Chapter Thirty Three

2026 Words
"GOOD job, Calton, Brad and Jacen, nahanap niyo ang mga bombang ibinaon ng La Kawft sa iba't ibang parte sa Manila," sabi ni Marcelo nang ibinalita ng tatlo ang magandang balita. "Kung ganu'n, maaari na nating i-proceed ang operasyon ni Lia para matanggal na ang microchip sa ulo niya," sabi naman ng papa Marco niya. "Kumusta nga pala ang mga check up mo?" tanong ni Calton sa kanya habang yakap-yakap siya nito sa bewang. "A-ayos naman," aniya. "Here's the result of her check ups and examinations," si Dr. Mendez at iniabot kay Calton ang mga resulta ng laboratory test and examinations niya. Napakunot ang noo ni Calton nang makita and resulta niya ng mag undergo siya ng test sa isang OB-GYNE. "Pati sa OB-GYNE?" "Ah, yes. Nagpakita kasi ng ilang sintomas ng pagbubintis si Lia kaya mas nakakasiguro na pati iyon ipa-check up," sagot ni Dr. Mendez." "What if, kung buntis nga talaga si Lia?" usisa ni Calton. "Maaantala ang operasyon niya," sagot naman nito. "At mapipilitan kaming ipa-force abortion si Lia para lang matuloy ang operasyon," sabat ni Marcelo. Lihim na nakuyom ni Lia ang kamao sa narinig. Pinipilit niyang patatagin ang loob para lang huwag umiyak sa harapan ng mga ito. "Y-yeah, good thing she's not pregnant. Right, baby?" baling sa kanya ni Calton. Peke niya itong nginitian. "O-oo." "Kailan isasagawa ang operasyon?" maya'y tanong ni Calton. "Sa susunod na araw. Ihahanda na namin ang lugar at ang mga kagamitan para sa gagawing operasyon kay Lia," sagot ni Dr. Mendez at pagkuway tiningnan siya nito. "Inumin mo palagi ang mga vitamin mo hanggang sa araw ng operasyon. Bawal magpuyat okay?" "Okay po, Doc," sagot niya. Tumayo na ang doktor at nag paalam na sa kanila. Hinatid ito ng ama niyang si Marco sa labas at isa-isa na rin nagpaalam ang iba hanggang sa silang dalawa na lang ni Calton ang natira. "You're spacing. May gumugulo ba sa isip mo?" tanong nito sa kanya na inaakay siya papunta sa kwarto nilang dalawa. "Iniisip ko lang pano kung buntis talaga ako?" Tiningnan siya nito. "Pero ayon naman sa resulta hindi ka buntis kaya wala dapat ikabahala." "Paano nga? Papayag kang ipalaglag ang anak natin?" Gusto niyang malaman kung ano ang magiging sagot doon ni Calton. Saglit itong nag-isip. "Don't be offended. Bumabase lang ako sa sitwasyon, baby. And my answer is yes." Alam niya at naiintindihan niya na bumabase lang ito sa sitwasyon pero hindi pa rin niya mapigilan ang puso na masaktan sa narinig na sagot ni Calton. Parang ang sakit lang dahil papayag itong mawala sa kanila ang anak. "Bakit? Bakit ka papayag kahit pa anak mo 'yon?" tanong pa niya. "Kasi sa sitwasyon na meron tayo ngayon, mas mahalaga ang buhay mo, Lia. Isa pa, pwede pa naman ulit tayo bumuo ng anak at magiging mga anak pa natin pagnatapos na ang lahat ng problema." Naiintindihan niya talaga pero naiinis pa rin siya. Tinanggal niya ang kamay nitong nasa bewang niya at walang salitang iniwan niya ito at pumasok sa kwarto. Pero sinundan siya ni Calton. "Baby..." Galit na nahiga siya sa kama patalikod dito. "Huwag mo 'kong ma-baby baby, Calton," inis niyang sabi. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Kung buntis ka kunwari, magiging mahirap din para sa'kin na magdesisyon ng ganu'n." Masama niya itong tiningnan. "Mahirap? Eh nasagot mo nga agad at siguradong sigurado ka pa!" "Lia baby, iyon lang kasi ang mainam na solusyon. Mas magiging kawawa siya kung hahayaan natin siyang mabuhay—" "I hate you," nangingiyak niyang sabi. "Lia..." "Anak natin ang pinag-uusapan, Calton. Wala man lang akong makitang sakit sa mga mata mo habang sinasabi mo ang mga bagay na 'yan." "Kasi alam ko naman na hindi ka buntis. But trust me, if you're really pregnant, I'll do as I can to protect our child," mariin nitong sabi. Hindi mo pa pala ako kilala ng lubusan. Ang dali para sa'yo na husgahan ako ng ganu'n lang. Lalabas muna ako para pareho tayong makapagpalamig ng ulo." Tumalikod ito at lumabas ng kwarto. Pagsara na pagsara ng pinto doon naman ang pagpatak ng mga luha niya. Ito ang unang beses na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Calton bilang mag-asawa at sobra siyang nasasaktan. Naiinis din siya sa sarili dahil nakapagbitaw siya ng ganu'ng salita sa asawa, marahil dahil na rin sa bugso ng kanyang damdamin at sa sitwasyon niya ngayon na siya lang ang nakakaalam. Tama kaya itong ginawa niyang paglilihim tungkol sa pagbubuntis niya? Paano kung habang nasa operasyon siya maapektuhan ang anak nila ni Calton sa sinapupunan niya? Pero sobra siyang natatakot na ipagtapat kay Calton dahil sa sagot nito kanina. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nagdidilim na pero di pa rin bumabalik si Calton. Nasaan kaya ito? Sa sobrang tampo nito sa kanya hindi pa rin nagpapakita sa kanya. Bumangon siya at umalis sa kama. Sinuot muna niya ang jacket tsaka siya lumabas ng kwarto at hinanap sa buong kabahayan si Calton pero hindi niya ito nakita ni anino nito. Nagpasya siyang hanapin ito sa may ilog at hindi nga siya nagkamali dahil nandoon ito naka upo sa mga bato habang iniinom nito ang hawak na bote ng alak. Nagpakawala muna siya ng hangin bago ito nilapitan. "Calton," tawag niya rito para kunin ang atensyon nito. Nilingon siya nito. "Why you're here? Malamig dito." "Bakit nandito ka pa? Padilim na," aniya na umupo sa tabi nito. "Hindi ko lang magawang harapin ka. Nakonsensya ako sa mga sinabi ko." Nilingon siya nito. "Masama na ba akong asawa, baby?" Mabilis siyang umiling. "Naiintindihan ko naman, masyado lang akong emosyonal dahil anak natin ang pinag-uusapan. I-I mean kung sakaling buntis man ako." Hinawakan siya nito sa kamay. "I'm sorry if I said those words. But God knows how much I wanted to have a child with you. But not now. Alam kong gusto mo rin na maayos na ang lahat kung ibibigay man sa atin ang pagkakataong iyon. I love you so much, Lia. At mamahalin ko rin ang magiging mga anak natin." Tipid niya itong nginitian. "Mahal din kita, Calton. I'm sorry kung inaway kita." Sinapo nito ang pisngi niya. "That's fine. Can I have your kiss now?" Tumango siya at siya mismo ang kumilos para halikan ito sa mga labi. NAGISING si Lia na nasa mga bisig ni Calton. Natulog sila na yakap-yakap siya nito at nang magising siya ay yakap-yakap pa rin siya nito. Napangiti siya dahil dahil sa pagiging clingy ng asawa at gustong gusto niya iyon. Maingat niyang inalis ang braso nito sa bewang niya para sana umihi nang gumalaw para yakapin siya ulit at hapitin palapit sa katawan nito. "Wag kang aalis sa tabi ko, baby," sabi ni Calton sa inaantok na boses. "Ayoko pa sana mahiga sa tabi mo, kaso naiihi ako, Calton. Isa pa, nagugutom na rin ako." "Okay. I'll carry you to bathroom then let's stay in bed again." "Kaya ko naman pumunta sa bathroom mag-isa, Calton," natatawa niyang sabi. "Pero ayokong mawala ka sa paningin ko kahit na isang segundo," anito na bumangon na. Overreacting kung pakikinggan pero para sa kanya ang sweet niyon. Habang palapit ang araw ng operasyon niya ay lalo itong nagiging sweet at clingy sa kanya at aminin man niya sa hindi ay gustong gusto niya iyon. Nasalikuran niya lang ito hanggang sa makapasok siya sa banyo. "Papanuorin mo rin ba akong umihi, Calton?" natatawa niyang tanong. "Why not, baby." Pagkatapos niyang umuhi ay muli silang bumalik sa kama at nahiga. Pero nagugutom na talaa siya. "Nagugutom na talaga ako, Calton," naiinis na niyang sabi. "Magpapadala na lang ako kay Nanay Esme para hindi na tayo bumaba," anito na nakapikit habang nakayakap sa kanya. Ilang minuto ulit ang lumipas pero hindi pa rin ito bumabangon at nanatili sa ganung posisyon. "Calton, nagugutom na talaga ako!" halos pasigaw na niyang sabi dahilan para mapamulat ito. "Naiinis na 'ko," nakasimangot niyang sabi. "Okay po, okay po." Bumangon na ito at akmang lalabas na ito ay mabilis niya itong pinigilan dahil wala itong saplot ni isa sa katawan. "Lalabas kang naka hubad?" "Oh!" Kinuha nito ang jagger nito at agad na sinuot pagkatapos ay kumabas na. Mula kagabi pagkapasok nila sa kwarto, walang ibang ginawa si Calton kundi ang angkinin siya ng paulit-ulit. Hinawakan niya ang impis na tiyan. Ayos lang naman siguro ang anak nila. Hindi naman siguro ito napasama dahil sa walang humpay na pag-iisang katawan nila ni Calton. Umayos siya sa pagkakaupo nang pumasok si Calton sa kwarto at may dala itong pagkain na nasa tray ay inilapag nito iyon sa may paanan ng kama. "Breakfast in bed," anito. Nang tanggalin nito ang takip ng sangag at maamoy ang hindi gustong amoy ng iling niya ay biglang bumaliktad ang sikmura niya, kaya nagmamadali siyang pumasok sa banyo para dumuwal ng paulit-ulit. "Baby," nag-aalalang hinimas ni Calton ang likod niya. Tinabig niya ang kamay nito. "Alis! Ialis mo yung mabaho," aniya na patuloy pa rin na naduduwal. "Mabaho? Wala namang mabaho sa dala ko. Dala ko ang paborito nating sangag ni Nanay Esme, tocino, itlog at linganisa." "Basta ialis mo 'yan dito. Ayoko nun, Calton, mahirap bang intindihin 'yon?" naiiyak niyang sabi. Rumihistro ang pagtataka sa mukha ni Calton dahil sa inaasal niya. "Sige, sige, ilalabas ko na. Wag ka ng umiyak, okay?" Tumango siya. "Salamat." Tsaka lang siya nakaramdam ng pagkalma ng sikmura nang mailabas na ni Calton ang mga pagkaing dala. Nang makapaghilamos at mumog ay muli siyang bumalik sa kama at nahiga. Para siyang naubusan ng lakas. Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Calton na may pagtataka pa rin sa mga mata. Naupo ito sa tabi niya. "Ayos ka lang ba? Gusto mo ba tawagan ko si Dr. Mendez para—" "Wag!" mabilis niyang sabi. "I mean hindi na kailangan. Ayos lang naman ako. Siguro may nakain lang ako kagabi kaya nagloloko ang tyan ko," pagsisinungaling niya. "Kung ayaw mo nung mga pagkaing niluto ni Nanay Esme, anong gusto mong kainin?" tanong nito. Nag-isip siya at pinakiramdaman ang sarili. At biglang pumasok sa isip niya ang strawberry. "Gusto ko ng strawberry, Calton. Tapos isasawsaw sa toyong may suka." Habang inasabi niya 'yon nararamdaman niya ang paglalaway. Nangunot ang noo nito. "Strawberry tapos isasawsaw sa toyo na may suka? Anong lasa nun, baby?" "Ah, basta! Iyon ang gusto ko. Please?" Nagbuntong-hininga ito. "Sige titingnan natin kung may mabibili tayong strawberry sa panahon ngayon." Nagsuot ito ng t-shirt. Humalik muna s kanya bago lumabas ng kwarto. Habang naghihintay sa pag-uwi ni Calton ay hinayaan na muna niya ang sarili na matulog. Nagising lang siya nang gisingin siya ni Calton. Masaya siyang nagmulat dahil inaasahan na niya na may dala ito pero... "Wala na akong mabili sa bayan. Hindi pa raw tag-bunga ng ganu'n ngayon," anito. "Pero gusto ko nun, Calton," nangingiyak na niyang sabi. "Gusto ko talaga nun." "Teka, nagtatanong ako kay Levi kung may strawberry sa farm niya." Agad nitong kinuha ang cellphone para tawag si Levi. "Bud, may strawberry ba sa farm niyo? Talaga meron? Pwede bang padalhan si Lia? Okay sige-sige. Salamat bud." Natutuwang parang bata na napayakap siya kay Calton. "Thank you, baby," aniya na pinaliguan ito ng halik sa mukha. Napangiti ito. "Natatawag mo pala akong baby kapag nagagawa ko ang gusto mo," napapailing nitong sabi. "Kung hindi lang dahil sa resulta mula sa lab. Iisipin kong buntis ka dahil sa inaasta mo." Natigilan siya. Obvious na ba siya? Pero gusto lang naman niya talaga kumain ng strawberry. "B-baka malapit na rin ako magkaroon. Pareho lang kasi iyon ng sintomas," pagdadahilan niya. Hinalikan siya nito sa noo. "Kahit ano pa ang dahilan, I'll do anything you want, baby." "Thank you. I love you," aniya. "I love you too." Nahiga ito sa tabi niya at niyakap siya sa bewang. "Hindi ka ba kakain?" tanong niya. "Pero ayaw mo nung amoy." "Pwede ka naman sa baba kumain eh." "Na ah. Ayokong mawala sa paningin ko. Kung hindi mo lang talaga gustong kumain ng strawberry ngayon nunkang aalis ako." Natawa siya at niyakap din ito. "Ang sweet naman ng baby ko na 'yan. Sana hindi ka magbago." "I won't, Baby. I promise you that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD