Chapter Thirty Six

1664 Words
"MABUTI naman at nagising ka na sa katangahan mo, Calton?" sabi sa kanya ni Levi. "Alam mo bang pinuntahan ka kita? Ang ginawa mo lang pinagbabato mo 'ko ng bote at pinagmumura. Kung hindi ko alam na may pinagdadaanan ka baka pinatulan na kita," sabi pa nito. Natatawang napailing lang siya. "Parang hindi na naging ganu'n nung iniwan ka ni Anastasia," aniya habang hinehele ang natutulog na anak sa bisig niya. Kasalukuyan silang nasa VIP room sa isang first class hospital kung saan inilipat na niya roon ang anak niya. Kinakailangan pa rin kasi nito ng matinding pagbabantay at alaga ng doctor. "Talaga? Naging miserable ang buhay niya ng iniwan ko siya?" tanong ni Anastasia na hindi makapaniwala na nakatitig sa asawa. "Hoy! Inaamin ko na nagpakalunod din ako sa alak pero mas malala ka!" si Levi. "I just love my wife. Isa siya sa dahilan kung bakit ako masaya." "Mahahanap din natin siya Calton," si Anastasia. "Napapaisip lang ako," si Brad mula sa pananahimik. "Nasisiguro kong marunong ang taong kumuha kay Lia dahil nagawa nitong burahin ang record sa cctv ng walang kahirap-hirap. At nasisiguro kong hindi ito nag-iisa." Ibinaba niya ang anak sa crib. "Iyan din ang nakikita ko. Nasisiguro kong may traydor na nakapasok sa atin. At kasapi ito ni Afzal," tiim ang bagang sabi niya. "Pero sino naman? Nasisiguro kong hindi kami," si Levi. "Nasayo kung iisipin mong ako ang traydor," sabi naman ni Brad at walang takot na tumingin sa mga mata niya. "Kung sino man siya, nasisiguro kong mapapatay ko siya," tiim-bagang sabi niya. "Anong plano mo?" si Levi. "Ang totoo? Hindi ko alam. Dahil hindi talaga natin mahahanap ang taong ayaw magpahanap." "Anong ibig mong sabihin?" si Levi ulit. "Hihintayin na lang niya na si Lia mismo ang lalapit sa kanya," si Brad na nakuha ang iniisip niya. "Paano mo naman nasisiguro na babalik si Lia, Calton?" Nakuyom niya ang kamao. "I just new." Napaupo ng diretso si Anastasia. "Gagamitin ni Afzal si Lia para ipanlaban sa'yo?" "Ayoko man isipin pero iyon lang ang nakikita kong pwedeng mangyari. Alam nila ang lahat ng plano at naghihintay lang sila ng tamang panahon para makuha si Lia bilang panlaban sa akin. Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay planado," aniya. "The f**k!" si Levi. "Pinaikot-ikot lang tayo ni Afzal. Pinakita niya sa akin na parang siya ang natalo pero ang totoo siya ang nanalo sa pagkakataong ito," si Brad. Nakuyom niya ang kamao. Ang galit na nararamdaman niya ngayon ay gusto ng sumabog. Pero ang lahat ng iyon ay napawi nang gumalaw ang anak dahil nagising ito at umiyak. Binuhat niya ito at hinele para tumahan. Mukhang hinahanap na nito ang pag-aalaga ng isang ina. I'm sorry, anak kung hindi ko nagawang maprotektahan ang mommy mo. Naging pabaya ako kaya nawala siya sa atin, pero pinapangako ko na ibabalik ko siya. Aniya sa kanyang isipan. "Hindi mo pa rin ba nabibigyan ng pangalan ang munting anghel na ito?" tanong ni Anastasia at kinuha nito sa kanya ang anak niya. "Ang gusto ko sana si Lia ang magpangalan sa kanya," aniya. "Paano kung matatagalan pa ang pagbalik niya?" si Levi. "Bud, you have to give her name," si Brad. Tiningnan niya ang mga ito. "You think so?" Sabay na tumango ang tatlo. Napaisip siya kung ano ang ipapangalan niya