Hanggang ngayon hindi parin mawala sa aking isipan ang lalaki na aking nakausap kanina at minsan habnag natutulog ako naririnig ko pa ang kanyang salita na talagang tanda na tanda ko. Matapos kasing umalis kami ni Asami hindi kuna narinig ang boses na iyon kasi nagkagulo na ang buong lugar kasi nabaril ang isang VIP at muntik na itong mamatay pero makalipas ang ilang araw nabalita nalang na namatay ang VIP na iyon at mabuti nalang hindi kami nasali ni Asami at ang sabi sa balita isang sikat at mapanganib na assassin ang pumatay sa kanya kaya hindi na ito nakaligtas. Nahihiya naman ako magtanong kay Asami kasi baka kung ano ang isipin niya sa akin kung tatanungin ko siya tungkol sa lalaki na iyon kaya tumahimik nalang ako.
“Hindi ko alam na may bigating assassin pala doon at mabuti nalang hindi tayo nadamay at natapos lang ang performance mo bago naganap ang kaguluhan,” nakikinig lang ako sa sinasabi ni Asami habang nasa loob kami ng aking silid at nakikinig lang sa balita. Kinakabahan din naman ako sa nangyari pero nababalik ang aking atensiyon doon sa lalaking aking nakilala at hindi ko talaga makalimutan ang kanyang boses at ang lamig at kinis ng kanyang kamay ng hawaka niya ako. “Fritchie nakikinig kaba sa akin!” bigla akung napaigtad sa sigaw ni Asami at napalingon kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
“Pasensya kana may iniisip lang ako,” mahina kung sagot sa kanya at kaagad naman akung napabuntong hininga ng malalim. “Mabuti nga at hindi tayo napahamak kung sino man ang pumatay sa VIP na iyon,” muling saad ko pero ang totoo hindi naman talaga ako nakikinig sa kanya at iba na ang laman ng aking utak.
“Alam mo ilang araw na kitang napapansin na napatulala ka nalang bigla, may problem aba Fritchie?” hindi ko naman sa kanya pwede sabihin na may nakilala akung lalaki kasi baka hanapin niya ito at kung ano pa ang iisipin ni Von kapag nagkataon. Tumatatak sa aking isipan ang pangalan na Earl Von Lawrence Pero kahit kay Asami hindi ko sinasabi na may nakilala akung lalaki lalo pa at hindi lang pangalan niya ang tumatatak sa isip ko kundi pati ang kanyang magandang boses na mas maganda pa sa tunog ng aking violin.
“Hindi pagod lang siguro ako magpapahinga nalang ako at paki lock nalang ng pinto kapag aalis kana,” mahina kung saad at dahan-dahan na akung humakbang pabalik sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-focus ngayon pero siguro kailangan ko lang talaga ng pahinga. Uuwi kasi ngayon si Asami sa kanila kaya ako nalang ang maiiwan dito minsan dito din naman siya pero mukhang kailangan niya din naman umuwi sa bahay niya at may aasikasuhin din naman siya at sanay din naman ako sa bahay kuna ako lang mag-isa kabisado kuna ang bawat sulok ng aking bahay kaya hindi na niya kailangan pa na mag-alala sa akin. Malakas naman ang security sa village na ito kaya alam kung safe parin ako dito kahit ako lang mag-isa.
Wala din naman akung narinig na sagot mula sa kanya at nagpatuloy anlang ako sa aking paglalakad hanggang sa makaabot ako sa aking silid at nasirado ko ang pinto ng aking kwarto. Alam kung may nabuong tanong sa utak ni Asami kung bakit ako naging ganon kasi hindi naman ako ganyan ng wala akung problema pero wala naman akung problema sadyang may-iniisip lang talaga ako. Dahan-dahan akung nahiga sa aking kama at kahit wala na akung makita ipinikit ko ang aking mga mata sabay yakap sa aking unan kasi bumabalik na naman sa aking alaala ang boses ng lalaking iyon.
Ilang minuto pa ang nagdaan at wala na akung narinig na ingay sa labas ng bahay o ano mang-ingay kaya alam kung umalis nadin si Asami at ako nalang mag-isa dito sa bahay. Dahan-dahan akung bumangon at napaupo sa kama wala din naman akung alam kung bukas ba ang ilaw o nakasirado kasi wala naman akung makita maliban nalang sa malamig na aircon na yumayakap sa akin at maliban doon wala na akung nadama. Kasi naman bakit ba hindi maalis ang boses ng lalaki na iyon sa aking buong isipan.
Dahan-dahan akung tumayo sabay hubad ng aking damit kasi aminado naman ako na nakasirado ang lahat-lahat ng bintana ng aking silid dahil hindi ko naman ito pinapabuksan kay Asami kasi baka hindi kuna maisara ito kasi wala naman akung alam kung bukas ba ito o hindi kaya hindi ko nalang pinapabukas. Mabilis kung hinubad ang lahat ng damit ko at nagtungo sa banyo dahil kabisado ko naman ang daan papuntang banyo. Habang naglalakad ako bigla akung napatigil ng parang may nakamasid sa akin na parang may nakatingin talaga. Kahit hindi ako makakita alam ko kapag may nakatingin sa akin o nagmamasid.
Hindi ko nalang pinansin ang nadarama ko at ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad hanggang sa makapasok ako sa banyo at hindi kuna alinatan na isarado pa ang pinto kasi baka ma lock pa iyan mamaya at makulong pa ako dito kaya hindi ko nalang ito sinara at hinayaan ang maligamgam na tubig na dumaloy sa aking buong katawan. Itinapat ko pa sa shower ang buong mukha ko at dinadama ang agos ng tubig at matamis na napangiti habang naaalala kuna naman ang kanyang boses ba paulit-ulit na bumabalik sa aking buong isipan. Pero bigla na naman akung napatigil ng mangibabaw ang pakiramdam ko ng parang may nakatingin sa akin at tahimik lang itong nagmamasid. Kahit wala akung makita sinubukan ko paring lumingon at parang naiilang ako na hindi ko alam pero ipinagsa-walang bahala ko nalang ito kasi may tiwala naman ako sa bahay kuna walang makakapasok dito at ang higpit kaya ng security dito sa village namin.
Hanggang sa matapos akung maligo at kinuha ko ang tuwalya sa gilid at pinahid sa aking katawan habang palabas ako sa banyo nandito parin ang pagka-hiya o ano na hindi ko maintindihan kasi parang may nakatingin talaga sa akin pero mukhang guni-guni ko lang talaga ito. Hanggang sa makabihis ako at makahiga sa kama ko hindi ito mawala pero kagaya kanina hindi ko nalang ito pinansin sabay yakap sa aking unan ng mahigpit.