Nakaupo lang ako sa tabi ng plaza habang hinihintay ko si Asami na bumili ng milktea at iniwan nalang niya ako dito, niyaya ko siyang lumabas kahit paano kasi kakaiba ang pakiramdam ko sa aking bahay kahit lang mag-isa doon pero pakiramdam ko may kasama ko sa loob ng bahay. Mukhang wala namang makakilala sa akin dito kasi sinabihan ko si Asami na piliin niya ang lugar na wala gaanong tao iyong walang masyadong dumadaan upang hindi kami maka-agaw ng atensiyon ng iba dahil kapag may nakakilala sa akin mamaya dito baka dumugin pa kami ng mga tao. Normal lang ba sa isang babae na isipin ang isang lalaki kahit na ilang araw na nag nagdaan at hindi parin ito nawawala sa kanyang isipan. Kasi ako ilang araw ng nasa isip ko lang si Von at hindi siya mawala sa utak ko kahit anong divert ko ng aking