Chapter 5

1064 Words
Nanatili lang akung nakaupo sa upuan habang nakikinig sa musika sa labas at sa aking paligid kasama na ang boses ng ibang tao dito na nagsasalita. Hindi naman ako umalis sa aking kinauupuan kasi nandito na kami sa hotel kung saan kami tutuloy ni Asami at nandoon pa siya nag-aayos lang papers o kung ano man ang kanyang inaayos at nagpa-iwan lang naman ako dito sa lobby upang hintayin siya. Mukhang hindi naman ako na mumukhaan ng ibang nandito kasi wala pang lumalapit sa akin at mamahalin naman ang hotel na ito kaya medyo kaunti lang ang tao dito, malaki ang kinikita ko at binabayad sa akin kaya kahit bulag ako may pera naman ako at tumutulong ako sa orphanage kung saan ako lumaki noon at na discover ang aking talento. “Just f**k off asshole!” hindi ko alam kung mapapalundag ba ako o sisigaw ng isang lalaki na hindi ko alam kung sino ang kanyang sinisigawa pero halata sa kanyang boses ang galit na hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng galit. “I don’t fuckin care about your current situation right now asshole! Just make sure the safety of our guest tomorrow d**k head!” parang hindi naman makain ng insekto ang sinabi ng lalaking ito at nanatili lang naman akung tahimik dito at hindi nagsasalita. “As you wish Sir,” magalang na sagot ng isang lalaki na hindi ko alam kung nasaan pero alam kung nasa paligid lang naman ito. “Young Master also want to attend the live performance of Miss Fritchie Agustin,” biglang napatuwid ako ng upo kahit na bulag ako at may eye glasses at hindi nila ako nakilala bigla parin akung nagulat sa sinabi ng isa kasi mukhang isa ito sa manunuod ng performance ko bukas. Alam ko naman na kilala ako na magaling akung violinst pero minsan nahihiya naman ako kasi nga bulag ako at baka kung ano ang sabihin sa akin ng manunuod at ng ibang taga-hanga ko kapag nalaman nila na bulag ako pero kahit ganon okay lang naman sa akin kasi ang mahalaga masaya ako sa ginagawa ko pero minsan nalulungkot kasi nangangarap naman akung makakita kahit paano. “Kaya nga pinapahanap ko sayo ang mga magagaling na tao upang mabantayan siya! The Master will kill us if something bad happen to his son!” nanatili akung nakaupo doon at walang imik na parang wala akung narinig sa kanilang usapan at nakahawak naman ako sa stick ko upang malaman nila na bulag ako at hindi naman ako intersado sa sinasabi nila at mukhang hindi naman nila ako makikilala. “Just one wrong move again and I’ll be the one to kill you!” napalunok ako kasi hindi ako sanay sa ganitong usapan lalo pa at mukhang matataas ang pwesto sa lipunan o kilalang tao sila kaya ganito sila o baka naman mga sindikato sila kaya mas lalong dapat hindi nila ako mapansin dito. “Make sure to check the hotel room!” muling sigaw nito at nakarinig ako ng yapak paalis kaya alam kung umalis na ang kanyang kausap kanina na parang tingin niya nasa ibang bundok sila dahil sa lakas ng kanilang boses. Wala naman akung napapansin sa aking paligid pero parang ang may lumapit sa akin dahil sa pabango ng kanyang na amoy na amoy ko kaya humigpit ang aking hawak sa stick ko pero kaagad naman itong nawala bigla kaya doon palang ako nakahinga ng maluwag kasi parang wala na namang tao sa aking paligid. Ganito ang problema kapag bulag ka kasi madali kang maiisahan ng ibang tao, madali ka nilang maluluko at hindi ka makakalaban kapag nagkataon. Kung hindi siguro ako natutu mag violinist malamang hindi ko alam kung saan ako pupulutin. “Nakakuha na ako ng room natin ang deluxe ang kinuha ko,” ng marinig ko ang sinabi ni Asami mas lalo akung nabuhayan ng aking loob at naging magaan ang aking pakiramdam kasi ngayon ko lang napansin na kinakabahan na pala ako. “Magpahinga ka lang ng maaga at magpapa-deliver ako ng pagkain na gusto mo at kung ano pa ang kailangan tapos huwag ka ng magpa-stress kasi baka bukas ibang nota na ang magawa mo kapag stress ka at madami ang iyong iniisip,” hindi ko mapigilan ang aking sarili at napatawa ako kasi hindi na talaga nagbabago si Asami kaya malaki ang tiwala ko sa kanya kasi simula bata palang kami siya na ang kasama ko, siya na nasa tabi ko at hindi ako nito iniiwan kahit kailan. “Kilala mo ba ang mga VIP bukas?” biglang tanong ko sa kanya kaya alam kung bigla itong natigilan sa aking sinasabi at napaisip. “Mukhang bigatin kasi ang palabas bukas na tayo talaga ang inibintahan nila,” hindi naman sa nagmamayabang ako pero parang ganon nadin naman kasi kilala ako na magaling na violinist isa lang naman ang malaki ang galit sa akin walang iba kundi si Sabrina lang talaga. “Hindi ko kilala pa pero mamaya kikilanin ko sila at sasabihin ko sayo tsaka umakyat na tayo para makapag-pahinga kana ako na ang bahala sa lahat-lahat,” tumango nalang ako kay Asami at naramdaman kung inalalayan niya ako kaya mabilis na akung tumayo at humawak sa kanyang kamay habang naglalakad kaming dalawa. “Tapos nito magpahinga ka muna kahit isang linggo lang nag book na ako ng ticket natin at na clear kuna ang schedule mo ng isang linggo upang kahit paano makapag-pahinga ka,” tumango nalang ako sa sinabi ni Asami kasi mukhang kailangan ko nga ito at nagpapasalamat ako kay Asami kasi kahit hindi ko sinabi sa kanya alam na alam niya kung ano ang aking kailangan. “Gusto ko kumain ng lumpia at siomai ngayon pwede ba?” saad ko sa kanya at kaagad ko namang narinig ang kanyang munting tawa na alam kung natawa lang siya sa akin dahil sa hiningi ko. Hindi naman kasi ako maarte o ano kasi ang mahalaga sa akin ay masaya ako pero minsan may hinahanap parin akung kalayaan na alam kung matagal ko pa makukuha o baka hindi ko na makamit iyon at hanggang dito nalang talaga ako. Pero sabi nila sa akin huwag akung sumuko kaya hindi ako susuko at bubuhayin ko parin ang pag-asa sa aking puso. Nakangiti kami ni Asami habang paakyat kaming dalawa kasi sobrang saya namin kahit kaming dalawa lang ang nandito at magkasama sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD