****
EUNICE ELIZALDE
Habang nasa backstage kaming lahat nakita kong naka tingin parin sakin ang boss ko kaya naman lumapit ako upang tanungin ito.
"Mr Schneizel, may kailangan ba kayo?" tanong ko dito ng maka lapit ako.
Nagulat ako ng hilahin ako nito papasok sa tingin ko sa storage unit dito. "Sir! Ano ba nasasaktan ako!" pilit kong pumipiglas ngunit baliwala ito dahil sa laki ng palad niya sakop ang buong braso ko.
Nang isara niya ang pinto. Magsasalita na sana ako ng sunggaban nito ang labi ko ng halik.
Halik ni Hudas ata ito.
Pilit ko siyang tinutulak. "Hmmp!! B-boss!" sigaw ko at ng tagumpay ko siyang natulak.
Mabilis kong sinampal ito ng napaka lakas. "Huwag mo ako isali sa collection mo! Kayang kaya ko umalis sa trabaho ko kung uulitin mo pa yan!" duro ko dito.
Nakita kong dumugo ang gilid ng labi nito at ang walang hiya parang hindi nasaktan sa sampal ko.
Ngumiti pa ito, ngayon alam ko na bakit nila ako winawarningan. Baliw ang isang ito.
"Gawin mo umalis ka, subukan mo akala mo matatanggap sa mga papasukan mo? Ako na nagsasabi sayo.. hinding hindi ka nila tatanggapin." may pagbabanta sa tono ng boses nito.
Gusto ko matawa sa taong ito pero kailangan ko manatiling inosente sa nangyayari.
"Ah takutan ba kamo Sir? Hindi ako takot hindi matanggap! Subukan mo pa ulit subukan mo pa!" sigaw ko dito.
Tatalikod na sana ako ng mag salita ito. " You can't escape from me, mark my words. Kung tatakas ka o aalis ka i will make sure of that na gagawin kong impyerno ang buhay mo. At 'yang kalayaan mo sisiguraduhin kong panandalian lang." malamig nitong banta.
Hindi ko ito pinansin at lumabas na lang ako. Ayoko na manatili dito para sa party nila uuwi na ako, dumeretso ako sa dressing room at mabilis ng bihis ng damit.
Narinig ko na may pumasok habang sa loob ng changing room.
"He warning you right? And he kiss you?" tanong ng tingin ko si Trevor.
"Walang hiya yang kaibigan mo! Tingin niya sa'kin one of his possession? The cr*p!" hiyaw ko at inayos ko ang kaninang suot ko ng nagpunta kami dito.
Narinig kong tumawa ito bago mag salita. "Paano kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba?" sunod sunod na tanong nito.
Umiling ako at mag tipa ng mensahe sa dalawang kaibigan ko. "Wala akong oras para sa kanya trabaho ang dahilan bakit ako pumasok! At pwede ba sa isang linggo ganyan agad? Kalokohan yan!" sagot ko.
Binuksan ko na ang pinto at lumabas kinuha ko na ang gamit ko. "Ganun siya, kapag naman natapos na siya sa obsession niya iiwan din niya ito o itatapon. Kaso malas mo kung hindi ka niya pakawalan," putol nito.
"Ganun kasi nangyari sa mommy Grace niya. Pareho sila ng daddy niya, kung ginawa niya yun i think nag selos siya ng hawakan ni Val ang waist mo kanina." tuloy nito.
Humarap ako dito ng marahas at sinamaan ito ng tingin. "Bakit mo ba sinasabi yan? Wala akong pakialam, itong katawan ko at pagkatao ko ay ako lang ang may karapatan mag digta!" nilukuban na ako ng ines sa katawan ko.
Natawa naman ito at umiling. "Hindi mo na iintindihan. Ikaw ang obsession niya ngayon, kapag nag tagal ka pa sa kumpanya I'm telling you, kahit pag hinga mo ay hindi na magiging malaya.. kaya ngayon pa lang umalis kana!" wika nito.
Lumapit naman ako sa kanya at sumagot. "Hindi niyo din alam ang kaya ko. I will stay on this job, hangga't ako na mismo ang paalisin." sagot ko
Nakita ko ang pagbabago sa mukha nito kaya nag salita ako. "Paki sabi kay Mr Schneizel na hindi na---"
"Hija! Ang galing mo kanina salamat naman na aabutan pa kita sabi kasi ng anak ko. Balak mo na daw umuwi," nakangiting wika ni Mrs Schneizel.
Napa tingin ako kay Mr Schneizel na walang kahit anong emosyon ang mukha nito. "Go-good morning Mrs Schneizel." hindi ko maiwasan na hindi mautal habang binabati ito.
"Ah opo Mrs Schneizel. May emergency po kasi sa bahay," ngumiti ako ng alanganin.
Bigla naman itong sumimangot. "Ganun ba? Sayang hindi ka na sasabay sa dinner namin?" tanong nito.
Sasagot na sana ako ng mag ring ang phone ko. "Mrs Schneizel excuse me lang po, sagutin ko lang. Pasensya na." pag hingi ko ng pasensya mabilis akong ang tungo sa cr at sinagot ito.
"May problema ba?" bungad kong tanong.
"Siraulo yang amo mo! Takutin daw ba kami? Na mapapalayas tayo dito sa condo kapag sinundo kita?!" galit na sigaw ni Julie sa kabilang linya.
Bwiset talagang mayayaman ito!
"Sige susundin ko na lang muna. Make sure na hindi nila malalaman ang bahay kong isa, baliw ang taong ito." sagot ko.
"Mag ingat ka, kami na bahala doon. Tina-trabaho na rin namin alisin lahat ng information mo at namin," sabi nito.
Tumango ako kahit hindi nito nakikita. "Sige mag ingat kayo! Salamat." sagot ko.
"Mas lalo kana." paalala nito at binaba na ang tawag niya.
Huminga muna ako ng malalim at ginulo ang buhok ko. "Mas komplikado pa pala ito kesa naiplano ko." bulong ko at huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
"Oh kamusta? May nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Mrs Schneizel.
Umiling ako at sumagot. "Wala ho. Okay na daw po," sagot ko. Nakita kong gumuhit ang ngisi sa labi ng amo ko.
Hindi ko na lang siya pinansin. "Then let's go pupunta tayo sa aming Beach and Resort, " nakangiting aya ni Mrs Schneizel.
"Kunin mo ang gamit Eunice, Berto!" utos nito sa lalaking mukhang driver.
Hinayaan ko na lang na kunin nito pero dala ko ang sling bag ko kung saan nakalagay ang importanteng gamit ko. Mas lalo ang cellphone ko.
"Hay… mabuti at naging successful ang event na ito,"naka ngiting wika ni Mrs. Schneizel.
"Hija, doon ka na sumakay sa van namin ha? Kasama namin, sila Val, Trevor at Sophie lang naman ang kasama natin. Ang asawa ko din syempre at si Lynch." paliwanag ni Mrs Schneizel.
"Kahit saan po ayos lang ako." sagot ko at bahagyang ngumiti.
Habang nag lalakad biglang umilaw ang cellphone ko kaya agad kong pinatay muna. "Mrs Schneizel. Mauna na ho kayo pupunta lang ako sa restroom," mahinahon kong paalam.
Nakita kong nagulat ito. "Ganun ba? Oh sige bilisan mo lang okay? Let's go boys." aya ni Mrs Schneizel sa mga lalaki.
Yumuko ako at mabilis na nag iba ng daan.
Agad kong inayos ang buhok ko at dahan dahan inalis ang inilagay nilang Hair Extension.
Nang maka labas ako sa gilid nakita ko si Kyline. "Nababaliw na yang amo! " hiyaw nito.
"Mag imbestiga kayo sa kanya. Laliman niyo 'wag sabihin kay Clovis, may hinala ako may mentally disorder si Lynch." bungad ko dito.
Agad kong inabot sa kanya ang recording ng sinabi ni Trevor sa'kin. "I need to go nag hihintay sila paalam ko ay restroom lang. Mag ingat ka!" nakipag beso ako dito at mabilis na umalis din.
Halos takbuhin ko na ang palabas ng event place kung saan ito ginanap. Nakita ko ang driver kanina na naka tayo sa labas.
Agad sumilay ang ngiti sa labi ni Mrs Schneizel ng makita ako. "Pasensya na po pila kasi." pagsisinungaling ko at pumasok na ako sa loob ng Van.
"Okay lang hija, Dito kana sa gilid ng bintana." utos ni Mrs Schneizel. Kaya naman agad akong pumasok at naupo sa gilid ng bintana.
Nakita ko sa likod si Miss Sophie at sila Val at Trevor. Si Trevor naman ay naka ngisi lang sa'kin.
Tumingin ako sa tabi ko katabi si Mr and Mrs Schneizel at ang anak nila sa harap ito naka upo. Nang umandar na sinandal ko lang ang ulo ko sa bintana habang pinapanood ang mga dinadaanan namin. Ramdam ko ang pares ng mata na nakatingin sakin ngunit binaliwala ko na lang.
Kung nasa delikadong sitwasyon talaga ako? Ano ang mas mahalaga ang umalis o manatili? Sana maunang maka hanap ng ebidensya si Clovis bago mahuli ang lahat.
"Hija, gutom ka ba? Gusto mo kumain? May dala akong sandwich," alok ni Mrs Schneizel.
Ngumiti ako tumango, "Sige po gutom na ho ako." naka ngiti kong sagot.
"Ay ito oh! Masarap yan magugustuhan mo yan!" wika ni Mrs Schneizel agad kong kinuha ang dalawang binigay niya.
"Tita ako po?" tanong ni Miss Sophie.
"Hija, alam ko wala kang hilig sa ganito. Masyado kang maarte sa pagkain!" biglang nag iba ang tono ng boses nito.
Yung kaninang sweet tapos biglang naging matrona ang dating ngayon. Sumandal ako at nag umpisa ng kumain.
"But tita--" naiwan ang sasabihin nito ng mag salita si Sir Schneizel.
"Mom kulang pa sa kanya yan. She can eat more than that," wika ni boss habang naka tingin sa'kin.
Iba ang tingin talaga niya sa'kin. "Tama na ho ito," ngumiti ako at nagulat ako ng hawakan ni Mrs Schneizel ang mukha ko.
"Alam mo bagay kayo ng anak ko, diba honey?" wika nito at nakuha pa niyang makipag sabwatan sa asawa niya.
"Yes, I'm sure magandang lahi ang magiging apo namin." naka ngiting wika ni Mr David Schneizel.
Napagawi ako at hindi na lang nag salita. Nakita mo si Trevor na umiiling, hindi ko gugustuhin na mag asawa ng criminal.
Nanahimik ako sumandal na lang ng maayos.
Hindi nagtagal nakarating na kami. Pag labas ko saktong nasa gilid ng pinto ang boss ko habang ang iba naman ay ang takbuhan na.
"Like i said i can do whatever i want. Galitin mo pa ako," banta nito. Tiningnan ko ito ng masama.
"Baka gusto mo kasuhan kita sa pag---" napa tigil ako ng mag salita ito.
"Do it, tingnan natin kung hanggang saan ka lalaban?" nakangisi nitong tanong.
Not now... may kailangan pa ako sa'yo.
"Pwede ba Mr Schneizel, 'wag mo haluan kung ano ano ang trabaho. Ang trabaho ko mag sekretarya hindi maging sa babae mo. Back off!" ines na sagot ko.
Mag lalakad na sana ako hilahin ako nito at sapilitan iharap sa kanya. "Alam mo ba bakit kita tinanggap?" tanong nito.
Hinawi ko ang kamay nito sa pisngi ko. Hindi ako nag salita dahil ayoko na marinig pa sasabihin nito ng walang kwenta.
"Para ikulong ka sa mundo ko. " nakangisi nitong sagot.
Kahit nagulat ako hindi ko pinahalata ang bagay na yun, maaaring ito ang ginawa niya sa mahal kong kapatid. "Alam mo Mr Schneizel, iniisip ko na baka may kinalaman ka sa dati mong sekretarya kung bakit it----"
"I can sue you for slander! Hindi mo alam ang sinasabi mo!" may diin at galit sa bawat bigkas nito.
"Alam ko ang sinasabi ko, pero ang idemanda ako for slander? For what ground? Pagtatanong?" tanong ko dito.
Nang maramdaman ko ang pag bitaw nito sa braso ko. Tumalikod na ako at nag lakad palayo sa kanya.
"Ngayon, kasama ka na talaga sa suspect. Pag balik sa manila uumpisahan ko na ang trabaho ko," bulong ko habang nag lalakad.
Nang makita ko sila sa isang cottage na yari sa kahoy o kubo kung tawagin. Pumasok na lang ako ng makalapit ako dito.
"Tagal niyo naman ni Lynch? May pinag usapan kayo?" tanong ni Val sa'kin.
Naupo muna ako sa harapan nito bago sumagot. " Parang ganun na nga. Na saan pala sila Mrs and Mr Schneizel at si sir Trevor?" tanong ko dito.
Wala kasi sila siya lang naiwan dito. "Nag hahanda sila ng makakain natin. Si Sophie naman hindi ako alam kung nasaan." sagot nito.
Tumahimik na lang ako at hindi na umimik pa. Nang lumingon ako sa pinang galingan ko kanina, nakita ko si Boss Schneizel na masama ang tingin nito sa'kin.
"Mukhang tinamaan ang gago ah?" natatawang wika ni Val. Lumingon ako dito naka tingin ito sa kaibigan niya.
"Delikado ang taong nag papabaliw sa gagong yan.. well, not new like father, like son." kahulugan nitong wika.
Tiningnan ako nito habang naka paskil ang ngisi nito sa labi nito.
"Hey bro, parang biyernes santo mukha natin ah?" natatawang tanong dito ni Val.
"Shut up Val!" galit nitong suway sa kaibigan. Naisipan ko naman muna mag lakad lakad sa buhangin.
"Excuse me mga Sir." paalam ko at tumayo na ako.
"Where are you going? Halos kauupo---"
"Mr Schneizel, wala ho tayo sa opisina. Hindi rin po sakop ng trabaho ko na mag report po sa inyo. Hindi rin ho oras ng trabaho ko sa inyo," putol ko dito.
Nakita kong nandilim na naman ang mga mata nito. Yumuko ako at nag lakad na palabas ng kubo.
Habang naglalakad nakita ko si Miss Sophie na masama ang tingin nito sa'kin. Umiling na lang ako at nag lakad na lang ulit patungo sa kinatatayuan nito.