HALOS isang araw na ang nakalilipas mula nang natapos ang successful na operasyon ni Lia para tanggalin ang microchip, pero hindi pa rin nagigising ang asawa niya. Ayon naman kay Dr. Mendez, normal lang daw ang ganu'n lalo pa sa case ni Lia. At ang microchip na natanggal sa ulo ni Lia, ngayon ay pinag-aaralan na ng PSIAS.
Nailipat na rin sa maayos na hospital si Lia para sa magandang recovery niya. Ayon din sa mga nurse na tinatanong niya maayos naman daw ang mga vital signs ni Lia kaya wala raw siya dapat na ipag-alala.
Napatingin siya sa pinto nang pumasok doon si Dr. Mendez kasama ang isa pang doktor na babae.
"Calton, Hijo, I want you to meet, Dra. Ivonne, ang OB-GYNE na tumingin kay Lia," pagpapakilala ni Dr. Mendez sa kanila.
Kinamayan niya ang babaeng doktor. "Ano ho ang atin?"
"Kinausap ko si Dra. Ivonne nang may mapansin ako sa mga vital signs ni Lia. Ang heartbeat niya ay hindi normal," si Dr. Mendez
Nangunot ang noo niya kasabay ng kabang nararamdaman. "What do you mean, Tito?"
"Ang heartbeat na meron si Lia ay heartbeat ng nagdadalang-tao. At nasabi rin ni Dra. Mendez na positive ang naging resulta ng isinagawang test kay Lia. It means Lia is pregnant."
"W-what? Pero bakit negative ang ibinigay mong resulta sa amin?" baling niya sa babaeng doktor.
"Dahil kinausap ako ng asawa mo na siya na lang daw ang magsasabi sa inyo. Hindi ko naman akalain na wala pala talaga siya balak na sabihin sa inyo kahit pa isagawa ang operasyon. Ibig sabihin lang nun ay gusto talaga niyang buhayin ang anak niyo."
"Pero mali na sumangayon ka sa gusto niya," galit niyang sabi.
"I know, kaya humihingi ako ng tawad sa pagkakamali ko, Mr. Martinez."
Tumingin siya sa natutulog pa ring asawa at hinawakan ang kamay nito. Gusto niyang magalit dito dahil bakit nito tinago sa kanya ang tungkol sa pinagbubuntis nito? Ngayon pumasok sa isip niya ang mga tanong na itinanong sa kanya noon nito at ang tungkol sa kagustuhan nitong kumain ng strawberry.
"Nandito ako para i-check up siya."
Tumango siya at gumilid para hayaan ang babaeng doctor na mag check up sa asawa niya. Inultrasound din ito para makita kung safe ba ang baby sa tyan ni Lia.
"I'm glad the baby is safe kahit pa nag undergo sa brain surgery si Lia. Magbibigay ako ng mga vitamins na kailangan ni Lia kahit natutulog pa siya," sabi ng babang doktor matapos inspeksyonin si Lia.
"Salamat, Doc," aniya.
Nagpaalam na ito at umalis na. Pagkaalis nito ay muli niyang nilapitan si Lia at hinawakan ito sa kamay.
"Gising ka na, baby, bumalik ka na sa'kin. Promise hindi ako galit sa ginawa mong paglihim sa baby natin. I miss you so much. Please wake up."
Hinalikan niya ito sa noo at pagkatapos sa mga labi nito. "Ang ganda mo pa rin kahit natutulog ka. Miss ko na ang mga ngiti mo, Lia. Miss na miss na kita."
Muli niya iting hinalikan sa noo. "Gigising ka ha? Babalik ka tulad ng pangako mo."
LUMIPAS ang araw hanggang sa naging buwan pero hindi pa rin nagigising si Lia mula sa pagkakatulog. Sinabi ni Dr. Mendez na nasa comatose stage na si Lia.
Galit na kinuwelyuhan ni Calton si Dr. Mendez matapos nitong sabihin sa kanila na maaaring hindi na magising pa si Lia.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" galit niyang sabi.
"Calton, huminahon ka!" ang ama niya.
"Sabihin niya muna n nagkamali siya! Na babalik sa'kin si Lia!"
"I'm sorry. Ginawa ko ang lahat. Naging maayos ang operasyon at maganda naman ang mga vital signs ni Lia, kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising," kalmado pa rin nitong sabi.
Galit niya itong binitawan at mabilis na umiling. "My baby won't leave me. Alam kong babalik siya sa'kin kahit na anong mangyari. Kaya huwag mong sabihin sa akin na baka hindi na magising pa si Lia!"
Naiiyak na nilapitan niya ang asawa at hinawakan ito sa kamay. "Diba babalik ka, Lia? Babalik ka para sa anak natin."
Napatingin din siya sa nakaumbok na nitong tyan. She's now in six months pregnant. Hinawakan niya ang tiyan nito. At mapait siyang napangiti nang biglang sumipa ang anak nila mula sa loob ng tyan ni Lia.
"See, our baby is fighting, Lia. So, come back to us. Please, lumaban ka," sabi niya. Wala siyang pakialam kung makita man ng lahat ang pag-iyak niya.
"Anong mangyayari sa bata kung hindi pa rin magising si Lia?" tanong ng ama niya.
"Next month, kapag hindi pa rin nagising si Lia, ia-undergo na siya sa cesarean section. Kulang ang vitamina na naibibigay ni Lia sa baby, kaya mas makakabuti kung sa incubator ang bata para mas mabantayan at maalagaan ito," sagot naman ni Dra. Ivonne.
"Gawin niyo kung ano ang makakabuti sa anak at apo ko, Doc," ang ama niya.
Pero paglipas ulit ng isang buwan, wala pa rin pagbabagong nakita kay Lia at hindi pa rin ito nagising kaya isasailalim na ito sa cesarean section para ilabas ang bata mula sa tyan nito.
Naging maayos naman ang panganganak ni Lia at naging ligtas pareho ang anak at asawa niya.
Napa ngiti si Calton habang nakatingin sa anak niyang na mahimbing na natutulog sa incubator. Ang liit nito pero hindi mo aakalainin na kulang ito sa buwan dahil malusog naman ito.
Kamukhang kamukha ito ni Lia dahilan para lalo siyang maiyak. "Hi little Julianne, nandito si Daddy. Salamat dahil pinilit mong mabuhay. Siguradong masaya ang mommy mo dahil nagawa ka niyang iligtas kahit pa buhay niya ang kapalit. Mahal na mahal ka ni Daddy. Magpalakas ka ha? Para sa amin ng mommy mo."
Bahagya niyang hinawakan ang maliit nitong kamay. Hinalikan niya iyon bago lumabas sa nursery room ng hospital at pinuntahan naman ang asawa niya sa kwarto nito pero laking gulat niya nang wala na ang asawa niya sa hinihigaan nitong kama.
"Lia?" Mabilis niya itong tiningnan sa banyo, baka nagising na ito at umihi lang. Pero nang buksan niya ang pinto sa banyo walang katao-tao roon.
"Lia?!" Nagsisimula na siyang kabahan at matakot dahil sa pagkawala ng asawa niya.
"Lia?!" Muli niyang sigaw. Lumabas siya ng hospital room nito at eksakto naman ang pagdating ng ama niya.
"Nakita mo na ang apo ko—"
"Lia is missing!" aniya na ikinahinto nito.
"Ano? Anong sinasabi mo, Calton?"
"Lia is f*****g missing, Dad!" aniya.
Tarantang pumasok si Marco sa kwarto ni Lia at tulad ng sinabi ni Calton wala nga sa loob ang anak niyang babae.
"I-report mo sa admin ang tungkol dito. Tatawag ako sa PSIAS para ipaalam ang pagkawala ni Lia."
"f**k! f**k! f**k!" Sunod-sunod niyang mura. Kung sana hindi na lang siya umalis edi sana hindi nawawala ngayon ang asawa niya.
"Kumalma ka, Calton. Hindi ka makakapag-isip ng tama kapag ganyan ka," kalmadong sabi sa kanya ng ama niya.
Paano niya magagawang kumalma kung ang asawa niya ay nawawala?
"I can't lose my wife, Dad. She's the reason why I'm still sane," aniya.
Mariin siya nitong hinawakan sa balikat. "Mahahanap natin siya, hijo," anito na umalis na.
Siya naman ay nagpunta na sa admin ng hospital para ipaalam ang pagkawala ng asawa niya. Nang tingnan sa CCTV wala roon makita at ang oras ng pagkawala ni Lia ay nabura.
"Putang'na niyong lahat! Mga wala kayong silbi! Bulok ang hospital na 'to dahil nawawalan kayo ng pasyente ng hindi ninyo alam!" naghihisterikal niyang sabi.
"Calton—"
Dinuro niya si Brad. "Don't f*****g tell me what to do!" aniya na nilagpasan ito.
Dahil sa pagkawala ni Lia, naglagay na rin siya ng mga bodyguard sa labas ng nursery room para sa kaligtasan ng anak niya.
Pinipilit na lang niyang maging kalmado pero ang totoo gustong gusto na niyang magwala. Nababaliw na siya dahil bente kwatro oras nang nawawala ang asawa niya at hindi man ang siya makagawa ng paraan para mahanap ito. Wala kasing makitang trace kung saan ito pwedeng pumunta o sino ang kumuha rito.
Umuwi siya ng bahay at doon nagpakalunod sa alak. Piling niya kailangan niyang magpakalasing para hindi siya tuluyang mabaliw.
"THE f**k, Calton!" Napatakip sa ilong si Brad nang maamoy niya ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo sa loob ng opisina nito sa mansion.
Bahagyang sinipa ni Brad patabi ang bote na nakakalat sa daanan para makadaan siya. Nakita niya si Calton na nakahiga sa sahig habang may yakap-yakap itong bote ng alak.
"The f**k! You really messed up, Bud," naiiling na sabi ni Brad.
Kitang-kita niya ang paghihirap at pangungulila ng kaibigan dahil sa hindi maintindihang pagkawala ng asawa nitong si Julianne. Kung pwede lang niyang kunin ang ibang sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya. Pero kailangan nitong malagpasan ang lahat ng pagsubok na binigay rito ng maykapal.
Niyugyog ni Brad si Calton sa balikat para gisingin ito. "Hey, bud,"
Hirap naman na iminulat ni Calton ang mga mata at nang magising siya ang agad niyang hinanap ay ang bote ng alak. Bumangon sia para kumuha ulit ng panibagong alak mula sa cellar.
"Iinom ka na naman?"
Napatingin siya kay Brad na ngayon lang niya napansin na nadito pala ito.
"Oh, you're here."
Bubuksan na sana niya ang bote nang agawin nito iyon mula sa kamay niya. "The f**k?!" inis niyang tinungo si Bard.
"Give that back to me, Brad. Gusto kong uminom."
Pero hindi nito binalik ng bote. "Pinapatay mo ba ang sarili mo?" Isang Lingo ka ng ganyan, Calton."
"Oo, mabuting mamatay na lang ako siguro kung mawawala rin naman sa'kin ang asawa ko," aniya na nagpasuray-suray.
Kumuha ulit siya ng panibagong bote ng alak pero muli iyong inagaw ni Brad. "Hindi ka na iinom, Calton. Lalabas ka rito maliligo at hahanapin ulit ang asawa mo."
"Sino ka ba para utusan ako ha?! Ibalik mo sa'kin 'yan at gusto ko pang magpakalasing!"
"Gusto mong uminom? Sige inumin mo to." Isa-isang pinagbabato ni Brad ang bote ng alak sa pader at wala itong itinara para mainom niya.
Galit niya itong kinuwelyuhan. "Tangina mo! Bakit mo ba ako pinakikialaman?! Gusto kong uminom mahirap bang intindihin 'yon?! Kailangan kong magpakalasing para mawala ang sakit sa dibdib ko, dahil kapag hindi ko ginawa 'yon baka mabaliw ako, Brad!"
"Mahina ka kung ganu'n," walang takot na sabi ni Brad habang sinasalubong ang matalim na tingin ng kaibigan.
"Anong sabi mo?"
"Alam mo bang hindi pa sumusuko ang lahat sa paghahanap sa asawa mo? Ikaw lang ang pinaghinaan ng loob at sumuko. Imbis na magpakalango ka rito, bakit hindi ka tumulong sa paghahanap sa asawa mo! Kung pinanghihinaan ka ng loob, bakit hindi mo gawing lakas ang anak mo para magpatuloy?
Hindi lang ikaw ang nalulungkot sa pagkawala ni Lia, Calton. Ang ama mo halos hindi na matulog para lang mahanap ang asawa mo. Sila Jace, Levi at Anastasia tumutulong na rin sa paghahanap kay Lia, pero heto ikaw sinisira ang buhay at nagpapakalango ang sa alak."
Galit na tinanggal ni Brad ang kamay niya mula sa damit nito. "Sige magpakalasing ka lang. Shame on you!" anito na humakbang na palabas ng opisina niya.
Nakuyom niya ang kamao. Doon lang nag sink in sa utak niya na tama ang lahat ng mga sinabi nito. Ang iba ay hindi pa sumusuko na mahanap si Lia pero heto siya unang sumusuko.
"Nakakahiya ka, Calton," aniya sa sarili.
Sinabunutan niya ang buhok at paulit-ulit na minura ang sarili. Ang laki niyanh tanga para kakimutan ang anak nila ni Lia. Naging makasarili siya at mas piniling maging walang kwentang ama. Kailangan niyang gumising sa kahibangan niya, hindi lang para sa sarili niya kundi para sa anak niya.
Tumawag siya ng kasambahay para linisin ang mga nagkalat na basyo ng alak sa opisina niya siya naman ay nagtungo sa kwarto niya para naligo at ayusin ang sarili niya. Pagkatapos ay nagdesiyon siyang puntahan ang anak niya sa hospital. Ang daming araw ang sinayang niya sa pag-iinom. Kung hindi pa siya pinuntahan ni Brad baka hanggang ngayon hindi pa siya nagigising mula sa katangahan niya.
Sa pagkakataong ito pinapangako niya na magpapakatatag na siya para sa anak niya at kay Lia.
"Hahanapin kita, Lia."