Chapter Thirty Two

2124 Words
"ALAM kong nasa honeymoon pa kayong dalawa, Calton and Lia, but we need to discuss this matter with the two of you," sabi ng ama nilang si Marco sa kanilang dalawa ni Calton pagkarating nila sa bahay bakasyunan ni Jacen sa Alta Tierra. "We understand," sagot ni Calton habang hawak nito ang kamay niya na para bang mawawala siya ano mang oras. Tiningnan ni Marco si Dr. Mendez na naghihintay lang sa hudyat na pwede na siyang magsalita. Nang tanguan ito ni Marco ay tumikhim ito at nagsimula nang magsalita. Nandoon din sa bahay na iyon si Jacen at Marcelo para makinig sa sasabihin ng doctor. "Ang huling mungkahi ko noon kay Marco at Calton, muking sumailalim sa operasyon si Lia para natanggal ang microchip sa kanyang ulo," pag-uumpisa nito. "Hindi ba makakasama para kay Lia ang sumailalim muli sa isang operasyon?" tanong ni Marco sa kaibigang doktor. "Sa huling CT-SCAN ko kay Lia, hindi pa tuluyang nababalot ng laman ang microchip na nasa ulo niya. Nasa ibabaw pa rin ito kaya hindi masyadong mahihirapan kung tatanggalin iyon." "Ilang porsyento ang masisiguro mo sa kaligtasan ni Lia sa operasyon na ito, tito?" tanong naman ni Calton. "I want to be honest with you. Trentang pursyento ang mabibigay ko sa inyo." Nang tingnan ni Lia ang asawa ay nakita niya ang paggalaw ng panga nito. Kitang-kita niya ang pag-aalala nito sa kalagayan niya. "Is the microchip still working?" tanong naman ni Marcelo mula sa pananahimik. "Base on my x-ray scan and universal scanner, the microchip is deactivated," sagot naman ng doktor. "Hindi kaya kapag nagalaw iyon ay biglang mag activate?" muling tanong ni Marcelo. "I don't know. Kaya minumungkahi kong gagawin ang operation kung saan walang nakakapasok na kahit na anong radiation para makasiguro tayo." "Lia, Calton, pumapayag ba kayo na isagawa ang operasyon na ito?" tanong sa kanila ng ama nilang si Marco. Nagkatinginan sila ni Calton. "I don't want to risk your—' "Walang mangyayari kung patuloy nating iisipin ang pag-iwas sa panganib, Calton," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Hindi matatapos ang problema natin kung wala tayong gagawing hakbang." "Pero thirty percent lang ang kasiguraduhan ng kaligtasan mo." "Kahit saan naman malalagay pa rin sa alanganin ang buhay ni Lia," singit ni Marcelo na ikinatingin ng masama rito ni Calton. "Marcelo is right," sangayon niya sa lalaki. "Kahit ano ang ipiliin nating plano, malalagay at malalagay sa kapahamakan ang buhay ko, pero kung tutuosin ito ang pinaka ligtas at madaling gawin," aniya. "Tama si Lia, Calton," sansala ng kanilang ama. "Huwag kang mag-alala, Calton, isasailalim muna sa maraming check up si Lia bago ko isagawa ang operasyon, para masiguro ang kaligtasan niya," sabi ng doktor. "At habang sumasailalim si Lia sa check up, tumulong ka sa paghahanap sa nakatagong bomba," sabi naman ng kanilang ama. "Hindi pwedeng maghintay at walang gawin." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Calton. "Tama si papa, Calton," aniya. "Gawin natin ito para sa atin, para matapos na ang pinoproblema ng bawat isa." Pinakatitigan muna siya nito bago marahan na tumango. "Let's do this." Mapait niya itong nginitian. "Thank you," aniya. MASAKIT ang ulo ni Lia nang magising siya. Para iyong binibiyak sa sobrang sakit at bigat. Nang icheck up naman siya kahapon wala naman nakitang kahit na anong pamamaga sa ulo niya, kaya hindi niya alam kung bakit sumasakit ng ganito ang ulo niya. Wala sa tabi niya si Calton dahil may misyon itong ginagawa ngayon kasama si Brad at Jacen. Nasapo niya ang bibig nang biglang bumaliktad ang sikmura niya kaya patakbo siyang pumunta sa banyo at sa laba siya nagduduwal. Napahawak siya sa sikmura nang makaramdam siya ng pangangasim. Naghikamos siya at nag mumog bago bumalik sa kama at muling humiga. Hindi niya alam kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam niya ng umagang iyon. Dahil sa sama ng pakiramdam niya ay gusto na lang ulit niya mahiga at matulog ulit kahit pa may appointment siya kay Dr. Mendez ngayong araw. Nagising siya nang maramdaman niyang may humaplos sa pisngi niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang gwapong mukha ni Calton ang bumungad sa kanya. Tipid niya itong nginitian. "Nakauwi ka na," aniya. "Sasaglit lang ako para kamustahin ka. Hindi ko matiis na hindi ka makita, baby." Hinalikan siya nito sa mga labi. "I miss you, baby." "Awww... Ang sweet naman ng baby damulag ko. I miss you too, Calton," aniya na niyakap ito. "Inakyat ko ang pagkain mo rito, dahil sabi ni Nanay Esme hindi ka raw bumaba kaninang umaga at tanghalian para kumain," anito na ikinakunot ng noo niya. Pinapunta na rin nila sa Alta Tierra ang matanda para meron siyang nakakasama. "Anong oras na ba?" "Alas-tres na ng hapon." Inalalayan siya nitong bumangon. "May masakit ba sa'yo?" "Sumakit ang ulo ko kanina at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko." Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito kaya agad niya itong sinapo sa pisngi. "Don't worry normal lang na sakit sa ulo ito. Walang nakitang problema sa check up ko kahapon kaya wala kang dapat ipag-alala." Nagbuntong-hininga ito. "Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala." "Alam ko po. Pero ayos lang talaga ako promise." "Pero kung masama talaga ang pakiramdam mo sabihin mo agad kay Dr. Mendez para alam niya at mabigyan ka ng tamang gamot, okay?" Nginitian niya ito. "Okay po. But I feel better now kasi nakita na kita." "Sorry if we are going through all this." "Walang may gusto, Calton. Pero isa lang ang nasisiguro ko, iyon ay malalagpasan natin lahat to nang magkasama." Tumango ito. "Nang magkasama. I love you." "I love you more, Calton." Pinakain muna siya nito, pinaliguan at inasikaso bago ito muling magpaalam sa kanya para gawin ang nabitin nitong trabaho. Nang bumuti-buti ang pakiramdam niya ay nagpahatid na siya kay Dr. Mendez. "Balita ko mula kay Calton masama raw ang pakiramdam mo?" agad na tanong sa kanya ng doktor pagdating niya sa bago nitong klinika na kakatayo lang. "Sumakit lang ang ulo ko nang magising ako at sumama rin ho ang tyan ko," aniya. Nangunot ang noo nito. "Ngayon mo lang ba naranasan ang ganyan, Lia? O kapareho ang nararamdaman mo noong sumakit ang ulo nang may naalala ka?" Inalala niyang mabuti kung pareho ba ang naramdaman niya noon sa naramdaman niya kaninang umaga. "Magkaiba ho, Doc. Mas matindi ho ang pananakit ng ulo ko noon kumpara kanina. Ngayon ho kasi gusto ko lang mahiga at matulog." Tumango-tango ito. Pagkatapos ay may tinawagan ito sa telepono at mga ilang minuto ay may pusok na babaeng doctor din sa kwarto ni Dr. Mendez. "Lia, I want you to meet Dra. Ivonne, she's a OB-Gyne. Maaari kang sumama sa kanya para masuri ka ng tama," pagpapakilala ni Dr. Mendez rito sa kanya. "Hi Lia," magiliw nitong bati. "Hello ho, Doktora." Naguguluhan man ay sumama siya kay Dra. Ivonne papunta naman sa sarili nitong kwarto. Pinaupo siya nito at agad siyang inasikaso ng assistant nito para kuhaan siya ng MRI. "Ano ang naramdaman mo kaninang umaga pagkagising mo, Lia?" maya'y tanong nito sa kanya. "Nahilo ho ako at naduwal," mabilis niyang sagot. Hindi niya alam kung para saan ang mga tinatanong nito, pero mabuti na lang na sagutin niya. "Kailan ka huling dinatnan?" May kinalaman ba 'yon sa pananakit ng ulo at pagduwal niya kanina? Inisip niya kung kailan nga ba siya huling dinatnan. Natigilan siya nang mapagtantong hindi pa dumarating ang dalaw niya isang buwan na ang nakalilipas. Napatingin siya sa doktor. "Mahigit isang buwan na po," kinakabahan niyang sagot. Nangangahulugan kayang nagdadalang-tao na siya? Tumango ito at may kinuha na kung ano sa drawer nito tsaka inilapag sa harapan niya. Hindi siya ganu'n ka mangmang para hindi malaman kung ano ang ibinigay nito sa kanya. "Pregnancy test ito at nasa loob na ni'yan kung paano gamitin 'yan. Kapag one line hindi ka buntis pero kapag nag-two lines ibig sabihin buntis ka," anito na kinakabog ng puso niya. Tinitigan niya ang pregnancy test kit. May posibilidad kayang buntis siya? "Lia?" Pukaw sa kanya ni Dra. Ivonne nang hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya. "S-sige po doktora." Kinuha niya pregnancy test kit at pumasok sa cr na nandun mismo sa kwarto nito tsaka niya ginawa ang dapat niyang gawin. Nakatayo lang siya na nakatitig sa maliit na test kit habang hinihintay ang pagabas ng linya. Kagat ang hinlalalki na kabadong kabado siya sa posibleng lalabas. Makalipas ang ilang sandali, lalo siyang napako sa kanyang kinatatayuan nang makita ang dalawang kulay pulang linya. Nanlalaki ang mga matang pumatak ang mga luha niya. Hindi niya alam kung dala ba iyon ng labis na kaligayahan o ng takot. Dala ang pregnancy kit na lumabas siya sa banyo at inilapag iyon sa lamesa ng doktora na naghihintay sa kanya. "Wow! You're really pregnant. Congratulations, Lia," masaya nitong bati. "Maraming salamat po." Sunod naman ay sumailalim siya sa ultrasound para mas makasiguro na nagdadalang tao nga siya. "Nakita mo ba ang maliit na bilog na ito? Iyan ang baby mo, Lia," anito na tinuro sa monitor ang parang butete sa liit na pigura. Hindi mapigilan na pumatak ang luha niya. Nasisiguro niya sa pagkakataong iyon ay isa iyong tears of joy. Sobrang saya ng pakiramdam niya na makita kahit sa monitor ang bunga ng pagmamahal nila ni Calton. Nakita niyang nagsulat na ito sa irereport nito kay Dr. Mendez. "Doktora?" tawag pansin niya rito. "Yes, Lia?" "Pwede ho bang ako na lang ang magsasabi kay Dr. Mendez tungkol sa pagbubintis ko?" Natigilan ito at saglit na nag-isip. "Bakit?" "Gusto ko po silang sopresahin. Maaari ho ba?" Nginitian siya nito kuway tumango. "Sure." Nakita niyang binago nito ang report na ibibigay kay Dr. Mendez. "Salamat po." Pagkatapos gawin ang mga test sa kanya ay muli na siya nitong inihatid sa kwarto ni Dr. Mendez at ibinigay ang resulta ng report dito. "Mabuti naman at mali ang hinala ko na buntis ka, Lia," sabi ni Dr. Mendez habang binabasa nito ang reports. "B-bakit ho? Maaari bang maka apekto kung buntis ako?" "Malaki ang magiging ipekto, Lia. Hindi ka pwedeng sumailalim sa operasyon kung buntis ka. At kapag nalaman ni Marcelo na buntis ka kunwari ipo-force abortion ka niya. Kaya mabuti na lang talaga na hindi ka buntis," mahaba nitong paliwanag. Kumirot ang puso niya sa sinabi nito. Nasasaktan siya para sa anak nila ni Calton na pagkakaitan ng masalimuot na sitwasyon niya. Dahil wala pa naman dapat gawin sa kanya ay nagpasya na siyang umuwi dala ang bigat na nararamdaman. Buntis siya na dapat niyang ipaalam kay Calton, pero hindi niya pwedeng sabihin. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto nila ni Calton, nahiga siya sa kama at sinapo niya ang impis pang tyan at tsaka impit na umiyak. "Patawad, anak... Patawarin mo ang mama..." mahina niyang sabi. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nasa ganung posisyon pero tila ang mga luha niya ay hindi matapos-tapos hanggang sa tinangay na lang siya ng antok. Kinabukasan, ang bigat-bigat ng pakiramdam ni Lia pagkagising niya. Nang muli niyang naalala ng pagbubintis ay muli na naman siyang napaiyak. Ramdam na niya ang paghapdi ng mga mata niya dahil sa walang humpay na kaiiyak niya. Nakakalungkot lang dahil akala niya hindi maaraasan ng magiging anak niya kung ano man ang naranasan niya. Isa lang naman ang hiling niya, yun ay mabigyn ng masaya at tahimik na buhay ang magiging anak niya, pero ipinagkait pa iyon sa kanya. Naglalakad siya sa labas ng bahay nang dumating si Calton. Agad siya nitong niyakap at pinugpog ng halik pagkakita sa kanya. "Na-miss kita," nito habang mahigpit siyang yakap. "Na-miss din kita, Calton," garalgal na boses na sabi niya. May pagtatakang inilayo siya nito at pinakatitigan. "May problema ba, Lia?" Sa tanong na iyon ni Calton, hindi niya napigilan na umiyak. Nasapo niya ang mukha at malakas na napahagulhol. Nag-aalala namang niyakap siya ni Calton. "May nangyari ba habang wala ako? Tell me." Hindi siya nakasagot dahil hindi rin naman niya pwedeng sabihin dito ang totoo. "Baby, tell me." Nanatili lang siyang walang imik at umiiyak. "Say something, Lia. You make me worried damn it!" Lalo lang siyang naiyak sa ginawa nitong pagsigaw. Mahigpit siya nitong niyakap at sunod-sunod ang paghingi nito sa kanya ng patawad. "I'm sorry, baby. Hindi ko intensyon na sunigaw. I'm just worried." Humihikbing tinuyo niya ang mga luha at tumingin sa binata. "Na-miss lang kita, Calton, kaya ako umiiyak," pagsisinungaling niya. "Iyon lang ang dahil mo? Are you sure?" Marahan siyang tumango. "Oo. Miss na miss lang talaga kita sobra-sobra." Tila naman nakahinga ito ng maluwag. "Sobrang miss din kita." Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. "Hayaan mo hindi na tayo magkakalayo pa." Tiningala niya ito. "Bakit?" Ngumiti ito. "Dahil nahanap na namin kung saan ibinaon nila Afzal ang mga bomba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD