“Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyyyyyy!!!” ang pagsigaw ko habang hinahawakan ko ang kanyang braso at pilit na inuuga ang kanyang katawan. Ngunit hindi na niya ako magawang sagutin pa. “Doktor! Doktorrrrrrrr!” ang pagsigaw ko. Halos puputok na ang aking baga at lalamunan sa tindi ng aking paghiyaw. Dali-daling pumasok ang mga doktor at pilit nilang ni-revive ang paghinga ng itay. Ilang beses din nila itong binigyan ng electric shock ngunit wala na talagang palatandaan na buhay pa ito. “I’m sorry…” ang sambit ng doktor sabay muestra sa mga nurse na ilabas na lang ang bangkay ng itay at dalhin ito sa kanilang morgue. Ang sakit. Sobra. Iyon bang nakita mo ang iyong magulang na wala nang buhay, hindi ka na naririnig, hindi na nakakagalaw. Ang tanging magagawa mo na lamang ay ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books