Tahimik lang ako sa aking bahay at sinabi ko kay Asami na asikasuhin na niya ang schedule ko kasi nakasabi siya sa akin na kailangan ko daw ng vacation kaya mukhang kailangan ko nga talaga at ngayon pinapabilisan kuna sa kanya lalo pa at sabi nito sa ibang bansa ang mga next schedule ko at hindi parin umaalis sa utak ko si Von, nandito parin siya at minsan yakap-yakap at inaamoy ko pa ang kanyang jacket. Aminado ako na nagkakagusto ako sa lalaki na hindi ko pa nakikita at tanging boses niya lang ang naririnig ko kahit sa aking panaginip naririnig ko ang kanyang boses. Wala akung sinasabi na kahit ano kay Asami kasi baka bantayan ako nito at ayaw kung malaman niya na nagkakagusto ako sa lalaking hind ko naman kilala ng maigi. Nahihiya din naman ako kasi baka kung ano ang kanyang isipin sa a