Chapter 6: She Can Pay Her Own Bill

2254 Words
**** EUNICE ELIZALDE "Sumakay kana bago tayo pinunta doon kakain muna tayo. Gutom ka naman na siguro diba?" tanong ni boss sa'kin. Nag kamot ako ng pisngi ko at pinakita sa kanya ang baon ko. "Nag baon po kasi ako." sagot ko. "Marami ba yan? Masarap ka mag luto? Share na lang tayo," sunod sunod na tanong nito. "Sabi po nila masarap ako mag luto, kaso Sir tinolang manok po ito." sagot ko. Pumasok naman muna ako sa tabi ng driver side. Ito naman ay umikot na muna. At nang makapasok saka ito sumagot. " Kumakain ako ng tinola 'wag ka mag alala. Then good, kumain tayo hindi naman siguro masama sa'yo na kasabay ako diba?" naka ngisi nitong tanong. Malaman ito mag salita minsan, umiling na lang ako at hindi na umimik pa. Nang umandar ang sasakyan pareho lang kaming tahimik sa biyahe. Hanggang mag ring ang cellphone ko Baila, what you want? Dance for you I'll sway, sway all night with you ~ Napa ngiwi ako ng marinig ko ang tugtog nito dali dali kong hinanap ito hanggang tumugtog pa ulit. Baila, come on in close to you ~ Nang makuha ko agad kong sinagot ito. Nakita ko ang boss kong naka ngiti habang ang kaliwang siko nito ay naka sandal sa bintana ng sasakyan niya. "Hello? Ano ba 'yun? May iniwan naman akong pagkain d'yan!" ines na sagot ko. Dahil alam kong si Julie ito. "Well, yun nga mamaya maaga ka umuwi mag movie marathon tayo?" wika nito. Kahit hindi ko ito nakikita alam kong naka ngiti ito. "Pambihira! Tumawag ka para movie marathon? Edi sana pag uwi ko saka mo na sabihin?!" hindi maka paniwala kong tanong dito. "Hahaha girl relax! Kasi papabilhin sana kita ng beer at mga pulutan like snack? You know? Need natin ng pambara!" sagot nito. Narinig kong tumawa ito ng malakas sa kabilang linya "Sige na bibili ako mamaya istorbong 'to!" sagot ko, tumatawa naman ito ng ibaba ko ang tawag nito. "Pasensya na Boss." pag hingi ko ng paumanhin. "Nah, it's fine kaibigan mo sila at wala naman tayo sa opisina.. But, i like the song, it fits to you." naka ngisi nitong wika. Umirap na lang ako ng palihim at nag salita. "Thanks po boss." wala naman akong masabi na kaya ito na lang ang sinabi ko. "Yung suot mo kagabe… Bagay sayo lalong lumitaw ang ganda ng katawan mo," biglang wika nito. Ramdam ko na tumingin pa ito sa'kin ngunit hindi na lang ako tumingin dito. "I wonder kung paano ang buhay mo noon? Party goer? " tanong nito. Huminga ako ng malalim at umiling. "Mas gusto ko naka kulong sa loob bahay at kwarto nag aaral. Gusto ko mag basa ng mga Law's kesa mag party, para sa'kin wala akong mapapala d'yan." sagot ko. Tumingin ako sa labas ng bintana. "Hindi halata sa suot mo kagabi. Teka ikaw ba ay pumasok sa loob ladies room? Kung oo baka kasi nakita mo ako hangout with girl?" tanong nito. "Kahit naman po makita ko kayo na may ginagawa hindi naman ako mangingialam. Para sa'kin kapag nasa labas ng trabaho, hindi ko po kayo kilala." sagot ko. Kung ano man ang meron sa loob ng opisina at sakop ng trabaho ko ay hanggang doon lang. "Wow! Dangerous huh? Kahit konti wala akong epekto sayo?" hindi maka paniwala nitong tanong. Huminga ako ng malalim muna at umiling. "Trabaho lang ho ang hanap ko hindi kung ano pa Mr Schneizel. Kung ano man po ang nakita ko sa gabing 'yun ay wala po akong pakialam, Buhay niyo po yun." magalang kong sagot. Ayoko na kasi pang mag salita. Kaya gusto ko na tapusin ang mga pag tatanong niya. "Hmm.. may pag ka prangka ka din pala mag salita ano? May sasabihin ako sayo," tanong nito. Kaya lumingon ako. "Ano po yun?" magalang na tanong ko. Ngumiti ito ng pilyo at nag salita. "Gustong gusto ko mga palaban na babae. Tulad mo, " kumindat pa ito sa'kin. Natawa naman ako at umiling na lang. Good luck na lang kung gumana sa'kin ang bagay na yan. Gusto ko sana sabihin pero hindi na lang hahaba pa. "Gutom lang po yan, kain na muna tayo boss gutom na ako." aya ko. "Saan tayo kakain? Saka malapit na tayo sa Event place." tanong nito. "Eh alas dos pa po yun maaga pa po. Mag 12 pa lang," sagot ko. Nakita ko ang malaking McDonald's sign sa taas. "Sa restaurant tayo na malapit." sabi nito Agad ko siyang pinigilan. "Boss doon na lang may dala akong kanin. Sayang bawal po mag dala ng kanin sa restaurant," sabi ko at hinawakan ko pa ang braso nito. Agad akong bumitaw kasi nakaka hiya. "Pwede sa restaurant na lang? Hindi ako komportable d'yan. And 'yang baon mo itabi mo muna iwan mo dito mamaya," utos nito. Bumuntong hininga na lang ako at walang nagawa kundi tumango. "Sige po," pag payag ko na lang. Nang huminto ang sasakyan sa parking harapan mismo ng Italian restaurant ay bumaba na ako agad. Hanggang nakita ko ang isang matandang lalaki na may hawak na baso na yari sa isang styrofoam cups. Agad kong tiningnan ang hawak kong baon at ngumiti. Nang lumapit sa'kin si boss ay agad ko itong pinakiusapan. "Boss, saglit pwede niyo po hawakan may kukunin lang po ako sa bag ko?" tanong ko. "Oh? Sure go ahead!" naka ngiti nitong pag payag at kinuha ang hawak ko. Dali dali akong nag labas ng wallet at kinuha ko ang calling card ni Julie at kumuha ako ng dalawang libo. Hinanap ko ang calling na may address sa likod. "Okay na po. Ako na po niyan salamat po!" naka ngiti kong pasasalamat. "Aanhin mo yan?" tanong ni Mr Schneizel. Ngumiti lang ako at nag lakad palapit sa matanda kasunod ko ang boss ko sa likod ko. "Hello po tatay." naka ngiti kong bati. Naupo ako sa gilid nito. Napansin ko na parang hindi ako nito nakikita. "Sino yan? Hija? Anong kailangan mo?" tanong nito. Nalungkot naman ako ng kapa-kapain nito ng paligid kaya wala akong pag aalinlangan na hinawakan ang kamay nito kahit marume. "Hija marumi ako, mabaho din." wika nito. Hinawakan ni boss ang balikat ko kaya napa tingin ako. Umiling ito sakin pero binaliwala ko yun. "Tay, may pagkain po akong dala bago po ito, Hindi tira tira, wala ho ba kayong kasama?" tanong ko dito. Nakita ko ang gumuhit sa mukha nito na lungkot. Bakit sa mundong ito? Kung sino pa ang may kapansanan sila pa ang mas kawawa? Dapat sila ang mas pinag tutuunan ng pansin. Pumatak ang luha ko na agad ko naman pinunasan. "Wala na akong pamilya. Iniwan nila ako nung lahat ng anak ko, nang lahat sila ay naka pag tapos na, kinalimutan nila ako. " malungkot na sagot nito. "Tay gusto niyo po ba dalhin po kita sa mabait at maalagang madre? Don't worry po hindi ka po nila sasaktan doon." naka ngiti ako kahit hindi ako nito nakikita. Nakita kong dumating si Julie na naka motor at si Kyline na dala nito ang kanyang Lamborghini Monster. Sa paanong paraan nila nalaman? Lagi silang naka sunod sa'kin. "Talaga hija? Sige gusto ko n'yan hija. D'yos ko maraming salamat po at dininig niyo po ang dasal ko na may tumulong sana akin na mabuting puso! Maraming salamat panginoon!" pasasalamat nito. Ngumiti ako at nginitian ang boss ko. Nilapitan kami ng dalawang kaibigan ko. "Kami na bahala sa kanya Eunice." nakangiti wika ni Kyle. "Thank you Kyle! Tay, mga kaibigan ko po ang mag dadala sa'yo ha? Sila si Kyline at Julie po." mahinahon kong sabi dito. "Maraming salamat. Ikaw anong pangalan mo?" tanong nito sa'kin. Nakatingin lang ito sa ibang direksyon. "Eunice po, walang anuman po, Babe, pakainin niyo muna si tatay ha?" pakiusap ko dalawa. "Okay kami na bahala, " ngumiti sakin si Kyle at tiningnan nito ang kasama ko. "Hi, I'm Julie Hermosa and this Kyline Ferrer," pakilala ni Julie sa kanilang dalawa. "Hi, nice to meet you." malamig na pakilala ni Mr Schneizel sa dalawa nakuha pa nilang makipag kamay sa isa't isa. "Tatay ano po ang pangalan ninyo?" tanong ko mabilis kinuha ni Julie ang gamit ni Tatay at pinag tulungan namin itong itayo. "Ako si, Caezar Lastimosa. Maraming salamat mga Hija ha? Pag palain sana kayo ng panginoon!" naka ngiting pasasalamat nito. "Ako na," bulong ni Julie sa'kin at inalis ang kamay ko. Kamay naman nito ang pumalit. "Ingat kayo! Walang anuman tatay!" sigaw ko. Nakita ko silang isinakay si tatay sa sasakyan ni Kyline at si sumakay naman si Julie sa motor nito. Kumaway pa ako habang palayo sila, "Hindi ka ba nandidiri? Ang baho kaya ng amoy ng matanda?" tanong ni Mr Schneizel. "Hindi, bakit naman po? Kung walang ibang tutulong sino na lang gagawa? Paano paparisan kung hindi mo pangungunahan?" sunod sunod at malaman kong tanong sa amo ko. "Whatever! Ang akin lang sana hindi ka agad nag titiwala, paano pala kung manloloko yun? Edi napahamak ang kaibigan mo?" tanong nito. Nag lakad ito papasok sa restaurant. "Kung may trust issue ang isang tao mapapa tanong talaga tulad niyan. Kung wala naman, walang problema doon. Kahit pa nang loloko sila hindi mo na rin problema yun," putol ko ng makapasok na kami "Table for two, and what exactly do you mean?" wika nito sa waitress at tanong sa akin. "Kasi boss digital na po ang karma ngayon, kumbaga mabilis na. Para sa'kin walang masama ang tumulong mas lalo sa tulad ni tatay Caezar. " sagot ko habang sumusunod sa kanya Nag kibit naman ang matipunong braso nito bago kami pumasok sa isang private room ng restaurant. "I want the best dishes na inooffer niyo. Kahit mahal." utos ni boss sa babae. "Yes Mr Schneizel, for two po?" tanong nito. Naupo naman ako ng maayos at pinanood ang babae na nag papa cute sa amo ko. Napa iling na lang ako at tumingin sa ibang direksyon. " Yes, i want the dessert na laging inoorder dito, and give us some red wine," utos ni boss ng hindi man lang ito tapunan ng tingin. "Right away ma'am, sir." naka ngiti nitong sagot. Ngumiti naman ako ng alangan at tumingin sa boss ko na naka tingin pala sa'kin. " Kung ako may trust issue ikaw naman b*tch hater issue," natatawa nitong sabi. "No sir, masyado kasi siyang obvious. Kung wala ako dito panigurado dito kayo nag kalat ng lahi niyo." deretso kong sagot na kina buga nito ng tubig. Agad ko siyang inabutan ng table napkin na nasa harap niya. "Pwede ba?! Mag abiso ka naman kung magsasalita ka ng ganyan? Kaharap kita," salubong ang kilay nito habang sinasabi ito. Nag kibit balikat naman ako at naisip ko ang mag tanong. "Boss pwede ba ako mag tanong sayo?" magalang kong tanong "Go ahead, nag tanong kana din naman.." pambabara nito sa'kin. Hindi ko maiwasan na hindi ito irapan. "Gusto ko lang po sana malaman kung anong nangyari sa dati niyo pong secretary?" magalang kong tanong. Nakita ko ito napa angat ng tingin sa'kin. Hindi ko naman binago ang ekspresyon ng mukha ko, kung ano ang kanina ganun parin. Innocent look kumbaga and curious look. Nakita kong napa lunok ito bago nag salita. "Mabait na bata si Lizzy she always smile, kahit nasesermonan ko, nakaka lungkot na ganun ang nangyari sa kanya." halata sa boses nito ang lungkot. Pero masyado pang maaga para sabihin na wala siyang kinalaman. Pero sa ngayon stay chill na muna ako. "Kahit ako hindi ko alam kung sino ang may gawa. Kaya nga kapag pumupunta ang imbestigador hinahayaan ko na lang sila. Para matapos na." sagot nito. Kailangan nila hayaan dahil kung hindi baka mag hinala sa kanila ang mga police dahil ayaw nila papasukin ang mga ito. "Ganun pala, kaya po ba matagal kayong naka hanap ng secretary ulit?" tanong ko. Tumango ito, ngunit bago pa siya maka sagot ay dumating na ang pagkain namin. Naamoy ko agad ang amoy ng pasta, kaya naman lalo akong nagutom. "Kumain na muna tayo," utos ni boss. Tumango na lang ako at kumain ng tahimik. Ramdam ko ang pag titig ni Boss sa'kin, ngunit mas pinag tuunan ko ng pansin ang pag kain kesa sa kanya. "Halimaw ka pala kumain ano? Sa liit ng katawan mong 'yan?" tanong nito. Lumunok na muna ako bago sumagot. "Kain kargador daw nga ako sabi ng mga kaibigan ko po Sir." sagot ko. Natawa naman ito bago nag salita. "You mean? Mas malala ka pa dito?" tanong nito. Tumango ako agad at kumuha ako ng Pesto Pasta, "Yes Sir, kaya ko po umubos ng isang kalderong kanin mas lalo kung ang ulam ay adobong baboy na walang sabaw. Kung tawagin po iyon ay pinatuyuan." kwento ko. Sumubo muna ako at ngumiti ng masarapan ako. "Now i know, buti hindi nabubutas bulsa ng naging boyfriend mo?" tanong nito. Umiling ako at sumagot. "Hindi ko po hinahayaan na sila ang mag bayad ng kinakain ko. I can pay my own bills Boss." sagot ko. Nakita ko ang mangha sa mga mata nito. "Really? Ibang girls na nakilala ko puro pabili ng pabili. And drop 'po and sir' just call me Lynch." wika nito. "Ayoko po kasi na iasa sa iba ang kaya ko naman gawin," sagot ko lang. "That's good for you," ngumiti ito at nag patuloy na lang kami sa pagkain. Nang matapos kami ay ako mismo ang nag bayad ng nakain ko. Umayaw pa si Boss pero binigay ko na kasi agad kaya wala na siyang nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD