Kyle. Hindi ako sumagot at ang dire-diretso paakyat. Tinawag pa nila ako pero hindi ako kumibo. Tama ako kilala ko ang mga matang 'yun, nilock ko ang pinto at umupo ako at nag hanap pa ng ganung klaseng Perfume. Ngunit wala talaga akong nakita. Kung ipapain ko ang sarili ko sa kanya possible na mahuli siya. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako nakita ko silang umiinom ng alak Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng mag salita ako. "Alam niyo ba ang pagkatao ni Lawrence Smith?" tanong ko na kinatahimik at kinalingon nila sa'kin. "Wala akong alam sa kanya bukod sa isa s'yang ampon. " sagot ni Lynch. Tumango ako at nag lakad palapit sa kanila. "Saan ampunan siya? At sino ang kumupkop sa kanya?" tanong ko. "Ang alam namin mga Smith at dati silang gumagawa ng mga perfume sa bansa. Tapos na luge dahil inakusahan silang nagnanakaw ng idea. Tapos pinagmalupitan ata sila." kwento ni Val. "Smith?" tanong ni Kyle. "Yeah why? Kilala mo?" tanong ko. Nag isip muna ito at biglang nanlaki ang mata. "Teka may kinasuhan ka noon na Smith Perfume Company! Oo tama ako meron! Nag banta sila na babalikan ka nila!" tumayo pa ito habang sinasabi yun. Napa hilot ako sa sentido at umiling. Sa totoo lang wala akong pinaniniwalaan sa mga ito, hindi ko na maalala kung anong meron sa Smith na yun. "Hindi ko maalala," sagot ko tumayo na ako at nag lakad patungo sa itaas. Bago ako pumasok narinig ko ang upasan nila. "Tahimik si Attorney, Eunice mas lalo sa mga sarili niyang kaso tulad sa kapatid niya. Kaya hindi natin mapipilit na mag salita ito.." wika ni Kyline. Pumasok na ako at nilock ang pintuan ng silid ko, naupo akong muli at kinuha ang hawak kong evidence, kinuha ko din ang perfume ng kapatid ko. Nag search ako tungkol sa Smith Perfume Company. Nakita ko ito agad at nag scroll pa ako pababa hanggang mapansin ko ang logo nito Nang tingnan ko ang logo ng mabuti, ay isa itong kurba ng babae. Nang tingnan ko ang perfume nakita ko sa gitna ng pangalan ay parehong babae din ang modelo nito. May nakita ako mga article na hindi naman napatunayan. Na nagsasabi ang kinukuha nilang ingredients sa paggawa ng perfume. "Seryoso? Totoo ba ito?" tanong ko at binasa ko pa ang iba. May nakita din na bangkay dito. Base sa nabasa ko kinuha nila ang natural na scent nito at kung ano ano pa. Biglang pumasok sa isip ko kung sino ang may pakana ng ganitong pagsasagawa ng perfume. Nag search pa ako at lumabas ang... NO RESULT FOUND Napa iling na lang ako at pinatay ang laptop ko. Ngayon alam ko na posible gawin ito ng suspect na 'yun. Kinuha ko ang bottle at tiningnan ito ng maigi. "Lizzy, o naririnig niyo man ako na biktima. Bigyan niyo ako ng sign na tama itong naiisip ko. Bigyan niyo ako ng sign o ituro nyo sakin, gawin niyo ang puppet niyo pangako lalaban ako hanggang sa luhi. Ayoko na may mga ibang babae pa ang madamay sa kawalang hiyaan na ito," bulong ko. "Kahit panaginip lang o pag ihip ng hangin. Mas higit ko kayo kailangan ngayon. Gusto ko matapos ito para sa hustisya niyo!" muling wika ko. **** Kinaumagahan hindi ko na ako nag paalam sa mga kaibigan ko na aalis ako. Sadya akong nag tungo sa opisina ko bilang Attorney sa sarili kong Law Firm ang Elizalde Firm. Pag pasok ko nakita ko ang magulong opisina ko, wala din ang mga tauhan ko kinutuban na ako agad ay binuksan ang drawer ko habang tumatawag sa bahay. "Nay paki gising sila Kyline at Julie pa-puntahin sa firm madali ka!" utos ko at nilagay ko sa tainga ko ang ear phone ko. Nakita ko ang bakas ng pulang likido sa sahig at agad kong sinundan ito. Patingo ito sa likod ng law book shelves ko. Isa lang maisip ko ang tumawag ng police. Agad agad kong pinindot ang number 1 sa Dialed phone ko. Nang sumagot ay agad akong nag salita. "Elizalde Firm manila, i need the police now!" wika ko at lumabas na ako dinampot ko ang bag ko at pag labas ko. May sumalubong sa'kin na lalaki naka itim ito lahat may taas itong 6'1 ulit. "Sino ka at anong kailangan mo?" tanong ko dito. Kahit natatakot ako ay wala akong pakialam. Nang hindi ito nag salita at nag lakad ako palabas hanggang sumugod ito ng may patalim. "Utos sa akin tapusin ka! " sigaw nito. Mabilis kong sinalag ang patalim nito. Napa igik ako sa sakit ng dumampi ang talim nito sa braso ko. Wala akong choice kundi gawin ang tinuro sakin ni daddy bilang self defense ko sa mga nag tatangka sa buhay ko. "Sino ang nag utos sa yo?!" pasigaw kong tanong dito. Hindi ito sumagot at sumugod na lang kaya agad kong binuksan ang pinto ng opisina ko at nang makapasok ito ay sinara ko naman. Pilit kong nilalock ang pinto. Nang hindi ko magawa, "Bwisit!" ines na usal ko. Binitawan ko ito at mabilis akong tumakbo palabas ng opisina ko. Hanggang maka baba ako ng hagdanan. Narinig ko ang pag sirena ng sasakyan ng mga police. Hinubad ko na ang suot kong heels at bumaba ng mabilis sa hagdan. Napa tili ako ng may bumaril sa itaas ko. Nang tingnan ko yung lalaki, mabilis pa akong bumaba hanggang makarating ako sa first floor. Nakita ko ang mobile doon pati sila Julie at sila Mr Schneizel pati mga kaibigan nito. Mabilis akong tumakbo hanggang pag hawak ko sa glass door nang mag pa putok ang lalaki na kina cracked ng salamin. Nang bubuksan ko na nagulat ako ng may yumakap sa leeg ko at ang pag tutok ng malamig na b*ril. "Sabihan mo silang umalis, kundi pasasabugin ko ang bungo mo mismo sa harapan nila. " bulong ng lalaki sa tainga ko. Ang pabango naamoy ko sa kanya. "Kung sino ka man na nasa likod ng maskara na yan. Pwede mo ako kausapin ku-kung may atraso ako a-ako na la-lang.." kinakabahan kong pakiusap dito. Narinig kong tumawa ito. Kapag tumatawa ito nag tataasan ang balahibo ko sa kilabot, alam ko base sa tinding nito malaking tao ang isang ito. Pamilyar din ang height niya sa'kin. "Handa naman ako makipag usap pero gusto ko ikaw at ako. Now tell them to leave," ma otoridad nitong utos sa'kin. "O-okay. Ka-kayo! Umalis kayo please!" sigaw ko na kina nga-nga nila. Nag hands sign ako kina Julie at Kyline na kina laki ng mata ng mga ito. Sinabi ko sa kanila na sa likod sila umatake sa oras na maka labas kami ng lalaki. Pero ayaw ng mga police hanggang dumating si Clovis at iilang press. "D*mn it!" mura ng lalaki. "Lawrence?" bulong ko. Alam ko napalingon siya sa'kin. Naramdaman ko ang pag luwag ng yakap nito sa leeg ko. "Kung ano man ang kailangan mo kausapin mo ako