sa anak nila ni Lia. At sa kanyang pag-iisip ay bigla na lang pumasok sa isip niya ang isang pangalan. "Lilliana," aniya. Napangiti siya at hinawakan ang kamay ng paslit. "I will name you, Lilliana Leigh." Napangiti siya nang ngumiti ang anak niya. "I think she like it. Look she's smiling!" puno ng galak na sabi ni Anastasia. Pagkalipas limang buwan ay nagpasya si Calton na ipabinyag si Lilliana. Ang mga bisita lang ay ang mga taong malapit sa kanila. Tulad din ng plano niya ay hindi na niya tinuloy ang paghahanap sa asawa dahil kahit anong gawin nila ay wala silang makitang trace para mahanap ito. Pinang hahawakan pa rin niya ang kutob na kusang babalik sa kanya ang asawa niya sa tamang panahon. DAYS become weeks, weeks become months and months become years. Apat na taon na ang lumipas mula nang mawala sa kanila si Lia. At sa mga tao na lumipas ay pinilit ni Calton na maging matatag para sa anak. Bumalik sila sa Calbaranes para asikasuhin ang hacienda at ang winery. Sa loob ng apat na taon ay nakilala ang CNL. Habang inaasikaso niya ang hacienda ay winery nag take siya ng board exam at naipasa niya iyon kaya ngayon ay isa na siyang ganap na doctor. Tinupad niya ang gusto ni Julianne na mangari. "Daddy!" masiglang salubong sa kanya ni Lillia nang makauwi siya sa bahay. "Hi, Princess!" Nang tumakbo ito palapit sa kanya ay agad niya itong binuhat. "How's my princess?" tanong niya. "I'm good. But I misses you a lot today," bibo nitong sabi. Napangiti siya dahil halos oras lang naman mula nang umalis siya para bisitahin lang ang vineyard. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Ito na lang talaga ang nagbibigay kaligayahan sa kanya at lakas. Habang lumalaki rin ito ay nagiging kamukha na talaga ito ni Lia. He miss his wife so much. "Daddy, where's my pasalubong?" maya'y tanong nito. Kinuha niya ang isang chocolate bar na nasa bulsa ng jacket niya. "Of course I won't forget your pasalubong. Tada!" Ipinakita niya rito ang binili niyang chocolate bar. "Yehey!" anito na kinuha ang chocolate at nagtatatalon ito sa saya nang ibaba niya. "Masyado mong ini-spoiled ang anak mo, Calton," sabi ni Rebecca na siyang naging katuwang niya sa pag-aalaga sa anak niya. Si Rebecca ay ang kababata niya rito sa Calbaranes. Muli silang nagkita noong umuwi ito galing sa America tatlong taon na ang nakalilipas. At nagprisinta itong tumulong sa pag-aalaga sa anak niya kahit pa merong sariling yaya si Lilliana. "I can't say no to her, alam mo 'yan." Naupo siya sa sofa. Tumabi ito ng pagkakaupo sa kanya. "Pero nakakasama rin ang chocolate sa kalusugan niya." "I know. Hindi naman palagi," sabi niya na hinilot ang sariling batok dahil nangangalay iyon. "Let me," anito na hinilot ang batok niya. "Masyado kang nagpapagod. Magpahinga ka rin paminsan-minsan. Bakit hindi mo ipasyal si Lilliana? Mag-bonding tayong tatlo," anito. Napatingin siya rito. "You think so?" Tumango ang dalaga. "Makakabuti rin yun sa kanya para nakakalanghap naman siya ng hangin at masinagan ng araw." "Hmm... Why not." Napapikit siya dahil sa sarap ng hilot ni Rebecca sa balikat niya. Pero napadilat siya nang maramdaman niya ang ang mga labi nitong dumampi sa kanyang leeg. Mabilis siyang tumayo at lumayo rito. "Gabi na, mabuti pang umuwi ka na, Rebecca." "Calton, I'm..." "Kakalimutan