Ang Pangalawang Paglisan

5942 Words
“Alvin! Bakit ang aga mo yatang papasok sa eskuwela ngayon! Kumain ka muna!” ang sigaw ni inay noong nakita niyang nagmamadali akong umalis ng bahay na hindi man lang kumain ng agahan. “May project kaming tatapusin inay! Nalimutan kong ngayon pala ang deadline!” ang pag-aalibi ko. Ang totoo, sinadya kong bumalikwas ng higaan habang tulog pa si Kuya Andrei. Sobrang guilty ako sa aking ginawa. Hiya at galit sa sarili ang aking nadarama. Hindi kasi ako sigurado kung talagang tulog siya o nagtutulug-tulugan lang upang huwag akong mapahiya. Parang lalo pa tuloy akong nagalit sa kanya. Siya kasi ang dahilan kung bakit ko natutunan ang ganoon. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. Iyon bang awa sa sarili na nagawa ang isang bagay na sabi nila ay “kasalanan” na hindi ko naman ginusto; na pigilan ko man ang sarili subalit wala akong lakas upang panindigan na huwag gawin iyon. Naalala ko pa noong bata pa ako, sinabi niyang hindi masama ito. Ngunit sa paglaki ko, unti-unti ring nabuksan ang aking isip, base sa mga iniisip ng mga taong nakapaligid, mga kaibigan, mga ka-klase, na ito ay isang bagay na hindi katanggap-tanggap sa batas ng tao at ng Diyos; isang bawal, isang kasalanan. Ang masaklap pa, may nararamdaman ako sa aking Kuya Andrei. Alam ko, hinding-hindi maaaring mangyaring maging kami. Una, kapatid ang turing niya sa akin, at iyan din ang gusto ng aming mga magulang na ituring namin sa isa’t-isa. Pangalawa, kapag nalaman niya ito o ng aking mga magulang at ibang mga tao, pagtatawanan nila ako, o baka itakwil at masisira ang aking buhay. Pumasok ako sa eskuwela na litong-lito ang pag-iisip at punong-puno ng kalungkutan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin; kung uuwi pa ba sa amin habang naroon si Kuya Andrei o kung uuwi man at sasapit ang gabi, anong alibi ang gagawin ko upang hindi siya matulog sa kuwarto ko; upang makaiwas ako sa tukso? Napansin ng aking mga ka-klase at guro ang lungkot na nadarama ko sa aking mga kilos at sa pakikitungo ko sa kanila. Sinabi ko na lang na hindi lang maganda ang aking pakiramdam. Totoo rin naman. Mabigat ang aking dinadala. Imagine, hindi ko alam kung anong klaseng pagkatao mayroon ako, hindi ko alam kung sino ang kakampi ko at kanino ako mag-a-unload o hihingi ng payo. Pakiwari ko ay pinaglaruan pa yata ako ng tadhana. Bakit pa kasi hinayaang siyang sumulpot muli sa buhay ko, at bakit sa panahon pa na dapat ay tuluyan na siyang maglaho. Pagkatapos ng klase, hindi muna ako umuwi ng bahay. Pumunta ako sa central park na malapit lang sa aming eskuwelahan. Doon, umupo ako sa isang sementong upuan sa lilim ng malaking kahoy, nakaharap sa dagat. Doon ako nagmumuni-muni. Doon ko sinasarili ang mga katanungan sa aking isip. Dahil mag-aalas sais na iyon ng hapon, tanaw na tanaw ko ang paglubog ng araw. Napakaganda ng tanawin. Napakatiwasay ng dagat, presko ang hanging nagmula rito. Mamula-mula ang langit kung saan ay unti-unti ring lumubog ang kulay crimson na araw. Napakaganda ng gawa ng kalikasan. Parang nasa ayos ang lahat, may synchrony, may harmony, na kabaligtaran ang aking nadarama. Sobrang ironic. Naisip ko tuloy na sana palaging bata na lang ako. Simple lang kasi ang buhay sa pagiging bata. Kain, tulog, laro. Wala nang ibang iisipin pa. Kapag inaaway, lalaban. Kapag napipikon sa mga tukso, uuwi ng bahay. Ngunit iba na pala kapag binata na. Tumitibok na ang puso, natuturete ang isip, maraming mahihirap na katanungan ang bumabagabag. Kagaya ng sitwasyon ko. “Bakit dumating sa buhay ko si Kuya Andrei? Bakit ipinagawa niya sa akin ang bagay na iyon noong ako'y bata pa? Bakit natuturete ang aking pagkatao dahil doon? Bakit sumipot pa siyang muli? Para saan? Para ano? Bakit? Puwede ba niya akong mahalin? Puwede bang maging kami? Nararamdaman ba niya ang aking nararamdaman? Maintindihan kaya niya kung sasabihin kong nagustuhan ko ang ipinapagawa niya sa akin? Papayag kaya siyang ulit-ulitin naming gawin iyon? Kaninong singsing ang nasa daliri niya? Bakla ba talaga ako? Bakit ko hinahanap ang nangyari sa amin? Bakit ako mas nalilibugan kapag nakakakita ng ari ng kapwa lalaki? Bakit iba ako kaysa mga kaibigan kong lalaki? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag ganito ako? Ganito na lang ba talaga ako habambuhay? Mabago ko pa kaya ito at kung hindi man, may lalaki kayang magmahal sa akin? At kung mayroon man, paano kami mamumuhay?” At ang isa ko pang tanong ay, “Alam kaya ni Kuya Andrei ang ginawa ko muli sa kanya sa nakaraang gabi?” Iyan ang mga katanungang bumabagabag sa aking isip. Nasabi ko tuloy sa sarili na napakaunfair ng buhay. Parang hindi yata tama na magdusa ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Wala naman akong ginawang masama upang parusahan ng ganoon. Binalikan ko sa aking isip ang aking ginawa sa gabing iyon. Sariwang-sariwa pa. Parang ilang minuto pa lang ang karaan. Ramdam ko pa ang panginginig ng aking kalamnan; naaamoy at nalalasahan ko pa ang likidong inilabas ng kanyang p*********i. Hinaplos ko ang aking labi. Pakiramdam ko ay may dumidikit pang natutuyong dagta dito. Walang patid ang pagdaloy ng aking mga luha. Parang nainggit tuloy ako sa kalikasan. “Sana naging bahagi na lang ako ng dagat. Sana ay hindi ko na naransan pa ang ganito.” Ang bulong ko sa sarili. Sa pagmumuni-muni kong iyon ay nabuo sa aking isip na iiwasan ko na si Kuya Andrei upang hindi ako ang magdusa sa bandang huli; upang hindi ako aasa at mabigong muli; upang hindi lalong lumalim ang naramdaman ko para sa kanya; upang habang maaga pa ay mapuputol na ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Alas-otso na ng gabi noong naisipan kong umuwi na. Tumayo ako upang tutungo na sa terminal ng tricycle. Ngunit laking gulat ko noong ako ay nakatayo na. Nakita ko si Kuya Andrei at nasa likuran ko lang pala! Naka-maong na pantalon siya at semi body-fit na kulay blue na t-shirt, bakat ang matipunong dibdib. “Bakit hindi ka pa umuwi? Di ba dapat ay nasa bahay ka na kapag alas-5 na ng hapon?” ang tanong niya tumaas ang boses. Parang naibsan din ng kaunti ang aking pagkabahala. Mistulang hindi naman niya alam ang aking ginawa sa kanya sa nakaraang gabi. “Bakit bawal bang mamasyal? Malaki na ako at alam ko na ang ginagawa ko!” ang sagot ko namang padabog at dire-diretso na sa paglalakad patungo sa terminal. Ngunit hinawakan niya ako sa braso. Syempre, dahil mas malakas siya, napigil niya ako. “Ang sabi ng inay, alas 5:00 araw-araw ay nasa bahay ka na raw. Bakit ngayon, ngayon pa na nandito ako, tila nagwala ka? Bakit? Ano ba ang problema mo?” “Wala akong problema! Nag-aral ako! At kaya hindi ako umuwi ay dahil maingay kayo ng itay, hindi ako makapag-aral ng matino sa bahay!” ang pag-aalibi ko pa. “A ganoon… so gusto mong umalis na ako sa bahay ninyo. Ganoon ba? Para hindi ka maistorbo? Ganoon ba iyon?” Mistula namang hinataw ng malakas na bagay ang aking ulo sa narinig. Hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin. “Bahala ka!” ang sagot ko na lang. Mabilis na hinablot ko ang aking kamay na hinawakan niya at nagtatakbo nang patungo sa terminal. Hinabol niya ako. “Hoy! Hintayin mo ako!” Ngunit tuloy-tuloy lang ako na parang walang narinig. Noong nakasakay na ako ng tricycle, tumabi siya sa akin. “Isang linggo na lang siguro akong titira sa inyo kung ganyang hindi mo ako pinapansin… Nag-iba ka na talaga. Hindi na ikaw ang bunso ko.” ang sambit niya na halata sa boses na may itinago siyang pagdaramdam. Ewan, para rin akong biglang nalungkot sa sinabi niya. Yumuko na lang ako. Hindi ko kasi alam kung pipigilan siya o lalo ko pa siyang i-encourage upang umalis na lang nang mas maaga upang matapos na rin ang paghihirap ng aking kalooban. Hindi ako kumibo. Naalimpungatan ko na naman ang pagdaloy ng aking mga luha. Hindi ko ito ipinahalata sa kanya. Lihim ko itong pinahid. Wala kaming imikan habang umaandar ang tricycle. Hanggang sa narating na namin ang babaan at naglakad pa kami ng ilang minuto patungo sa bahay. Para kaming ibang tao; parang hindi magkakakilala. Nang nakarating na kami ng bahay, nakahanda na ang hapunan at nasa labas ito ng bahay. Outdoor at picnic type kumbaga. May ihaw-ihaw, may malalaking isda, may karne, may fried chicken, crispy pata. “Saan ka ba nagpunta anak? Si itay at si Kuya Andrei mo ay hanap nang hanap sa iyo! Hayan may ipinahanda si Kuya Andrei mo para sa atin, malamig na ang ibang ulam. Saan ka ba nagtungo?” “Nahanap ko po siya sa central plaza nay… Hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa niya doon. Siguro, nag-date sila doon ng girlfriend niya at nag-away kaya iniwanang mag-isa at hayan, aborido.” Na siya ko namang ikinagalit. Tinitigan ko siya ng matulis at binulyawan. “Hindi kami nagsama ng girlfriend ko! Nag-aral ako! Di ba sinabi ko sa iyo!” “Huwag mo ngang sigaw-sigawan ng ganyan ang Kuya Andrei mo! Sabik na sabik sa iyo ‘yang tao at ngayong nandito na, sinisigawan mo lang!” Hindi na ako kumibo. “Ok lang ‘nay... ganyan naman talaga iyang si bunso. Maliit pa iyan, ganyan na iyan. Spoiled eh. Naintindihan ko iyan.” “Sabagay, naglalambing.” Ang sagot naman ng inay. “Spoiled… Ulol!” ang mahina kong paggagad sa sinabi ni Kuya Andrei habang palihim siyang tiningnan ng matulis. “Hala kumain na kayo at malamig na ang mga pagkain!” ang pagsingit naman ni itay. Umupo ako, kumain na walang kibo. Sila lang ang nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Marahil ay napansin ito ni Kuya Andrei, isiningit niya ang sinabi niya sa akin sa tricycle. “Nay, ‘tay... isang linggo na lang akong titira rito imbes na dalawa...” sabay tingin sa akin. “Ha? Bakit naman?” ang tanong ni itay. “Pinatawag na ako ng aking kumander at may special operation daw kami. Kailangang nandoon ako.” “Ay ganoon ba? Kasayang naman... ang tagal na nating hindi nagkita, ang mga magulang mo ay hindi na rin namin nakita tapos heto ikaw, isang linggo lang palang dadalaw dito.” “Hayaan niyo na po ‘tay, ‘nay. Sa sunod kong bakasyon, babawi ako.” Doon na ako tumayo. Nainis ba o nalungkot. Di ko lubos maintindihan ang naglabo-labo kong naramdaman. Nag walk out ako sa harap ng kainan. Walang pasabi. “Saan ka na Alvin? Tapos ka na ba?” ang tanong ni inay. “Busog na po ako at matutulog na!” “Hindi ka man lang sasali sa aming munting kasayahan ‘tol?” “Hindi na...” Iyon lang. Dire-diretso na ako sa kuwarto at doon, nagmukmok. Hindi ko na naman napigilan ang sariling hindi umiyak sa hindi ko rin maintindihang rason; kung dahil ba sa panghihinayang na aalis na naman siya o dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya na pilit kong nilalabanan. “Nagpromise na ako sa sariling dumistansya sa kanya... kaya panindigan ko ito.” Ang sigaw ng isip ko. Kagaya ng naunang gabi, narinig ko na naman ang mga kuwentuhan nila, biruan, tawanan. Habang abala ako sa paglatag ng kanyang higaan sa sahig, narinig ko na naman ang kinanta niyang “Old Photographs.” Hindi ko mapigilang hindi mapahinto sa aking ginagawa. Pinakinggan ko ang bawat liriko na binigkas niya sa kanyang pagkanta. Ramdam ko ang sakit sa aking puso. Naalimpungatan ko na lang na muling dumaloy ang aking mga luha. Pinahid ko ang mga ito. Nang natapos na ang kanyang pagkanta, saka ko ipinagpatuloy ang pag-ayos sa kanyang higaan. Kagaya ng naunang gabi, hatinggabi na rin silang natapos. Nang narinig ko na ang mga yabag niyang patungo ng kuwarto, nagkunyari na naman akong tulog, itinalukbong ko sa aking katawan ang kumot, nakiramdam sa galaw niya, hanggang sa narinig ko na naman ang pagtanggal niya ng t-shirt, ang pag-ingay ng zipper ng kanyang pantalon at ang paghiga niya sa banig. Muli, nagsalita na naman siya. Parang alam niyang hindi ako tulog. “Sabi ni itay magaling ka na raw maggitara... lalo na ang ‘Old Photographs’ lagi mo raw itong kinakanta.” wika niya ang boses ay halatang lasing na naman. “Sana ay marinig ko ang kanta mo. Kapag narinig kong kumanta ka, matutuwa ako.” “Noon iyon! Hindi na ngayon!” ang bigla kong pagsagot sa kanyang sinabi. “Bakit ano bang kaibahan sa noon at ngayon?” ang sagot din niya. “Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?” “Wala namang nagbago sa akin tol eh...” “Sa iyo wala. Sa akin mayroon.” “Ah, oo nga pala. Nalimutan ko na naman. Malaki ka na, may girlfriend na. Dahil ba iyan sa kanya?” “Anong kinalaman ng girlfriend ko sa pagbabago ko? Bakit ba palagi mo siyang isinisingit sa usapan?” Ngunit hindi niya sinagot ang aking tanong. Bagkus, “Bakit mo pinutol ang itinanim kong puno ng mangga?!” medyo tumaas ang boses niya. Nagulat naman ako sa narinig. Naalala ko, pinutol ko pala ang mangga na itinanim niya na sinabi niyang alagaan ko. May tatlong lingo ang nakalipas bago siya dumating, pinutol ko iyon dahil sa inis sa kanya; sa sobrang sama ng loob ko na palagi kong naaalala siya sa bawat sandali na nakikita ko ang puno na iyon. Kaya tuluyang pinutol ko ito. Hindi ko rin naman kasi alam na darating pa siya. Galit na galit ang itay at inay sa ginawa ko, hindi lang dahil malaki na ito kundi dahil itinanim ito ni Kuya Andrei mismo sa harap ng aming bahay. “I-itinumba kaya iyon ng kalabaw… kaya pinutol ko” ang pagsisinungaling ko pa. Na lalo pang ikinatataas ng kanyang boses. “Itinumba ng kalabaw? Walong taon akong nawala tol, walong taon na rin ang punong iyon, namumulaklak na sabi ng itay, mamumunga na sana... naitumba pa ng kalabaw? Kitang-kita ng aking mga mata ang bakas nito na sinadyang putulin! Hindi mo alam kung gaano kasakit na makitang ang itinanim kong kahoy – para sa iyo ay ikaw pa mismo ang pumutol? Bakit???” Hindi ako nakaimik. Hindi na ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Hindi ko naman puwedeng sabihin na nainis ako sa kanya kung kaya ay pinutol ko iyon; na galit na galit ako; na gusto kong malimutan siya at iwaksi sa aking isip dahil… may naramdaman akong kakaiba para sa kanya. Tahimik. Mistulang nakakabingi ang katahimikang namagitan sa amin sa sandaling iyon. Mistula ring napakabagal ng takbo ng ilang minutong katahimikang iyon. Maya-maya, nagsalita siya. “Bakit ba parang mainit ang ulo mo sa akin ngayon? Hindi ka naman ganyan ah. Dati, kapag sinusuyo kita, ngumingiti ka na. Pero ngayon, parang sagad sa buto ang galit mo sa akin. Bakit ba?” Hindi ko siya sinagot. Tama nga naman siya. Pati ako ay nalilito. Wala naman talaga siyang kasalanan eh. Maliban sa sama ng loob ko kung bakit kinalimutan niya ako na pwede ko namang palampasin dahil bumalik naman siya, at... parang wala namang nagbago sa kanya. Ngunit may nararamdaman ako. Takot akong tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya at masaktang muli. Alam ko, nasa akin ang mali. Ngunit hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Nasaktan na ako. At alam ko na kapag hindi ko pipigilan ang aking sarili, muli na naman akong masaktan. Kaya dapat lang na magmatigas ako. “G-gusto mo na ba talagang umalis ako dito sa inyo ‘tol?” Parang gusto ko siyang sagutin ng “Malay ko sa iyo! Bakit, ako ba ang kumander mo? Ako ba ang nakaalam sa buhay mo?” Ngunit pinili ko na lang na tumahimik. Hindi ko naman talaga kasi alam kung ano ba ang gusto ko. Nalilito ako. Alam kong ma-miss ko siya kapag umalis siya at masakit iyon. Sariwa pa sa isip ko ang sakit na naramdaman ko sa una niyang pag-alis at ngayon, mangyari na naman ito. Ngunit sa kabilang panig, makabubuti rin ito upang mahinto ang kahibangan ko sa kanya; upang maturuan ang sariling huwag nang umasa pa. “Alam mo, hindi ko pa nalimutan ang mga masasayang ala-ala natin noong bata ka pa...” Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang siyang magsalita. “Nalala mo pa ba noong katatapos lang ng bagyo, may ulan at hangin pa, lumabas tayo ng bahay upang mangolekta ng mga nagkalaglagang niyog. Wala naman kasi tayong niyugan kung kaya ay sa niyogan nina Mang Isko tayo pumunta. Habang abala ako sa kasisigaw ng ‘Ito tol... marami rito! Atin ito! Hayan atin din iyan!’ At nagtaka na lang ako kung bakit natahimik ka. Kaya pala, dahil nakita mo si Mang Isko na halos nasa harap ko na lang at noong nagsalita pa ako ng ‘ayan pa atin lahat iyan tol!’ sinagot ba naman niya ako ng ‘Sa inyo nga yan pagkatapos ko kayong pagtatagain! Mga walang hiya kayo pinagnanakaw niyo ang mga niyog ko!’. At noong nakita ko siyang iwinasiwas sa ere ang kanyang itak, mistulang hindi naman lumapat ang aking mga paa sa lupa sa bilis ng aking pagtakbo. At ikaw, nauna nang nagtatakbo, hindi mo man lang ako sinabihan.” Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanyang kuwento. Ngunit nagkunyari pa rin akong tulog. Pilit na huwag gumalaw. Syempre, naalala ko ang pa ang pangyayaring iyon. Noong nakauwi na kami ng bahay, galit na galit siya sa akin, sabi, ‘tangina ka, ba’t hindi mo sinabing nasa harap ko na si Mang Isko? Kung nataga ako noon?’ at sinagot ko naman ng, ‘E di kung sumigaw ako, ako naman ang unang tatagain niya! Ang liit ko pa naman!” Patuloy pa rin siya sa pagkuwento. “May isa pang insidente, sumakay ako sa kalabaw ng itay, sabi mo sasakay ka rin. Ngunit noong hinawakan mo ang kamay ko at umangkas ka na, nalaglag ka. Sa galit mo, pinalo mo ang kalabaw at bigla itong tumakbo at ako naman ang nalaglag. Pinagtatawanan mo ako dahil noong bumangon ako, puno ng putik ang aking katawan, at pati na ang aking mukha na mistulang kasali sa ati-atihan. Nagalit na naman ako sa iyo. Hinabol kita. Pinagtatawanan mo ako, sabi mo Momo! Momo!” Pigil pa rin ako sa pagtawa. Iyon kasi ang iilang sa mga nakakatawang insidente naming dalawa, kasama na ang palagiang paliligo namin sa ilog kung saan ay iiwanan ko siya pagkatapos kong itatago ang kanyang damit o kaya ay dadalhin ko sa pag-uwi, at uuwi na lang siyang dahon ng saging ang nakatakip sa kanyang harapan... Pero ganoon pa rin. “Minsan, maliligo rin tayo sa ilog, gagawa ako ng balsa tapos baybayin ng balsa natin ang kahabaan ng ilog hangang sa malayo at doon, walang katao-tao ang mga taniman ng pakwan, at mani. Dadayo tayo at magnanakaw tayo ng makakain. Isang beses ay nahuli tayo. Naalala mo iyon? Ang bilis mong kumaripas ng takbo. Ngunit noong nakita mong hinawakan ako ng may ari at dinala sa kanyang kubo... si Mang Caloy ba iyon? Bumalik ka, pumitas ng pakwan at ibinato mo ito sa kanya. Sapol sa kanyang ulo at nabasag pa ang pakwan. Kaya nabitiwan niya ako. Nagtatakbo tayo, iniwanan na ang balsa at nagtago muna tayo sa may talahiban. Ang tapang mo rin ano? Ikaw ang nagligtas sa akin... Salamat.” Nakinig pa rin ako. Kung sa una niyang kuwento ay natawa ako, sa kuwento naman niyang iyon ay parang touched ako. Parang may kurot sa aking puso. Paano, di ko maitatwang mahal ko naman talaga siya at ayaw kong mawalay siya sa akin. Kung kaya nagawa ko iyon. Natakot akong makulong siya. Ngunit hindi pa rin ako kumibo. “Ngunit doon ako bumilib sa iyo noong nilagnat ako, grabe ang lagnat ko noon, hindi ako makatayo, sobrang sakit ng aking ulo kung kaya ay hindi ako nakapasok. Sabi mo, hindi ka na lang din papasok kasi, walang mag-aalaga sa akin. May trabaho kasi sa bukid ang mga magulang natin. Nagalit ang inay mo sa iyo at hindi pumayag. Ngunit ang ginawa mo ay nagkunyaring umalis ngunit nagtago lang pala sa likod ng bahay. Noong nakaalis na sila, saka ka bumalik sa kuwarto natin. Inalagaan mo ako. Kahit may sakit ako, niyayakap mo pa ako. Kaya tuloy, nilagnat ka rin at sabay na tayong nagpagaling. Iyon ang sobrang ikinatutuwa ko sa iyo. Kaya nga mahal na mahal kita eh...” Sa kwento niyang iyon doon na ako tuluyang napaiyak. Ngunit hindi pa rin ako nagpahalata na nakinig ako sa mga kuwento niya. Hindi ako gumalaw, hindi kumibo. Nanatili akong nagtalukbong sa kumot at hinayaang ang mga luhang dumaloy nang dumaloy sa aking pisngi at pumatak ang mga ito sa aking unan. ‘K-kaso... nagbago ka na. P-parang hindi na ikaw ang batang palaging naaasar ngunit sa isang iglap lang ay tatawa uli at yayakap sa akin, magpakarga, maglalambing. Nagbago ka na.” Hindi pa rin ako kumibo. Pinilit o ang sariling huwag bumigay. Alam ko, ako pa rin ang masasaktan sa bandang huli. “Sana ay pigilan mo ako ‘tol...” Doon ay hindi ko na napigilan pa ang sariling hindi magsalita. Hinawi ko ang kumot na nakatalukbong sa aking katawan at, “Pigilan kita? Tapos, ano?” ang sambit ko. “A-ano ba ang gusto mo?” ang sagot niyang ang boses ay nagmamakaawa. “Wala! Hindi naman kita...” Napahinto ako. Ang nasa isip kong isusunod na salita sana ay “boyfriend” o “asawa”. “Hindi mo ako ano...???” ang tanong niya. Ngunit bigla ko ring naisip ang salitang “...k-kamag-anak. Hindi naman kita talaga kapatid. Hindi kita tunay na kuya. May iba kang pamilya na uuwian. Di wala! Ano ba ang puwede?” “Bakit? Kagustuhan ko bang isilang na hindi mo kapatid? Kung maaari nga lang sanang mamili ng kapatid eh... kahit na isilang pa akong muli upang maging kapatid lang kita, papayag ako.” Nahinto siya nang sandali. “At ano ba ang masama kung hindi tayo tunay na magkapatid? Puwede naman kitang ituring na tunay na kapatid. Kung tutuusin nga, ang pagmamahal ko sa iyo ay higit pa kaysa isang tunay na kapatid...” Natameme naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman. Hindi niya kagustuhan ang lahat. Walang masama kung hindi kami tunay na magkapatid gayong puwede naman niya akong ituring bilang isang kapatid. Ngunit hindi kasi iyon ang issue. Ang issue ay mahal ko siya hindi bilang kapatid at gusto kong mahalin din niya ako bilang isang kasintahan. Hindi maaari iyon dahil sa maraming hadlang. Ayaw kong masaktan. Mukhang simpleng bagay lang naman; madaling intindihin. Ngunit parang napakalaking issue para sa akin. Ganyan siguro talaga kapag nagmahal ang isang tao. Naaalipin ang utak ng insecurity, galit, pride, takot, pagkatuliro, hindi na alam kung ano ang kaibahan ng tama sa mali. Ang simpleng bagay ay naging kumplikado; ang katotohanan ay hindi mo matanggap. Pakiwari mo ay mali-mali ang mga biyayang ibinigay sa iyo ng nasa taas. Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Natahimik na lang ako. Narinig ko ang pagpakawala niya ng isang malalim na buntong-hininga. “Kung ganoon ang problema mo, wala akong magagawa. Uuwi na lang ako bukas ng umaga, babalik sa aming barracks...” ang sambit niya, ang boses ay malungkot. Tila may sibat naman na tumama sa aking puso sa narinig. Pakiwari ko ay gusto kong maglupasay sa sama ng loob. Parang mas lalo pa akong nainis sa kanya. “Di umalis ka...!” ang sabi kong bahagyang pabulong bagamat alam ko, narinig niya iyon. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi na rin ako kumibo. Naghimutok ang isip ko. “Pumunta pa siya rito! Ginugulo lang niya ang buhay ko. Tanginaaaaaaaa!” Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Napuyat kasi ako noong nakaraang gabi dahil sa nangyari kung kaya ay nahimbing ako. Nang nagising ako at nilingon ang hinigaan ni Kuya Andrei, wala na siya sa kanyang puwesto. Wala na rin ang banig na inilatag ko; maayos na nakatupi ito sa isang gilid at naroon din ang unan sa ibabaw nito. Nang tingnan ko ang kabinet, wala na rin ang kanyang mga damit at gamit. Biglang bumalot sa aking katawan ang matinding lungkot at kaba. Parang gusto kong umiyak na baka tinotoo nga niya ang pag-alis. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto. “Nay… nasaan na po si Kuya Andrei?!” “Ah… oo, umalis na siya. Nagmamadali gawa nang may tawag na naman daw siya galing sa kanyang kumander. Kailangan na raw niyang bumalik sa headquarters nila.” Mistulang gumuho ang aking mundo sa narinig. Doon ko narealize na pinanindigan niya ang kanyang sinabing aalis. Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman. Ang dalawang magkatunggaling bagay sa isip ko kung tatanggapin ba siya o palayain ay mistulang nagkaisa at iisa na lang ang isinisigaw nito. “Anong oras po ba siya umalis ‘nay?” ang tanong ko. “May 30 minutos na ang nakalipas.” “S-saan po bang terminal siya sasakay ‘nay?” “Sa mga bus papuntang San Pedro City. Sa North terminal. Bakit?” Hindi ko na nagawang sagutin pa ang tanong ng inay. Dali-dali akong bumalik sa aking kuwarto, kinuha ang wallet ko, ang wallet na bigay pa niya sa akin. Hindi ko na rin nagawang magbihis pa. Bagkus dinala ko na lang ang t-shirt na binigay niya sa akin noong una siyang umalis atsaka kumaripas na ng takbo paalis ng bahay. “Alvinnnn! Saan ka pupunta anak! Kumain ka muna!!!” ang sigaw ni inay. Ngunit tila wala akong narinig. Ang tanging nasa isip ko lang sa sandaling iyon ay ang habulin ang Kuya Andrei ko... Mabilis akong tumakbo. Nang nakarating na sa mismong terminal ang tricycle na aking sinasakyan ay siya namang pag-alis ng isang bus. “Papuntang San Pedro City po ba iyon?” tanong ko sa tricycle driver sabay turo sa nasabing bus. “Oo… patungo nga ng San Pedro City iyon.” Mistulang nawalan ako ng lakas sa narinig. Parang nawalan ng pag-asa. Parang gusto kong sumigaw sa tuktok ng aking boses. Wala na akong nagawa kundi ang bayaran ang driver at bumaba sa tricycle. Nabalot sa matinding lungkot, naglakad ako na parang wala sa sarili at naupo sa isa sa mga nakahilerang upuan ng mga pasahero sa loob ng terminal. Hindi ko talaga alam kung ano ang sunod kong gagawin. Pakiwari ko ay nawalan na ako ng ganang umuwi pa. Hindi ako mapakali. Nanghihinayang na sana ay nakapag-sorry man lang ako o kaya ay nayakap ko man lang siya. Ewan ko rin ba kung bakit bigla na lang akong napatayo at tinumbok ang opisina ng taga-issue ng ticket. “Sir… anong oras po ang sunod na biyahe patungong San Pedro?” ang naitanong ko. “Bente minutos mula ngayon, aalis na ang pangalawang biyahe.” Nag-isip ako. Sabado iyon walang pasok. Wala ring pasok kinabukasan. At alam ko, may pera pa ako sa aking wallet, kahit papaano. “M-magkano po ba ang pamasahe?” “Ninety!” Binuklat ko ang aking wallet. May 95 pesos itong laman. “Bahala na…” sa isip ko. “S-sige po… isang ticket po!” ang sambit ko. Hindi ko lubos maisip kung saan nanggaling ang lakas ng loob na gawin ko iyon. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakapunta ng kahit mga karatig-lungsod lamang na nag-iisa dahil sa takot. Ang isa pang dahilan ay mahiluhin ako. Alam ng mga magulang ko ito. Kung kaya ay kapag may field trip ang klase namin, nag-aalala ang mga magulang ko kasi, siguradong magsusuka ako at parang mawawalan ng malay tao kapag sobra-sobra na ang pagsusuka. Kaya kung maaari ay ayaw nila akong payagang sumama sa mga field trips. Kahit si Kuya Andrei ay alam ito. Minsan nga, hindi pumayag noon ang aming guro na hindi ako sasama, pinasama ng inay si Kuya Andrei sa field trip na iyon para lamang bantayan ako at alagaan. Simula pa lang kasi noong maliit pa ako, grabe na ang pagka-hiluhin ko. Ngunit sa pagkakataong iyon. Hindi ako makapaniwalang ganoon kalakas ang loob ko. Wala akong ibang iniisip. Konti lang ang kinain ko sa hapunan at hindi pa nag-agahan ngunit hindi ko naramdaman ang gutom. Hindi ako nabahala kung hanapin ako ng aking mga magulang at mag-alala sila. At ang sa natirang limang piso ko, hindi ko na inisip kung kaya ko pa bang makabalik o hindi na. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang masundan si Kuya Andrei. At pagkatapos noon, bahala na si batman… Pagkatapos makabili ng ticket ay pumasok ako sa naturang bus at tinumbok ang isang upuang nasa gilid ng bintana. Pinili ko talaga ang puwestong iyon dahil baka sakaling magsuka ako, maaari kong buksan ang bintana. Habang nakaupo na ako roon, bigla na namang pumasok sa isip ko si Kuya Andrei. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Para akong isang basang sisiw na nahiwalay sa grupo ng mga inakay sa ayos ko. Naka-shorts pambahay lang, nakatsinelas, hindi pa nga nakapaligo o ni makapagsuklay man lang ng buhok. Hayun, nag-iiyak pa. Upang hindi ako mapansin ng mga tao, nakayuko lang ako sa aking pagkaupo, isinandal ang aking siko sa backrest ng upuang nasa harap ko habang ang aking ulo ay isinandal naman sa ibabaw ng aking siko, ang aking mukha ay nakaharap sa aking hita. Habang nasa ganoon akong ayos, hindi ko naman naiwasang hindi mapaiyak. Sobra ang pagkaawa ko sa aking sarili. Parang wala na akong pakialam pa kung ano man ang mangyari sa akin. “Ganito ba talaga kapag may naramdaman ka para sa isang tao? Hahamakin at susuungin ang lahat, kalimutan ang sariling takot at harapin ang kahit ano mang kapahamakan na dulot nito?” Hinugot ng isa kong kamay ang aking wallet. Binuklat ito, tinitigan at hinahalik-halikan ang litrato namin ni Kuya Andrei habang mahina kong kinanta ang kanta namin – *Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder Feel like I'm getting older, still I can't forget your face Separated by a million miles of ocean My heart still feels emotion, even in this lonely place Old photographs and places I remember Just like a dying ember, that's burned into my soul Even though we walk the diamond-studded highways It's the country lanes and byways, that makes us long for home... Naramdaman kong paandar na ang bus at sumigaw na ang kunduktor ng “San Pedro City! San Pedro City!” Ngunit hindi ako natinag sa aking posisyon at patuloy lang sa aking mahinang pagkanta. Para bang imbes na magdasal ako ng “Hail Mary” o “Our Father”, dahil aalis na ang bus at ilayo ito sa kapahamakan o aksidente, idinaan ko na lang ang aking panalangin sa pagkanta ng “Old Photographs.” Iyong feeling na nakasentro lang ang laman ng aking isip kay Kuya Andrei na kahit sasabog man o malaglag sa bangin ang aking sinasakyang bus, wala akong pakialam. Basta sa isip ko, si Kuya Andrei lamang ang