"PINAGBUBUNTIS pa lang ng asawa kong si Lia si Calton nang maikwentro ko ang grupong La Kawft sa pakistan," pag-uumpisa ng ama niyang si Marco.
Tahimik lang siya sa tabi ni Calton at maimtim na nakikinig. Hinahanda niya ang sarili sa iba pang maririnig.
"Sila ang malaking grupo ng sindikato roon na nagbebenta ng droga at ng mga kababaihan para gawing alila at gawing...alam mo na. Kahit batang babae ay ibinibenta nila para sa mga hayok na kalamnan. Kapag natapos ko ang misyon kong iyon ay iyon na ang magiging huli kong trabaho sa PSIAS. Sa kinasamaang palad napatay ko ang asawa ni Afzal kasama ng pinagbubuntis nito. Hindi ako nagtagumpay sa misyong sugpuin ang grupong iyon at nakatakas sila.
Hanggang sa maipanganak at nagkaisip si Calton at nagpatuloy ang misyon kong tuldukan ang kasamaan ng grupong iyon at asama ko sa misyong iyon si Riza, ang partner ko sa organisasyon. Pero sa kinasamang palad, nakuha siya ng La Kawft at ginawang bihag. Doon tulad ng ibang mga babae, pinahirapan din siya, pero natipuhan siya ng leader ng grupong iyon, si Afzal, ang iyong ama."
Nakita niya ang pagkuyom ng kama ng ama dahil sa galit. "Walang awa na paulit-ulit na ginahasa ni Afzal si Riza hanggang sa mabuntis ito at ang batang iyon ay walang iba kundi ikaw, Julianne. Pagkatapos kang ipanganak ni Riza ay walang awa namab itong pinatay ni Afzal."
Isa-isang pumatak ang mga kuha niya dahil sa mga narinig na kwento. Ang sama ng loob niya dahil sa ginawa ni Afzal sa kanyang ina.
"Natatandaan mo na ba ang mga ginawa sa'yo ng iyong ama?" tanong sa kanya ng ama-amahan.
Narahan siyang tumango. "T-tulad ng iba, pinahirapan at walang awa rin niya ankong sinaktan. Walang araw na hindi niya ipinararanas sa'kin ang paso ng sigarilyo ang hampas ng latigo at ang paglublob sa akin sa drum ng paulit-ulit," kwento niya habang patuloy pa rin na pumapatak ang mga luha niya.
"Sa tuwing... Sa tuwing dinadanas ko ang sakit ay hinihiling ko na sana mamatay na lang ako kasi napapagod na ako. Hanggang sa may isang babaeng humarang ng hampas para sa'kin, siya si Lia. Araw-araw niyang sinasalag ang pananakit sa akin ng sarili kong ama, hanggang sa natuonnang atensyon sa kanya ni Afzal. Kitang-kita ko kung paano niya saktan, pahirapan at paulit-ulit na...g-ginagahasa..."
"That f*****g bastard!" tumayo ang ama niya at malakas na sinuntok ang pader. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang kumawalang oulang likido sa kamao nito.
"I-I'm sorry... I'm sorry... Sorry pa, sorry, Calton," paulit-ulit niyang hinging pagtawad sa nga ito.
"H-hanggang sa may sumabog dahilan para magkaroon ng pagkakataon ang lahat na tumakas. Makakatakas na sana si Miss Lia pero binalikan niya ako para iligtas, pero nahuli siya ni Afzal kaya ako lang ang nakatakas," kwento pa niya.
"S-sorry, sorry! Dahil sa'kin kung bakit namatay si Miss Lia, mas inuna niya akong iligtas. Kung hindi niya sana ako binalikan maililigtas niya sana ang sarili niya."
Nang hahawakan sana niya si Calton ay bigla itong tumayo. "Magpapahangin lang ako sa labas," anito.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makalabas sa library. Nakaramdam ng kirot sa puso si Lia dahil sa ginawa ni Calton. Natatakot siya na baka muli na naman itong magalit sa kanya dahil sa mga ikinuwento niya.
"Pa, sorry po," hinging paumanhin pa niya sa ama-amahan.
Nagbuntong-hininga ito. "Tulad ng palagi kong sinasabi, wala kang kasalanan. Biktima ka rin ng kasamaan ni Afzal."
Muli itong naupo sa harapa niya at hinawakan siya nito sa kamay. "Wala ka dapat na ihingi ng tawad. Kahit ako ang nasa posisyon ni Lia, gagawin ko rin kung ano ang ginawa niya."
"Salamat po, Papa. Pero po si Calton..."
"Hindi galit sa'yo si Calton. Hayaan muna natin siyang mapag-isa."
Tango lang ang isinagot niya.
DUMATING ang hapunan pero hindi nakisabay sa kanila si Calton. Nagkulong lang ito sa kwarto at hindi lumalabas. Gusto man niya itong kausapin pero tulad nga ng sinabi ng ama ay hayaan muna itong mapag-isa.
Lumabas siya sa may Portico para doon magpahangin. Nayakap niya ang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Napatingin siya sa kanyang likod nang may naglagay ng jacket sa balikat niya.
"Masyadong nalamig dito," sabi ng ama-amahan.
"Gusto ko lang hong magpahangin."
"Pagpasensyahan mo na si Calton, masyado lang niyang mahal ang kanyang inang si Lia. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ko naprotekhan ang kanyang ina. Walang ibang dapat na sisihin dito kundi ako."
Itinuon niya ang mga mata sa madilim na paligid. "Kung pwede ko lang maibalik ang araw na iyon ginawa ko na. Hindi ko hahayaan na isakripisyo ni Miss Lia ang sarili niya para sa'kin."
"Lia, hija, kahit ilang beses na maulit ang araw na iyon, alam kong paulit-ulit lang din na gagawin ni Lia ang ginawa niyang pagligtas sa'yo. Everything happens for a reason. Masakit man para sa akin ang nangyari sa asawa ko proud pa rin ako sa kanya dahil alam kong ginawa lang niya ang tama."
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo?"
Sabay silang napalingon ng ama niya sa kanilang likuran. Napangiti siya nang makita niyang nandoon si Jacen nakatayo sa may pintuan.
"Jacen!" patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito.
"Kumusta ang pananatili niyo rito?" tanong nito sa kanya nang lumayo siya rito.
"Ayos naman. Salamat sa pagpapatuloy mo sa amin dito, Jacen."
"Mukhang nilinis mo ang bahay," anito na nilibot ng tingin ang kabahayan.
"Makabawas man lang ako sa pagtulong mo sa amin."
Ginulo nito ang buhok niya. "Wala kang dapat na gawin, Lia. Ginusto ko ito at walang nag-utos."
"Salamat pa rin."
"Welcome. Teka, nasaan si Calton?"
"Hayaan muna natin siyang magpahinga," aniya ba ikinatango lang nito.
PUNGAS-PUNGAS nang nagising si Lia kinaumagahan. Agad siyang bumangon para maligo. Dahil sa ayaw niyang iistorbohin si Calton sa isang kwarto ay sa dulong kwarto siya natulog.
Pagkatapos niyang magbihis ay agad na siyang lumabas sa kwarto para sana maghanda ng umagahan nila.
Nasa bungad na siya ng hagdanan nang mapahinto siya dahil narinig niya ang pag-uusap ng tatlo sa sala.
"What? Hindi ba masyadong delikado?" Narinig niyang sabi ng ama-amahan.
"Ito lang ang tanging paraan para mahuli natin ang La Kawft at ng tanging paraan para hindi na gustohin pang patayin ng organisasyon si Lia," narinig naman niyang sagot ni Jacen.
"Sino ang magpapanggap na Julianne na ihaharap natin kay Afzal?" ang ama-amahan ulit niya.
"Ang balak namin ni Calton, kukuha kami ng babaeng willing magpabayad para sa misyong ito. We cannot sacrifice Julianne's life."
Nakuyom niya ang kamao. Ayaw na niyang may madamay pa na ibang tao para lang sa kaligtasan niya. Sawa na siyang palagi na lang nililigtas at ayaw na niyang may mawala ulit ng dahil sa kanya.
Bumaba siya at hinarap ang tatlo. "Ako ang gagawa," aniya na ikinalingon ng tatlo sa kanya.
Nang tingnan niya si Calton agad nitong iniwas ang mga mata sa kanya. Nasasaktan siya sa ginagawa nitong pakitungo sa kanya. Kung galit ito sa kanya sana sabihin na lang nito kaysa iniiwasan o hindi siya nito kinikibo. Mabuti na rin na siya na ang gamitin ng mga ito para sa pinaplanong misyon ng mga ito.
Napatayo si Jacen sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. "No. Masyadong delikado. We can't risk your life—"
"Ang ang buhay ng iba ang gusto ninyong isakripisyo?"
"No. Lia, minsan mo ng naranasan na maghirap sa kamay ng ama mo—" ang ama-amahan niya.
"Handa ko ulit iyong maranasan para lang matapos na ang lahat ng ito. Ako lang naman ang gusto nila ganu'n din ng PSIAS, bakit hindi ko ibigay?"
"Hindi ako papayag, Hija!"
"Sawa na rin po akong taguan ang takot ko. Ayoko na rin hong may mag sakripisyo pa ulit para lang sa kaligtasan ko. Please, pa, Jacen, Calton, hayaan ninyo ako sa gusto ko."
Tumingin ang dalawang lalaki kay Calton na kanina pa na nanahimik.
"Calton, sabihin mong hindi ka papayag," ang ama-amahan niya.
Nagbuntong-hininga si Calton. "Let her do what she want," sabi nito.
Parang may pumiga sa puso niya nang makitang wala ng pakialam pa sa kanya si Calton. Ginusto niya ito pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng sakit.
"Calton!" Galit na kinuwelyuhan ni Jacen ang binata. "Nahihibang ka na ba?! Akala ko ba gusto mong protektahan si Lia? Ano na ang nangyari sa'yo?!"
"Huwag kang magalit sa kanya, Jacen. Bukas sa loob ko ang gagawin ko," aniya.
"No. Hindi ka sasabak sa delikadong misyon na 'yon," sabi ng ama-amahan niya.
"Pa, hayaan niyo na ho ako. Hindi ho ako mapapanatag kapag may namatay na naman ng dahil sa akin. Ayoko ng mangyari pa 'yun."
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
"Opo, Pa."
Galit na pinakawalan ni Jacen si Calton.
"Sabihin niyo sa'kin ang plano," sabi niya.
Nagbuntong-hininga si Jacen. "Hindi ito magiging madali, Lia. Pinangungunahan na kita."
"Handa ako sa pwedeng mangyari," buo ang loob na sabi niya.