ko ang ginawa mo. Sige na umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Lilliana," pagtataboy niya rito. "Okay. Lian, aalis na si Tita Rebecca," paalam nito sa paslit. "Ba-bye po, Tita!" Humalik pa ito sa pisngi ng dalaga. "Bye, Calton, see you tomorrow," paalam nito bago tuluyang umalis. Nagbuntong-hininga siya at pilit na kinalimutan ang ginawa ng babae sa kanya. She hate what she did, pero hindi niya magawang ipagtulakan palayo si Rebecca dahil naging mabait ito sa anak niya. "And you for you, Princess, you should sleep na." Binuhat niya ito na ikinatili nito. "Can you read me a story, Daddy?" Tanong nito habang dinadala niya ito sa kwarto nito. "Of course. What story you want me to read for you?" "I want sleeping beauty po." "Okay, as you wish, my princess." HINILOT niya ang sentido pagkalabas niya sa kwarto ni Lilliana at pinalitan naman siya ng yaya nito. Dumiretso siya sa kwarto niya at agad na dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos ay kumuha siya ng alak sa may mini bar niya na nasa loob mismo ng kwarto niya at nasanagsalin siya ng alak sa baso at agad iyong tinunga. Lumabas siya sa veranda at tinanaw ang malawak na paligid ng mansion. Iniisip niya kung nasaan na kaya ngayon si Julianne? Nasa mabuti kaya itong kalagayan? Muli niyang tinungga ang basong hawak niya. Iyon na lang ang tangi niyang hiling na sana nasa mabuti itong kalagayan. Unti-onti na niyang tinatanggap na baka hindi na ito bumalik sa kanya. Kahit na masakit ay pinipilit niyang naging malakas para sa anak niya. "Mukhang seryoso ka?" Napatingin siya kay Brad na huminto sa tabi niya. Nasanay na siya rito na bigla-bigla na lang sumusulpot. "Bored ka?" tanong niya rito at inabot ang hawak na baso na may laman pang alak. "Umiiwas lang," anito. Nangunot ang noo niya. "Umiiwas kanino?" Nagbuntong-hininga ito. "Huwag mo ng isipi 'yon." Natawa siya. "Ahh.. sa bagong agent ng PSIAS? You like her?" Sinamaan siya nito ng tingin. "No." "Kung hindi mo siya gusto, bakit mo siya iniiwasan?" "Hindi ba kaya mo iniiwasan ang isang tao dahil hindi mo siya gusto?" "Na ah, kilala kita Brad. Kapag ayaw mo sa isang tao sinasabi mo sa anya directly hindi iniiwasan. Dahil sa ayaw mo siyang masaktan, iniiwasan mo na lang siya." Pumalatak ito. "Ang dami mong alam, Martinez." Natawa siya. "Bukod sa pag-iwas sa babaeng iyon, ano ang ipinunta mo rito?" Sumeryoso na ang mukha nito. "Nagsisimula ng gumalaw ng La Kawft." Natigilan siya. "Paano mo nasabi?" "Last night someone assassinated the mayor." "Paano mo naman nasabi na ang La Kawft ng may gawa niyon?" Hindi ito sumagot bagkus ipinakita nito sa kanya ang sang litrato kung saan kuha iyon ng logo ng La Kawft. "Trabaho nila ang gumawa ng krimen, Calton. Maybe someone hired them to kill someone." Nakuyom niya ang kamao. Kung hindi lang siya nagbagong buhay na, malamang sasabak ulit siya sa misyon." "At may isang tao ang nakakuha ng litrato na ito." Inabot pa nito sa kanya ang isa pang litrato na ikinatigil niya. "Nakuha raw yan sa cctv na hindi malayo sa pinangyarihan ng krimen. Pinaghihinalaan na siya ang pumatay kay Mayor Darwin," sabi nito. Nakuyom niya ang kamao. No. This is not his baby. This was not his beloved Julianne.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD