SINASAYAW ng malamig na hangin ang buhok ni Lia habang ang katamtamang init ng bagong sibol na araw ay tumatama sa balat niya. Kasalukuyan siyang nasa likod ng bahay kung saan natatanaw niya ang mga kabahayan mula sa ibaba.
Gusto muna niyang mapag-isa para makapag-isip at sulitin ang payapa at tahimik na paligid. Dahil sa oras na bumalik siya sa puder ng kanyang ama alam niyang muling magugulo ang buhay niya.
Pumayag siya sa planong ito dahil alam niyang hindi panghabang buhay na matatakasan niya ang takot at hindi pwedeng panghabang buhay na lang siyang magtatago at tatakbo.
Ang plano ay magpapahuli siya sa La Kawft at kapag muli na siyang nakapasok sa kuta ng mga ito doon masusundan at malalaman na nila Jacen kung saan nagkukuta ang mga ito tsaka sila susugod para hulihin ang mga ito. At siya ang trabaho niya ay patayin si Afzal. Habang nandoon siya gagamitin niya ang pagkakataon para mapatay ito.
"Hey..." si Jacen. Humakbang ito palapit sa kanya.
"Gusto lang sana kitang turuan ng basic self defense. At kung paano humawak ng baril at patalim para alam mo kung paano ililigtas ang sarili mo habang nandoon ka."
Nginitian niya ito. "Sige, malaking tulong sa'kin yan."
"Good. Ano ang mga dapat na matutunan mo para magawa mo ang self defense. Una, Keep calm. Napakadaling mahulog sa bitag dahil sa gulat at takot, especially in tense situations. Kapag nataranta ang mga tao, may posibilidad silang magkamali—isang bagay na gusto mong iwasan kapag ipinagtatanggol ang iyong sarili. Take deep breaths and remember to keep calm, no matter the situation," pag-uumpisa nito.
"Second, keep it simple. Kapag ipinagtatanggol mo ang iyong sarili, hindi mo kailangang gumamit ng mga detalyadong galaw o pattern. In reality, two or three simple punches or kicks will usually be enough to keep your opponent away. Ang susi ay kalkulahin ang iyong mga galaw sa pagtatanggol sa sarili nang maaga. For example, going for the groin, throat, or nose is always a powerful defense choice." Ipinakita nito sa kanya kung paano ang ginawa nito sa sarili niyang mukha ng hindi man lang dumadampi ang kamay nito sa balat niya.
"Third, Get out quickly. Sa isang tunay na nakakatakot na sitwasyon, mahalaga na talunin ang iyong kalaban hangga't kaya mo. But remember that the best way to protect yourself both physically and legally is to leave the scene as soon as possible. Kapag ang iyong kalaban ay napatumba mo na, tumakas ka at magpunta sa isang ligtas na lugar."
Pumuwesto ito ng maayos sa harapan niya. "Suntukin mo 'ko," anito na ikinatigil niya.
"Ha?"
"Suntukin mo ko, Lia," ulit nito.
Tulad ng sinabi nito ay sinuntok niya ito sa mukha pero sinadya niyang hindi iyon laksan.
Jacen rolled his eyes. "Wala na bang ihihina pa yan?"
"Alam mong hindi kita kayang saktan," aniya.
"Sa mga ganitong pagkakataon kahit kilala mo yung taong mananakit sa'yo, kung kailangan mong iligtas o ipagtanggol ang sarili mo, huwag kang magdadalawang isip na gawin 'yon. Kahit si Calton pa o ako. Maliwanag?"
Hindi siya nakasagot. Paano niya magagawang saktan si Calton kung mahal niya ito?
"Maliwanag ba, Lia?" ulit nito.
"O-oo."
"Good. Now, punch me."
Muli niya itong sinuntok pero sa pagkakataong iyon ay malakas na.
"Again."
Muli niya itong sinuntok pero nagulat siya nang mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Pero tulad ng una nitong tinuro sa kanya ay ginawa niya iyon. Napabagsak niya si Jacen at nagawa niyang makatakas mula sa pagkakahawak nito.
Nasapo nito ang mukha. "That's nice. You are a past learner, Lia."
Napangiwi siya. Sinapo niya ang mukha nitong nasaktan niya. "Sorry, nasaktan kita."
"This is nothing. Ituloy na natin." Muli iting umayos sa pagkakatayo.
"Closing the fist, the pushing motion, your knuckles, the speed and the rest of your body," isa isa nitong sabi habang isa isa rin nitong pinapakita kung paano gawin ang mga iyon.
"Ngayon subukan mo iyon gawin sa'kin," anito.
Umayos siya ng tayo at ginawa ng pag-aalinlangan kung ano ang tinuro nito.
"Good job, Lia." Ginulo nito ang buhok niya.
Tikhim ang nagpahinto sa kanilang dalawa at napatingin kay Calton na seryosong nakatingin sa kanila.
"Mukhang may nagseselos na," bulong ni Jacen.
Inis-miran niya ito. Naiinis siya at masama ang loob niya sa ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap, Lia?" tanong nito.
"Okay. Maiwan ko muna kay—"
"Huwag kang umalis. Pwede niya akong kausapin habang nandito ka," pigil niya kay Jacen.
"Lia..." si Calton.
"Kung gusto mo kong kausapin, sabihin mo ng nandito si Jacen."
Nagbuntong-hininga si Calton. "I'm sorry for what I did."
"Okay. Iyon lang ba ang sasabihin mo? Kung wala ka ng sasabihin pwede ka ng umalis."
"I'm sorry, I mean it. Ang gago ko lang kasi nagpadaig na naman ako sa galit ko."
Mapait siyang nguniti. "Magiging okay tayo, tapos ano? Kapag nagalit ka na naman tatratuhin mo ulit ako na parang hangin?"
"Lia—"
"Ayokong marinig pa kung ano ang sasabihin mo, Calton."
"Lia, please pakinggan mo muna ako—"
"Tapos ano? Mapapatawad na naman kita, tapos masasaktan ulit ako sa'yo kapag nagalit ka na naman? Ayoko na ng ganu'ng pakiramdam! Tao ang din naman ako nasasaktan!"
Nilagpasan niya ito pero pinigilan siya nito sa braso. At hindi sinasadya na nagawa niya ang itinuro sa kanya ni Jacen. At sumipol si Jacen nang mapabagsak niya si Calton.
Napangiwi siya nang makita niyang mukhang nasaktan si Calton sa pagbagsak. Mabilis niya itong dinaluhan.
"Calton, I'm sorry! Hindi ko sinasadya."
Inalalayan niya itong tumayo. "Where did you learn that?" tanong nito.
"Si Jacen ang nagturo sa'kin," aniya.
"And you learn that in just now?" hindi makapaniwalang tanong ni Calton.
Tumango siya. "Oo."
"That's amazing," puri nito.
Papadala na sana siya sa pambobola nito nang maalala niyang masama pala ang loob niya rito.
Muli niya itong inirapan. "Galit pa rin ako sa'yo."
"Yeah, I deserve that. Kulang pa yun sa sama ng loob na binigay ko sa'yo. I'm sorry, Lia. Please forgive me."
"Ano ganu'n na lang 'yun? Ang sakit sakit kaya ng pinaramdam mo sa'kin." Doon na pumatak ang mga luha niya.
Nilapitan siya nito para yakapin pero iniwasan niya ito at tinulak palayo. Pagkatapos ay tumakbo siya palayo. Ayaw niya muna makausap si Calton, talagang masama pa rin ang loob niya.
HANDA na sana matulog si Lia nang makarinig siya ng ingay mula sa labas ng bintana. Kunot ang noong napabangon siya at umalis sa kama oara silipin kung ano ang ingay na iyon.
Ganu'n na lang ang gulat niya nang makita niya si Jacen na tumutugtog ng gitara ang ama-amahan niyang may hawak na karakas at si Calton naman ay kumakanta.
"Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Binibini ko sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo ako ma'y naguguluhan," kanta ni Calton.
Nasapo niya ang dibdib nang makaramdam ng kilig habang pinapanood si Calton. Hindi niya akalain na haharanahin siya nito para lang makuha nito ang pagpapatawad niya.
"Di ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad
Aah minahal kita agad..." bigay todong kanta nito..
Hindi naman yun masakit sa tainga dahil meron din namang ganda ang boses nito.
Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa tikas ng katawan ni Calton hindi niya ma-imagine na manghaharana ito. Idagdag pa ang kanyang ama at si Jacen na sinuportahan si Calton.
"Sana nama'y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito' y totoo.." pagtatapos nito.
Hindi niya mapigilan ang mapapalakpak.
"Am I forgiven? Sorry, pinapangako kong hindi na iyon mauulit pa."
Marahan siyang tumango. Hindi naman niya talaga kayang magalit ng matagal kay Calton. Isa pa, hindi naman talaga siya galit, sumama lang loob niya at nagtampo lang siya.
"Pwede na ba akong matulog na kasama ka? I miss you, baby."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Sige na umakyat ka na," aniya na hindi ito matiis.
"Yes!" Sumuntok ito sa hangin at patakbong pumasok na sa loob.
"Pa, Jacen, ang galing niyo rin po."
"Salamat, anak." ang papa niya.
"Goodnight po."
"Goodnight, Lia," si Jacen.
Pagsara niya ng bintana eksakto naman ang pagpasok ni Calton sa kwarto. Nang akmang yayakapin siya nito ay iminuwestra niya ang kamay para pigian ito.
"Hoy, Calton, baka naman kaya ka lang humihingi ng tawad kasi gusto mo lang ang katawan ko?"
Mabilis itong umiling. "Yes, I miss your kiss, your touch your p***y, pero maniwala ka sa hindi mas gusto kita. Ang laki ko lang talagang tanga dahil mas nagpadaig ako sa galit ko dahil sa mga nalaman ko sa'yo. I'm sorry, baby. Pinaangako ko hindi na mauulit," anito na nag promise sign pa.
"Paano ako makakasiguro na hindi mo na ulit gagawin 'yon?"
"Kapag ginawa ko ulit 'yon, ako na ang kusang lalayo sa'yo."
Masinsinan niya itong tinitigan. "Sabi mo 'yan ha?"
"Opo, promise di na mauulit talaga."
Nginitian niya ito. "Sige pinapatawad na kita."
"Can I hug you now?"
Tumango siya. "Yakapin mo na ako. Pero walang sex."
"How about kiss?"
"Smack lang," aniya.
"Okay. Walang problema. Hindi naman talaga yan ang habol ko sa'yo. Ikaw ang gusto."
"Hmmm... Baka naman binobolo mo lang ako ha?"
"I'm not," anito na ngumuso.
Natawa na lang siya sa ginawa nito. Ang isang Calton nag me-make face.
Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. "Ang cute mo naman."
"I love you," sabi nito.
"I love you too," sagot naman niya.
Inaya na niya itong mahiga para matulog na. Nakatihaya siya habang ito ay nakatagilid sa kanya at yakap-yakap siya.
"Calton?" tawag niya rito.
Nagmulat ito. "Hmm?"
"Ituloy natin ang plano ha?"
Bumangon ito. "Actually ayokong itukoy mo 'yon. Natatakot ako paano kung hindi kita maligtas? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo."
Bumangon din siya at sinapo ang mukha nito. "May tiwala ako sa'yo, Calton na kukunin mo ako at ililigtas."
Nagtiim ang bagang ni Calton. "No I can't risk your life, Lia. Maari pa tayong makapag-isip ng ibang plano para mapabagsak ang La Kawft. Hindi ako makakapayag na isakripisyo mo ang buhay mo."
Sinapo niya ang mukha nito. "Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para malinis din ng pangalan ninyo ni papa. Hindi matitigil ang gulong 'to hanggat nagtatago lang ako."
Nakita niya ng takot sa mga mata nito. "Natatakot ako. Ayokong mawala ka sa'kin. I can't. Hindi ko na kakayanin kapag pati ikaw mawala pa sa'kin."
"Kung ganu'n gawin mo ang lahat para iligtas ako. Alam kong kaya mo. I trust you."
Kinintalan niya ito ng halik sa mga labi. "Sulitin natin ang natitirang araw, Calton. Gusto kong dalhin ang masasayang ala-alang 'yon kapag nandun na ako. Please, Calton?"
Hindi ito umimik. Tahimik lang ito habang kuyom ang mga kamao.
"Baby?"
Nagbuntong-hininga ito. "I can't—"
"Please? Hayaan mo na akong gawin 'to. Para rin sa atin to."
"Fuck..."
Muki niya itong kinintalan sa mga labi. "Kaya ko to promise."
Muli itong nagbuntong-hininga. "Papayagan kita kapag natutunan mo ang mga bagay na ituturo ko sa'yo. In that way, you can protect yourself while I'm away."
Tipid niya itong nginitian. "Okay. Thank you, Calton."
"Don't thank me, labag to sa loob ko."
"Wag ka nang sumimangot. I love you, baby."
"I love you more, Lia. Sobra kitang mahal."