tanging laman nito. Kaya kahit nag-c***k ang aking boses dahil sa aking pag-iyak, itinuloy ko pa rin ang mahina kong pagkanta. Nasa ganoon akong pagkakanta noong naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Syempre, hindi ko pinansin bagamat nainis din akong may tumabi pa dahil hindi ako maka-emote nang maayos. Syempre, ayaw kong maisturbo at lalo nang ayaw kong makita na umiiyak. Kaya hindi ko na siya tiningnan. Nagkunyari akong tulog. Ngunit na-distract ako sa kanyang ginawa. Ginaya ba naman niya ang posisyon kong isinandal ang ulo sa kanyang siko na nakasandal din sa backrest ng harapang upuan. Napahinto tuloy ako sa aking pagkanta at pinakiramdaman ang sunod niyang gawin. Baka kasi marinig niya ang aking pagkanta at pagtingin sa litrato na nasa aking kamay. Baka isipin niyang nababaliw na ako at ipakaladkad palabas sa kunduktor. Ikaw ba ay may nakatabing nakatsinelas lang, naka-shorts na pantulog at magulo ang buhok, dagdagan pa ng nakatitig sa litrato at kumakanta. Baliw lang ang nakakagawa noon. Kahit alam kong feeling nababaliw na nga ako, ayaw ko pa ring makaladkad palabas ng bus. Doon na ako tuluyang nagulat nang nakita kong binuklat din niya ang kanyang wallet. Napatingin ako rito. Ang litrato sa kanyang wallet ay parehong-pareho ng mga litrato na nasa wallet ko! Bigla akong napaangat sa aking ulo at nilingon ang aking katabi. Kasabay sa paglingon ko sa kanya ay tiningnan niya ako at kumanta rin – *Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder Feel like I'm getting older, still I can't forget your face Separated by a million miles of ocean My heart still feels emotion, even in this lonely place... “Kuya Andreiiiiiiiii!!!” ang sigaw ko. Nagulat at nagsitinginan sa aming puwesto ang iba pang mga pasahero sa bigla kong pagsigaw. “Shhhhhh!” sambit niya na minuwestra ang daliri sa kanyang bibig, pahiwatig na huwag akong mag-iingay o magi-eskandalo. “Bakit nahuli ka?” ang tanong ko. “Bakit? Nag-usap ba tayong magsabay?” ang pabalang din niyang biro. “Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi ka nakasakay sa naunang bus?” “Hinintay kita eh, nagbakasakaling ihatid mo ako o pigilan. Hindi kita nakita kaagad. Ngunit nakita kitang paakyat na rito.” “Bakit hindi mo ako pinigilan? Malayo na tayo sa terminal ah!” ang may halo ko na namang inis at paninisi na nakaarangkada na ang bus at may ilang kilometro na ang layo nito sa terminal. “Sayang iyong ticket mo.” “Sayang iyong ticket ko? Hayaan mo na ang ticket. Uwi na tayo... Parahin na natin ang bus habang hindi pa masyadong malayo! Kuya naman eh!” “Nakapagpaalam na ako kina itay at inay e.” ang sambit niya. “Hindi ka naman nagpaalam sa akin ah!” ang sagot ko rin. “Ay oo nga pala. Paano iyan? Magpapaalam ba ako ngayon?” “Kuya naman eh!” “Ah... pero may naisip ako para d’yan.” ang kalmante niyang sabi. “Ano na naman iyan? Dalian mo at malayo na tayo! Malapit na ang sunod na lungsod!” “Dahil hindi ako nakapagpaalam sa iyo... isasama na kita?” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. “Ha???” ang gulat kong sagot. “B-bakit?” “Bakit pa tayo babalik kung puwede namang tumuloy tayo, di ba?” Napatingin ako sa mukha niya. “Dadalhin mo ako sa barracks ninyo? Ipakilala mo ako sa kumander mo? Tingnan mo naman ang ayos ko?” “Problema ba iyan? Pupunta tayo sa pinakamagandang ng resort sa San Pedro City. Pero bago iyan, pupunta muna tayo ng shopping mall. Bibilhan kita ng damit at doon, tayong dalawa ang magbabonding at mag-enjoy hanggang sa Linggo ng gabi. Lunes na ng madaling araw tayo uuwi. Ok ba? Bakasyon naman ako eh… Samahan mo na si kuya.” Napangiti na lang ako. Kinurot ko ang kanyang tagiliran sabay din yakap sa kanya. Niyakap niya rin ako. Walang tanong-tanong. Walang sorry-sorry. Ganoon din noong maliit pa lang ako. Away-bati, away-bati, walang tanungan, walang sisihan. Basta kapag nagbati, iyon na. Close na uli. Upang hindi ako magsuka, pinainum niya ako ng gamot para sa hilo. Nakatulog ako nang mahimbing sa aming biyahe, sa mga bisig ng Kuya Andrei ko. Langhap na langhap ko pa ang amoy ng kanyang pabango, at kinakantahan pa niya ako sa aming kantang, “Old Photographs…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD