****
Nang maka lapit ako agad ng salita si Miss Sophie. "Akala mo ba naka jackpot kana kay Lynch? " tanong nito.
Tumayo ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa likod ko. "Hindi, sino ba nag iisip niyan? Ikaw?" tanong ko dito.
Nakita ko paano mag namutawi ang galit at inggit sa mata nito na hindi ko alam para saan. "Tandaan mo ito, sa oras na mabaliw sayo si Lynch, akala mo ba makaka wala ka sa kanya? Mauuwi ka din sa ibang babaeng kinabaliwan niya! Baka nga mas worst ang mangyari sa'yo," naka ngisi nitong wika.
Tumaglid ako upang humarap sa malawak na dagat. "Alam mo ba bakit namatay ang dating sekretarya nito?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nito.
"Pakialam ko naman sa isip batang 'yun?! Nakaka irita ang mga ngiti ng taong yun." may galit sa tono ng boses nito.
"Kaya pala, halos ayaw sa kanya ng mga tao sa kumpanya." wika ko. This is my way para lumabas sa bibig niya ang kailangan ko.
Maaaring hindi siya suspect pero hindi ko pwede alisin na may kadaldalan ito.
"Hindi ako naniniwala na malinis ang intensyon mo ng pasukin mo ang mundo ni Lynch. Alam ko may iba kang kailangan, hindi ko pa lang makita but soon. Kaya kapag nalaman ko maghintay ka wawasakin kita!" banta nito.
"Pfft.. alam mo ba na sanay na sanay ako sa mga pananakot ng iba? And that's kind of threat? Hindi naman ako m*matay niyan." naka ngiti kong sagot.
"You! B*tch!" sigaw nito. Sinugod ako nito at hinawakan ang buhok kong mahaba.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" sigaw ko at pilit ko siyang tinutulak.
Hanggang makita ko sila Boss na palapit sa'min. Doon ko siya tinulak ng malakas "Isa pa na... isa pang saktan mo ako hinding hindi mo magugustuhan ganti ko!" sigaw ko dito.
"Secretary! Anong karapatan mo para itulak si Sophie?!" galit na tanong ni Mr Schneizel.
"Wow just wow! Bakit hindi yan tanungin mo? Mag gi-girlfriend kana lang, warfreak pa!" sigaw ko at nag lakad na biglang hinila ulit ni Sophie ang paa ko.
"Sophie enough!" sigaw ni boss. Napa higa ako at umibabaw naman ito sa'kin.
Pinagsasampal niya ako at ako naman ay panay salag sa kamay nito. "I really really hate you! Dahil sa'yo ikaw ang dahilan bakit hindi ako mahal ni Lynch! Hay*p ka sisirain ko mukha mo!" sigaw nito. Habang hinihila ang buhok ko at pinunit ang damit ko.
Naramdaman ko ang mainit na buhangin sa mukha ko. Sa ines ko hinawakan ko ang dalawang braso nito at tiningnan ito ng masama.
"Ayoko sana patulan ka dahil ayoko masira ang pagiging edukada ko! Pero namumuro kana eh!" sa ines ko sinapak ko ang mukha nito at tinulak ito ng malakas.
"I SAID ENOUGH!!" sigaw ni Mr Schneizel.
Tumigil ako at tumayo na. Hindi pa ako nakaka ganti sa bruha na 'to! Tiningnan ko ng malamig ang boss ko na pulang pula na ang mukha sa galit.
"Ano sa akin ka magagalit? Siya nag umpisa! Maniwala ka sa kanya? Fine, sino bang may pake?" pag tataas ko ng boses.
"Tumigil na kayo! Mas lalo kana Miss Elizalde! Kung ayaw mo pauwiin kita!" suway nito.
"No need to tell me that SIR! I can leave with my own! Pero bago yun..." nilingon ko ang babae na nakaupo sa buhangin habang nagpupunas ng mukha.
Sinuntok ko ng isa ang mukha nito na kina wala nito ng malay.
"Miss Elizalde!!" sigaw ni Mr Schneizel sa'kin. Nilingon ko ito.
"Amanos," wika ko at nag lakad na ako. Muli naman akong nag salita. " Buhay pa yan, tulog lang!" sigaw ko at nag lakad na ako.
Kinuha ko na ang gamit ko at hindi ako nag paalam na uuwi na ako. Tutal pagod na ako ayoko na mag hanap ng ikakasakit pa ng katawan ko.
Habang palabas ng resort nakita ko si Lawrence na may kausap na babae tingin ko ay Girlfriend siguro niya. Gusto ko sana mag paalam pero hindi ko na lang ginawa.
Maka istorbo pa ako.
****
LYNCH DEVON SCHNEIZEL
"Ano ba ginawa mo na naman? Hindi lalaban yung tao ng wala kang ginawa!" singhal ko kay Sophie nang magising ito.
Hindi ko na rin naabutan ang sekretarya ko ng umalis ito. "Bakit ba pinagtatanggol mo ang babaeng hampaslupa na yon? Ako na nga itong sinapak diba?!" galit na naman na tanong nito sa'kin.
"Hindi ka naman kasi masasapak kung hindi ka nang hila ng buhok? Sabi nga nila, binato mo ng bato binato ka ng Concrete Hollow Block," pang aasar pa ni Val dito.
Noon gustong gusto nila si Sophie para sakin nung hindi pa ako niloko nito, noong nasa Paris ito dahil doon ito nag ta-trabaho bilang modelo.
Nung nalaman namin na nakikipagtalik pala ito sa manager niya at na buntis. Doon ko na simula na pinutol na ang ugnayan namin.
Nalaman ko rin na nabuntis ito ng manager niya at pinalaglag ang bata. Simula noon nandidiri na ako sa babaeng ito.
How can she k*ll the innocent child?
"Shut up! Will you?" ines na sagot ni Sophie. Tumayo na ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko.
"Hmm... magpahinga ka na lang muna," wika ko at akmang lalakad na ako ng hawakan nito ang wrist ko.
"Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Bakit hindi mo ako mapatawad? Bakit dahil ba sa low life na babaeng yun?!" tanong nito.
Humarap ako at lumingon sa dalawa kong kaibigan na sabay pang nagkibit balikat.
"Gusto mo malaman?" yumuko at upang mas lalong marinig niya. Nang tumango ito nag salita ako ulit.
"I hate you and i never forgive you because, you can k*ll your own child! Kahit pa sabihin na pagkakasala iyon, inosente ang bata kahit pa anong sabihin mo. You are capable to k*ll someone.." bulong ko dito at tumayo na ako, nag lakad ako palabas ng kwarto ni Sophie.
"Masyado ka talagang mapanakit." naiiling na wika ni Val.
"Ayos lang yun walang masama sa sinabi niya. Totoo naman mga ganung tao hindi na dapat pina-pakitaan ng bait." si Trevor naman ang nag salita.
Tama sila wala akong panahon sa katulad ni Sophie mag isip. Ang importante lang sa kanya ay ang sarili niya.
"Pare, pansin ko lang may kakaiba talaga sa Eunice na yun, parang narinig ko na siyang nabanggit noon. " wika ni Val.
Nilingon ko ito at muling nag lakad. "Paano? sabi niya hindi siya lumalabas ng bahay?" tanong ko dito.
"Wala para kasing narinig ko na ang apelyidong Elizalde eh, hindi ko lang alam kung kailan at saan?" sagot nito.
"Baka naman nakama mo eh isa ding Elizalde?" tanong naman ni Trevor dito.
Mabilis itong umiling at sumagot. "Wala ah! Saka parang tunog tigasin ang apelyido niya kaya parang narinig ko na." sagot nito agad.
"Pag naalala mo na sabihin mo agad sa'min! Hirap mang hula!" sigaw dito ni Trevor na kina tawa ko naman.
"Kumain na lang tayo wag na natin pag usapan ang taong wala dito." wika ko.
****
EUNICE ELIZALDE
Nang makauwi ako sa condo halos alas nuwebe na ng gabi dahil sa traffic. Mabuti at naka uwi ako, ayoko din mag stay doon kasama ng pamilya na 'yun.
Nag doorbell ako at nag hintay kung sino ang mag bubukas. Nang marinig ko ang pag alis ng lock at bumukas.
Bumungad sa akin si Kyline na sabog ang buhok. "Aga niyo ata matulog ngayon?" tanong ko dito.
Pumasok na ako sa loob. "Teka bakit andito kana?" tanong nito pabalik.
"Well, ayoko doon mag stay nahihirapan ako maging mabait," simple kong sagot na kina tawa nito.
"Hahaha okay sabi mo eh! " natatawa nitong sagot. Inirapan ko naman ito at naupo muna.
"May makakain ba tayo dyan?" tanong ko.
"Aba'y meron Attorney, hahaha joke lang. But meron kaming nakita." sabi nito kaya naman napa angat ako ng tingin.
"Ano naman yun?" tanong ko dito.
"Bago yun kumain ka muna, habang kumakain ka iexplain ko sa'yo." sagot nito. Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa.
Nang bigyan ako ng pagkain nito ay agad akong kumain. "May sinabi sa article na ito noong 2018 daw, may natagpuan din daw p*tay sa parehong comfort room kung saan natagpuan si Lizzy.." kwento nito.
Tiningnan ko ang mga litrato nito na naimprinta na. " May napapansin ka?" tanong nito sa akin.
Binaba ko ang pagkain ko at isa isang kinuha ito. Pareho sa nakita sa leeg ng kapatid ko. "Pa-pareho? Iisa lang nakikita ko." sagot ko.
Pumitik naman ito sa hangin bago mag salita. " Exactly, hindi masabi ng mga police kung ang CEO ba ang may gawa nito. Dahil sa tuwing nangyayari ang krimen wala ang CEO sa kumpanya." sagot nito.
Nag salubong ang kilay ko habang nakikinig dito. "Maaaring hindi ang CEO ang may gawa?" tanong ko.
Umiling ito at nagsalita ulit. "Mali ka, dahil kapag wala ang CEO doon lang may nangyayari. Attorney Eunice, mag isip ka matalino ka sa mga kaso tulad ng ganito. Buksan mo ang mata mo at talasan mo ang paningin mo." mahabang paliwanag nito.
"Kung ganun kailangan natin ng pattern sa pagkaka sunod sunod. Anong taon ang unang beses na nangyari ito sa kumpanya?" tanong ko agad.
"2018. But wala ka ba naalala ng taong yan?" tanong nito. Lalong nag salubong ang kilay ko sa tanong nito.
Umiling ako ng hindi ko mahanap ang sagot sa isip ko. "Marami nangyari ng taong yan," mahinahon kong sagot.
Huminga ito ng malalim at nag salita. "Isa sila sa kumpanyang kinasuhan mo dahil sa kawalan ng matinong pagpapasahod. At ito pa kinasuhan mo sila dahil sa pang haharas nila sa mga modelo nilang babae," halata sa boses nito ang kaba.
Kaba na tingin ko para sa akin. "Eunice kapag nalaman nila kung sino ka? Malalagay ka sa hindi magandang sitwasyon. Umalis kana doon ngayon pa lang, marami pang paraan. Hindi natin alam ano kayang gawin sayo ng pimap*tay." nakikiusap nitong wika sa'kin.
"I can't ngayon agad? Mas lalo silang mag hihinala. At baliw ang boss ko Kyle, ilang beses niya akong hinaras ngayong araw." sagot ko.
Narinig kong nag mura si Julie na kagigising lang. "Sabi na, bukod sa magandang mukha ng lalaking yun baliw ang lalaki yun. He's a psycho!" angil ni Julie.
"Girls, hindi natin ito magagawan ng paraan kung hindi tayo mag iisip at puro pag tatalo gagawin natin. Pakiusap Eunice, umalis kana doon bukas na bukas," awat ni Kyline kay Julie at pakiusap nito.
"Ano idadahilan ko? Dahil sa pang haharas niya sakin?" tanong ko.
"Ano pa at naging successful kang lawyer? Ikaw ang nangunguna noon tapos ngayon ka pa ba naubusan ng idadahilan?" tanong ni Julie sa akin.
"Susubukan ko bukas na bukas." buntong hininga kong sagot.
Nag lakad si Julie at may kinuha itong papel. "Basahin mo, nakasaad d'yan ang mga kasong isinampa mo sa kanila. Ang malala d'yan ang amount na hiningi mong danyos. " wika nito.
Binasa ko ito at napa singhap ako sa laki nito. Nasa 150 thousand per person ang ang halaga ng kinuha ko para sa mga taong humingi sakin ng tulong.
Ibig sabihin maaring gumaganti ang kumpanya at mukhang kapatid ko pa ang nadamay sa pagiging walang puso ko?
"Ngayon inaalam namin kung nalaman ba nila ang totoong pagkatao ni Lizzy," putol ni Kyline.
"Dahil maaring ito ang ginamit nila para gantihan ako? Pero hindi pwede naman na ganun dahil ang ground lang sa kaso nila at harassment?!" napa hawak ako sa ulo ko sa sinagot ko.
Mababaw sila masyado. "Kung hindi yun ang dahilan. Ibig sabihin may galit kay Lizzy ang gumawa nito at gusto niyang ipalabas na Suicide ito imbes na homicide," wika ko.
Ngumisi ang dalawa at tumango bilang pagsang-ayon. "Hindi kana pwede mag tagal sa loob Eunice maaring kapag napansin ka na ng iba doon. Mag imbestiga na sila, makinig ka kailangan mo maka alis doon." si Julie. Tumango ako
Hinilot ko ang ulo at nag isip muna, nagtatalo ang isip ko sa mga nangyayari. "Huwag mo na hayaan na ikaw ang sumunod kay Lizzy. Hindi yan malabo, tandaan mo ang hustisya ay hawak mo ngayon. Kung mawawala ka mas lalong hindi mabibigyan ng hustisya ang kapatid mo.." wika ni Kyline.
"Kahit ang mga biktima na binaon na lang sa limot." dagdag ko.
"Hmm.. kung yan ang gusto mo okay bibigyan natin ng hustisya silang lahat. Mas lalo pa kaming mag iimbestiga. Sa ngayon trabahuin mo na ang umalis d'yan." muling palala ni Julie.
Napa iling na lang ako at nag paiwan muna. Inaantok na daw sila matapos ang usapan na yun.
Nang maka pasok ako sa kwarto ko muli kong binasa ang mga ebidensya at ibang mga article na nakuha nila.
Hindi ako makapaniwala isa pala sila sa naging biktima ng pagiging walang puso ko. Lahat ng sumbong sa akin ay hinahanapan ko naman talaga ng ebidensya.
Nagsasaliksik din ako. Pero nung sa kumpanya ng boss ko hindi ko pwede baliwalain dahil may kasalanan sila dito.
Lalong ginulo ko ang buhok ko at tumayo na ako. Bukas na lang ako gagawa ng paraan para makapag resign na ako ng maayos, ramdam ko na nasa delikado akong sitwasyon ngayon.