Naging maayos naman ang naging performance ko kanina at alam ko iyon kasi basi palang sa palakpak ng mga tao at hiyaw sa akin alam kung nagandahan sila sa performance ko at ngayon nandito ako sa garden nakaupo, sinabi ko kay Asami na nais kung mapag-isa ngayon at nais ko lang naman makalanghap ng sariwang hangin kaya dinala niya ako dito at bumalik siya doon sa loob upang asikasuhin ang mga naiwang bisita doon na hinahanap ako. Matapos kasi ang performance ko hindi ako nagpapaiwan doon o kumakausap ng tao kasi umiiwas ako tumutugtog lang ako pero hindi ako nagpapa-interview bagkus ay si Asami ang sumasagot sa kanilang mga tanong na minsan nakakaabot pa sa akin at minsan nakakasakit ang tanong nila, alam ko naman na katanungan nila iyon pero minsan hindi mawawala ang masasakit na salita at tanggap kuna iyon kaya umiiwas nalang ako.
Kung hindi man ako makakita habang buhay wala na siguro akung magagawa doon kundi ang tanggapin nalang at ang pangarap kuna magkaroon ako ng aking sariling pamilya mukhang hindi kuna magagawa kasi sino ba naman kasi ang tangang lalaki ang magkakagusto sa kagaya kuna bulag at walang kwenta. Dahan-dahan akung sumandal sa sandalan habang nilalanghap ko ang sariwang hangin at naaamoy ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak sa buong paligid.
“So the famous violinist is here,” bigla akung napatayo kahit wala akung makita dahil sa gulat kasi sino ba naman ang hindi magugulat kung may bigla nalang nagsalita sa likod mo. “I did not expect that I will see you here,” sobrang lalim ng kanyang boses na ang lamig pero ang sarap sa tenga ng kanyang boses. Lalaki ang nagsasalita at sa bawat salitang kanyang binibitiwan parang naninindig ang aking balahibo at hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan akung lumingon kung nasaan ang boses na iyon at hinahanap pa ng aking pandinig kung saan banda ang nagsasalit kasi wala naman akung nakikita at wala kaung sun glasses ngayon kaya talagang malalaman na bulag ako kahit nga mukha ko hindi ko alam kung ano.
“Pasensya kana bulag kasi ako isa kaba sa mga guest doon sa loob?” magalang kung tanong sa kanya kasi wala na naman akung choice kundi ang kausapin siya total nakita niya naman ako. Wala na naman akung narinig na sagot mula sa kanya mukhang natakot siya sa akin kasi bulag ako kaya hindi na siya sa akin nakasagot. “Nandiyan kapa ba? Pasensya kana kung nagulat kita o baka natakot kita ha,” dagdag saad kokasi ilang segundo pa at wala na akung narinig na boses mula sa lalaki. Mukhang na disappoint nga siya talaga ng malaman niya na bulag ako at umalis na siya.
“So, your blind,” naging marahan na ang kanyang boses kung ganon nandito pa siya at narinig niya pa ang aking sinabi. “What’s your name Miss Violinist? And please take a set,” muling saad nito kaya ako naman ngayon ang napatahimik at hindi nakasagot kasi ang ganda talaga ng kanyang boses.
“I am Fritchie Agustin,” magalang kung sagot sa kanya at narinig ko kaagad ang munting tawa niya habang ako naman ay dahan-dahan na kinapa ang upuan ko kanina pero hindi ko ito makapa kaya naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa akin.
“Let me help you Fritchie,” napalunok ako sa kanyang boses kasi ang lambing na ang lalim ng kanyang boses at hanggang sa makaupo ako hindi niya binitiwan ang kamay ko. “I am Earl Von Lawrence, nice meeting you Fritchie,” naramdaman kung nag shake hands ito sa akin kaya ginaya ko nalang din ang kanyang ginawa habang hindi mawala ang aking ngiti sa aking mga labi, hindi ko alam kung bakit ako napapangiti basta nakangiti ako. “Your so beautiful young lady,” dahan-dahan ko namang kinuha ang aking kamay kasi nagulat talaga ako sa kanyang sinabi na maganda ako kasi maliban kay Asami siya palang ang nagsabi na maganda ako kahit bulag ako at hindi ko alam kung anong mukha ang meron ako.
“Salamat nalang sa papuri mo,” matamis akung ngumiti kasi ganito naman talaga sa mga taong kausap ko kahit hindi ko sila nakikita nakangiti lang ako upang kahit paano hindi nila makita ang lungkot sa aking buong mukha. “Isa kaba sa manunuod kanina?” balik tanong ko sa kanya kasi paano ba naman ang ganda ng kanyang boses at mukhang kahit saan ako makikilala ko ang boses na iyon. Naramdaman kung umupo naman siya sa aking tabi at kahit hindi ko ito nakikita alam ko. “Paano ka pala nakapasok dito sa garden?” tanong ko sa kanya kasi sabi sa akin ni Asami hindi sila gaanong nagpapasok dito ng mga tao at hinayaan naman ako ng may-ari ng theater na pumasok dito. Baka malaki lang talaga ang kapit o posisyon ni Von kaya siya nakapasok dito.
“Oo, nakikinig ako sayo kanina at ang ganda,” mas lalo lang akung napangiti sa kanyang sinabi kasi kahit hindi ko kilala napangiti niya ako. “It’s a nice meeting you Fritchie,” bigla akung nagulat sa kanyang sinabi kasi nag-uusap pa kami pero ng marinig ko ang kanyang sinabi hindi ako kaagad nakasagot.
“It’s a nice meeting you too Von,” mahina kung saad pero wala na akung narinig na sagot mula sa kanya ta nilamon na ng katahimikan ang aking buong paligid. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at ang aking naririnig nalang ay ang hangin na yumayakap sa aking katawan at ang musika sa labas.
Sumandal nalang ako sa upuan at hinintay si Asami kasi mukhang wala na akung kausap dito pero bumabalik parin sa aking alaala ang boses kanina ni Von na sobrang ganda at ang sarap sa tenga paano pa kaya kapag kumanta ito, wala naman akung masabi kundi ang basi nalang sa aking naririnig kasi hindi naman ako makakakita.
“Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka nagsasalita ha Agustin,” napalingas naman ako ng marinig ang boses ni Asami sa kung saan at hindi nagtagal naramdaman kung umupo ito sa aking tabi at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “Umalis na tayo dito may p*****n na naganap sa loob baka mapahamak kapa dito,” bigla naman akung kinabahan sa kanyang sinabi pero kaagad na ako nitong hinila patayo at hindi na ako nakasagot kasi naalala ko ang narinig ko kahapon na usapan habang nasa lobby ako.