makikinig ako. Oo abugado ako may nasagasaan na tao pero pwede ko pa itama 'yun. Ganun ka din kaya please pakawalan mo ko hahayaan kitang maka takas at makipag usap ka sa akin. " nakikiusap kong wika dito. Oo si Lawrence siya wala ng iba kilala ko ang tangkad nito ang boses nito pero hindi siya ang lalaki sa taas kanina. Paano? Nang galing siya sa likod ng mga pader. Hinala ko kanina pa sila nandito sa building. "Sa-sabihin mo sakin lahat makikinig ako. Ku-kung kailangan kong protektahan ka using the law i will do that. Please nakasalalay sa akin ang hustisya ng kapatid ko at iba pang biktima," ito ang unang beses na lumuha ako sa ibang tao mas lalo nakikita ng hindi ko kilala. "Ibaba mo ang kama----" "Huwag please! Kaya ko, lu-lumayo kayo!" sigaw na utos ko at sinenyasan ko sila na wag lumapit. "Ano ba Attorney Eunice? Baka mapa---" Lumunok muna ako at nag salita. "Leave it to me... Please," putol ko dito. "Wala akong alam sa mga pagka matay ng mga babaeng yun!" diin nitong wika. Nagulat ako ng hilahin niya ako papasok ulit. Sumenyas ako na huwag sila sumunod. "Ku-kung hindi ikaw? Sino?" tanong ko dito. Hanggang makarating kami sa information desk madilim dito sa parteng ito. Inalis niya ang suot niyang bonet at humarap sa'kin. "Ang pamilya ni Mr Schneizel ang inisiip ko. Pero hindi ako ang pumap*tay! Tulad mo nag hahanap din ako ng hustisya!" nakita kong pumatak ang luha nito. Napa lunok ako bago mag salita. "Sa ginagawa mo at ginawa mong ito. Sa'yo sesentro ang gulo, please Lawrence pakiusap umalis kana dito pumunta ka sa bahay ko doon tayo mag usap. " nag mamadali kong pakiusap. Nakita ko siyang lumuluha. I can read him, bilang abugado alam dapat namin kung kailan nag sisinungaling ang tao o hindi. Kinuha ko ang card ko at binigay sa kanya "Itatago kita. Ang importante hindi ka ma identify ng mga tao sa labas wala akong pag sasabihin tungkol sa'yo. Please mag ingat ka!" sabi ko dito. Bigla akong niyakap nito ng sobrang higpit. "Maraming salamat tutulong ako lumutas ng kaso. Pero tulungan mo ako na hanapin ang gumawa sa magulang ko nito.." bulong nito at mabilis itong umalis. Napaluha ako ng makita ko siyang sumakay sa motor ay umalis kasama niya ang isang naka itim din. Napa upo ako sa sahig at napa luha. Hindi ko na alam sino ba talaga ang totoong salarin? Bakit parang umiikot kami? Bakit kahit anong gawin ko? Umiikot parin. Bakit may Perfume ng pamilya ni Lawrence? Anong dahilan? Bakit sila ang tinuturo? Bakit kailangan may mag bigay ng perfume sa mga biktima? Sino ang gagawa nito? Naramdaman ko na may yumakap sa'kin ng lumingon ako si Kyline. "Asan na sila??" tanong ni Mr Schneizel. Posible bang ikaw may gawa ng lahat ng ito pero anong dahilan? "Mu-mukhang kailangan na muna namin siya iuwi officer. bukas na lang ho pwede ho ba?" rinig kong tanong ni Kyline. Inalis ko ang kamay ni Kyline sa pagkakayakap sakin at tumayo ako. "Eunice!" tawag sa'kin ni Julie at Kyline. Nag lakad ako palabas ng building na lutang ang isip ko. Nakita ko ang dumaan na motor sa gilid at nakita kong inalis ni Lawrence ang helmet niya at sinabing. "Sorry" Basa ko sa bibig nito at umalis ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD